TW: Self-harm
Cried.
I'm was that kid no one wanted to associate themselves with.
Bata pa lang ako, lagi na ko mag isa. Laging umiiwas sa mga tao at walang naging kaibigan. Hindi ko naman ginusto maging gano'n, sinubukan kong makipagkaibigan noon bata pa ko kaya lang nakaranas na agad ako ng pambubully at kapag may nagiging kaibigan o kalaro ako bigla na lang nila ako iiwasan dahil sa mga nambubully sa'kin.
Kung minsan naman kapag tinatanong nila ako kung bakit wala akong magulang, hindi ko sila masagot kaya ako na lang yung kusang lumalayo kasi ayoko pag usapan ang tungkol sa pamilya ko.
Pero sa totoo lang, nag iinggit lang talaga ako sa kanila kasi sila buo ang pamilya, hindi man kumpleto pero at least may isang magulang na nag aalaga at gumagabay sa kanila.
Tumingin ako sa wristwatch ko, fifteen minutes pa bago magstart ang klase. Napabuntong hininga ako, so fifteen minutes pa ko maghihintay dito sa loob ng cubicle ng comfort room. Pangalawang beses ko na ito ginagawa. Mas gusto kong magpalipas oras dito kaysa sa classroom na maingay. Tapos mangungulit pa si Caden at alam kong gusto ako lapitan ni Shannon para kausapin kaso nga lang mukhang nahihiya siya gawin iyon.
After what happened in the cafeteria, Shannon and I didn't talk anymore. Umiiwas ako sa kanya dahil baka magtanong lang siya tungkol doon. Gusto ko na kalimutan ang nangyari at h'wag na pag usapan pa.
I was busy snapping this rubber band on my wrist, it helps me deflect the urge to do it and it's quite addicting when I heard someone enter the cubicle before me.
Maya maya pa ay narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto ng cr. "Alam kong nandito ka, Maddison! Lumabas ka! H'wag kang magtago." sigaw ng isang babae.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng cubicle na nasa tabi ko. Rinig ko ang mapang insultong tawa ng mga babae. Hindi ko alam kung ilan silang nandoon.
"Ano bang problema niyo sa'kin, Natalie?" tanong ng isang babae na sa tingin ko ay Maddison ang pangalan.
"Ikaw mismo! You are such a liar, Maddison! Ang sabi mo sa'kin wala kang gusto kay Levi pero ano yung nakita ko kahapon sa library ah? Nakikipaglandian ka sa kanya!" galit ng wika ng isang babae. Ang lakas ng boses niya akala niya siguro sila lang ang tao rito.
"Totoo 'yon. Wala talaga akong gusto sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla siya lumapit sa akin. I swear to you, Natalie hindi ko siya nilalandi." her voice sounds like she's about to cry.
Wala naman akong balak makinig sa usapan nila. Sadyang hindi ko pa gustong lumabas sa kung nasaan ako.
"So pinapalabas mo bang siya pa ang lumalapit sa'yo? Wow. You're not that pretty para magustuhan ka ni Levi!" kasunod no'n ang nakakainsultong tawa ng mga babae.
Tumingin ulit ako sa relo ko, five minutes na lang. Tumayo ako at inayos ang ilang gusot sa uniform ko.
"Remember this Maddison, you're noth–"
Marahas kong tinulak ang pinto ng cubicle. Gulat na napatingin sa akin ang apat na babae. Mukhang hindi nila inaasahan na may ibang tao maliban sa kanila. At mukhang sakto ang ginawa kong iyon dahil pansin ko ang mga kamay ng isang babae na nakahawak sa blazer ng isang estudyante habang kinocorner ito sa pader. Tsk.
Casual akong naglakad papunta sa sink at naghugas ng kamay. Ramdam ko ang pagsunod ng mga mata nila sa akin pero nanatili lang blanko ang mukha ko.
"Ang ingay mo. Alam mo bang may natutulog dito." walang emosyon wika ko doon sa babae na sa tingin ko ay si Natalie.
"Ano naman pakialam namin kung maingayan ka? Sino ka ba?" tanong naman ng isang babae.
Tumingin ako dito at ngumisi, "Sinabi ko bang ako?" taas kilay na balik tanong ko. Napakunot noo sila. "What? Hindi niyo ba sila nararamdaman o nakikita? Nasa tabi tabi lang sila." inosenteng sabi ko.
"W-what are you talking about?" rinig ko ang takot sa boses ni Natalie. Pansin kong nabitawan na niya iyong blazer ni Maddison.
I secretly smirk.
"I'm talking about the girl na nakasuot lagi ng puti at isang bata na laging umiiyak. Hindi niyo ba sila nakikita dito? Galit na galit sila ngayon kasi ang ingay niyo." I said blankly.
Gusto kong matawa sa naging reaksyon nila sa sinabi ko. Mabilis silang lumabas ng cr na bakas sa mukha ang takot. Mga duwag.
Pero naiwan yung babaeng pinagtutulungan nila. Halatang natakot din siya sa sinabi ko pero mukhang hindi siya nagpadala doon. Nakatingin lang siya sa akin na parang binabasa ako.
Hindi ko alam kung bakit nasabi nung Natalie na hindi gaano kagandahan itong si Maddison dahil maganda siya. Ang angelic ng mukha niya. She's so pretty. Obvious na insecure lang sa kanya iyon. Tsk.
Narinig ko ang bell hudyat ng simula ng klase kaya nagmadali akong nagtungo na sa classroom. Pansin ko ang pagsunod ni Maddison, of course, same section lang naman kami.
"Bakit ayaw mo kong pansinin? Gusto ko lang naman makipagkaibigan."
Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko nang sumabay sa paglakad ko si Caden. Binalewala ko ang tanong niya at hindi siya pinansin hanggang sa makarating ako sa locker area.
Seriously? Kailan ba niya marerealize na wala siyang mapapala sa akin?
"Kairi."
Inilagay ko ang ilan gamit ko sa locker. Nakatayo lang si Caden sa tabi, hinihintay ako kausapin siya. Nang matapos ako ay nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, still ignoring him. Vacant period namin ngayon kaya naisip kong magpunta ng library.
"Are you always like this? Ignoring people or is it just me?" napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Yup. This is me. I intend to ignore people so don't take it personal." I said with no emotion. "And I don't wanna be associate with anyone. So please, Caden, leave me alone." tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakakailan habang pa lang ako nang may humawak sa braso ko, "Wait, did you just call me Caden?" halos hindi makapaniwalang tanong niya.
Napakunot noo ako, "Oo. Iyon ang pangalan mo diba?" pati ako naguguluhan sa kanya. Mukha siyang masaya na hindi maipaliwanag ang itsura. What's wrong with this guy?
"Can you say it again?" he looks so excited. I don't know why.
"Ang alin?"
"My name. Say it again, please." bakit pinapaulit pa niya? Ano bang mali sa pagkakabigkas ko?
"Caden." ulit ko baka sakaling tigilan niya na ako. Pero mas naguluhan ako sa naging reaksyon niya.
He bite his lower lip, trying to suppress a smile while rubbing the back of his neck. He looks so cute but he's weird.
"May mali ba sa pagkakabigkas ko?"
He waved his hand, "No, no. Its not like that.. its just that ngayon mo lang binanggit ang pangalan ko." Caden said while smiling.
Well, he's right. Ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya. Hindi ko naman kasi siya kinakausap ng matagal kaya hindi ko nababanggit iyon pero hindi ko alam kung ano big deal doon.
"So? May proble–"
He cut me off, "N-nothing. I just... I just love the way you said my name." then he bite his lips again, while staring at me.
The he-ll is wrong with this guy? May saltik ba 'to?
Napasimangot ako sa naging sagot niya. Akala ko naman kung ano, babanat lang pala. Hays. Hindi na ko sumagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Alam kong nakasunod siya sa akin.
"Sa Library ba punta mo? Sabay na tayo." hindi na ko sumagot at hinayaan na lang siya.
Tanaw ko na ang library nang mapahinto ako. Nakuha ang atensyon ko ng apat na babaeng estudyante, tatlo sa kanila ay kilala ko. Pansin kong may kakaiba kaya lumapit ako sa kanila.
"Akala ko sa lib ang punta mo?" tanong ni Caden nang mapansin niya sa ibang direksyon ako patungo.
"Wala naman akong sinabi."
"Then, where are you going?"
Hindi ko na sinagot si Caden at nagpatuloy lang sa paglalakad papunta sa kinaroroonan ng apat na babae.
"Alam mo ba kung gaano kamahal tong shoes ko?!" rinig kong galit na wika ni Reina nang makalapit ako sa kanila. Siya yung short hair na nakaaway ko nung first day. Kasama niya ang kaibigan nito na nakaaway ko rin, si Lizzie at si Charlene.
Hindi nila napansin ang paglapit ko. Mukhang may kaaway na naman sila. What's happening?
"Sorry po. Hindi ko talaga sinasadya matapon yung milk tea sa inyo." Nakayukong sabi nung babaeng sinigawan ni Reina. The girl looks younger than them, wearing a big glasses. Feeling ko mas mababa ang grade level nito kumpara sa tatlong babae.
"Sorry? Ano'ng magagawa ng sorry mo kung madumi na ang shoes ko?! Kakabili lang nito ng Dad ko and it's limited edition!" sabay tulak sa balikat ng babae gamit ang point finger nito.
Ayoko sana sila panuorin dahil hindi ko kaya makakita ng binubully at kinakawawang estudyante kaya lang hindi ko naman pwede balewalain na lang ang nangyayari at magpanggap na walang nakita.
"Loser na nga, clumsy pa." Mataray na sabi ni Charlene. Napatingin ako kay Lizzie, tahimik lang siya sa nanunuod sa mga kaibigan niya. Kita ko ang awa sa mukha niya habang nakatingin sa batang estudyante.
Err? Kung naawa ka bakit ayaw mong pigilan ang mga kaibigan mo, Lizzie?
"Sorry po talaga. Ako na lang po ang maglilinis ng sapatos mo." Halos maiyak na sabi ng babaeng nakasalamin.
"No way! Baka masira pa lalo ang sapatos ko. Just take off your blazer and wipe my shoes."
Nanlaki ang mata ng batang estudyante, "G-gusto niyo pong ipamunas ang blazer ko sa sapatos niyo?" the girl said stuttering.
Tumawa si Reina, "Matalino ka naman pala, freshy. So kneel down and wipe my shoes like a servant."
The girl started crying while removing her blazer, it looks like she had no choice but do it dahil alam niya na wala siyang laban sa mga ito. Ang ilan students na nasa paligid ay tahimik lang na nanunuod.
Sh*t.
Hindi ko na talaga kaya panuorin ito. Sobra naman yata pagpapahiya iyon dahil lang sa sapatos? Jeez!
Walang pag aalinlangan akong pumagitna sa kanila. Hinawakan ko ang braso ng umiiyak na estudyante para mailayo sa tatlo. Seryoso ko silang tinignan. Halatang nagulat sila sa pagdating ko.
"What the heck! Mind your own business, Monterio!" Reina looks so pissed.
"Nagsorry na siya sa'yo. Hindi ba pwedeng patawarin mo na lang siya? Hindi niya rin naman sinasadya ang nangyari e." I'm trying to talk to her in a calm manner.
Reina scoffed, "I don't care kung hindi niya sinasadya. She have to pay the damage she caused kaya pwede bang h'wag kang mangialam."
"Yeah right. Stop playing like an hero." Charlene commented while raising her brow at me.
Me? Playing like an hero? Hindi nga pumasok sa isip ko ang bagay na iyon. Mukhang hindi sila makakausap ng maayos.
"Kung hindi mo matanggap ang sorry niya, hindi na niya kasalanan iyon." tumingin ako sa batang estudyante at pinaalis na ito. Agad naman siya sumunod kahit na rinig ko ang pagprotesta ni Reina sa ginawa ko. Binalik ko ang tingin sa kanila, "Just because you're rich and wealthy doesn't give you the right to step on someone. Pwede niyo naman singilin sa ibang paraan, hindi yung papahiyain niyo in public at magpapagawa ng mga bagay na hindi naman makatarungan."
I hate it when some rich people think they can buy you or treat you bad just because you're poor and not on the same level with them. Hindi porket nakakaangat ka sa buhay kumpara sa iba ibig sabihin no'n ay pwede mo na silang tratuhin ng hindi maganda o iparamdam sa kanila na walang silang laban dahil mahirap lang sila. Lahat ng tao ay may karapatan irespeto anuman ang estado nito sa buhay.
Anuman ang uri ng isang tao— katayuan sa lipunan, lahi, kasarian, relihiyon o kulay nito, lahat pantay-pantay lang.
Walang nakapagsalita sa kanila sa naging pahayag ko kaya naman nagpasya na akong umalis. Nakita ko pa si Caden na nakatayo di kalayuan sa amin. Seryoso lang siya nakatingin sa akin hanggang sa malagpasan ko siya. Mabuti na lang ay hindi na niya ako sinundan.
My skin on my wrist are now turning red, it stings a bit but I can't stop myself from snapping this rubber band. I need to do this to relieve my stress. Its the only way I know. Its a bad habit but it helps me.
Napahinto ako sa ginagawa nang may kumatok sa pintuan ng cubicle kung nasaan ako. Alam kong may nakatayo sa labas at mukhang gagamit nito.
Yeah, I'm here again. Bagong hangouts ko na to, its not a good place but at least hindi na ko masusundan ni Caden.
Hindi ako sumagot, sigurado naman akong may magagamit pa siya iba diyan.
"I know you're in there, Kairi." I hear someone say. Its a familiar voice but I remained silent. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, "O-okay. If you don't wanna talk... I just want to say thank you from what you did yesterday." napakunot noo ako sa sinabi ng babae.
Sino ba ito?
Tumayo ako at binuksan ang pinto, bumungad sa akin si Maddison na nakangiti ng tipid, "I don't know what you're talking about." malamig na sabi ko dito.
"Tinulungan mo ko kahapon dito sa CR. Impossible naman nakalimutan mo agad iyon."
Napatango tango ako, "Ah iyon ba. I remember that. Natulungan pala kita? Hindi ko alam. Ginawa ko lang kasi iyon kasi naingayan ako doon sa babae." I said, acting clueless.
Napakunot noo si Maddison na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko pero pinilit pa rin niya ngumiti, "Gano'n ba. But still, thank you Kairi. Para sa'kin tulong yung ginawa mo." then she gave me a genuine smile.
I feel a little bit of guilt I don't know why. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang sinabi ko kahit na alam ko sa sarili ko na kaya ko ginawa iyon ay para tulungan siya. Siguro ayoko lang isipin niya na may pakialam ako.
Dahil sinusubukan kong h'wag magkaroon ng pakialam sa kahit na sino. Ayoko maulit iyong dating nangyari sa akin. Nangialam ako sa iba kaya nadamay ako sa gulo nila.
"I'm Maddison Sevilla. We're classmates if you don't know." nakangiting pakilala niya.
"Yeah. I know."
Nagpunta ako sa sink para hugasan ang kamay ko, after no'n ay agad din ako lumabas ng banyo para magtungo na sa classroom.
"Papunta ka na sa room? Sabay na tayo." wika ni Maddison nang makasabay siya sa'kin sa paglakad.
Huminto ako para harapin siya, "Mauna ka na. Hindi tayo close para magsabay." malamig na sagot ko. Saglit pa siya natulala dahil sa sinabi ko bago tumango-tango at nauna na maglakad.
Mabuti naman.
Malinaw sa'kin ang goal ko dito sa Themis at iyon ay makapagtapos ng senior high. Wala akong plano makipagkaibigan o mapalapit sa kahit kanino. Mas prefer ko ang mag isa. I'm doing this to protect my peace.
Tapos na ang klase ko ngayon miyerkules, pauwi na ko sa dorm. Plano kung lumabas ng Campus ngayon para bumili ng ilang school supplies kaya dumiretso na ako sa parking area ng Themis Residence Halls dahil nakapark doon ang bike ko. Gagamitin ko 'yon para hindi na ko magcommute. Hindi rin naman kalayuan ang bookstore dito.
Halos manlumo ako sa nadatnan itsura ng bisekleta ko. Nakatanggal ang chain nito, bali ang handles, butas ang upuan at ang mga gulong ay puno ng hiwa na alam mong sinadyang sirain.
Sino ang gagawin nito sa bike ko?
Napaluhod na lang ako sa tabi nito at naiyak dahil alam kong hindi na ito magagamit pa at hindi na maaayos. Sira na ang bike ko. Ang bike na binigay sa'kin ni Cy. Madami pa naman akong memories dito kasama siya kaya mahalaga sa'kin ang bagay na ito.
This bike reminds me of him.
Patuloy lang sa pagbuhos ang luha ko. Wala akong pakialam kung ano na itsura ko ngayon. Ang pag iyak na lang ang magagawa ko dahil alam ko naman na impossible na maibalik sa dati ang itsura nito.
"Iiyak ka na lang ba d'yan?"
Napahinto ako sa pag hikbi nang may nagsalita. Agad hinanap ng mata ko kung kanino boses iyon.
"B-bastian..."
He's seriously standing there, not far away from me. I wiped my tears on my cheeks and managed to stand on the ground.
Hindi ko napansin ang pagdating niya. Kanina pa kaya siya nandito?, "Uh. Kanina ka pa ba dyan?" well, I hope not because I don't want anyone see me breaking down.
Lumapit siya ng kaunti, "Is that yours? What happened to your bike?" hindi niya pinansin ang tanong ko, nakatingin lang siya sa bisekletang sira.
"O-oo, hindi ko alam kung ano'ng nangyari... Pagdating ko ganyan na yan." agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Tumingin ako sa kamay kong kanina pa pala nanginginig.
Stop crying, Kairi!
"I think I know." Napatingin ako kay Bastian. May kinuha ito sa bulsa ng kanyang pants. It was his phone, I guess. Lumapit siya sa akin at iniabot ang cell phone. Nagtataka man ay kinuha ko pa rin iyon.
May video na nakapause sa screen. Pinindot ko ang play bottom. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang pinapanuod ang video. May dalawang lalaki na nakasuot ng hoodie ang walang pag aalinlangan sinisira ang bisekleta ko na parang gusto talaga nila itong sirain. Hindi makita sa video footage ang mga mukha nila dahil halatang ayaw nila makilala sila.
So tama ako na sinadya iyon sirain. Pero bakit? Sino sila?
Nasasaktan ako pero mas nangingibabaw ang galit sa puso ko sa napanuod ko.
"Kilala mo ba sila?" tanong ni Bastian. Umiling ako. Ibinalik ko sa kanya ang phone. "May kaaway ka ba? O kilalang may galit sa'yo?" napaisip ako sa mga sumunod niyang tanong.
Tumingin ako kay Bastian na pinapanuod ang reaksyon ko. Parang alam na niya ang mga susunod kong gagawin.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" I don't want to conclude anything. Kailangan ko muna makasiguro.
"Nothing. But the video itself says that it was intentional."
Biglang may pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya. Agad akong naglakad pabalik sa dorm. Hindi na ko nag abala magpaalam pa sa lalaking iyon.
Mayroon akong kilalang may galit sa akin. Alam kong sila lang gagawa nito. Sila lang naman ang alam kong inis sa akin e. Marahil ay nag utos sila ng gagawa pero sila talaga ang may pakana sa pagsira ng bike ko.
Hindi ko 'to palalampasin!