Chapter 7

4443 Words
Trouble. Mabilis ang aking paglakad. Kinatok ko kaagad ang pinto ni Shannon, "Ano'ng room number ni Reina?" agad kong tanong sa kanya nang buksan niya ito. Medyo nagtaka pa siya sa tanong ko pero sinagot din naman niya. Umalis agad akong nang sabihin ni Shannon ang room ni Reina. Yeah, si Reina at ang mga kaibigan niya lang ang naisip kong gaganti sa akin. Sila lang naman ang nakaaway ko dito at malakas din ang kutob ko na sila iyon dahil dito rin sa Auxo Hall tumitira si Reina. Mabilis ang paghinga ko habang nagmamadali makarating sa lugar. Marahas ang naging pagkatok ko sa pintuan. Bumukas agad iyon. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Reina nang makita ako. May kasama siya isa pang babae na marahil ay roommate niya. "What are you doing here?" tanong niya agad nang bigla akong pumasok sa room nila ng walang pahintulot. Alam ko trespassing ito pero wala na akong pakialam. Galit ako! "Bakit mo ginawa iyon ha?! Bakit kailangan mo pang idamay ang bike ko? Ako na lang sana mismo ang ginantihan mo. Hindi mo na dapat sinira ang bike ko!" Wala na kong pakialam sa paligid ko. Hindi ako papayag na hindi lalaban sa kanila. "What?!... I don't know what you're talking about, Kairi!" litong sabi ng babae. I fake a laugh, "Itatanggi mo pa? May dalawang lalaking sumira sa bike ko. Hindi ko sila kilala pero alam ko na kayo ng mga kaibigan mo ang nag utos sa kanila para sirain iyon!" the room was filled with my angry voice. Alam kong kita sa mga mata ko ang galit dahil bakas sa mukha ni Reina ang kaba. Wala akong pakialam doon. "Wala akong alam sa sinasabi mo kaya h'wag mo kong pagbintangan!" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso, nagulat siya sa ginawa kong iyon, "Ano bang kasalanan ko sa inyo ha? Bakit niyo pa kailangang idamay ang bike ko?! Malaki ba talaga ang galit niyo sakin para sirain ang gamit ko? Matatanggap ko kung ibang gamit ko na lang sana e h'wag lang yung bike. Sobrang mahalaga sa'kin yun!" "Hindi nga ako ang sumira sa bike mo!" Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa mga braso niya. She flinched because of that. I looked at her with rage. "And you think I'll believe you? I'm not stupid to believe in your lie, Reina! I swear I won't let you and your friends get away with this." "B-bitawan mo ko...you're hurting me." she looks so scared but I don't care. Dapat lang na matakot siya sa'kin dahil sa ginawa nila. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi ako basta-basta magpapaapi sa kanila. "That's enough." I feel someone's hand on my wrist. Nabaling ang tingin ko sa may ari ng kamay na iyon. Napakunot noo ako. Bakit siya nandito? His eyes were on me, looking at me with full of seriousness. Bakas din ang galit sa mukha niya. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito dito? Bago pa ako makapagreact ay agad na niya akong hinila palabas ng silid. Nakita ko pa si Shannon at si Bastian sa tapat ng kwarto na nakatingin pala sa amin. Maging ang ilang estudyante rin na nasa labas ng pinto. Hindi ko alam na gumawa pala ako ng eksena roon. Halos kaladkarin na niya ako sa hallway dahil sa bilis ng paglalakad niya. Napatingin pa sa amin ang ilang estudyante na nadaanan namin pero mukhang walang pakialam ang lalaking ito. Napunta ang mata ko sa kamay niya nakahawak sa wrist ko. "Bitawan mo nga ako!" medyo nakakalayo na kami nang makapagprotesta ako. Huminto kami sa paglalakad. Humarap siya sa akin na seryoso at may halong galit ang mukha. "Ang sabi ko bitawan mo ko." I said firmly because he's still holding my wrist. "Then what? Babalik ka doon para manakit ng kapwa estudyante?" his voice was low but I sensed how he control his anger. "Wala naman akong ba–" napahinto ako sa sasabihin ko nang marealize ko na maaari nga mangyari ang bagay na iyon. Pwede kong masaktan si Reina pag nagpatuloy ako magpadala sa galit ko. But hell! Sinira nila ang bike ko! "Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila pag sira sa bike ko!" marahas kong binawi ang kamay sa pagkakahawak niya. "Your impulsiveness will only get you in trouble. You should think first before you act." Really? Is that what you did when you accused me of being a thief? Gusto ko sana sabihin iyon kaso mas pinili kong h'wag na lang dahil nakamove on na ko sa issue at tapos na iyon. "Ano bang pakialam mo, Mattheo Elliot Henson?" I retorted, emphasising his name. Bakit ba siya nandito? Dorm 'to ng mga babae ah. Bakit alam niya ang ginawa kong pagsugod kay Reina? Ang bilis naman yata makapagsumbong ng mga estudyante dito. Naiinis ako sa ginagawa niya. Bakit ba siya nangingialam? I was caught off guard when he suddenly leaned towards me, "Ano'ng pakialam ko? wala but as the President of the Supreme Student Government, it's my responsibility to maintain peace and order among the students. We don't tolerate that kind of behavior and besides, do you have enough evidence to accused someone? What's your proof? Are you really sure that she's the one who did it?" he raised a brow at me. Kahit nasa ganitong sitwasyon na ko hindi ko pa rin maiwasan puriin ang kagwapuhan ng lalaking ito. Dang it! Pero hindi ako magpapadala doon. "Nakakatawa isipin na sa'yo pa nanggaling 'yan pagkatapos mo kong pagbintangan magnanakaw. Exempted ba kapag SSG President o kailangan may position din ako?" matapang na wika ko. Wala naman talaga akong balak ungkatin pa iyon kaya lang naiinis talaga ako sa kanya. I was kinda surprised when he didn't react or even change his serious expression as if he was already expecting me to say something like that. He leaned closer to me, with his tall 6'3 stature, he easily towered over me. His cold gaze was piercing. I suddenly feel nervous with him being this close to me. My heart starting to beat fast than usual. I don't know why. "For the record, I've never accused you of being a thief. My action that time was reasonable. Of course, ikaw ang tatanungin ko dahil ikaw ang huling tao nakita ko sa lugar na 'yon bago ko nalaman nawawala ang gamit ko. So whether it's you or not, my action will be the same. Don't take it personal, Miss Monterio." he explained, looking straight to my eyes. Okay. I get his point. His reaction was valid. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya gano'n din siguro ang magiging reaksyon ko lalo na kung mahalagang bagay ang nawawala. Katulad ngayon. "Same goes for me. Sila Reina lang ang alam kong gagawa no'n sa bike ko. Sila lang naman ang may galit sakin e kaya sigurado akong sila ang may kasalanan kaya hindi ko mapapalagpas ang ginawa nila!" "You should file a formal report against them. Then, the SSG will conduct an investigation regarding the issue for fair judgement. We have a procedural due process here. Sa ginawa mo kanina pwede rin siya magfile ng complaint against you for violating her rights as student and physical threat. Maaring ikaw pa ang maparusahan dahil doon." Shit. Hindi ko naisip ang mga bagay na iyon. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko kaya ito ang nangyari. This guy was right. I'm not thinking straight that time I was so overwhelmed by my anger. I really don't mean to hurt her. That is not me. I just can't accept what happened to my bike. I don't know what to say. I lowered my head. My eyes started to get teary as I stared at my shoes. My hands and shoulders were trembling. I feel bad. So f*****g bad. It was a moment of silence between us, not minding how close we were to each other. It's kinda weird that he didn't even move an inch away from me. He just standing and letting me cry but I'm thankful for that 'cause at least, no one can see me tearing down again. But we're in the middle of the hallway for pete' s sake! I bit my lower lip as I sniffles. I heard Theo sighed. Hindi ko alam kung ano'ng reaksyon niya dahil nakayuko pa rin ako. Hindi alam kung paano siya haharapin. Nahihiya ako sa ginawa ko. "You can cry all you want but not here, not infront of me to be specific because I'm not the type of person who's gonna comfort you or say nice things to make you feel better. Don't expect anything from me." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Siguro ay dahil wala naman talaga akong inaasahan na kahit ano mula sa kanya. Hindi ko rin iniisip na ikocomfort niya ako. Sa totoo lang, hindi na ko nasopresa sa sinabi ng lalaking ito. Mukhang hindi naman talaga niya gawain iyon e. Pinahid ko ang ilang luha nasa pisngi ko. Sa wakas ay nagdesisyon akong tignan siya. Nakatingin siya sa akin na parang naghihintay na matapos ako sa pag iyak pero hindi ko mabasa ang mga emosyon sa mga mata niya. Basta ang alam ko lang na nakakalunod ang mapupungay na mga mata niya. "I know." I said. "Good. Now go to your dorm and let me handle the situation, okay?" Wala na kong nagawa at napatango na lang sa sinabi niya. Finally, humakbang siya palayo sa akin at tumingin sa gilid. Sinundan ko iyon ng tingin, nakita ko doon si Bastian at Shannon na hindi ko na malayan nanunuod pala sa amin sa di kalayuan. Walang sabi naglakad palayo sa akin si Theo at nagpunta kay Bastian. Nag usap sila saglit bago sabay na maglakad palayo. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan na sila mawala sa paningin ko. Nagsimula na ko maglakad papunta sa ibang direksyon bago pa makalapit si Shannon sa akin. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero binalewala ko lang iyon. Pagdating sa dorm ay agad akong dumiretso sa kama at ibinagsak ang katawan ko sa higaan. Maya maya pa ay nagsiunahan na lumabas ang mga luhang pinigilan kong tumulo. Nasasaktan ako at naiinis. Nasasaktan ako dahil sa nangyari sa bike na niregalo sa akin ni Cyrus. Isa iyon sa mga iniingatan kong gamit. Naiinis ako sa sarili ko dahil nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko. Hinayaan ko na magpadala ako sa galit na nararamdaman ko at hindi naisip na may nasasaktan na ako. Pakiramdam ko napakasama kong tao. Hindi talaga maganda unahin ang galit o sama ng loob dahil pwede makagawa ng mga bagay na pagsisisihan sa huli. I closed my eyes and suddenly, unexpectedly his face appeared on my mind. His intense gaze, those breathtaking cosmic hazel eyes. Ipinagpapasalamat ko ang pagdating niya sa mga oras na iyon dahil napigilan niya ko tuluyan masaktan si Reina. That arrogant je-rk. "Siya yung girl na nang away ng isang student. Grabe bigla na lang daw siya sumugod do'n sa room." "Really? That's scary. What a warfreak." Nagpanggap akong hindi narinig ang dalawang babae estudyanteng nag uusap sa hallway. Hindi ko alam kung intensyon nila marinig ko iyon o hindi dahil sakto ang pagdaan ko sa kanila nang sabihin iyon. Mukhang kumalat agad sa Campus ang ginawa ko kahapon. Wala akong karapatan magalit kung pag usapan nila ako o husgahan dahil aminado akong mali ang ginawa ko. It's the consequence of my wrong action. I'm on my way to my first subject nang makasalubong ko si Shannon. She smiled when she saw me. I remained my blank expression dahil hindi ko kaya ibalik ang ngiting iyon. Wala rin ako sa mood ngumiti. "I've heard what happened. Sorry sa nangyari sa bike mo." Bungad niya nang makalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niya. Hindi ako sanay na may ibang tao nagbibigay ng concern sakin o sadyang hindi ko lang sila pinapansin dahil mas pinipili kong mapag isa. "Okay ka lang ba?" "Okay lang ako." I tried to give her a small smile. "Pinapasabi pala sakin ni Pres. na may meeting mamayang three pm sa SSG Office about sa nangyari." napatango tango lang ako sa sinabi niya. Alam kong si Mattheo Henson ang tinutukoy niyang Pres kaya hindi na ko nagtanong. "If you need someone to talk to, I'm just here, Kairi." dagdag pa ng dalaga at ginawaran ako ng isang sinserong ngiti. "Thank you." Simula nang pumasok ako dito sa Themis, walang ibang pinakita sakin si Shannon kundi kabutihan. Siya yung lagi unang lumalapit sakin para kausapin ako at gusto niya kong maging kaibigan. Mabait siya sa lahat at nakikita kong kasundo niya halos lahat ng ka year level namin. Hindi ko alam kung dahil sa pagiging Representative niya ba o sadyang mabait talaga siya. Minsan naiinis na ko sa sarili ko sa pagbabalewala ko sa kanya pero ayoko talaga mapalapit kahit kanino. I'm comfortable being alone. Nagsabay na kami sa pagpunta sa classroom. Ramdam ko ang mga mapanuring tingin ng mga kaklase ko nang makarating kami sa silid. Tahimik akong naupo sa upuan ko na parang wala lang sakin iyon. Sa totoo lang, wala talaga akong pake. Pasimple akong napatingin sa katabi kong upuan na bakante pa. Hmmm. Late siguro ang lalaking iyon. Mabilis ang t***k ng puso ko kasabay ng panginginig ng aking mga kamay. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili habang naglalakad papunta sa Supreme Student Government Office. This time, sigurado na ako sa pupuntahan ko. Kita ko na ang pintuan ng office nang makasalubong ko si Lizzie. Mukhang doon din ang punta niya. Bumagal ang kanyang paglalakad nang makita ako. Saktong nasa tapat na kami ng pinto nang huminto kami pareho. She's staring at me disapprovingly, "It's not us. You're pointing your finger at the wrong people." she stated looking directly in my eyes. "What makes you say that? Kayo lang naman ang naiisip kong gagawa no'n." She's scoffed, "I know Reina. She's may be a b*tch but she will never do things like that. Kapag inis siya sa'yo, ipinapakita niya 'yon at hindi siya nagtatanim ng galit even Charlene gano'n din siya.” "Sinasabi mo 'yan dahil mga kaibigan mo sila." I replied. Of course, she's gonna defend her friends. That what friends do, right? Alam ko kasi may isang tao ang gumawa no'n para sa'kin. "Exactly, I'm saying this because they're my friends. Kilala ko sila." Lizzie looks like she's so sure of what she's saying. Ramdam ko na hindi siya nagsisinungaling. May part sakin na gusto maniwala sa sinasabi niya pero ayokong magtiwala agad. "How sure you are that you really know them?" "Pretty sure. How 'bout you? How sure you are that it was us? That we planned it?" she countered back. Hindi na niya ko hinintay na makasagot dahil nauna na siya pumasok sa loob ng office. I tried to calm my raising heart and control my breathing before heading inside. Bumungad sakin ang tahimik na paligid. Nakuha ko ang antensyon ng mga estudyanteng nasa loob na hindi bababa sa anim ang bilang. Mukhang kami na lang ni Lizzie ang kulang. Malaki ang lugar ng SSG Office. May meeting table sa gitna na U-shape ang design with nine chairs na paikot dito. Sa harap naman ay may malaking flat screen tv with speaker. May bookshelf din sa gilid na bahagi. Sa kabilang side naman ang mga desks na sa tingin ko ay para sa mga members ng Council. May wooden rack din sa tabi ng bookshelf na may mga nakalagay na trophies. Tahimik akong naupo sa bakanteng upuan sa meeting table, katabi ni Lizzie. Napatingin ako sa gawi ng lalaking iyon na nakatuon ang atensyon sa laptop na nasa harapan niya. Katabi niya sa left side si Austin habang sa kabila naman ay isang babae na ngayon ko lang nakita. She's beautiful with her curly ash blond hair that matches her mestiza skin. Pansin ko din ang pagiging fit ng navy blue uniform sa katawan niya kumpara sa karamihan. Well, bagay naman sa kanya. Masyado nga lang malapit ang upuan niya sa Presidente ng Supreme Student Government na kulang na lang ay idikit nito ang katawan sa lalaki. Binalik ko ang tingin kay Theo na sakto naman ang pag angat ng kanyang tingin at napunta iyon sa akin. Agad akong nag iwas ng mga mata. "Okay, since everyone is here. Let's begin the discussion." I heard Theo said. Sa mga kamay ko naisip ituon ang mga mata ko. Hindi ko kayang iangat ang tingin ko dahil hindi ko kaya harapin ang masamang tingin sa akin ni Reina at Charlene na nakaupo sa tapat ko. "The Student Government already conducted an investigation regarding the matter and unfortunately, ang cctv footage lang sa lugar ang evidence na meron. Inaalam pa rin namin ang identity ng dalawang students na nakita sa cctv na sumira ng bike. Walang nakakita sa kanila ibang students kaya medyo nahihirapan ang Council na makilala sila." Theo explained. "But don't worry, Kairi. We're doing our best to find them. We'll give justice to your bike.” I looked at Austin and he gave me a assuring smile. Ngayon pa lang napapansin ko na ang pagkakaiba nila ng lalaking katabi niya. "So for now, we'll let everyone involved in this issue to speak up and tell their side of the story. Starting with you, Reina Welsh." Lahat kami ay tumingin kay Reina sa sinabi ni Theo. Reina cleared her throat, "I'll go straight to the point. Wala akong kinalaman sa pagkasira ng bike niya or sa pagbibintang niya sa amin na nag utos kami para sirain 'yon. I would never do something like that." she paused. "Yes, hindi kami friends and nagkaroon na rin kami ng away before but I'm not that type of person. Hindi ko magagawa 'yun." pagpapatuloy niya. "Can you prove it?" si Austin ang nagtanong sa kalmadong boses. She looked at Austin before she answered, "Yes. Walang reason para gawin ko 'yon. Ano naman mapapala ko kapag nasira ang bike niya?" "But you said earlier that you had a fight with her? Maybe kaya ginawa niyo iyon ay para makaganti sa kanya?" Austin questioned Reina while casually swaying his chair. He looks so cool doing that. Mukhang kinabahan si Reina sa naging tono ni Austin. Kalmado pa rin ang lalaki pero may something sa paraan ng pagtatanong nito na makakaramdam ka ng kaba. Tahimik lang kami naghihintay ng sagot ng dalaga. "Yes, we had a fight but hindi kami ang gumawa no'n. Wala sa isip namin ang gumanti." may halong diin nitong pagkakasabi. Gano'n din ang naging statement ni Charlene. Itinatanggi nila na may kinalaman sila sa nangyari. Wala akong magawa kundi ang bumuntong hininga. Sa totoo lang, hindi na ko sigurado kung tama ba talaga ang ginagawa kong pagbibintang sa kanila. Hindi dahil sa naniniwala na ako kundi dahil pakiramdam ko mali itong ginagawa ko. Something's not right. "What about you Elizabeth Barcelo?" it was Theo. We all looked at Elizabeth Brooks who look so comfortable and composed. "Gaya ng sinabi ng mga kaibigan ko. Hindi kami ang nag utos sa mga lalaking iyon para sirain ang bike niya. We're not like that and besides..." Lizzie paused then turn her head towards me. Gano'n din ang ginawa ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya."...that's her only conclusion." she continued. Hindi ko maiwasan mapakunot noo. Wait, what? "Yeah, right! Siya lang naman ang nag assume at nag conclude na may nag utos na sumira ng bike niya! Paano niya mapapatunayan na may nag utos sa mga lalaking 'yon na sirain ang bike? What if trip lang ng mga lalaking iyon ang manira?" Reina almost shouted. Kita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin. Sh*t. May point sila. Hindi naman mapapatunayan sa cctv footage na may nag utos sa mga lalaking iyon para sirain ang bike ko. Wala rin akong katibayan sa sinasabi ko. Ako lang ang nag isip na gano'n ang nangyari dahil sa mga naging tanong ni Bastian. That guy. Wala akong karapatan sisihin ang lalaking iyon dahil lang sa mga sinabi niya dahil hindi naman niya hawak ang pag iisip ko. Kasalanan ko 'to! Now the table's have been turned and everyone is looking at me, waiting for me to speak. My breathing is now starting to get stiff. I feel my hands trembling. My mind is racing for a solution and I don't really know what to do. I bit my lower lip as I lower my head and stare at my shaking hands. "Monterio." I heard Theo's low voice. I can't help myself not to look at him. His eyes were on me as I stared back at him. I felt compelled to answer him because of his intense stare. And it's making me nervous. My heart is beating fast than normal. I can't think of anything to say. To be honest, I don't know what to say! "Baka naman kasi totoo ang sinasabi ng other parties. Wala talaga siya proof sa accusation niya." napunta ang tingin ko sa babaeng katabi ni Henson nang hindi ako nakapagsalita. She's staring at me with judging look. "Let's not conclude anything for now, Zaina. We're here to listen to both sides." Austin stated. "Pero siya ang una gumawa no'n. What proof does she have para patunayan ang binibintang niya? I guess wala. We're just wasting our time here." I clearly saw how that Zaina girl raised her eyebrow at me. She obviously not liking this whole conversation. She crossed her arms as she's criticised me. Agad na sumang ayon sa kanya si Reina at Charlene na tumango-tango pa. And there's nothing I can do but to hold my hands together and lower my head once again. I feel shame because they might be right. Pakiramdam ko wala akong laban sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na mali ang ginawa ko. "Let her talk, okay? It's not our job to make conclusion without proper judgement. Let's give everyone the benefit of the doubt para sa ikakaayos ng lahat." It was Austin being reasonable, while Mattheo quietly watching us. Kanina pa ko kinakabahan pero sinusubukan kong hindi ipahalata iyon. Narinig ko ang pag ismid ni Zaina sa pahayag ni Austin pero hindi na siya nagtangka sumagot. "Now, Kairi. Can you prove your accusation against them? May katibayan ka ba na magpapatunay ng statement mo laban sa mga classmates mo?" Alam kong kailangan ko na talaga magsalita. Lahat sila ay nakatuon ang atensyon sa akin. Hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkailang lalo na sa paraan ng pagtitig ni Mattheo Henson sa akin na parang pinag aaralan ang buong pagkatao ko. Hindi nakatulong iyon dahil nakadagdag lang 'yon ng kaba sa aking dibdib. Darn it. Tumingin ako kay Austin at bahagya siya ngumiti na parang pinapagaan ang pakiramdam ko habang naghihintay ng sagot sa tanong niya. Dahan dahan akong umiling iling, "W-wala...I-it's was just my theory. Ako lang nakaisip ng bagay na 'yon." pag amin ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi dahil sa kahihiyan. I feel so ashamed right now. I badly wanted to leave this room as soon as possible. My heart still racing fast but I'm trying my hardest for them not to notice how anxious I am at this moment. Yumuko akong muli dahil hindi ko kayang makita ang reaksyon nila. Sapat na sa'kin ang sarkastikong tawa nila Reina, Charlene at maging kay Zaina para malaman ko na nairita sila sa pag amin ko. "See? I told you. Siya lang nag isip ng bagay na iyon." Zaina retorted. "I can't believe you accused us in your baseless accusation. That's really unbelievable!" I clearly heard the disbelief in Reina's voice and when I looked at her I saw how she's disgusted at me. Bumuntong hininga ako, "I-i'm sorry... A-alam kong nagkamali ako. Hindi dapat ako nag–" naputol ang sinasabi ko nang magsalita si Charlene. "Mabuti naman alam mong mali ka. Pero hindi naman yata sapat ang sorry lang after you almost hurt Reina." it was Charlene with a look of irritation on her face. "I agree. I was completely scared because of what you did. Kaya hindi talaga enough ang simpleng sorry mo." agad na wika ni Reina. Alam kong hindi sapat ang sorry ko. Alam kong nagkamali talaga ako at handa akong gawin kung anuman ang consequence sa naging aksyon ko. Marunong akong tumanggap ng pagkakamali at pagkatalo. Bukod sa sanay naman na akong matalo, naiintindihan ko ang inis nila sa akin ngayon. Pinagbintangan ko sila kahit wala naman akong ebidensya na ginawa nga nila ang bagay na iyon. Kaya wala akong karapatan na magalit o magreklamo sa kanila. Ako ang nagkamali. Hindi ko lang matanggap na pinaglaban ko lang naman ang nangyari sa bike ko pero ito ang napala ko. Gusto kong umiyak. Alam kong malapit na mangyari iyon dahil sa nagbabadyang luha sa gilid ng mata ko. I bite the inside of my cheek to stop my tears from falling, "Ano'ng gusto mong gawin ko?" tanong ko kay Reina. She gave me a sardonic smirk, "I want you to apologise to me in public." mas lumawak pa ang ngisi sa mukha nito. Napalunok ako sa naging pahayag niya. Kung iyon ang gusto niya, hindi ako magrereklamo. Magsasalita sana ako nang sumingit si Zaina. "So I guess it is settled, right? Theo?" Zaina asked and glance at the man beside her. Mattheo was casualy sitting with his hands on the table while calmly observing everyone. It looks like he was just analysing things that's why he's been quite for a while. "Okay. I've heard enough." he paused, he drummed his fingers on the table. "Both parties don't have enough evidence to prove their innocence and the fact that you're all not in good terms so the accusation might be possible. But still, we can't make a final decision base on that, that's why right now we have to wait until the Student Government identify the two person on the cctv footage. Therefore, let's put this issue on hold. Thank you everyone for your cooperation." Mattheo Henson stated with finality. He sounds like a boss right now. I don't know how he do it but I guess his presence is enough to make everyone feel his authority. "I, second the motion." Austin exclaimed and grabbed the phone on the table and put it in his pocket. Mukhang tapos na ang meeting na ito. "Pwede na kayo umalis lahat except for Monterio." napahinto ako sa pagtayo ng marinig iyon galing kay Henson. Tinignan ko ang lalaking nakatingin na pala sa akin, "We need to talk." sabi niya sa mababang tinig. Ano pa bang pag uusapan namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD