Chapter 8

4204 Words
Friend. Isa-isa na silang lumabas ng SSG Office habang ako ay nakaupo lang. Nakita ko pa ang pag irap ni Reina at Charlene sa akin bago sila tuluyan umalis ng silid habang si Lizzie ay tinapunan lang ako ng tingin. Nakita ko ang pagtapik ni Austin sa balikat ni Theo bilang pagpapaalam at nang dumako ang mata nito sa'kin ay isang ngiti ang ibinigay niya bago tuluyan lumabas ng silid. "Zaina." rinig kong tawag ni Pres sa babaeng nakatayo na ngayon sa tabi niya. Ngumiti ng matamis ang babae, "Yes? Need me, Theo?" tanong nito. Itinukod ni Zaina ang kamay niya sa lamesa na parang kinukuha ang buong atensyon ng lalaki. Hindi ko naman maiwasan hindi mapatingin sa kanilang dalawa. They look good together. Sumandal si Mattheo sa kinauupuan nito at tiningala ang babae, "I just wanna tell you that I don't like the way you handle this issue." he said. Mukhang nabigla ang dalaga sa sinabi nito kaya napatayo ito ng maayos, "W-what?" sabay pilit na ngumiti. "You know, as part of the Supreme Student Government, we are not supposed to express our own thoughts or emotions when we have hearing like this because we don't want them to think that we're taking sides. We have to balance everything in order to make a good and fair judgement. It's not right for you to make final decision until the investigation is finally over." Theo explained in a monotonous tone. Gosh, Is he talking about how that girl reacted towards me? Zaina glanced at me for a second and turned her sight back to Henson. Nag iwas naman ako ng mga mata at tinignan ang sapatos ko. This is awkward. "Oh, I didn't mean that. You know me, I'm acted careless sometimes but don't worry it won't happen again, Matt." I heard the girl said, then giggles. You know me? So close ba sila? Gusto kong sampalin ang noo ko dahil sa pumasok na tanong sa isip ko. Ano bang pakialam ko kung close sila? "I'll expect that." Hindi na ko nag abala tignan sila muli hanggang sa narinig kong nagpaalam si Zaina kay Theo tsaka tuluyan na lumabas ng silid ang dalaga. So that means kaming dalawa na lang ang nandito. Jeez! This is so awkward. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung para saan ang kabang iyon. I glanced up when I heard him cleared his throat as if trying to get attention. Nang tinignan ko siya ay nakalapit na siya sa pwesto ko at kaswal na naupo sa upuan na nasa tapat ko. Bakit pa siya lumipat? Hindi ba siya aware kung gaano ka-awkward ang aura ng paligid ngayon o ako lang ang nakakaramdam ng gano'n? He put his hands on the desk, "First, I want to apologize on behalf of Zaina on how she reacted just a while ago. I hope you don't judge the rest of the members of the SSG because of that." he said, looking straight to my eyes. Bakit siya nagsosorry para sa babaeng 'yon? Ano'ng relasyon nilang dalawa? Gaano ba sila kaclose para siya pa ang humingi ng tawad? It's funny how he can apologise for other people but not for himself. Tsk. Naupo ako ng maayos, "Okay lang." tipid kong sagot. Hinila ko ang hem ng skirt ko at doon ko pwinesto ang mga kamay ko. "Okay, I want to formally introduce myself. I'm Mattheo Henson, President ng Supreme Student Government. I'm sure you already know the functions and objectives of this organization and that includes to serve, to protect and promote the welfare of every students. The School officials gave us the authority to conduct investigation and organise a disciplinary hearing. They also gave us legal right to impose reasonable sanctions if a student misbehaves." he said with full of formality. So kaya pala siya ang nag utos sa amin na mag detention nung first day. May karapatan naman pala siya. "So you're a Senior High?" tumango ako sa tanong niya. "You're taking what course?" tanong ulit nito. "Business Management." Ano ba 'to? Interview? Ito ba ang pag uusapan namin? Hindi ko alam kung para saan ang usapang ito. Sumandal siya sa upuan niya, "Is that what you really want?" napakunot noo ako sa sumunod na tanong ng lalaking nasa harap ko. Hindi ako nakasagot agad dahil masyadong personal ang tanong at hindi ko inaasahan na tatanungin niya iyon. Dapat ba totoong sagot ang sabihin ko? "Hindi." pag amin ko. His lips twitches and I can't stop myself not to gaze to those luscious thin lips. This doesn't feel right. Bakit ba ko doon nakatingin? "Then why did you take that course?" I looked at my hands that rested on my lap, trying to find an answer. Bakit nga ba iyon ang kinuha kong course? Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit. Cyrus. It was because of him. Cyrus took Business Management Course because he wanted to be known in business industry like his father. Alam kong possible iyon kasi matalino siya, masipag, madiskarte at madaling pakisamahan. Kapag nagtayo siya ng sariling business, sigurado akong maraming investors ang mag iinvest sa kanya dahil sa mga katangian na 'yon. Siya rin ang magpapatakbo ng business ng family nila in the future. Pero lahat ng plano at pangarap na iyon ay nanatiling pangarap na lang. I remembered myself telling him that I'll go wherever he goes kasi ayokong mahiwalay sa kanya. Pakiramdam ko kasi kaya kong gawin ang kahit ano kapag kasama ko siya. He's my inspiration. "Kasi in demand." of course I won't tell him my real reason. His brows furrowed, "Is that so? Those kind of decision matter, don't you know that? Because you might regret those choices in the future if you don't make critical thinking and whatever you're doing right now will have an impact in your life years from now." he sounds disappointed. I don't know why. Feeling ko nasermonan ako ng wala sa oras. I shrugged, "Gusto ko lang makatapos ng Senior High. Iyon lang ang tanging gusto ko ngayon." Because I'm doing it for Cyrus. He never got a chance to finish school but I'll make sure I'll finish mine. Kahit na sa senior high lang. That's the least I can do for him. "If you want to graduate then you should avoid getting in trouble." Okay, I think I know where this conversation is going. I sighed, "Inaamin ko na mali yung ginawa kong pagsugod kay Reina sa dorm. I was so clouded with pain that I forgot to think about the consequences of my action. It was never my intention to hurt someone. At yung away sa Cafeteria nung first day, nadala lang din ako ng emotion ko. Alam kong nagkamali ako sa lahat. I'm sorry." Those words just came out of my mouth. I shouldn't said those things. Sorry lang sana ang sinabi ko. I can't believe I'm being honest around this man. I can feel him watching me for a moment, and then he said, "I understand. Sometimes, we do things out of pain or anger and we lose control of ourselves and that's okay. We're just human. It's normal for us to feel those kind of things. The important is, we take responsible in our actions and we learn something from it." Bahagya akong napatulala sa sinabi niya. It's weird how I found comfort in his words. 'I understand' He understands me. I didn't expect that from him especially that we got into a little fight just days ago. Parang ibang tao tuloy siya sa paningin ko. But nevertheless, I actually feel better knowing that someone validates my feelings. I bit the bottom of my lip as I lowered my head, and then I looked back at him. I saw him staring at me with piercing dark gaze, then he adjusted his necktie while still leaning on his chair. I feel my cheeks getting heat up because of that sight. Gosh. He looks so hot. Kinurot ko ang kaliwang hita ko dahil sa pumasok sa isip ko. Ano bang pinagsasabi mo, Kairi? "So uhm... A-ano'ng magiging punishment ko?" I asked in a low voice. Sana hindi niya mahalata ang pamumula ng pisngi ko. Da-mn! He straightened up from his seat, "I will inform you after this case ends. So for now, you may go, Miss Monterio." "Okay." Hindi na ko nag aksaya pa ng oras, tumayo na ako at lumabas na ng silid. Bigla akong nakahinga ng maluwag paglabas sa Office. I suddenly feel exhausted. I was on my way to Dormitory when I realized that he never mentioned my first name in our whole conversation. Maybe, that's how formal he is. ~~~ Tired. Sleepless. That's the two words that exactly described me right now. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa bisekleta ko at sa ginawa kong mali. I feel so sad and broken. Alam ko na anuman ang maging resulta ng inbestigasyon ay hindi na mababago no'n ang nangyari sa bike na niregalo sa'kin ni Cyrus. Isa sa mga bagay na iniingatan ko. Alam ko na gamit lang yun. Masisira din pag lipas ng panahon at pwedeng palitan. Hindi dapat ako malungkot ng sobra pero kasi naghihinayang ako sa memories namin ni Cyrus sa bisekletang iyon. I'm a very sentimental person. I've been keeping things that has a lot of memories to me. Something that reminds me that in some point of my life, I've felt happiness. I'm on my way on my first subject when I saw him standing beside the Statue of Themis. He looked so ravishing. I wonder why he was there. He looks like he's waiting for someone. When I almost reached his place I pretend that I didn't saw him. "Miss Monterio." I automatically stopped walking when I heard my surname. Miss. He really sounds formal. Nilingon ko si Mattheo Henson na kunwari ay ngayon ko lang siya nakita nakatayo sa tabi ni Themis. Teka, ako ba ang dahilan kung bakit siya nandyan? "Come with me in the SSG Office. It's about your bike." hindi na niya ko hinayaan magsalita at nagsimula na maglakad papunta sa ibang direksyon. So ako talaga ang dahilan... Ilang segundo din ang lumipas bago ko siya sinundan. Confused dahil sa realization na iyon. Hindi ko alam kung mabilis ba talaga siya maglakad o sadyang malaki lang ang hakbang niya dahil hindi ako makasabay sa kanya sa paglalakad idagdag pa ang pagiging matangkad nito pero ayos lang, hindi ko naman gusto makasabay ito sa paglalakad lalo na't agaw atensyon ang lalaki. Tsk. Ikaw na talaga pinagpala sa appeal, Henson! Halos tumakbo na ako papunta sa elevator para hindi ako maiwan nito. Nakita ko doon si Henson na kaswal na nakasandal sa gilid sa loob ng elevator. Nanlaki ang mata ko nang magsimula na itong magsara ngunit agad na hinarang ni Theo ang kanang kamay niya para hindi tuluyan masara ang pinto nito. Wow. He's fast. "T-thanks." sabi ko nang makasakay na ako. Pinindot niya ang number seven tsaka bumalik sa pagkakasandal sa gilid. Tahimik kaming dalawa hanggang sa marating namin ang SSG Office. Siya ang nauuna sa'kin kaya siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto. Hinintay niya akong makapasok sa silid bago nito binitawan ang pinto at isinara. Dalawang lalaki ang bumungad sa'kin sa loob ng office. Kapwa silang tahimik na nakaupo. Base sa kulay ng uniporme nila, mga high school students ang mga ito na sa tingin ko ay nasa lower level. Agad silang napayuko nang makita ako. Okay. Ano'ng meron? "Please take a seat, Miss Monterio." napalingon ako kay Theo. Nakatayo na siya sa pinakagitnang pwesto upuan. Sinunod ko naman agad ito at naupo na katapat ng dalawang lalaking nakayuko pa rin na parang ayaw akong tignan. Weird. Theo cleared his throat, "Okay. I won't make this long." pagsisimula niya. Lumingon siya sa akin, "Miss Monterio, Do you know these two boys infront of you?" naguguluhan akong umiling. Still clueless sa nangyayari. "Are you sure?" "Hindi ko sila kilala. Ngayon pa lang sila nakita." I said firmly. Tumango tango si Theo bilang reaksyon. Tinanong din niya ang dalawang lalaking kasama namin sa parehong tanong. Pareho din humindi ang mga lalaki. Patunay na hindi talaga namin kilala ang bawat isa. "Miss Monterio." my eyes directly went to Theo's striking dark eyes. Kahit na kinakabahan ay hindi ko pa rin mabalewala ang kapogian na meron siya. "Justin Santiago and Marvin Brown are their names. Ang dalawang lalaking ito ang nakunan sa cctv footage na sumira ng bike mo. But..." he paused. So kaya pala sila hindi sila makatingin sakin? Dahil sila iyon! Magrereact sana ako nang nagpatuloy si Theo. "But they have a different story. Justin Santiago, tell her." pagpapatuloy ni Theo. Tinignan niya ang isang lalaki na medyo kulot ang buhok na sa tingin ko ay si Justin. "H-hindi po namin sinasadya ang nangyari... A-akala po kasi namin sakin yung bike kaya sinira namin ni Marvin. Sinadya po namin ni Marvin sirain yung bike ko para bilhan ulit ako ni Dad ng bago... W-wala pong nag utos sa amin na gawin 'yon." "Ano?!" halos wala akong maintindihan sa pinaliwanag ng lalaking nasa harap ko. Agad siyang yumuko pagkatapos magsalita. Naguguluhan ako. Tama ba yung intindi ko? Napagkamalan nila ang bisekleta ko? "T-totoo po 'yon. Napagkamalan po namin ni Justin na sa kanya yung bike kaya sinira namin... H-hindi po namin alam na sa inyo iyon." halos nakayukong sabi naman nung Marvin. This is so unbelievable! "Teka, sinasabi niyo bang nagkamali kayo ng sinirang bike?" there's a hint of disappointment on my tone of voice. Hindi makapaniwalang napapikit ako nang sabay silang tumango sa tanong ko. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdam ko ngayon sa nalaman ko. Sad, disappointed, mad, it was a mixed emotions. My hands squeezed into fist above my lap. I tried to calm my nerves because I don't want to show any emotions in front of them. "Pareho silang dalawa na kusang nagpunta dito para aminin ang ginawa nila at humingi ng tawad sa nangyari." si Theo sa kalmadong boses. "Sorry po." tipid na wika ng dalawang lalaki. I tried to keep a straight face looking at them. I may look composed on the outside but I swear it's far from what I am feeling right now on the inside. It was a long silence before I spoke, "Sa tingin ko, wala naman akong choice kundi tanggapin na lang." I bit my lower lip to restrain myself from crying. My mind still doesn't process anything that I've heard. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na nasira ang bike dahil sa pagkakamali ng iba. Napagkamalan? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi sadya ang pagkakasira ng bike ko. Pakiramdam ko nawala sa isang iglap ang lahat ng alaala meron ako sa gamit na iyon. Pinagkaingatan ko ito ng sobra pero sa ganito paraan lang pala masisira. Nakakapanghinayang. I can feel my heart racing so fast. Feeling my hands trembling. I tried to breath normal just to pretend that I'm not having a hard time breathing. Gusto ko na matapos ang usapang ito. Maya maya pa ay narinig ko si Theo na pinaalis na ang dalawang lalaki. Agad naman umalis ang mga ito. Kaming dalawa na lang ulit ang nasa lugar parang katulad kahapon. Tinignan ko ang mga kamay kong nanginginig. Dito ko na lang iipofocus ang atensyon ko. "This case is over. May mga evidence sila na nagpapatunay sa statement nila kaya nagdecide ang SSG na isara na ang issue. That means, your classmates were not responsible for what happened." Theo said. "Okay." I answered in a low voice while staring down at my hands. This always trembling hands! Silence was filled the air for a minute, then I heard Theo sighed, "I'm not putting you on detention or giving you any punishment and you're not going to apologise on Reina Welsh in public so..." he trailed off. Napaangat ako ng tingin kay Henson. Hinihintay na tapusin niya ang kanyang sasabihin. His profound gaze makes my heart beats faster. Teka, tama ba ang narinig ko? "Bakit?... I mean, hindi ako mapaparusahan sa ginawa ko? Nagkamali ako kaya dapat lang na maparusahan ako at magsorry sa kanya sa publiko." Theo leaned on his chair while his both hands were on the armchair, "Just think of this as your first and last warning. You should avoid getting in trouble from now on because it may affect your Scholarship. I'm sure you don't want that to happen. Gusto mong makagraduate, hindi ba?" So alam pala niya scholar ako. Marahas akong napapikit sa sinabi ng lalaking ito. Oo nga pala, maaring matanggalan ako ng scholarship pag hindi maganda ang moral background ko dito sa school. At hindi pwede mangyari iyon. Hindi ako makakapagpatuloy sa pag aaral pag nawala iyon. Hays. Tumango tango ako, "Naiintindihan ko." iyon na lang ang tanging nasabi ko. I badly want to end this conversation. I need air!! ~~~ Agad akong tumayo nang tumunog ang final bell bilang pagtatapos ng klase. May ilan sa mga kaklase ko ang nagsilabasan na ng classroom. Nilapitan ko kaagad ang desk ni Reina upang lapitan ito. Nakatayo na siya katabi si Charlene nang makita nila ako. Mukhang paalis na rin sila. "Pwede ko ba kayong makausap saglit?" sabi ko nang makalapit ako. "We're busy." Reina said boringly as she crossed her arm above her chest. Kita ko rin ang pagtaas ng isang kilay ni Charlene. "Hindi naman 'to magtatagal. Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa ginawa ko... I'm sorry for everything and I'm willing to make public apology if that's what you want. Gusto ko lang na matapos yung gulo sa pagitan natin." I said wholeheartedly. I wanted to move on from this issue and I don't want to have enemies anymore. To do that I need to make peace with them. Gusto ko magtagal dito sa school. Ayokong makipagkaibigan at ayoko rin naman ng may kaaway. Payapa at tahimik lang ang tanging gusto ko habang nandito ako sa Themis. Kahit na may mga taong dumaan sa buhay ko ang hindi humingi ng patawad sa mga masasama at masasakit na ginawa nila sakin, kahit na walang nagturo sa akin ang magpatawad at humingi ng tawad sa kapwa kapag sinaktan o nakasakit ka, natutunan kong gawin iyon mag isa. Hindi naman mahirap gawin iyon lalo na't tao lang tayo, hindi perpekto at nagkakamali. Ang mahalaga may napupulot tayong aral sa mga nangyayari. "Y-you don't have to do that but we're still not for–" "We forgive you. We all had our share of mistakes that's why this thing happened, at least we all learned our lesson." naputol ang sinasabi ni Reina sa pagsasalita ni Lizzie. Hindi ko naramdaman ang paglapit niya samin. Mukhang hindi sang ayon si Reina at Charlene doon pero kalaunan ay pumayag na rin. Tipid akong tumango. "So it's over na, right? Let's go to the mall na." maarteng wika ni Charlene, mukhang gusto na nitong umalis. "Yeah, I need to buy a new pair of shoes." Hindi na nila ako pinagtuunan ng pansin hanggang sa naglakad na sila palabas ng classroom. Naiwan akong nakatayo doon. Nilibot ko ang paningin sa buong room at narealize na mag isa na lang ako dito. Walang kasabay umuwi. Well, this is what I want. ~~~~ Katamtaman lang ang init ng araw kasabay noon ang malakas na ihip ng hangin na nagbibigay ng kalmadong pakiramdam. Pumikit ko na tila natutuwa sa magandang pakiramdam na naibibigay nito. Ito na ang paborito kong lugar sa buong paaralan. Binuksan ko ang aking mata at nilibot ang paningin. May ilang estudyante rin ang piniling tumambay dito sa Oval field ng Unibersidad. Lunch break namin kaya ako nandito. Nagpapalipas oras. Dala ang isang chicken sandwich at dalawang bote ng tubig na binili ko sa Cafeteria, dito ko naisipan kumain. Napatingin ako sa building na hindi kalayuan sa pwesto ko, ang Eunomia Hall. Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking iyon. Isang linggo na rin ang nagdaanan nung huli ko siyang nakita. Kung sabagay, wala naman dahilan para magtagpo kami. Nakaramdam ako ng katahimikan nang naging maayos at payapa ang mga araw ko pagkatapos ng insidenteng iyon. Pansin ko na nakamove on na rin ang tatlo kong kaklase sa issue kaya pinagpapasalamat ko iyon. Pwede ko na irestart ang lahat. I sighed out of nowhere. I'm not happy, I'm not sad, I'm alone but not lonely. I actually don't feel anything at all. This is a familiar feeling. A feeling of not able to feel anything, like there's a hole in your chest that nothing can fulfill. This is emptiness. Pumikit ako ulit upang pagaanin ang aking loob at para na rin balewalain ang damdaming iyon. Ilang minuto rin akong gano'n nang may maramdaman akong malambot sa binti ko. Halos magulat ako dahil doon. Agad kong binuksan ang aking mga mata at halos matulala sa nakita. Wait, totoo ba 'to? Bakit may ganito dito? Agad kong nilibot ang paningin upang tignan kung sino ang nagmamay ari dito. Doon ko lang din narealize na mag isa na lang ako sa lugar. Ngumiti ako ng malapad sa maliit na kulay brown na tuta na nakatingala sa akin. "Hi." bati ko dito. Binuhat ko ito at inangat sa ere. Medyo payat ito at magaan. Poor baby. "Bakit nandito ka? Naliligaw ka ba?" tanong ko sa tuta na para bang sasagot ito sa akin. Ngumiti ulit ako sa aso at inilagay siya sa hita ko. Sakto lang ang sukat niya sa hita ko dahil maliit pa lang siya. Tumihaya ito kaya naman hinaplos ko ang tiyan niya. Mukhang natutuwa siya sa ginagawa ko dahil parang nakangiti ito. "Ang cute cute mo naman." hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Binuhat ko siya at inilapit sa mukha ko dahil natutuwa talaga ako sa asong ito. Sino kaya may ari nito? Nagulat ako nang dinilaan nito ang pisngi ko. Siguro nagpapasalamat siya sa paghaplos ko sa tiyan niya. Napatingin ako sa dala kong sandwich. "Nagugutom ka ba? May pagkain ako dito." sabi ko sabay baba sa kanya sa lupa. Kinuha ko ang sandwich na nakalapag sa bleacher. Hinati ko iyon at pinakain sa tuta. Mukhang gutom talaga ito dahil mabilis nitong naubos ang pagkain. Hindi na ko nagdalawang isip na ibigay pa sa kanya ang kalahati nito. "Mukhang gutom na gutom ka, sayo na lahat ang pagkain ko. Hindi naman ako nagugutom e." Nakangiti akong pinagmamasadan ang aso hanggang sa maubos nito ang kinakain niya. Nagtatalon ito sa akin kaya binuhat ko siya ulit. Humagikgik ako nang dinilaan niya muli ang pisngi ko. He's so cute, sweet and fluffy. "Nandito ka lang pala, Browny." napalingon ako sa taong nagsalita. "Pasensya na, hija kung nakarating dito si Browny. Nakatakas e." sabay kamot sa ulo ni Manong Guard. Security guard ito ng University na sa tingin ko ay nasa forties na. Tumayo ako, "Browny po pala ang pangalan niya. Okay lang po 'yon. Mabait naman siya e." wika ko habang karga si Browny. Hindi na ko nagtaka kung iyon ang pangalan niya, malamang ay dahil sa kulay ng balahibo nito. "Browny lang tinawag ko sa kanya kasi iyon ang kulay niya tsaka hindi sa akin iyan. Naligaw lang ang aso dito sa school, naawa naman akong paalisin. Mukhang hindi ka takot sa aso, hija." Nagulat ako sa naging pahayag ni Manong. Hindi sa kanya si Browny? So ibig sabihin isa siyang stray dog. Mas lalo tuloy akong naawa sa buhat kong tuta. "Gano'n po ba. Kawawa naman po pala siya dahil wala siyang tahanan. Ang liit liit pa naman niya." sabi ko sabay haplos sa ulo ni Browny. "Hindi po ako takot sa aso. Sa totoo nga po, napangiti niya ako." dagdag ko. "Ay mabuti naman hindi ka takot sa aso. Kasi baka kung ibang estudyante ang nakakita sa kanya ay baka natakot na at magsumbong. Malalagot ako sa head namin." Tinanong ko si Manong kung paano napadpad dito si Browny. Ang kwento ni Manong ay nung nagduty siya ng gabi bigla na lang daw sumulpot sa may likod ng school ang aso. Naawa siya paalisin dahil ang liit pa nito at sobrang payat. Hindi niya maiuwi sa bahay nila dahil bawal daw doon ang mga alagang hayop kaya pinapakain niya kapag may pagkakataon. Halos mag isang linggo na tinatago ni Manong si Browny sa likod ng security post office ng school kung saan siya nakaduty para walang makakita at hindi makagala sa campus. Nalungkot ako sa nalaman. Iniisip ko tuloy kung nasaan kaya ang nanay ni Browny. May mga kapatid kaya siya? Baka nasa lasangan ang mga ito na pagala gala, gutom at takot. Kumirot ang puso ko sa naisip. Tumingin ako kay Browny na nakatingala sa akin. Parang kinakausap niya ako gamit ang mga mata niya. Parang alam niya na siya ang pinag uusapan namin. May lungkot sa mga mata nito. Ngumiti ako sa tuta, "Manong, kung hindi po sa inyo ito, ibig pong sabihin walang nagmamay ari sa kanya?" tanong ko sa matanda. Tumango ito bilang sagot. "So, pwede po bang akin na lang siya?" Mas lumawak ang ngiti ko nang walang pag aalinlangan tumango si Manong bilang pagpayag. Cy, I think I found a new friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD