Chapter 9

4119 Words
Run. It sucks being alone knowing that nobody wants you and nobody gives a damn. It's like a never ending feeling of being worthless and constantly asking yourself what's wrong with me? Am I the problem? I snapped this rubber band on my wrist for the last time. I can't stop myself from doing this. Huminga ako ng malalim bago tuluyan lumabas ng cubicle kung nasaan ako ngayon. Lunch break again. Papunta ako ngayon sa Cafeteria upang bumili ng chicken sandwich na paborito ni Bailey. Yeah, I changed his name. Wala naman problema doon dahil sa akin na ang tuta. Mukhang nagustuhan niya din ang bago nitong pangalan dahil kumahol at ngumiti siya nang tinawag ko siyang Bailey. Ibinibigay ko sa kanya ang lahat ng sandwich. Tubig lang ang iniinom ko. So bale, tubig lang ang lunch ko. Ayos lang naman iyon dahil bumabawi naman ako ng kain sa gabi. Nakakapag almusal din ako minsan sa umaga. Ito na ang pangatlong araw na inaalagaan ko si Bailey. Ako na ang nagpapakain sa kaniya at madalas ko siyang kasama kapag may bakanteng oras ako. I feel so happy every time I'm with that dog. I have so much sympathy on him because he reminds me of myself -alone, abandoned and hurt but still able to survive despite of hunger, cruelty and being strayed. Kaya nakagdag iyon sa rason kung bakit ko siya gustong kupkupin. Ang main reason ay dahil bata pa lang ako pangarap ko na magkaroon ng alagang aso. Naalala ko noong eight years old ako na nag uwi ako ng aso sa bahay ni Auntie Diana, ang asong iyon ay nakita ko lang sa daan pauwi galing ng paaralan. Naawa ako at nakyutan at the same time kaya inuwi ko sa bahay pero hindi ko pa napapasok sa loob ang aso ay pinapaalis na agad ito ng Tiyahin ko. Hindi mahilig sa hayop ang pamilya nila. Diring diri pa nga ito sa aso nang makita dahil baka raw may galis o rabies ito. Wala akong nagawa dahil bata pa lang ako noon, wala rin akong kakayahan na suwayin siya. Pinagalitan niya ako at nasabihan ng hindi maganda dahil sa ginawa ko. "Hindi ka pwede mag uwi ng alagang hayop sa pamamahay ko. Pinapalamon na nga kita, magdadagdag ka pa!" That's what she said. I cried myself to sleep that night because of it and the fact that I will never be able to have a dog. But things have changed, I am no longer living with them so no one's gonna stop me from owning a pet! I'll keep Bailey forever. "Isang chicken sandwich po at two bottled water po." sabi ko sa Canteen staff nang nasa counter na ako. "Make it two sandwiches, please and pa-add na rin po ng burger. Thanks." Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. Hindi ko napansin ang pagdating niya kaya bahagyang napaatras ako. Nginitian niya ako nang tumingin ito sa akin. Nang makarecover ako ay iniabot ko na ang perang pambayad ko pero bago ko pa magawa iyon ay sumingit na si Caden. "Pakicharge po dito lahat." sabi nito sabay abot ng five hundred peso bill. Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ibinigay na ng staff ang order namin na nakalagay sa isang paper bag. Si Caden na ang umabot nito sabay kuha sa burger na nasa loob tsaka niya binigay sa akin ang paper bag. "Your order. You don't have to pay me with your money but you can pay me with your time." saad niya sabay ngisi sa akin. Mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit ba niya ito ginagawa? "Hindi pa ba kayo tapos? May nakapila pa dito." pareho kaming napalingon ni Caden sa babaeng nagsalita. Nakapamewang itong nakatingin sa amin kasama ang tatlo pang estudyante sa likod nito na oorder din. Bago pa ko makagalaw ay hinawakan na ni Caden ang wrist ko para hilain palabas ng Cafeteria. Binawi ko agad ang kamay ko nang makalabas kami, "Pera lang ang kaya kong ibayad sa'yo kaya kung hindi mo tatanggapin ang pera. Wala akong utang sa'yo na kahit ano. Hindi namin kita inobliga na bayaran ang binili ko." Iniabot ko kay Caden ang pera para bayaran siya. Kailangan ko siyang sungitan para hindi na niya ulit gawin iyon at para na rin lubayan na niya ako pero mukhang walang epekto sa kanya. Caden chuckled,"Yeah, you're right. Ginawa ko 'yon kasi gusto ko. You don't own me anything. Sapat na sa'kin makita ang kagandahan mo." inilapit pa niya ng kaunti ang mukha nito sa akin habang hindi nawawala ang ngiti sa labi. Hindi ko naman maiwasan mapairap sa sinabi niya. Bolero! Walang sabing tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa lugar. Wala akong panahon makipagbolahan sa kanya. Papunta ako ngayon sa favourite place ko. Excited na ko makita si Bailey. Sigurado akong naghihintay na iyon sa akin kaya naman binilisan ko ang aking paglalakad. Nasa Oval field na ako nang mapansin ko na nakasunod pala sa akin si Caden. The heck! Hindi ko pwedeng puntahan si Baile dahil sigurado akong makikita siya ng lalaking ito. Walang pwede ibang tao ang dapat makakita kay Bailey dahil maari siyang paalisin dito sa campus. Bawal ang hayop sa school na ito. Naupo ako sa bleacher kung saan ako madalas nakapwesto. Tatambay na lang muna ako dito hanggang sa makaalis na ang lalaki. Bakit ba siya nagpunta rito? Bakit ba ito mag isa? Nasaan na iyong mga kaibigan niya na lagi niyang kasama? Tsk. Pero mukhang ako yata ang dahilan kaya siya nandito. Agad siyang naupo sa pwesto ko nang makalapit sa akin. Ni hindi man lang siya nagtanong kung ayos lang ba sakin makatabi siya. "So, is this the place you usually spend your time?" tanong niya habang nililibot ang paningin. May ilang students ang nandito rin ngayon. "Well, it's kinda hot here pero mahangin naman so okay na rin." konyo niyang saad. "Why are you here, Caden?" He looked at me, "Because you're here and I decided that I'll hangout here more often. Tahimik dito at hindi matao." sana nagbibiro lang siya sa sinabi niya dahil ayokong makasama siya dito! "Too bad, this spot's not available anymore pero malawak na naman 'tong field kaya makakapili ka dyan kung saan mo gustong tumambay." "Pero ang gusto ko, kung nasaan ka, nadoon din ako. Starting from now on, I'll go wherever you'll go no matter what happens kahit na sungitan mo ko. Hindi ako aalis sa tabi mo." Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya. Ano ba talaga problema ng lalaking ito? Bakit bigla na lang na siya umaakto ng ganyan? Bakit niya gustong gawin iyon? Wala talaga siya magawa sa buhay. Trip yata talaga ako nito e. Sinimulan na niya kainin ang burger na inorder niya habang nakatingin sa malayo, ako naman ay naguguluhang tinitignan siya. Sinusubukan basahin ang lalaking ito. "Bakit ba kasi ako ang napagtripan mo? Sinabi ko na sa'yo noon na layuan mo ko, diba? Bakit ka ba lumalapit sa'kin? Kung hindi mo alam, wala akong balak makipagkaibigan kahit kanino." saad ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng tipid, "First, hindi kita pinagtitripan. What makes you think na pinagtitripan kita? At doon sa tanong mo kung bakit kita nilalapitan, to be honest, hindi ko rin alam." he paused, staring straight into my eyes, "I-i'm just drawn to you the first time we met. Sounds crazy, right? I don't know how you do it but that's the first time someone makes me feel that way." he continued in a low voice. He looked away after that and I can't help but to do the same. Gosh! Ano bang sinasabi niya? Is he confessing something? Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi niyang iyon. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano'ng dapat kong gawin para lubayan na niya ako. I'm having a hard time dealing with this guy. Hindi pala siya mabilis sumuko. "It's okay if you don't wanna make friends with anyone. I'm not forcing you to do that, just let me stay close to you, Kairi." pahayag ni Caden nang hindi ako umimik. Ilang minuto ang lumipas na walang nagsasalita sa aming dalawa. Hindi na ako nagtangka pa magsalita dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Ayoko naman siya sungitan o magsalita ng hindi maganda pagkatapos niya sabihin iyon. I don't have a cold heart, yes, I'm trying to have one to keep myself safe and not to get hurt by anyone but obviously, I failed. Ayokong makasakit ng damdamin ng iba whether it's intentional or not. Kaya mas pinipili ko rin ang mapag isa dahil doon. Natatakot akong masaktan ko sila o hindi kaya madismaya. Tahimik kaming dalawa habang tinatanaw ang malawak na field hanggang sa marinig namin ang school bell hudyat ng pagtatapos ng break time. Hindi ko man lang napuntahan si Bailey. "Ang bilis naman yata ng oras." narinig kong komento ni Caden. Lumingon siya sa akin at napatingin sa paper bag na nasa tabi ko, "Hindi ka kumain." puna niya. Hindi ko man lang kasi ginalaw ang pagkain ko, parang hindi ko kasi kayang kainin iyon kasi hindi ako ang gumastos. Hindi ako sanay. Tumayo na siya, "Uhm... Let's go?" Nagsimula na siya maglakad pero bago pa siya tuluyan makalayo ay pinigilan ko ito. "Caden." tawag ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Naglakad ako palapit sa kanya. "Gusto ko lang sana mag-thank you sa pagbili mo ng pagkain." I'm trying to be casual around him. Classmates kami at seatmate pa kaya hindi ko talaga siya maiiwasan. He smiled sweetly, "No worries. Masanay ka na kasi madalas ko na gagawin 'yon." then he winks at me. Hindi ko naman maiwasan mapairap dahil doon at nauna na maglakad sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad pabalik sa classroom. Yeah, maybe I should start getting used to this. ~~~ After class ay agad akong nagtungo para puntahan si Bailey. Mabuti na lang ay hindi na sumabay si Caden sa akin pauwi. Nagpunta ako sa likod ng security post office ng campus dahil nadoon ang kulungan ni Bailey. May ginawang maliit na bahay doon si Manong Guard para kay Bailey na maari niyang tulugan. Maliit lang iyon at gawa lang ito sa tagpi tagping kahoy pero ayos na rin dahil ang mahalaga may nahihigaan ang aso. Plano ko siyang iuwi sa dorm. Alam kong bawal at possible akong mapagalitan kapag ginawa ko iyon pero hindi ko maatim na nandoon lang siya. Mag isa at walang kasama. Parang wala naman akong kwentang pet owner kung hahayaan ko lang ang aso ko na gano'n. Gusto ko siyang alagaan at mahalin ng tama. Nag iisip pa ako ng paraan para madala siya sa dorm ko ng walang nakakakita sa kanya. Kumahol agad ang aso nang makita ako. Nagtatalon ito, kita ko ang paggalaw ng buntot niya at ang pagiging makulit nito patunay na masaya siya na nakita ako. And it's one of the nicest feeling in the world, knowing that someone is excited to see you. Niyakap ko si Bailey pagkabuhat ko sa kanya at hinayaan siya dilaan ang aking pisngi. "Miss din kita, Bailey." masayang wika ko sa aso. Pinakain ko siya ng dala kong pagkain. Pinanuod ko siya hanggang sa maubos ito. Pinainom ko din siya sa tubigan niya. "Lalabas ako ngayon ng Campus dahil may kailangan akong bilhin sa bookstore kaya saglit lang ako ngayon pero h'wag kang mag alala, bibili ako ng pasalubong para sa'yo." paalam ko sa aso. Binalik ko na siya sa kulungan niya. Nalungkot naman ako nang makita nakatingin lang siya ng diretsyo sa akin. Siguro nagtataka kung bakit pinasok ko agad siya. Madalas kasi naglalaro muna kami. Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam muna bago tuluyan umalis sa lugar. Kailangan kong makabalik agad para makapaglaro pa kami ni Bailey. Hindi ko kasi nagawa iyon kaninang lunch break. I'm on my way to a book store, hindi kalayuan sa school. Walking distance lang ito kaya nilalakad ko lang. "Please don't hurt me! I don't want to die! I'm too young!" Napahinto ako nang marinig ko ang sigaw ng isang babae. Bakas ang takot sa boses nito. That voice, it sounds familiar. Mukhang may nangyayari hindi maganda. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Hindi ka namin sasaktan basta ibigay mo lang ang hinihingi namin!" Boses ng lalaki. Hindi na ko nagdalawang isip pa at nagpalinga linga ako sa paligid. Naghahanap kung saan ang posibleng paggalingan ng mga boses. And there I saw them sa medyo tagong lugar. Tatlong lalaki na sa tingin ko ay nasa mid 20's na ang kinocorner ngayon ang isang estudyanteng babae. Ang angas ng mga itsura nila. Yung isa may tattoo pa sa leeg. "N-nakuha niyo na ang wallet ko. Wala na kong mabibigay sa inyo." Naiiyak na wika ni Lizzie. Yup, si Lizzie yung hino-hold up ngayon ng tatlong lalaki. Kitang kita ko ang takot sa mukha ng dalaga habang nakapalibot sa kanya ang tatlong lalaki para hindi ito makatakas. Agad akong nagtago para hindi nila ako makita. Sa tingin ko naman ay hindi nila naramdaman ang pagdating ko. "Kami ba pinagloloko mo? E isang libo lang laman ng wallet mo. Mayaman ka diba?! Sa Themis University ka nga nag aaral. Pang mayaman school iyon kaya ilabas mo na ang pera mo kung ayaw mong masaktan!" Inis na sigaw ng lalaking may tattoo habang hawak ang babae sa braso. May lumandas na luha sa mukha ni Lizzie, "Sinabi ko na sa inyo na 'yan na lang ang pera ko. Hindi na kami mayaman!" Naiiyak na sabi nito. Seryoso ba iyon? Hindi na siya mayaman? "Ang tibay mo ah! Ano'ng tingin mo sa amin? Tanga?! Hindi mo kami maloloko!" saad nung isang lalaki. "H-hindi ko kayo niloloko...Hindi na talaga kami mayaman. Bankrupt na ang company namin... P-please let me go... Wala na kayong makukuha sa'kin." I should seek for help right now. Someone na makakatulong kay Lizzie sa mga magnanakaw na ito. I tried to look around, umaasa na sana may taong mapapadaan sa lugar. Shit! Bakit parang walang tao? Paalis na sana ako para humingi ng tulong nang magsalita ang isa sa kanila, "Wala ka pala silbe e!" Sabi ng lalaking may tattoo. Aktong susuntukin niya si Lizzie sa mukha. Oh no! Without thinking, inihagis ko ng malakas ang bag ko sa lalaking akmang sasaktan si Lizzie. Sa ulo niya tumama iyon. Halatang nasaktan siya dahil napahawak ito sa ulo niya at inis na napatingin sa direksyon ko. Gulat naman ang naging reaksyon nung dalawa niya kasama at ni Lizzie dahil sa hindi nila inaasahan ang nangyari. I tried to act bored while showing myself to them. "Ikaw ba ang gumawa nun?!" Galit na tanong ng binato ko. "Oo, ako nga." Walang gana sagot ko. Dahan dahan akong naglakad palapit sa mga ito. Napatingin ako kay Lizzie. Tumigil na siya sa pag iyak pero bakas pa rin ang takot sa mukha niya ngunit narelieve naman siya nung makita ako. "Ang lakas ng loob mo ah! Wag kang mangialam dito kung ayaw mong masugatan ang mukha mo!" banta nito. "Sino naman nagsabi nangingialam ako? Napadaan lang ako dito." walang emosyon kong sagot. Dumaan ang pagtataka at lungkot sa mukha ni Lizzie nang tignan ko siya. Sorry, Lizzie. "Yun naman pala eh edi umalis ka na!" sabi naman ng isa. Pero imbis na umalis ako ay naglakad pa ako sa kanila hanggang sa tuluyan na akong nakalapit. Nagtataka naman nila akong pinapanuod. Napansin kong wala na nakahawak kay Lizzie. Ngumiti ako ng peke, "Kukunin ko lang ang bag ko." Sabay yuko ko ng dahan dahan. Pinapanuod lang nila ang bawat galaw ko. Tsk. Akala ko ba hindi sila maloloko? Napangisi na lang ako ng palihim. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko at gaya kanina dahan dahan din ang ginawa kong pag angat. Wala silang kaalam alam sa gagawin ko. Oh, God. Sana hindi ako magkamali! Pinakiramdaman ko muna sila. Alam kong nakatingin sila sa akin. Kaya naman nang makatayo na ako ng tuluyan ay mabilis kong hinampas ng buong lakas gamit ang bag ko ang mukha ng sa tingin kong leader nila. The guy with tattoo. Napa aray siya at napaatras. Bago pa makabwelo yung dalawang lalaki ay sinipa ko nang malakas yung isa sa tiyan at yung isa naman ay sinuntok ko sa panga. Yeah, I can do that. "TAKBO!!!" Sigaw ko kay Lizzie. Tulala siya nang tinignan ko kaya late na niya narealize ang nangyayari pero buti ay nakarecover din agad siya at tumakbo palayo. Sakto naman pagharap ko sa leader ay akmang susuntukin na ako, mabuti na lang ay mabilis ang reflexes ko kaya agad akong nakaiwas. Dahil do'n ay nagkaroon ako ng chance para sipain siya sa manhood niya. Oops. That hurts. Napasigaw siya sa sakit at nagmumura. Pasugod na sa akin yung dalawa nang tumakbo ako ng mabilis palayo sa kanila. "Ang sabi ko takbo!" Inis kong saad kay Lizzie nang makita ko siya nakatayo lang sa di kalayuan. Hinawakan ko ang wrist niya sabay hila sa kanya patakbo. "Why are we running?" Naguguluhan niya tanong? Nag iisip ba siya? Malamang hinahabol kami. "Nakikita mo ba sila sa likod?" Sabi ko habang tumatakbo. Tumingin siya sa likod namin at nagulat. "KYAAAAHHH!!!" Sigaw niya sabay takbo ng mabilis. And just like that, we became Thomas and Minho inside the maze, running for our lives not to get killed by the grievers. Takbo lang kami ng takbo ni Lizzie palayo sa tatlong lalaking humahabol sa amin ngayon. Sh*t. Bakit ba kasi nangialam ako? Bakit ko nga ba sinali ang sarili ko sa isang gulo? Diba sabi ko hahanap ako ng tutulungan sa kanya? Gumawa ako ng isang bagay ng hindi ko pinag iisipan. Pero kahit na sisihin ko pa ang sarili ko sa ginawa ko ay huli na rin naman at isa pa alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang hindi siya tulungan. "Doon!" Sabay turo ko sa van na nakapark sa gilid ng kalsada. Agad na naupo at nagtago kami nang makalapit sa sasakyan. Pigil hininga ang ginawa namin para hindi kami marinig. "Nasaan na sila?!" tanong ng isa. Halos hindi kami gumagalaw ni Lizzie nang makita namin sila na nililibot ang paningin sa lugar. Mabuti na lang na madilim na kaya hindi nila makita kung saan kami nagtatago. "Hanapin niyo sila! Lalo na yung babaeng bumato sa akin ng bag!! Lagot sa akin ang babaeng 'yon!" Galit na galit na sabi ng leader nila. Malamang ako iyong tinutukoy niya. Ilang segundo lang ay nagpatuloy na sila sa pagtakbo. Nakahinga ako ng maluwag. Nang maramdaman kong nakakalayo na ang mga ito ay tumayo na ako. "Hey! Where are you going? Baka nandyan pa sila!" Bulong pero pasigaw na sabi ni Lizzie. "Wala na sila." "Paano kung bumalik-" "Babalik iyon malamang kaya kung ako sa iyo aalis na ko diyan at uuwi." Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Wala yata siyang balak umalis sa pinagtataguan namin e. Agad siya napatayo at lumapit sa akin. "Wait. Saan ka pupunta?" Pigil niya sa akin nang magsimula na akong maglakad sa ibang direksyon. "Sa dapat kong puntahan." Tipid kong sagot at nagsimula na ulit maglakad. Teka, nasaan na ba kami? Hindi pa ko masyadong pamilyar sa mga lugar dito. Bagong salta lang ako. Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already six forty in the evening. Mukhang malayo yata ang tinakbo namin. "Kairi, wait!" Napahinto akong muli sa tawag ni Lizzie. Wait. Did she just said my name? Napalingon ako sa kanya. She looks problematic. Mukhang may gusto siya sabihin pero nag aalangan siya. Okay. What's the matter? Kunot noo ko lang siya tinignan habang naghihintay sa sasabihin niya. "Hindi ko alam paano makauwi." Nahihiya niyang sabi. Tsk. Doon ko lang din napansin na nakahawak siya sa wrist ko. Agad naman niya iyon inalis nang mapansin ko. "So?" Ano ngayon kung hindi niya alam ang pauwi? E, hindi ko nga rin alam pauwi sa dorm. "Kung nasa Themis tayo, alam ko ang daan pauwi pero ngayon kasi hindi ko alam kung sa-" Naputol ang sasabihin niya nang magsalita ako. "Diretsuhin mo na lang kaya ako." Nag alangan pa siya bago ulit magsalita, "Pwede ba kong....sumama...sayo?" nahihiya niyang tanong. Wow. Parang hindi siya si Lizzie na kilala ko sa school. Si Lizzie nahihiya? Isa siya sa mga taong alam kong may mataas na confident e. Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman siya pwede pabayaan mag isa lalo na't mukhang natatakot pa rin siya dahil sa nangyari. She must be traumatised. "Follow me." Iyon lang sinabi ko at nagsimula na ulit maglakad. Baka bumalik pa ang mga lalaking iyon at makita pa kami dito. Lakad kami ng lakad. Wala nagsasalita sa amin. Ako ang nauuna maglakad habang siya ay nasa likod ko hanggang sa makakita kami ng Mall. Pumunta kami sa abangan ng mga taxi. "Dito ka na sumakay pauwi sa inyo. Sabihin mo lang ang address mo sa cab driver at siya na ang bahala sa iyo." Sabi ko sabay talikod na paalis. Iyon naman ang plano ko e. Ihatid siya sa sakayan. "Pero hindi ako marunong magpara ng taxi." Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya. Oo nga pala. Rich kid pala 'to kaya walang alam sa ganito. Tumingin muna ako sa relo ko. Seven fifteen na, ang bilis ng oras. Muli akong humarap sa kanya. "Bakit hindi mo kaya tawagan ang parents mo para sunduin ka? Ipaalam mo na rin sa kanila ang nangyari para maireport agad sa pulis iyon. Mahirap na dahil baka may iba pa silang mabiktima." "I know that pero kasi ayoko silang mag panic at mag alala but I'll tell them when I got home." paliwanag niya. Tumango tango na lang ako at nagsimula na magpara ng sasakyan. Abala ako sa pag abang ng masasakyan ng magsalita ulit si Lizzie, "Uhm... Ano kasi... Nakuha ng mga magnanakaw na 'yon yung pera ko kaya pwede ba akong manghiram sa'yo? Don't worry, I'll pay you tomorrow." halos hindi siya makatingin sa akin ng diretsyo. Hindi ko alam kung bakit siya nahihiya. "So totoo pala iyong sinabi mo kanina na bankrupt na business niyo." Nanlaki ang mga mata nito dahil sa gulat, "Teka... Paano mo?... Narinig mo?! OMG! Oh My Gosh!... This can't be happening!!" At nagsimula na siya mabaliw. Tsk. Big deal ba iyon? Bigla akong naguluhan sa inaasta niya. "Will you shut up?" Agad din naman siya tumahimik. Saglit na katahimikan pero agad din iyon nawala nang magsimula siya maghysterical. "OMG! Kairi, please don't tell to anyone about my social status. Don't tell them my secret, please. Ayoko mapahiya sa school. I'm begging you." Halos maiyak na sabi niya with matching hawak ng kamay pa. Jeez. "Sa tingin mo ba may pakialam ako sa buhay mo?" Seryoso at walang emosyon kong tanong. Napatigil siya sa pag iyak. Kahit na hindi naman talaga siya umiiyak kasi wala naman luha. "Look, I don't care kung mahirap ka na at nabankrupt ang business niyo. Hindi ko ugali ang mangialam or makisali sa buhay ng iba. Kung ano man iyon nalaman ko, sa akin na lang iyon." I said as matter of fact. Iniisip ba niya ipagkakalat ko ang nalaman ko? Ano naman mapapala ko doon? At tsaka wala nga ako makausap sa school. Tsk. Hindi siya nakapagsalita o react agad. Seryoso lang niya ako tinitignan. Hindi ba siya naniniwala sa akin? Well, I don't blame her. Hindi naman niya ko kilala ng lubos para maniwala agad sa'kin. "Mabuti pang sumakay ka na para makauwi ka na." Pagkasabi ko nun ay nagpara ako ng masasakyan ni Lizzie. Pero sa kasamaang palad ay nahirapan ako makakuha ng taxi. Agawan tapos ang tagal pa dumating. After thirty minutes ay nakakuha rin ako ng cab for Lizzie. "Remember what I told you earlier." Sabi ko. Tumango lang siya. Kumuha ako ng five hundred peso bill sa wallet ko para pambayad sa taxi. Pambili ko sana ng school supplies iyon kaso naisip ko na mas kailangan ni Lizzie ang perang iyon. Sana lang ay sapat na ang halaga no'n sa pamasahe niya. Tumalikod na ako at nagsimula maglakad palayo. Plano ko na umuwi. "Kairi!" Lumingon ako para tignan ang babae. Bukas na yung pinto sa backseat pero hindi pa rin siya nakasakay. "Thank you sa pagligtas mo sa akin kanina." Nakangiti niyang saad. Tinignan ko lang siya ng ilang segundo at nagpatuloy sa paglakad palayo. Hmmm. She's kinda weird. Mabilis ako naglakad pauwi. Nasaan nga ba ako? Paano ba ko makakauwi? Saan nga dito ang pabalik sa Themis? Dito or doon? Holy Ground! I'm so dead. Hindi na ko tumuloy sa pupuntahan ko dahil wala na yung pambili ko at kailangan ko na makauwi dahil baka maabutan ako ng curfew. What a tiring day!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD