"Guys! Magsama-sama muna ang lahat dito sa sala!" sigaw ni Jef habang nakatayo sa gitna ng malaking carpet at pumapalakpak para makuha ang atensyon ng aming dalawampu't limang magkaklase.
Gabi na. Tapos na kaming kumain ng hapunan at ang lahat ay nakaupo nang pabilog sa malawak na floor ng sala sa Ground Floor.
Ang iba ay nakasandal sa mga malalambot na couch, habang ako naman ay nakaupo sa tabi nina Daina at Aya. Sa kabilang gilid ko ay nakaupo si Akio, tahimik na nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ang paligid ng walong palapag na mansyong ito, samantalang si May naman ay abala sa pag-aayos ng kaniyang buhok sa tabi ni Anna.
"Ano ba 'yang hawak mo, Jef?" tanong ni May habang pinagmamasdan ang isang maliit na glass bowl na hawak nito kung saan may mga nakagupit na maliliit na papel sa loob.
"Ito ang magiging highlight ng gabi natin!" nakangiting sagot ni Jef habang naglalakad sa gitna naming lahat. "Dahil napaka-creepy at napakalaki ng walong palapag na mansyon nina Daina, bagay na bagay na maglaro tayo ng Killer Game! O mas kilala ng marami bilang Mafia, Doctor, Police, at Detective!"
Nagsimulang mag-ingay ang buong klase. May mga natuwa, may mga nagtawanan, at may mga nag-asaran agad sa kung sino ang mukhang traydor sa aming grupo.
"Naku, siguradong ikaw ang Mafia diyan, Jef!" pang-aasar ni Andrew habang nakaturo sa kaniya. "Sa mukha mo pa lang, mukhang hindi ka na pwedeng pagkatiwalaan! Mukha kang goons!"
"Gago!" tumatawang sagot ni Jef. "Ako kaya ang kakausap sa Police para hulihin ka!"
"Ako siguro ang Doctor," sabat naman ni Adrian na nag-flex pa ng braso niya. "Ako ang magliligtas sa mga magagandang binibini rito, lalo na kay Yumi."
Umirap ako kay Adrian pero hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. Natawa rin si Akio sa tabi ko at binato ng unan si Adrian. "Tigilan mo nga si Yumi, Adrian. Magsimula na lang tayo!" saway ni Akio.
"Teka, para sa mga hindi pa nakaka-relate o nakakalimot sa mechanics, ipapaliwanag ko muna para malinaw sa ating dalawampu't lima!" awat ni Jef.
Tumahimik ang lahat para makinig.
"May eksaktong dalawampu't limang papel sa loob ng bowl na ito," simula ni Jef. "Apat lang ang may espesyal na papel o role. Isang Mafia—siya ang Killer na pipili kung sino ang tatanggalin sa laro. Isang Detective—siya ang mag-iimbestiga at manghuhula kung sino ang Mafia. Isang Doctor—siya ang may kakayang magligtas. At isang Police—siya ang may hawak ng huling desisyon kung babarilin o tatanggalin ba ang napagbintangan."
"Eh paano 'yung natitirang dalawampu't isa?" tanong ni Kael mula sa gilid.
"Ang natitirang dalawampu't isa ay mga Citizens," sagot ni Jef. "Kayo ang boses ng bayan. Kayo ang mag-uusap-usap, magdududa, at boboto kung sino sa tingin ninyo ang nanggagago at nagsisinungaling sa bawat round!"
Isa-isang lumapit ang dalawampu't limang magkaklase sa gitna upang bumunot ng papel. Nang ako na ang lumapit, bumunot ako ng isang itinuping papel mula sa glass bowl.
Bumalik ako sa pwesto ko sa tabi ni Akio bago ko ito dahan-dahang binuksan sa ilalim ng aking mga palad.
ROLE: POLICE
Napalunok ako. Napatingin ako sa paligid. Ako ang Police. Sa laro, ako ang tagapagtanggol. Ako ang may kapangyarihang mag-eliminate o humatol sa sinumang suspetsado ng Detective. Ramdam ko ang bigat ng role ko kahit laro lang ito.
"Sige na, simulan na natin!" sigaw ni Jef habang tumatayo sa tabi ng fireplace. "Lahat ng dalawampu't limang manlalaro... NIGHT TIME! PIKIT ANG LAHAT!”
Sabay-sabay kaming pumikit. Sa unang ilang segundo, naririnig ko pa ang hagikhik nina May at Anna, at ang mahinang pag-ubo ni Andrew na subok na pinapanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon...
CLACK!
Isang malakas na tunog ng switch ang nanggaling sa pader, at kasabay noon ay ang PAGKAPATAY NG LAHAT NG ILAW SA MANSYON.
Bumagsak ang buong walong palapag na mansyon sa napakatinding kadiliman. Nawala ang liwanag ng chandelier sa Ground Floor, pati ang mga ilaw hanggang sa ikawalong palapag.
"Huy! Brownout?!" sigaw ni Adrian mula sa likuran.
Dahil sa biglaang kadiliman, agad na nag-panic ang dalawampu't limang tao sa loob ng sala. Narinig ko ang mabilis na pagtayo ng ilan, ang pagkatulak ng mga mesa, at ang mga sigaw ng takot nina May at Anna
.
"Dali! Buksan niyo 'yung mga flashlight ng mga cellphone niyo!" sigaw ni Daina.
Mabilis kong kinapa ang bulsa ko at inilabas ang cellphone ko. Pinindot ko ang power button nang paulit-ulit, pero ayaw bumukas ng screen. Dead set.
"Ayaw bumukas ng cellphone ko!" tili ni May na naiiyak na.
"Pati ang sa akin! Sabay-sabay na-empty battery tayong dalawampu't lima?!" galit na sigaw rin ni Andrew.
"Walang gumaganang cellphone," kinakabahang sabi ni Akio mula sa tabi ko. Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko, tila sinisigurong hindi ako mawawala sa dilim. "Yumi, huwag kang aalis diyan.”
"Daina..." pabulong at nanginginig na tawag ni Aya mula sa kabilang tabi namin. "Daina, ano 'to? May sira ba ang kuryente niyo rito?"
"Tumigil muna kayong lahat," pagsingit ko sa gitna ng gulo, pilit na pinapatapang ang boses ko. "Pakiramdaman niyo ang paligid... Huwag kayong maggalaw-galaw sa dilim para walang masaktan."
Pero biglang may tunog na nagpatahimik sa aming lahat.
Tik... tok... tik... tok...
Nagmula ang tunog sa pinakasulok ng sala—sa lumang Grandfather Clock na nakatigil ang oras kanina pa. Ang relong matagal nang sira ay biglang gumagalaw at tumutunog nang napakalakas.
BZZZT!
Kasunod noon, ang lumang radyo sa tabi ng fireplace ay biglang bumukas nang kusa. Maugong at nakakabinging static noise ang lumabas mula rito bago pinalitan ng isang malamig, robotik, at distorted na boses ng isang lalaki.
"Welcome to the real Mafia Game."
Bumilis ang t***k ng dibdib ko. Nanlamig ang mga kamay ko sa dilim. Mahigpit na napahawak si Akio sa kamay ko.
"You are twenty-five players inside this eight-storey mansion tonight. You have exactly sixty minutes to complete the first round. One among you is the real Mafia. If the Detective fails to point out the Killer before the timer ends... everyone dies."
"Ano 'to?! Prank ba 'to?!" sigaw ni Adrian na halatang nanginginig na rin. "Jef! Prank mo ba 'to?!"
"Hindi! Swear to God, wala akong kinalaman dito!" hiyaw ni Jef na nagpa-panic na rin nang husto.
“Pero nakita ko hawak mo ang Radyo kanina”
SWISH!
Sa gitna ng kadiliman, nakarinig ako ng mabilis na galaw. Tunog ng mga mabilis na yapak sa kahoy na sahig mula sa gilid ng hagdanan.
Dahil ako ang nakatoka sa papel ng Police, pilit kong inaninag ang dilim.
"Sino 'yan?! Manatili kayo sa pwesto niyo!" sigaw ko.
THUD!
Isang napakabigat na bagay ang bumagsak sa sahig sa gitna mismo ng sala—sa ibabaw ng mahogany table. Kasunod noon ay ang tunog ng isang likidong umaagos at pumapatak sa carpet.
Mabaho. Malansa. Amoy bakal.
"G-Guys..." mahinang tanong ni Andrew. "Anong amoy 'yun? Bakit amoy dugo?"
Ilang segundo ang lumipas, ang maliit na ilaw ng radyo ay biglang kumislap at naglabas ng isang mapula at madilim na liwanag sa gitna ng sala.
At sa liwanag na iyon... parang huminto ang puso ko.
Nakataya sa ibabaw ng malaking mesa ang katawan ng isa sa aming mga kaklase. Nakadapa ito, nakabukas ang mga matang walang buhay, at mula sa kaniyang leeg ay mabilis na umaagos ang napakaraming pulang dugo na pumapatak sa puting carpet.
"AAAAAHHHHHHHH!"
Isang napakalakas at hysterical na sigaw mula kay May at Anna ang yumugyog sa buong mansyon. Ang dalawampu't apat na natitirang magkaklase ay nabalot ng matinding sindak.
May mga napaupo sa sahig habang umiiyak, at may mga nagtatakbo pabalik sa pader para lumayo sa mesa. Hinatak ako patalikod ni Akio para ilayo sa tumatalsik na dugo, habang sina Adrian at Andrew ay napasandal sa pader, parehong namumutla at hindi makapagsalita.
Hindi ito laro.
May totoong pumatay. May totoong namatay sa dalawampu't limang pumasok sa mansyon.
Bumalik ang static sa radyo, at ang boses ng hindi kilalang tao ay muling nagsalita habang ang pulang countdown timer sa radyo ay nagsimulang magbawas ng segundo: 59:59... 59:58...
"The Doctor failed to save. The Police failed to shoot. Now, Detective... time is ticking."
Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatitig sa bangkay.
The Police failed to shoot.
Ako ang Police. Nabigo ako. Hindi ko man lang nagamit ang papel ko para mailigtas ang kaklase namin dahil sa takot at dilim.
Tumingin ako sa paligid sa gitna ng mapulang liwanag ng radyo. Nakatingin din sa akin—at sa isa't isa—ang dalawampu't tatlo ko pang natitirang kaklase.
Namumutla si Akio, umiiyak si May, nanginginig si Adrian. Ang pinto sa Ground Floor ay nakatrangka. Ang mga bintana sa walong palapag ay nakakunci mula sa labas.
Napahawak ako sa nanginginig kong dibdib habang mabilis ang hinga. Ako ang Police, pero sa pagkakataong ito... isa rin akong biktima na nakakulong kasama ang killer.
Sino ang pumatay? At paano ko gagamitin ang papel ko bilang Police bago maubos ang buhay naming lahat?