Alas singko ng umaga ay gising na si Dominico. Gusto niyang tuparin ang pangako niyang habang nasa kama pa si Denisse ay ibibigay niya na ang halik dito. Tuso talaga ang babaeng 'yun. Gusto siyang mapangasawa kaya kung ano-anong pamba-blackmail ang ginagawa sa kanya. He's enjoying every bit of it though, nawalang bigla ang pagkabagot niya sa araw-araw. Isa at kalahating buwan na lang siya dito, kailangan niyang masira ang relasyon nito at ni Bennett para masigurong hindi na ito magiging asawa ng kapatid niya. Kumatok siya sa pinto pero walang sumasagot. Pinihit niya ang sedura at doon niya nakitang masarap pa ang tulog ni Denisse habang nagkalat ang drawings nito pati na coloring pens na gamit nito sa paggawa ng drawing sa malaking sketch pad. Dahil humahanga talaga siya sa husay ng ka

