Nagulat si Dominico nang makitang nagluluto si Denisse ng hapunan habang ang katulong ay abala sa pagtatapos ng labahin sa likod-bahay. Ang Mama't Papa niya ay nasa veranda habang si Bennett ay hindi niya matanaw kung saan na naman nagpunta. What the hell is Denisse doing in the kitchen wearing tube top and skinny denim shorts? Kahit may suot itong apron ay gumagana ang imahinasyon niyang hindi na natahimik mula nang mag-iwan ito ng thong underwear sa banyo niya. Sinasadya talaga nitong pakitaan siya ng parte ng katawan para mahulog siya sa patibong nito. A seductress. Pero paanong ang ganito kayaman at kagandang babae ay marunong magtrabaho sa kusina? Hinakot nang lahat ni Denisse ang magagandang katangian na hinahanap ng isang lalaki sa mapapangasawa. Nakapagtataka na pumayag i

