"Tell me, how does my brother start from scratch? Ni wala na yatang mapapakinabangan sa mga niyog na naiwan," aniya kay Denisse nang samahan niya itong nakatayo sa hood ng kotse niya. Tinatanaw nito ang hangganan ng Guererro Farm habang hinahampas ng hangin ang nakalugay nitong buhok na patuyo pa lang. Mula sa kinatatayuan niya ay tumatama sa ilong niya ang floral scent na nakatatak na rin sa banyo niya. "Depende... Ano ba ang balak niyo sa farm? Continue the coconut products? Nariyan pa ba ang mga kliyente niyo?" "I have no idea..." "May potensyal pa naman ang niyugan, Dominico. Bihira ang may ganito kalaking farm na ang produkto ay buko, niyog, coconut lumber at kung ano-ano pa. Kung kumpetisyon ang pag-uusapan ay siguradong hindi niyo poproblemahin. Puro palayan at manggahan ang ina

