Chapter 9

1613 Words
Alas syete na ng umaga pero hindi pa rin lumalabas si Bennett sa silid nito. Siguradong naparami ito ng alak kagabi kaya siguradong mamaya pa rin ito gigising. Hindi pa rin nagbabago ang kapatid. Ganitong-ganito ito sa Hawaii na nagsawa na lang siyang kagalitan ito. "Pasensya ka na kay Bennett, Denisse. Masyadong nasabik sa mga kaibigan dito kaya hindi na naman nakaiwas sa pag-inom kagabi," paghingi ng paumanhin ng Mama niya sa bisita nila. "Okay lang ho, Auntie, I understand. Ang inaalala ko lang ho ay kung ano ang gagawin ko dito maghapon. Can I walk around your farm so I could check where we could put other crops?" "Naku, oo naman. By all means. Malaya kang lumibot at inspeksyunin ang buong farm. Hindi mo na kailangang ipaalam pa," nakangiting sagot naman ng Papa niya. "Baka ho kasi may lugar sa farm niyo na bawal kong tapakan." Palihim pang sumulyap sa kanya si Denisse dala ang pigil na ngiti. Lumabas ang maliit nitong dimple sa gilid ng labi na isa sa assets nito. Pinaningkitan niya ito ng mata. Alam niyang pinagtatawanan siya nito dahil sinita niya ang dalaga sa pag-jogging nito sa farm nila nang mag-isa kanina. "Ano pa ba ang bawal mong tapakan? Pakiramdam nga namin ay mapagpapala mo ang bawat lupang sasayaran ng 'yung paa, Denisse." Ngiting-ngiti ang mga magulang niya na kuhang-kuha ng dalaga ang kiliti. Pero hindi pa rin siya bilib. "Sobra naman hong expectations, Auntie. Gagawin ko lang ho ang makakaya kong itulong pero si Bennett pa rin ho ang mamamahala sa farm. At sandaling panahon lang ho ako dito." "Pero kapag kayo ni Bennett ang magkakatuluyan, sana'y dito mo gustong mamalagi nang mas matulungan mo siya na ibalik sa dati ang kita ng niyugan, Denisse. Kung gusto mong ipaayos ang bahay---" "Oh, this house is lovely, Auntie. Bihira na sa bayan natin ang ganitong classic na bahay na yari pa lahat sa kahoy." Mabuti na lang pareho sila ng ideya ni Denisse pagdating sa bahay. Wala rin siyang gustong ipabago dito dahil maraming alaala dito ng kabataan niya. Iyon na lang ang tinatanaw niya ngayon dahil wala na mga kaibigang kalaro niya noon. Pati ang Lolo at Lola niya ay matagal na ring pumanaw. "Pero si Bennett ay gustong ipabago ang bahay na 'to kung may pera lang siya," wika ng Mama nya. "Huwag kang papayag kapag nagkataon." Ngumiti lang si Denisse sa Mama't Papa niya. Nang matapos ang almusal ay parang hindi siya nabusog. Wala naman kasing ginawa si Denisse kung hindi lingunin siya at ngitian. "Is it okay if I borrow your car going around?" Narinig niyang tanong ni Denisse sa Papa niya. Nagulat siya nang lingunin siya ng Papa niya. "Nakakahiya naman na ang kakarag-karag na kotse namin ang gamitin mo, anak. Baka puwedeng ang kay Dominico ang gamitin mo kung wala naman siyang pupuntahan?" Umikot ang mata niya para ipakita ang inis. Siya na naman ang mapuperhwisyo dahil tulog pa si Bennett. "No, uncle, it's okay. Mas gusto ko nga ho ang sasakyan niyo basta't taos puso niyo pong ipapahiram. Hindi ko kailangan ng magandang kotse kung ang may-ari naman---" "Na ano, Miss Silvestre?" Tumaas ang isang kilay niya para bigyan ito ng babala. Oras na may sabihin itong hindi maganda sa harap ng magulang niya'y malilintikan itong talaga. "Kung ang may-ari ho ay masungit." At talagang isinumbong pa siya sa Mama't Papa niya na parang hata. Lumapit naman ang ina sa kanya at binulungan. "Ayusin mo ang pakikitungo mo kay Denisse dahil nakakahiya kay Dash at Lenna. Hindi ba't sabi mo kahapon ipagda-drive mo sila ng kapatid mo?" "Sinita ko lang naman ho nang i-drive niya ang kotse ko. Hindi ba't binilin ng mga magulang niya na bawal siyang mag-drive habang nandito siya sa atin?" pagtatanggol niya sa sarili. "Oo nga... Alangan namang lakarin niya mula dito hanggang dulo ng Guererro Farm? Nasaan naman ang pagiging hospitable natin? Ipag-drive mo na lang kung ayaw mong gamitin niya ang kotse mo nang mag-isa." "I don't want to cause inconvenience to anyone, Auntie." Palagay niya'y lalong tumamis ang ngiti nito na nakabawi ng pang-iinis sa kanya. "Puwede kong tawagan si Kuya Lawrence para dalhin na lang ang kotse ko." "Huwag mo nang abalahin ang pamilya mo, Denisse. Baka sabihin pa nilang hindi ka namin inaasikaso man lang dito. Ihahatid ka ni Dominico kung saan mo man gustong magpunta." Naglabas siya ng sarkastikong ngiti nang sila na lang dalawa ni Denisse sa living room. Dumating na ang ipinatawag niyang therapist na maghihilot sa paa ng Papa niya para bumalik kahit paano ang paglalakad nito. Gumagamit na kasi ito ng tungkod mula nang na mild-stroke noong nakaraang taon. Tumalikod naman si Denisse sa kanya para umakyat sa silid nito. Sumunod siya sa dalaga habang iniisip kung paano niya ito iinisin mamaya. Kailangang makaganti man lang siya sa pagkasira ng relasyon nila ni Lilia dahil sa kagagawan nito. "Saan mo ba gustong pumunta, Señorita Denisse?" Iniharang niya ang kamay bago pa nito mabuksan ang pinto ng silid. Tumingala naman ang nagniningning nitong mga mata. "Sa farm. May iba pa ba?" "Hmmm... Sa langit, gusto mo?" "Sa langit? Hindi tinatanggap doon ang masungit na katulad mo. Paraan nga!" Inalis nitong pilit ang kamay niya sa sedura ng pinto. Pinagbigyan naman niya itong makadaan. At iniwan pa talaga nito ang pinto na nakabukas at basta na lang naghubad ng t-shirt nang nakatalikod. Muling tumambad sa kanya ang suot nito kaninang nag-jogging ng madaling-araw. Tumalikod na lang siya dahil mukhang wala naman itong pakialam sa delikadeza. Naghanap siya ng maisusuot na t-shirt at walking shorts. Kailangang makapal na damit ang isuot niya kung ayaw niyang mabisto ang alaga niyang manok na gustong makatikim ng palay. Nag-spray din siya ng mamahalin niyang pabango. Kailangang matanggal ang pabango ni Denisse na kumapit na yata sa car seat niya. Pagbaba niya ay wala pa si Denisse gayung halos kalahating oras na siya sa silid niya kanina para ito ang mainip sa kanya kahihintay. Kapag nakita niyang nag-makeup pa ang dalaga ay kagagalitan niyang talaga. Hindi pa siya nakakaisa sa pang-iinis. Palagi siyang nababawian. Limang minuto pa siyang naghintay sa tabi ng kotse niya bago niya ipinatawag sa katulong. Talaga yatang iniinis siya dahil ito pa ang nagpahintay siya na nga ang gagawing driver. Pagbaba nito ay basa pang buhok at walang kabakas-bakas na makeup sa mukha. Naka-walking shorts din ito ng maiksi at crop top na idini-display na naman ang maliit na baywang. Kahit naman sa Amerika ay ganito ang fashion ng mga kababaihan. Ewan ba niya sa sarili kung bakit kay Denisse pa tumutugon ang katawan niya. "A typical princess... Sana tinagalan mo pa ng isang oras ang paghihintay ko," sarkastiko niyang wika. Ni hindi niya ito pinagbuksan ng pinto ng kotse. "Ayaw mo pa kasing ipagkatiwala sa 'kin ang kotse mo, kaya ko naman 'tong palitan," pang-iinis nito na hindi pa sumasakay. Nakatayo sila sa magkabilang pinto ng kotse. "There is a sentimental value in this car that your money can't buy, Miss Silvestre." "Ohh... priceless... Anong alaala ang hindi ko kayang palitan dito?" Pinaglandas nito ang kamay sa makintab niyang kotse na tila inaalisan ng alikabok. "Get in. I'll tell you inside." Kumindat siya kay Denisse na inirapan naman siya. Pagsakay nito'y napuno na naman ng tila maraming bulaklak ang kotse niya dahil sa kung anong floral scent na pabango nito. At nakakainis na bukod sa mapang-akit nitong amoy, ang makinis nitong hita ang tumatambad sa mata niya ngayon. "I know it has something to do with fashion, Denisse. But we are going to a farm, not a beach or a club. Don't you have decent clothes to wear?" "I'm sorry, Kuya Dominico, pero ganito talaga akong manamit kahit sa farm namin. You won't mind at all, would you? Wala pa naman sigurong ibang tao sa farm ngayon dahil kahit puno ng niyog niyo yata ay ayaw nang mamunga." Naningkit ang mga mata niyang talaga nang tawagin pa siyang kuya. Unang-una, hindi niya ito gusto para kay Bennett. Pangalawa, parang sinasabi nitong ganoon na siya katanda. "Hindi mo naman iniinsulto ang farm namin sa lagay na 'yan?" Napailing na pang siya na ayaw niyang lingunin ang dalaga. Napupunta lang sa kung saan ang mata niya at sumasabay din ng gala ang imahinasyon niya. "No offense meant, I'm just stating facts. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng malawak na niyugan dito sa Zambales. Karaniwan kasi ng pananim dito ay mangga at palay o kaya naman ay mga gulay." "Nagtrabaho kasi ang Lolo namin sa Batangas noon at doon niya nakahiligan ang puno ng buko. Marami daw kasing produkto na pwedeng i-produce bukod sa bunga. Kami ang nagsu-supply ng buko sa buong Botolan noong masigla pa ang farm sa pamamahala ng Lolo ko. Pati bunot, walis, coco lumber at kung ano ano pa ang puwedeng ibenta." "And then what happened?" "My grandfather died. Isama mo na rin ang dahilan na walang tauhan ang naiwan dahil puro ka-edad ng Lolo ko ang mga kanang-kamay niya dati. Papa had encountered many health problems that made him inefficient to handle the farm. O mas akma sigurong sabihin na walang interes ang Papa na mamahala kaya't pinabayaan na lang nang ganoon ang bukid." Ipinark niya ang kotse sa may hilera ng matatayog na puno ng niyog. Mabilis namang bumaba si Denisse at sumandal sa hood ng kotse niya habang nakatanaw sa malawak na lupain. Pinagmasdan niya muna ang dalaga kaya't hindi muna siya bumaba. Sa dalawang-araw nilang palitan ng irap at inisan, hindi niya alam kung hanggang saan hindi matitinag ang katatagan niya. Ayaw sana talaga niyang mapangasawa ito ni Bennett dahil baka kawawain lang nito ang kapatid niya dahil sa pagiging dominante nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD