Hindi alam ni Dominic kung anong oras niya nahanap ang antok kagabi. Ginising ng isang Denisse Silvestre ang buong kamalayan niya na natulog nang matagal na panahon. At naiinis siyang sa babaeng mapapangasawa ng kapatid niya ang pumupukaw sa p*********i niya gayung ito rin ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila noon ni Lilia. Kung bibiruin nga naman siya ng kapalaran.
Alas singko ng umaga ay tulog pa ang mga tao sa bahay nila dahil alas syete pa naman bumabangon ang mga magulang niya. Alas sais pa nagsisimulang magluto ang nag-iisa nilang kasambahay. Bumaba siya sa kusina para magtimpla ng kape bago lumabas sa veranda. Gusto niyang masilayan ang pagsikat ng araw at namnamin ang naghahalong lamig dulot ng hamog at ang init naman na dala ng haring-araw. Hindi pa rin talaga niya ipagpapalit ang ganitong pakiramdam sa Pilipinas. Ang matanaw ang berdeng lupain nila kahit puro damo lang naman 'yun at mga ligaw na puno. Kapag nag-retiro siya pagdating ng panahon ay gusto niyang makabili ng sarili niyang bukirin nang maranasan niya ulit ang ganitong pakiramdam.
Napakunot ang noo niya nang may nabanaag siyang taong tila galing sa niyugan at tumatakbo. May bakod naman sa palibot ng lupain nila at tiyak niyang walang magtatangka na pumasok dahil wala namang gaanong tanim para pag-interesan. At tahimik ang bayan nilang iyon na halos magkakamag-anak din ang may-ari ng magkakalapit na bukid.
Habang papalapit ang taong iyon ay nakilala din niya kung sino. At nakakainis na kailangang kumabog ang dibdib niya sa kaba. He is thirty-three years old, for Pete's sake. Pero sa harap ng babaeng ito ay parang gusto niyang mataranta. No wonder Denisse Silvestre is dominant even with men. Alam na alam yata nito ang karismang taglay sa mga lalaki. Lalo tuloy siyang naiinis sa babaeng ito.
Nang makalapit ang dalaga sa kinaroroonan niya ay lalo siyang nataranta. It's still five-thrity more or less. At sa ganitong oras masipag tumilaok ang mga manok na alaga nilang mga lalaki. Hindi makakatulong sa matino niyang pag-iisip ang makakita ng baywang na halos kaya niyang dangkalin at pusod na masarap paglandasin ang dila. Goodness! Alam naman niyang naka-jogging outfit ito kaya spandex sports bra lang at joggers ang suot . Hindi niya dapat kwestyunin iyon. Pero gumagana ang marumi niyang kaisipan mula nang mahawakan niya ang malambot nitong pang-upo kagabi.
F'ck.
"Hindi ka ba nakatulog sa silid mo at maaga kang nagising?" Idinaan niya sa paniningkit ng mata ang pakikipag-usap kay Denisse. Inalis nito ang airpods na suot sa tainga dahil hindi naman pala narinig ang tanong niya.
"I'm sorry?"
"Ang sabi ko, hindi ka ba nakatulog sa silid mo kaya ang aga mong gumising? It's still five-thirty, Miss Silvestre."
"Nakatulog naman ako nang maayos. Bennett let me sleep in his room---"
"Sa silid ng kapatid ko ikaw natulog kagabi pagkaligo mo?!"
"Yup." Hindi niya itinago ang inis niya habang nakikipag-usap sa dalaga pero kaswal lang itong sumagot sa kanya. "I can't sleep in my room. Kaya ko ang init sa gitna ng sikat ng araw kapag nagtatrabaho. Pero hindi ko kayang matulog nang mainit."
"And what time did my brother came back last night?"
"Past two. And he is drunk he can't get up early. Kaya ako na lang ang nag-jogging mag-isa."
Lasing dumating ang kapatid niya kagabi at sa iisang silid natulog ang dalawa. And he knows Bennett when it comes to women. Kung saan-saang condo ng babae ito nakikitulog noong nasa Hawaii sila. Imposibleng hindi nito pag-interesan ang ganito kaganda at kaakit-akit. Patay na patay pa naman daw ang kapatid niya dito noon pa kaya palagi itong nasa Hacienda Luna noon.
At palay na ang lumapit sa manok ngayon. Alangan namang maging santo ang kapatid niya?
"Nagpunta ka mag-isa sa kung saan lupalop ng bukirin? What if something happens to you, Miss Silvestre? Kaya bang tanggapin ng pamilya mo ang rason naming tulog pa kaming lahat nang maglibot ka sa Guererro Farm?"
"Isn't this place safe? Ni wala akong nakitang hayop na gumagala, Dominico. Sanay akong mag-jogging ng ganitong oras dahil sa Hacienda Luna---"
"Maraming tauhan sa lupain niyo siguradong poprotektahan ka ng mga 'yun kaysa gawan ng masama. At dahil lupain niyo 'yun ay kabisado mo rin bawat sulok ng lugar na 'yun, Denisse. Guererro Farm is different. Hindi mo kabisado ang lupaing ito at lalong hindi ko rin kabisado kung may sira-ulong pagala-gala d'yan na naghihintay lang sa mga inosenteng katulad mo. Did you get my point?" Umiling siya saka itinuon sa ibang tanawin ang mga mata. Ni hindi niya alam kung paano titingin kay Denisse nang hindi bababa ang tingin niya sa pusod nito.
"Okay, I get it. But do you have to shout at me?" Umirap ito sa kanya saka muling ibinalik ang airpods sa tainga. Hindi na siya nagsalita pa. Inubos na lang niya ang laman ng tasang hawak para ibunton ang inis sa kape.
Pumasok na si Denisse sa kabahayan habang siya ay hinintay ang pagsikat ng bukang-liwayway. Kung tutuusin ay nakakahanga ang disiplina ni Denisse sa sarili dahil ito pa ang naunang gumising sa kanilang lahat para lang mag-jogging. At gusto niyang bawiin ang iniisip niyang may nangyari dito at sa kapatid niya. No woman could have s*x with a man and have the strength to run around the farm like nothing happens. Siguro'y nasobrahan ng kalasingan ang kapatid niya kagabi para pagtuunan pa ng pansin ang magandang dilag sa tabi nito. O malamang sa malamang, may ibang ginalaw ang kapatid niya sa kung saang lupalop ito nagpunta.
Pero kung siya ang nasa kalagayan ni Bennett ay hindi niya ipagpapalit ang alindog ni Denisse sa kaninumang babae. Kagabi pa lang na nahawakan niya ang katawan nito'y sa pang-upo nito kaagad dumako ang kamay niya. At kusang gumawa ng desisyon ang katawan niya. Isang basong scotch lang ang nainom niya ng lagay na 'yun.
Mabuti na lang talaga hindi siya si Bennett.
Umakyat siya sa silid at nagpasyang maligo nang maaga. Maya maya lang ay pupunta na sila sa bukid para samahan niya si Bennett at Denisse para tingnan kung ano ang magandang gawin sa niyugan. Gusto niya ring makita kung hanggang saan ang ipinagmamalaki ni Denisse na kaalaman sa bukid. Baka naman puro pagpapa-charming lang kay Bennett ang gawin nito o maglaro na naman ng karera na talagang ikinaiinis niya.
Pagpasok niya sa banyo ay ang mabagong floral scent ang nanunuot sa ilong niya. Limang kung ano-anong bote ng lotion, shampoo, conditioner, body spray at hair spray ang naroon. Ultimo buhok ay pinapabanguhan pa pala gayung may shampoo at conditioner na nga. Kaya naman pala ganoon na lang kabigat ang hila-hila nitong maleta kahapon nang dumating. At hinayaan talaga niyang magbitbit si Denisse nang ganoon gayung pwede naman niyang tulungan?
Napamura siya nang paglingon niya sa shower rack ay may nakasampay na lace thong underwear doon. Hindi niya alam kung sinadya ni Denisse na iwanan doon para inisin siya o sadyang burara ito para iwanan ang personal na gamit kung saan-saan.
Isang buntunghininga ang pinakawalan niya habang nakatitig sa underwear. Mas mahirap pala kung iisang banyo ang gamit nila dahil nakakaganti ito ng pag-iinis sa kanya. Iwanan din kaya niya ang brief niyang hinubad at itabi sa underwear nito? O kaya iwanan niyang magkapatong ang dalawa?
Hinubad niya ang saplot sa katawan para simulan ang pagligo. Hinayaan niyang maglandas ang tubig niya sa katawan para maalis ang init doon. Pangalawang-araw pa lang ni Denisse sa Guererro Farm pero abot langit na ang init ng ulo niya sa dalaga.
At kapag sinabi niyang ulo, hindi lang literal na ulo ang tinutukoy niya!