Chapter 7

1488 Words
Pagkatapos ng dinner ay namalagi pa si Dominico sa veranda para magpalipas ng oras. Masarap ang simoy ng hangin sa gabi dahil napapalibutan ng puno ang bahay nila. Funny it may seem, but he loves the stillness of the night like this. Malayo ito sa nakasanayan niyang buhay sa Hawaii kung saan kahit madaling-araw na'y marami pang tao sa labas. Ganito naman noon pa dito sa bayan nila sa Zambales. Akala niya'y mabibingi na siya sa katahimikan ng gabi pero mas gusto pala niya ang ganitong buhay. Mas simple. Mas tahimik. Akala niya'y nagbago na ang pagmamahal niya sa bayang ito. Pero iniisip pa lang niyang bawas na ang dalawang buwan niyang bakasyon ay naninikip na ang dibdib niya. He loves this land and he loves his family. Nami-miss niya ang paglalaro nila ng kapatid noon sa labas ng bahay nila kahit gabi na. Ang magba-bike sila ni Bennett hanggang hindi pa sila tinatawag sa hapunan. At aaminin niyang na-miss rin talaga niya ang Mama't Papa niya na hindi niya nakasama sa matagal na panahon. Ahh... life... Why is it more complicated when you grow up? Mas may kakayanan na siyang magdesisyon para sa sarili niya pero hindi siya masaya. Babalik siya sa Hawaii sa susunod na buwan pero pakiramdam niya'y maiiwan niya ang puso niya rito. Naubos niya na ang scotch na laman ng basong dala niya pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tulog na ang Mama't Papa niya na maagang nagpapahinga dahil nagkakaedad na rin. Alas dyes na ng gabi. Pero curious siyang malaman kung tulog na ba ng ganitong oras ang mahal nilang bisita. Ang katapat ng silid niya ang ibinigay niyang tutuluyan nito. Sinadya niyang ilagay ito sa kwartong walang aircon para umalis na lang ito kaagad sa bahay nila. Hindi niya gustong mapalapit ito sa kapatid niya at lalong hindi niya gustong ito ang mapangasawa ni Bennett. The woman was too bossy and too arrogant for his brother. Kahit pinagbawalan na itong mag-drive kanina ay ito pa mismo ang nagmaneho ng sasakyan niya nang sunduin ito ni Bennett. Kaya ayun, naiwan tuloy ang mapang-akit nitong pabango sa car seat niya. At hindi niya alam kung bakit lalo siyang nainis nang sinabi nitong papalitan na lang ang kotse niya dahil lang sinira niya ang pagda-drive nito. Ang yabang din naman talaga. But what would he expect? Pupunta nga sa farm nila at naka-tsinelas lang, pero ang presyo naman ng Chanel slip on nito ay dang libo na ang halaga. Baka nga kapag nag-compute siya ng presyo ng OOTD nito kanina ay aabot siya ng kalahating milyon. Women... Bigla tuloy sumagi sa isip niya ang dating kasintahan. Mahilig din sa branded shoes at bags si Lilia kaya't gusto nito na makapag-asawa ng mayaman. Hindi niya alam kung bakit kailangang mamahalin pa ang gamit ng mga babae para sumaya. Nagiging mababaw tuloy sa paningin niya ang pagkatao ni Denisse Silvestre dahil kapareho ito ni Lilia na maluho sa buhay. Kung hahanap siya ng babaeng susunod niyang kasintahan ay iyong simple lang sana. At kung puwede lang din ay mahanap niya na kaagad. Masyado na siyang nalilipasan ng panahon. Kung hindi pa ipinagkasundo si Bennett na pakasalan si Denisse Silvestre ay hindi pa niya maiisip na maghanap na rin ng para naman sa kanya. Muling sumagi sa isip niya ang pag-uusap nila ng mga magulang kanina. Puro si Bennett ang bukambibig ng mga ito na laging ibini-build up ang kapatid niya. Okay lang naman sana 'yun. Pero parang nakalimutan na anak din siya at isa pa rin naman siyang Guererro. Si Bennett lang ang mamamahala ng farm gayung siya ang may interes noon pa man. Si Bennett lang ang maiiwan sa Pilipinas na hindi man lang siya tinanong kung gusto pa ba niyang bumalik sa Hawaii. Talaga palang nasa puso't isip ng mga ito na anak na siya ng Mommy Mercy niya. Tumayo siya nang makaramdam ulit ng awa sa sarili niya. Hindi niya gustong mamahay sa dibdib niya ang umuusbong na panibugho sa kapatid. He had been blessed enough. Sa katunayan ay galing lahat sa kanya ang ginagastos dito sa farm at sa bahay nila. At mayaman na siyang maituturing dahil wala siyang ginawa sa loob ng maraming taon kung hindi ang mag-ipon. Papasok na siya sa bahay nila nang makakita ng sasakyan sa may kalayuan. Nakahinto iyon na tila may hinihintay. Malayo sila sa main road kaya't imposible na naligaw lang ang mga ito. Malayo rin ang kapitbahay nila kaya't may pakiwari siyang sa bahay nila manggagaling kung sino man ang inaabangan ng mga ito. Bago pa niya paghinalaan si Denisse na siyang may bisita sa mga 'yun ay sumulpot na ang kapatid niya mula sa likuran. Umuukit sa ilong niya ang pabango nitong tiyak na nanggaling sa tokador niya. "Saan ka pupunta?!" "Birthday lang ni Joven, kuya, sandali lang kami." Hindi niya na kilala ang mga kaibigan ng kapatid. Maliit pa sila nang umalis siya sa Pilipinas. "Alam na nina Papa?!" "Oo naman. Pinayagan nila ako basta huwag daw akong magpapakalasing at hindi ko rin gagamitin ang sasakyan mo. I have to go." Si Bennett pala ang hinihintay ng kotse sa labas ng arko ng Guererro Farm. Ni hindi niya natanong kung nagpaalam man lang ba ito kay Denisse. Napailing na lang siya sa inaasal ng kapatid. Mag-aasawa na't lahat, hindi pa rin yata magtitino. Mamamahala na ng malawak na lupain pero hindi pa rin nagpapaka-responsable. Pagkalapag niya sa kusina ng baso ay umakyat na siya sa ikalawang palapag. Halos kapain na lang niya ang hagdan paakyat dahil napakaliit ng siwang na pinapasukan ng ilaw mula sa poste sa labas. Pagtapat niya sa silid niya ay pinakiramdaman niya kung may ingay bang nanggagaling sa katapat na silid. Tahimik na tahimik doon. Siguro nga ay maaga na lang natulog ang bisita nila dahil wala namang ibang mapaglilibangan sa bahay nila. Pagpasok niya sa sarili niyang silid ay kaagad niyang hinubad ang t-shirt at pinagmasdan ang sariling katawan. Kanina ay panay ang sulyap ni Denisse sa dibdib niya kahit may t-shirt siyang suot. At ang hilig pa nitong makipagtitigan sa kanya kanina sa hapag-kainan kahit kaharap ang Mama't Papa niya at si Bennett. Pakiramdam tuloy niya'y may gusto ito sa kanya. Ipinunas niya ang t-shirt sa pawis sa katawan saka itinapon sa laundry basket. Mula sa balintataw niya ay pumasok ang maputing hita ni Denisse mula sa macarena shorts na suot kanina. Kapag nakatalikod naman ang dalaga ay ang mabilog nitong pang-upo ang nasisipat niya. Kahit ang puting satin spaghetti strap blouse nito ay bagay na bagay sa maliit nitong katawan. She must be 5'3 or 5'4. Pero dahil mahilig ito sa flat sandals ay nagmumukha itong nene tingnan. Kung hindi lang sa mapipintog nitong hinaharap at pang-upo ay baka hindi niya ito pagtutuunan ng pansin. But since she is filled at the right places, she's smokin' hot and desirable. At nag-iinit ang katawan niya na kahit buksan niya ang aircon sa silid ay kailangan pa rin niyang maligo. Kumuha siya ng twalya sa cabinet at hinubad ang shorts na maong para itapis ang twalya sa baywang. Paglabas niya ay tuloy-tuloy siya sa banyo dahil nagmamadali na siyang maligo. Kasabay ng pagtulak niya sa pinto ay siyang pagbukas rin niyon ng kung sinong nasa loob ng banyo. Pareho silang nagkagulatan pero mas mabilis siyang nakabawi. At dahil na rin sa pagkabigla ay nawalan ito ng panimbang na kailangan niyang bilisan ang kilos para maagapan ang likod nitong huwag bumagsak. "Jesus!" Hindi niya napigilang magtaas ng boses. Napahawak din ito sa dibdib niya. Halos hindi siya huminga nang maramdaman ang malambot at makinis nitong kamay. At doon lang din niya napagtanto na hindi na sa likod nito siya nakaagapay kung hindi sa pang-upo nito na akala niya kanina ay hanggang pantasya niya na lang. "Bakit pasok ka nang pasok?!" Ito naman ang nagtaray sa kanya. "At puwet ko 'yang hawak mo. Baka gusto mong makasuhan ng act of lasciviousness?" "Excuse me?! Banyo ko itong ginamit mo. Hindi ka na nga nagpasalamat magrereklamo ka pa sa presinto? And why are you taking a shower in almost midnight anyway?" Ito pala ang dahilan kung bakit walang kaingay-ingay sa silid ng dalaga na akala niya ay tulog na. Pinto ng banyo pala dapat ang pinakiramdaman niya kanina. "Kasi mainit sa kwarto. Binuksan ko ang mga bintana kaso pumapasok naman ang mga insekto." Hindi niya naisip 'yun. Ang inisip lang niya kanina ay hayaan itong mainitan sa pagtulog nang sumuko kaagad at bumalik kung saan ito nanggaling na kaharian. Hindi niya naisip na mabubulabog din ito kapag bukas ang binata sa dami ng insektong puwedeng pumasok sa silid. "Puwede mo na ba akong bitiwan? I need to go back to my room," mataray nitong wika na bigla na lang itinulak ang dibdib niya. Lumakad ito palabas at wala siyang nagawa kung hindi ang matulala. Damn... Kailangan niya yatang maglagay ng yelo sa tubig niya dahil sa pag-iinit ng katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD