"Can we talk?" tanong ni Dominico kay Bennett. Tumayo naman kaagad ang kaibigan niya para sumunod sa kapatid nitong lumayo nang bahagya sa kanila. Maingay sa paligid dahil malakas ang tunog ng sound system at marami pa ang nagkakasayahan sa bakuran nina Kapitana. Bumalik ang dalawa saka nagpaalam si Bennett sa kanya na pupunta pa sa bar at siya naman ay iuuwi na ni Dominico. Tumango lang siya sa kaibigan pero hindi siya kumilos mula sa sinasandalang malaking poste. "Let's go." "I can't walk..." mahina niyang sagot na ikinalingon ni Dominico. Nakaalis na ang kotse ng kaibigan ni Bennett kaya't malakas na ang loob niyang landiin ang crush niya. "What?" Hindi narinig ni Dominico ang sinabi niya dahil malakas ang sound system sa sayawan. "I said, I can't walk," pag-uulit niya sa malakas n

