Alam ni Dominico na patibong lang ni Denisse ang pasa sa hita nito kaya itinaas ang laylayan ng damit. Pero kaninang nakita niya ang pag-iyak nito ay nawala talaga ang paninindigan niya. Totoong nasaktan ito at totoong masakit pa rin ang tuhod nito ngayon. At iyon ang dahilan kung bakit gugustuhin niya itong halikan ngayon kung sakali man. Hindi ba dahil sa mapula nitong nakaawang na mga labi? O ang nakakaakit nitong hita na kaunti na lang ay ang perlas na nito ang makakapa niya? Damn... His groin is aching and he can't think properly. Naaamoy niya ang alak sa hininga ni Denisse. Kung noong hindi nga ito nakainom ay nahihirapan na siyang iwasan ang pang-aakit nito, ngayon pa kaya na nasa espiritu ito ng alak? "Kiss me, Mr. Guererro... Mawawala kahit paghapdi ng tuhod ko..." "Hindi mo

