Sa silong ng malaking puno ng acacia nag-park si Denisse gamit ang sasakyan ng asawa na Ford Mustang. Kausap ni Dominico ang Papa niya ngayon na pinag-uusapan na ang pag-aani ng malawak nilang palayan. Isang linggo na siyang abala mula nang dumating sila galing sa Hawaii. Bukod sa mga proyektong nasimulan niya na sa kompanya ni Enrico, sisimulan na rin nila ni Dominico ang dream house nila. "Hi, love..." Sumalubong kaagad si Dominico na inangkin pa ang labi niya nang sandali. Sanay na ang Papa niya na makita silang ganito. At ganito pa rin naman ito sa Mama niya hanggang ngayon. "Hi... Anong pinag-uusapan niyo ni Papa?" "Pagdadagdag lang ng tauhan, love, at kung kailan natin sisimulan ang construction ng bahay. Hindi pa raw sila handa na aalis ka na sa bahay ni Papa." "Parang a

