Four months ago... "Ano na, Ella, ang tagal mo namang magbihis. Maiinip si Manay sige ka!" Kanina pa nangungulit si Berta na siyang makakasama niyang magtatrabaho sa club ngayong gabi. "Sandali lang!" Pilit niyang ibinababa ang maiksing palda pati na ang tank top na suot na kita ang pusod niya. Hindi naman siya old-fashioned pagdating sa pananamit. Pero ang kaisipang sasayaw sila sa entablado at sa harap ng maraming kalalakihang nanonood ay nagpapakaba nang husto sa kanya. Alam niya kung ano ang papasukin niyang trabaho. At kapag may nambastos na lalaki dahil nagnasa sa kanya ay wala siyang magagawa. Parte daw ng trabaho niya ang mag-entertain at magpahipo sa lalaki para magkapera sila. At kung papayag din sila na mailabas ng customer ay sila na ang magdedesisyon niyon. "Ano pa ba kasi

