Mabilis na ang takbo ni Dominico sa Ford Mustang niya na binilisan pa lalo para makarating siya nang mabilis sa Luna Hotel. Tiyak na umuusok na ang ilong ng prinsesa niya sa galit. Nangako siyang makakabalik siya bago mag alas nueve pero alas nueve kinse na ay nasa kalsada pa siya. Natagalan kasi ang pakikipag-usap niya sa mga doktor. Pinakiusapan siya ng Papa niya na siya ang magdesisyon kung ano ang makakabuti sa kapatid niya. Inasikaso na rin niya ang pag-transfer ni Bennett sa ospital sa Maynila. Kanina ay hindi makapag-desisyon ang Mama't Papa niya na hinintay pa siya bago sagutin ang mga tanong ng doktor. Maayos na kasi ang kalagayan ni Bennett at hindi na rin daw kailangang ilipat pa sa mas malaking pasilidad. Pero gusto niya pa ring ipa-check ang kapatid sa mga espesyalista

