Nagising si Denisse sa amoy ng masarap na aroma ng kape. At pakiramdam niya'y may tao sa silid niya na kanina pa palakad-lakad. Nang magmulat siya ng mata ay nabungaran niya si Dominico na hubad ang katawan bagama't nakatapis ito ng twalya. Naitaas tuloy niya ang makapal na comforter hanggang sa dibdib dahil nakalantad din ang katawan niyang walang pang-ilalim na suot. "Anong ginagawa mo dito?" "I took a shower while waiting for you to wake up." Nang lumakad si Dominico palapit sa kama ay iniyakap niya ang braso sa unan. "Sira ba ang banyo sa silid ni Dylan?" "No, I just miss you. At baka magbago ang isip mo at gustuhin mo nang sumama para dalawin si Bennett." "Marami pa akong trabaho dito sa hotel, Dominico." Iiwas sana siya sa binata pero sumampa na ito sa kama at itinuko

