"Nagpapasundo si kuya sa 'kin. Puwede ba kitang iwanan dito?" tanong ni Bennett sa kanya habang nasa farm sila kasama ang mga tauhan at ni Mang Erning na tauhan nila. Alas onse na iyon ng umaga. "Of course not. Hayaan mo siyang maghintay doon. Sabihin mo busy tayo dito." "Baka magalit si kuya---" "Sinong gusto mong magalit? Siya o ako?" "Nag-away ba kayo? Bakit kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo mo?" "Hindi naman. Wala lang kasi siyang tinutulong dito magpapa-importante pa siya." Tinungo niya si Mang Erning para sinabing umuwi muna sa hacienda at bumalik na lang ng alas tres. Nagpaluto siya sa mga kusinera ng pansit at biko para sa meryenda ng mga tauhan mamayang hapon. Nangako kasi siya na magdadala ng masarap na meryenda dito. Sinundo na lang ni Bennett si

