Kabanata 18

2857 Words
Wedding "I'll do everything I can..." ang sabi ng private investigator matapos namin mag-usap. Tumayo ako at kinamayan siya. "Thank you." Gusto ko sana siyang ihatid palabas ngunit agad akong hinawakan ni Azar sa kamay. Umupo ako sa kaniyang tabi. Nasa A Club kami ngayon dahil dito niya pinapunta ang imbestigador na tinutukoy niya.  "Trust the process, Emory. Mahahanap natin siya," pag-aalo ni Azar. "Sana nga. Kung hindi siya ang Papa ko, magtatanong na lang ulit ako sa ibang miyembro pa ng pamilya," kalmado ang boses ko. Naisip ko sila Tita Maureen. Tiyak na kilala niya kung sino ang nasa litrato... At ang tatay namin ni Simeon. "I'll keep you updated." "Thank you, Az." He just smiled at me and tucked the strands of my hair behind my ear. I never had someone like Azar before. My previous relationships were just... nothing. Pure flings. Pure s****l. I thought Azar would end up like them, too. Iyong tipong magtatapos na naman dahil nagsawa. O hindi tumagal. But now we've reached this far as being friends with benefits. I know there would be changes starting today due to what I confessed earlier. But I will rather be honest than let him think I'm just up for s*x since that's where we started. I like him... that's I'm sure. My heart wouldn't react wildly if I don't feel anything towards him. Although I'm having doubts. What if he doesn't like the idea of me— liking him? Wala na rin naman akong magagawa pa. I don't want to run away just because of my growing feelings. I already perceived the things that would happen. Azar is not capable of liking me or anyone and that's unfair on my part, yes but it's okay.  I'll just pretend that he's someone close to my heart who cannot reciprocate my feelings... Because he's heartless, literally. But as long he stays, everything is fair. As long as there's me in his life, I wouldn't complain. I chose this path. My heart chose to beat for him and I will never get angry at my heart for choosing Azar. Isang araw ay nakatanggap ako ng invitation mula sa kapatid ko. "They're waiting. Tara na..." yaya ko kay Azar. Nagpatiuna naman siya sa hila ko. Si Simeon ay ikakasal na ngayong araw. Tanging mga kilala namin at ng kabilang panig ang imbitado. Isa iyong rustic outdoor garden wedding na kitang-kita ang view ng bulkan. I cannot name my emotions from yesterday until now. Hindi ko alam kung matutuwa o maaawa ako kay Simeon dahil doon. He was forced to marry Lia for unknown reasons. It was a marriage for convenience. A loveless marriage. I tried to talk to him yesterday regarding this matter but he just shut me up saying I have no say on this! The disrespects. That's why I was having a second thoughts in attending his wedding because of my ill-feeling towards him. I was just asking if he liked to be wed or not! But then, he's Simeon. My lovable brother. "Let me fix your collar," tumingkayad ako sa harap ni Azar para ayusin ang kaniyang kwelyo. "I can do it..." he whispered but I insisted. "You look handsome, by the way." Azar is wearing a dark tuxedo underneath is a white dress shirt. While I wore a black asymmetrical cocktail dress. Yes. Black on my brother's wedding day. "And you look lovely..." Ngumiti ako sa kaniya. "I know, Azar." He chuckled. Umayos ako ng tayo matapos ayusin ang kaniyang collar. Pinasadahan ko ng palad ang mga balikat niya pababa sa kaniyang mga kamay. I stared at his eyes. "I like you, Azar." His smile reached his eyes. That made my heart go crazy again. I sighed in contentment. If feels good. I can freely express my feelings without thinking of anything. Without thinking of rejection. "You've been telling me that since last week. And I will never get tired of hearing it over and over again." I smiled cheekily. "You'll hear more." We both turned our head to the side when we heard my cousin's voice. "Emory!" Lumapit si Mallory sa amin. Sinipat niya ng tingin si Azar. "Nandito ka! Buti hindi sa simbahan idadaos ang kasal," she laughed. Natatawang nilipat niya sa akin ang tingin. "Wow, ah! Para kang kontrabida sa kasal ng sariling kapatid mo, Ry! Black, seriously? Anong ginawa sa 'yo ni Simeon?" Napanguso ako. "I just feel like wearing black." "Don't me! Kilala ko na kayo kaya pihadong may ginawa si Simeon," sambit niya. "But anyway, naghihintay na ang lahat. Kakarating ko lang din kaya sabay na tayo. Si Alaric ay susunod na lang daw." Tumango ako sa kaniya. Nasa likod namin si Azar habang naglalakad kami patungo sa venue ng kasal. Nasabi ko rin sa kaniya ang dahilan kung bakit kulay itim ang suot ko. "Gaga ka! Dapat pinalagpas mo na. Mamaya ay mapagkamalan kang tutol sa kasal ng kapatid mo at ni Lia. Baka ipakaladkad ka pa paalis." "Alam naman niya kung paano ako mainis, Mal." Umismid siya. "Gusto niyang pakasalan si Lia. At mukhang nais din naman ni Lia na pakasalan siya. Hindi sila aabot dito kung hindi, 'di ba?" "This is marriage for convenience. Arranged marriage! Paanong gugustuhin nila 'yon gayong saglit lang naman sila nagkakilala? Sa una pa lamang ay may hindi tama, Mal. There's more reason... deep reasons on why Mama Astrid paired Simeon with Lia." Malalim siyang bumuntong-hininga. "Hayaan na natin sila, Ry. If a problem occurs, narito lang naman tayo para kay Simeon. Mamaya sa reception mo na lang kwestyunin ang kasalan!" Hindi na ako nagsalita pa nang matanaw sina Mama Astrid na kausap ang ina ni Lia. We didn't bother her. Umupo na lang kami ni Mallory, si Azar ay lumapit naman kina Kuya Aamon. "So, what's the real score between you two?" pag-uusisa ni Mallory. Humalukipkip ako. "I like him. Other than that ay wala na." Suminghap siya. "That's complicated, Ry. You shouldn't like vampires... not Azar. He can't feel anything. Azar is heartless." "I really don't care, Mal." Umiling-iling siya. "I now regret pairing you with him." "Why did you though?" Baling ko sa kaniya. "I never knew you're someone who would fall for vampires. I was confident kaya naman tinutulak kita sa kaniya just because. Hindi ko inakala na magugustuhan mo siya... Knowing you, I was sure you'd run if you find out his being." I shrugged. "I just realized that not all vampires were bad." "But that's complicated, Ry. He can't like you. He can't..." "That's not your concern anymore. Pinili ko ang gustuhin siya kaya tatanggapin ko kung anuman ang magiging kapalit." Muli siyang umiling. "Hindi kayo maaari." I just smiled at her. "Pipilitin ko, Mallory." Hindi na siya nagsalita pa. I looked at Azar. He was seriously listening to my cousin. Nakaharap siya sa direksiyon ko kaya malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. This feeling... it wouldn't last. Magpapatangay na lang ako sa agos ng tubig at tatanggapin kung saan man ako nito dadalhin. Hindi ako lalayo sa kaniya. Hindi ko tatakbuhan ang nararamdaman ko para sa kaniya. Napakurap-kurap ako nang mawala siya sa paningin ko. Someone blocked my sight. "What are you wearing?" It was Mama Astrid. Tumayo ako para halikan siya sa pisngi. Ganoon din si Mallory. "Uh... dress?" She tsked. "Paparating na ang bride, umayos na kayo. At makipag-ayos ka sa kapatid mo kung anuman ang pinag-awayan niyong dalawa." Ngumuso ako. "Oo na po..."  Kaniya-kaniya kami ng upo. But Mallory and I chose to sit together and let the guys alone. Si Kuya Aamon ang katabi ni Simeon and other guy na hindi ko kilala. Magkatabi naman si Azar at Alaric sa kabilang hanay ng upuan. The ceremony started. Nagtanong ang pari kung sino ang tutol sa kasal. Ang iba ay napatingin sa direksiyon ko. Pati na rin sila Azar... si Simeon ay masama ang tingin sa akin na tinatawanan lang ni Mallory. "See what I mean?" Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ang seremonya hanggang sa ianunsiyo ng pari ang pagiging ganap na mag-asawa nila. We all clapped our hands as Simeon lift the veil that hinders him from kissing his bride. But in just a blink of an eye, white became red. "Simeon!" I shouted at the top of my lungs. Habang unti-unti siyang napadausdos sa katawan ni Lia, at ang sigawan ng mga tao sa paligid at ang mainit na luha na dumadaloy sa pisngi ko, parang bumalik ang lahat sa akin. Back then, when it was my childhood friend whom I learned to love and promised my life with got killed, it brought me in excruciating pain that caused me to felt numb. I witnessed how my great grandfather died, and now... My brother who did nothing but saved people from dying got shot right in front of us, his loved ones. Half of me died that day. Tulala ako sa hospital. Naghihintay kaming lahat sa labas ng operating room. Lia's gown was filled with blood. Her hands were shaking as she walked back and forth, tears pooling down her cheeks. Inaalo siya ni Mama Astrid. Mallory is sobbing beside me. Kuya Aamon was silent but his hand were shaking above his thigh. Si Azar ay patuloy na pinapakalma ang loob ko. Si Mama Astrid ang humarap sa mga pulis kanina. The sun was still out so it's impossible for a vampire to get out from their homes. Kaya ang hinala namin ay normal na tao lang ang may gawa. Pero sino? At bakit? Si Simeon... Wala naman siyang kaaway! "You should go home, Mallory and Emory." Si Kuya Aamon na bumaling sa amin. Umiling ako. "Dito lang kami, Kuya." "Go home. Kami na ni Tita ang bahala muna rito. Magpahinga kayong dalawa." "Kuya..." si Mallory. This time, inutusan na niya sina Azar at si Alaric na nakatayo sa hindi kalayuan. "Iuwi niyo na muna sila. Kung maaari ay samahan niyo muna." Wala na kaming nagawa pa. Pakiramdam ko ay hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang nangyayari. Azar and I were silent as he drove to my condo unit. Maya't maya rin akong napapalunok para pigilan ang luha kong nagbabadya na namang tumakas. Why do I have to witness everything? Ganito na lang ba palagi? Why is everyone seem to make fun of us? Damn it! Kinagat ko ang ibabang labi nang manginig ito. My nose stings and that's when I felt the hot liquid filling my eyes. Tinago ko ang mukha sa mga palad ko at doon tahimik na umiyak. Then I felt the car stopped from moving. "Emory..." Azar called. I heard him unfastening his seatbelt before wrapping his arms around me. Masuyo niyang hinahagod ang buhok ko. "Everything will be alright, okay? Your brother will be fine..." "What if he couldn't make it, Azar? He was shot... Sa puso niya. Paano kung..." I sobbed hard. "Don't think of that way. Let's stay positive... Simeon will wake up." "He doesn't deserve this, Azar! Sa araw ng kasal niya... Ni hindi pa nga ako nakapag-sorry sa kaniya! Tapos..." marahas akong suminghap. Hindi matanggap ng isip ko ang nangyayari. My brother was shot on his wedding day. Sa puso niya... paano kung? Umiling ako. He's strong. Alam kong malalagpasan niya ito. Magso-sorry pa ako sa kaniya kaya kailangan niyang gumising! He's married! Kailangan niyang balikan si Lia. "You should rest, Emory." Lumabas si Azar sa sasakyan at binuksan ang pinto sa tabi ko. The next thing I know, he carried me as he entered the elevator sa basement. Siniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at pilit pinipigilan ang pag-iyak na naman. He was showering me with his light kisses. Pero kay Simeon tumatakbo ang utak ko. "Simeon... Simeon..." I chanted. Nanginginig ang labi ko sa bawat banggit ng kaniyang pangalan. Who would dare shot him? For what reason? Bakit sa mismong kasal? Is that person somewhat connected to Lia? What about a love triangle? "Your passcode?" usal ni Azar. Sinabi ko sa kaniya ang mga numero. Tinipa niya iyon at binuksan ang pinto ng aking condo unit. I felt him kissed my hair before putting me down on the sofa. Umuklo siya sa harap ko. Inayos niya ang buhok kong tumatabing sa aking mukha. "Do you want to eat? Magluluto ako..." I shook my head. "I want to sleep." "I'll carry you to bed." Muli akong umiling. "I can manage... Just stay with me for a while." Tumango siya at ngumiti. "I'll stay, of course." Azar stayed with me. He cooked for me and said nothing as I cried myself the whole time. Naligo at nagbihis ako at ganoon din siya. Kahit noong gumabi na ay sumama pa rin siya sa akin nang muli akong pumunta sa hospital. But the scene made my whole body shook in fear. Patakbo akong lumapit kay Mama Astrid na umiiyak. Nasa bungad siya ng hospital na animo'y hinihintay ang pagdating ko. "Mama! What happened? Si Simeon?!" Umiling siya at niyakap ako. "He's gone... your brother is gone..." Umawang ang labi ko. "You're lying..." "He was announced dead at three in the afternoon. Nasa morgue na ang kapatid mo..." "No... Mama! Buhay pa siya... He can't be dead!" Kumalas ako sa yakap at hinawakan ang kaniyang mga balikat. Nag-uunahan na naman sa paglandas ang aking mga luha. "We can do something, right? Vampire's blood would make him come back to life, Mama Astrid? 'Di ba?! He can't be dead, Mama!" Suminghap siya. "A blood won't make him come back to life." Nanghina ang mga tuhod ko. Azar was fast enough to catch me. Tuluyan na akong napahagulhol.  "Si Lia?" my voice broke. "She's coming... hindi ko pa nasasabi sa kaniya." Pikit ang mga mata niyang sagot. "No... No... Buhay pa si Simeon!" I chanted repeatedly. Hindi maaari! I still need to say sorry! Tapos sasabihing wala na siya? Kalokohan! "Si Simeon, Azar! Si Simeon..." nanghihina kong sinabi. Hirap na akong pakalmahin ni Azar. Yakap-yakap niya ako habang walang humpay ang aking pag-iyak. Paulit-ulit ang paghampas ko sa aking dibdib dahil sa nawawalang hangin. Marahas ang bawat taas at baba ng mga balikat ko. Suminghap ako. Paulit-ulit hanggang sa bumigay ang tuhod ko. "Emory, calm down..." Umiling ako, hindi na nagawang magsalita pa. "Dalhin mo siya sa rooftop ng hospital para makalanghap ng hangin, Azar..." boses ni Mama Astrid. Hindi na ako naging alerto sa mga nangyayari sa paligid. Ang kapatid ko lang ang pumapasok sa isipan ko. Ang nangyari kanina sa kasal... hospital, ang sinabi ni Mama Astrid. Wala na si Simeon... Wala na siya. Binawian siya ng buhay! "You need to calm down, Emory. Hindi makakabuti sa 'yo ang ginagawa mo." "Paano ako kakalma?! Si Simeon, Azar! Wala na ang kapatid ko! Paano ako kakalma?!" singhal ko nang maibaba niya ako. Nasa rooftop na kami. Marahil ay ginamit niya ang kaniyang kakayahang tumakbo nang mabilis. Naramdaman ko ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. "Azar... si Simeon 'yon. Hindi ko kaya... Hindi ko matanggap. Paano ko tatanggapin ang pagkawala niya? Kapatid ko 'yon, e..." tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko. Nanginginig ang tuhod ko na lumakad patungo sa bench doon. Si Azar ay nanatili sa dilim malapit sa pinto ng rooftop. "Hindi ko kaya..." paghikbi ko at sinabunutan ang sariling buhok. "Kayanin mo," sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya. Napangiwi siya't napapikit. Agad ko siyang dinaluhan. "Let's just go down," anyaya ko. "I can manage. You need to breathe." Tumayo ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Ngunit nabitawan ko rin ito nang tumama ang sinag ng buwan at sinunog ang balat niya sa parteng iyon. Isang beses akong humakbang paatras. "Tara na sa baba. I can't see you like this..." ulit ko. "I don't want to see you cry." "Hindi na..." naiiyak kong tugon. Tumaas ang kaniyang kilay. "Just cry here and don't mind me. Kapag sa baba ka umiyak, baka mabulabog mo ang mga pasyente." "Azar naman!" "Come here, baby..." nilahad niya ang kaniyang mga braso. Lumapit ako sa kaniya at agad niya akong kinulong sa kaniyang bisig. Patagilid akong nakaupo sa kaniyang hita. Ang aking mga kamay ay nasa likod niya at mahigpit nakakapit sa kaniyang makapal at malambot na jacket. "I'm with you, always. My arms are always open to embrace you... on your good or bad days. I'll be your home for the meantime, Emory. Whenever you cry, I can always be your crying shoulder. With me, Emory. With me..." He wiped my fresh tears using his thumb. "Thank you so much..." ani ko sa nanginginig na boses. "We'll catch the killer..." "Together." "Together, Emory." Always, Azar. I'm with you, too. Kalaunan ay bumaba na rin kami. Naghilom ang sunog na balat ni Azar nang mawala sa paningin namin ang buwan. Pinili kong huwag puntahan si Simeon dahil hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ako. Hindi ko matiyak kung kaya kong harapin ang walang buhay kong kapatid. Sa huli ay sinamahan ko si Mama Astrid na pinapakalma si Lia na hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil sa pag-iyak. Dumating na rin si Mallory at tulad ko, hindi rin siya makapaniwala sa balita. "He's dead..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD