Mother
Simeon, my brother is dead.
I felt like my whole world collapsed when Mama Astrid brought his remains into our house. Ni hindi ko siya nagawang sulyapan dahil hindi pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap lang ay wala na ang kapatid ko. He was cremated. At sa tuwing nakikita ko ang plorera, naroon pa rin ang sakit kaya minsan na lang ako kung dumalaw sa bahay.
It's been months yet I still can't get over his death. The first month was hard. Nandoon ang pagt-tsek ko sa messages ko dahil baka sakaling may maligaw na text galing sa kapatid ko, I always stare at my golden bow and arrow, regretting. Sana pala hinahayaan ko siyang kunin iyon.
And about the killer... we still don't have an idea. Sa ilang buwan na lumipas, at pagtugis sa kaniya ay wala kaming nakuhang lead. Kaya hanggang ngayon ay malaya pa rin kung sinuman ang demonyong 'yon.
Azar never left my side. He was there when I needed someone the most. He was patiently listening to all my rants, my sobs, and all. Si Mama Astrid ay palagi pa ring umaalis. Then, my cousins, we hang out pero madalang na rin.
Then, there's pregnant Lia.
"Emory! We'll be late! Ang kupad mong kumilos!" Sigaw niya mula sa kabilang linya.
Umirap ako. "Kakatapos lang ng meeting ko, puwede bang ten minutes rest muna?" sarkastiko kong tanong habang naghihintay na bumukas ang elevator.
"Hindi ko ilalabas 'tong pamangkin mo kung hindi ka pupunta."
"Sige lang... Ikaw naman ang mahihirapan."
She hissed. "Bakit ba kasi hindi ka pa binubuntis ni Azar?"
I chuckled. "Secret..."
Pumasok na ako sa elevator nang bumukas ito. Pero agad nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na mukha. Siya ang babaeng nakasabay ko rin noon sa mismong elevator kung saan kami lulan. Nagpaalam ako kay Lia at hinarap ang babae.
"You're a vampire..." I stated. "Who are you? Why are you here?"
She's wearing a light blue casual dress. Her light makeup suits her well. But we were all surrounded by Vervain... How? And the sun is still out. Don't tell me...
Baka katulad siya ni Azar na imbes sa araw ay sa buwan nasusunog. Hinarap din niya ako. Her chinky eyes were sharp as she stared at me.
"I'm just nobody..."
Nobody. But she's familiar.
Damn it! Why am I seeing his face...
I mentally shook my head. No. May magkakamukha lang talaga kaya hindi dapat ako mag-isip ng mga walang kuwentang bagay. But why is my mind telling me something I couldn't pinpoint?
Her eyes resemble his.
"What are you doing here? Vampires are not allowed inside this building. Paano ka nakapasok?"
She raised her brow. "I used the door, obviously."
Ako naman ang nagtaas ng kilay. Humalukipkip ako.
"Baka gusto mong masunog?"
"I don't mind. My skin would heal itself."
"Seriously..."
Hindi ko na lang siya pinansin. Sa unahan ko na lang binaling ang tingin.
Based on her answer, I know she would just utter nonsense explanation. Isa pa, naisip kong baka alam ni Mama Astrid na may pagala-galang bampira sa building niya, impossible namang hindi niya iyon alam. She has eyes everywhere.
Sa baba pa lang ay mahigpit na ang seguridad... She can't enter unless she's one of our employees.
"Gosh. I feel suffocated," aniya. Nagpaypay pa siya roon gamit ang kamay.
Lihim akong umirap. Kung hindi lang ako kailangan ni Lia, kanina ko pa ito inaway. Kabuwanan na niya sa susunod na buwan, tapos ako ang napili niyang alilahin. I'm not complaining, I actually feel grateful.
Nawala nga si Simeon, may paparating namang anghel.
"Bitch..." I whispered before going out of the elevator.
Pareho kami sa basement dinala, pero bago pa man ako tuluyang makalayo sa kaniya ay nagpakilala pa siya.
"I'm Relani, by the way. In case na magkasabay ulit tayo sa elevator, tawagin mo ako sa pangalan ko at huwag b***h! I'm not a dog!"
Sinulyapan ko siya. "Whatever."
Hinanap ko ang sasakyan ko at nagmaneho patungo kay Lia na nasa hospital. May check up daw kasi siya at kailangan niya ng alipin. Miski noong naglilihi siya ay ako ang palagi niyang nakikita.
Taimtim na lang akong nagdadasal na sana'y masapak ni Lolo Gaspare si Simeon dahil sa iniwan niyang responsibilidad.
Nang makarating sa hospital ay agad ko siyang pinuntahan sa kaniyang opisina. She worked here yet she still wanted my presence. Dito rin naman kasi siya magpapa-check up. Although she took a leave for a while, pero bumibisita pa rin siya.
"Kapag sumipa ang baby, ibig sabihin ay maganda si Tita Emory..." bungad ko at hinaplos ang kaniyang malaking tiyan. Natawa ako nang maramdaman ang sipa nito sa kamay ko.
Lia just slapped my hands. "Ayain mo na si Azar, Emory."
I stood straight. "I don't want to have a child, yet. Isa pa, Azar is not a human. We can't have a child..." Umupo ako sa upuan niya roon. "Why don't you find someone, Lia?"
Umismid siya. "Your brother is hard to forget, Emory. Isa pa, ilang buwan pa lang ang lumipas nang mawala siya. I can't see myself loving another man. Just Simeon, always."
I stared at her. Is it really possible to fall in love with someone hard and fast? In my case, I still like Azar until now. Walang nagbago sa pagtingin ko sa kaniya. On his good and bad days, I was there, too.
We never left our side. As we promised, we stayed.
But these days, I couldn't help but feel wrong. It has something to do with my feelings which he can't reciprocate. I mean, who doesn't want to feel loved? I want something like that. Iyong alam ang nararamdaman ko.
Iyong may pakiramdam din tulad ko.
I let out a smile. "Tara na sa OB mo't magpa-check up."
She smirked. "Actually, nagpatingin na ako sa OB. Nagpa-ultrasound na rin ako kasi hindi ko na matiis. So, since I can walk pa naman, why not shop for my baby boy?"
Namilog ang mga mata ko. "A boy?!"
Nakangiti siyang tumango. "Yes, a baby boy."
Kaya buong umaga ay iyon ang ginawa namin. Nagpunta kami sa malapit na mall at bumili na rin ng mga kakailanganin ng bata. I can't help but get excited. Mas excited pa nga yata ako kesa kay Lia na natatawa na lang sa mga binibili ko. Hindi ko nga alam kung paano pero namamangha pa rin ako dahil nakakalakad pa siya ng maayos.
Nilapag ko ang shopping bags sa bakanteng upuan at umupo sa isa pa.
"Hindi ba mabigat ang tiyan mo? Ang laki na kaya."
Umirap siya. "Sakto lang naman... At hindi naman siya masyadong malaki," hinimas niya pa ang sariling tiyan.
Nagkitbit-balikat ako, tinawag ang waiter para mag-oder ng makakain. Ilang minuto lang ay nagsimula na kaming kumain.
"I can't wait to hold my pamangkin!"
"Manghihingi na siya ng pinsan sa 'yo kaya baka... Puwedeng pakibilisan niyo ni Azar?"
Napasimangot ako. My whole family, and Lia knew about Azar. Ang akala ng lahat ay boyfriend ko siya, pero hindi.
He's acting like my boyfriend but we actually don't have a label which is very okay. Hindi pa naman ako nagde-demand ng label. Ang sabi niya, kung aangkinin ko na siya, magsabi lang daw ako. At least inform him daw para hindi siya magulat na may nagmamay-ari na sa kaniya.
The audacity.
"We still have years, Lia. May panahon para diyan."
"Ngayon na ang tamang panahon."
I rolled the pasta using the fork. "May baby na nga sa tiyan mo, tapos gusto mong madagdagan agad ng baby sa pamilya? At sa 'kin pa talaga?"
"Wala akong maaasahn kay Mallory. Until now, umaasa pa rin siya kay Alaric na sa tingin ko ay walang plano na tugunan ang pag-ibig niya," umiling-iling siya. "Such a pity."
Natikom ko ang bibig. They knew about Azar being a vampire... Pero hindi nila alam na hindi tumitibok ang puso niya.
Ang alam nila ay nagmamahalan kami.
I tsked. Really? Love?
"Doon siya masaya..." tukoy ko sa pagiging martyr ni Mallory.
"Anong masaya sa pagiging tanga?" she fired back.
"Marami..." ani ko. "Like being hurt?"
"Seriously?"
Tumango-tango ako. "Well, it makes you feel human."
"Right..." she said sarcastically.
Nagpasundo si Lia sa isang kabigan matapos namin kumain. I sighed as I watched their car. Nang mawala na ito sa paningin ko ay saka ako pumasok sa sasakyan ko. I was fastening my seatbelt when my phone rang.
I smiled when I saw his name. Kinuha ko ang cellphone saka sinagot ang tawag.
"Hello..." I greeted.
"I found a new place, want to come over?"
"And what? s*x?" I joked.
Azar laughed at the other line. "Puwede rin. Binyagan natin..."
I chuckled. Sumandal ako sa upuan.
"So? Where is that place? Pupunta ako."
"I was just kidding."
I chuckled again. "I want to see you. Isang linggo rin kitang kausap lang through video call."
"I'll fetch you."
"Nah, I'm fine. Kakatapos lang din namin magligalig ni Lia. Guess what? Her baby is a boy. And I can't wait to hold him!"
"U-huh?"
Tumango-tango ako kahit hindi naman niya nakikita.
"Yes, and you know what? I saw a familiar face kanina. Nakasabay ko siya sa elevator sa kompanya. She's a b***h vampire. Hindi ko siya maaway-away kasi may nakikita ako sa kaniya."
"And that is?"
"My brother's eyes... Feeling ko kapag inaway ko siya, inaaway ko si Simeon..." humina ang boses ko.
Napapikit ako saglit. Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Pupuntahan kita. Nasaan ka?"
I swallowed the lump in my throat. "Nasa sasakyan. Send me the address na lang kasi. It's still noon pa naman, Az."
"Emory..."
"Hmm? I promise to take care of myself."
He sighed again. "The last time you told me that, you almost got into a car accident."
I pursed my lips. "That was four months ago..."
"Send me your location."
"Kaya ko na kasi. I'm in my right mind naman kaya hindi na iyon mauulit pa."
"Really, huh?"
"Really. Trust my driving skill, babe."
He tsked. "I'll text you the address, then. Just drive safely."
"Yup! I like you! Take care of yourself for me."
He chuckled. "You, too, babe. I'll hang up now."
"Sure..." sambit ko at ako na mismo ang tumapos sa tawag.
I stared at my wallpaper. It's me and Azar, smiling.
Pinakiramdaman ko ang sarili. His voice is so good to hear. Pakiramdam ko buo na ang araw ko tuwing naririnig ko ang boses niya. At ang mga halakhak niyang walang mintis na nagpapakilig sa akin.
He's Azar Saint Laurent after all... a heartless vampire and my ultimate crush. And no one can ever change that.
A message from him appeared on my screen. Iyon ang address na hinihingi ko. I opened the map and drove off. I can't help but smile as I think of him.
Isang linggo rin kaming hindi nagkita dahil sa pagiging busy namin sa trabaho. I have a new project, at sabi niya ay may bago silang product na ire-release so, we didn't get to meet each other for the whole week.
Paalis-alis na rin kasi siya ng bansa. Kaya sa isang linggo na 'yon ay puro video call lang ang nagawa namin. At noong isang gabi nga ay sinabi niya sa akin na uuwi na siya galing New York. Ang sabi ko ay susunduin ko siya pero hindi ako pinayagan. Ang kaartehan ng lalaking 'yon!
So, now is the time to see him.
Naghanap din siya ng bagong matitirahan sa siyudad dahil sa kadahilanang gusto niya ng new environment, ika niya.
And about our situation... vampires are still everywhere but no reported deaths. Na sila ang dahilan. After releasing the alternative blood product, they didn't dare to attack human again. Kaya sobrang tahimik na tuwing gabi.
But people still avoid going out at night because they're still afraid. May nangangamba pa rin at isa na ako roon.
Yes... I now fear vampires. And Azar advised me to stay at home, too.
Kapag gusto kong lumabas, he would offer to fetch or went out with me. Kaya sa huli ay hindi na rin ako lumalabas dahil siya naman ang masasaktan dahil sa buwan.
Then I learned from him that his type is rare. Ang sabi niya, baka isa o dalawa lang daw ang bampirang katulad niya na sa buwan nasusunog. I was amazed at the same time, I pitied him.
I mean, the moon is breathtakingly beautiful. But when I told him that, he just replied to not be deceived by beauty. Baka raw kasi nasa loob ang kulo nito. Kaya tinawanan ko lang siya noon.
Of course! The light from the moon hurts him, literally. Kaya nagkasya na lang kami sa panonood sa mga nagkikislapang bituin sa silid niya.
Nang makarating ako sa aking destinasyon ay nakaabang na siya sa labas. I bit my lower lip to stop myself from laughing. He was checking his phone from time-to-time, na para bang may hinihintay.
Did he expect me to call or text him while I'm driving? Nang makita niya ang sasakyan ko ay agad siyang lumakad palapit. I stopped driving and turned off the engine. Kinatok niya ang bintana sa gilid ko.
Binuksan ko iyon.
"Hey..." nakangiti kong bati.
Imbes na batiin ako pabalik ay nilusot niya ang kamay mula sa bintana para buksan ang pinto. Nang magtagumpay siya ay agad niya akong hinila palapit sa kaniya at sinalubong ako ng mainit na halik.
He gently bit my lower lip before his tongue made its way inside my mouth. Kumapit ako sa kaniyang braso at mariin na pumikit.
I missed this. I miss him. So much. Kahit nakita at nahawakan ko na siya, naroon pa rin ang pananabik.
How is this possible, though? Even if he's here and kissing me, I still miss him. Epekto siguro 'to nang hindi pagkikita sa isang buong linggo.
Nang humiwalay siya ay saka niya lang ako binati.
"Hey, Emory. You're beautiful as always..." he said softly.
I pushed his body away. Saka ko tinanggal ang seat belt at lumabas ng sasakyan. I faced him and stared at him. Still lean as ever. His hair grows a little bit longer but it still suits him. His jaw was greyish from the obvious shaving of a thick stubble. My man... is really gorgeous.
Napangiti ako at hinaplos ang kaniyang panga.
"I told you I like you more with stubble."
"I like kissing you, I don't want to irritate your skin."
Hinawakan niya ang siko ko at bahagyang nilapit sa katawan niya. Siya na mismo ang nagsara ng pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay kinulong niya ako sa kaniyang bisig. His body is still cold but his hugs feel warm.
"I have news for you. The investigator called me last night."
Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi sa akin tumawag?"
"I... I told him not to. Ako na lang ang magsasabi sa 'yo."
I squint my eyes. "You and your excuses, Azar."
He just chuckled. "Let's get inside. My mother prepared something."
I stilled in my spot. Did I hear him right? Or maybe my ears were just playing around.
He said his mother prepared something. So, we're in his mother's house?! I thought...
Namilog ang mga mata ko at agad na lumayo sa kaniya. I glared at his eyes which now staring at me playfully. May ngisi rin sa kaniyang labi na para bang tuwang-tuwa siya sa ekspresiyon na nakikita!
Oh god, oh god.
His mother... Makikita ko ang Mama niya! I'll meet his mother anytime now yet Azar didn't even tell me! Oh god... Ang order ko matinong Azar, bakit bibigyan ako ng bampirang sinungaling?
Nagpa-panic na ako sa loob ko. Paano na lang kaya kung hindi ako magustuhan ng nagluwal sa bampirang kaharap ko? What if she would send me out because I'm just a mere human? What if she wanted a vampire woman for her handsome child? Ano ang gagawin ko?
Paano kung mas gusto niya talaga ng kalahi nila? Should I consider the thought of converting myself into a vampire just so she could accept me as her son's woman? As Azar's lover? Paano kung ganoon nga? Am I ready to let go of Azar?
But of course not! Hindi naman ako ang makakasama ng mama ni Azar kaya bakit nga ako lalayo?
Just like I've said, I'll stay 'till he get rid of me.
Hilaw akong ngumiti. "Puwede bang pass muna ako?"
Nagtaas siya ng kilay. "Ayaw mo?"
Mabilis akong umiling. "Hindi naman sa—"
"Hindi naman pala, so let's go? My mother easily gets anxious. Baka mamaya ay—"
"Okay na, okay na!" I looked at him, pleading. "Mabait naman ang Mama mo, 'di ba? She wouldn't attack me, right?"
"She can hear you," he whispered.
Muling namilog ang mga mata ko. May tiningnan siya sa taas kaya dahan-dahan akong tumalikod para sundan ang tingin niya. To my horror, I saw someone standing in veranda. A woman.
A very beautiful woman.
"Darling, I don't bite!" she shouted.
Nag-init ang buong mukha ko sa hiya. So much for meeting his mother for the first time.