{24} I’ll Kill if I Have To

2182 Words
Alex’s Point of View Ano kaya ang plano ni Juna? Agad kong pinaandar ang aking sasakyan at papunta ako ngayon pabalik sa lab. Talagang mahilig magpatong patong ang misteryo, kahit na gustuhin ko man pumunta sa burol ng pamilyang Suarez ay hindi ko magagawa dahil mukhang importante ang aming pag uusapan. Base pa lang sa tono ng pananalita ni Emma kanina ay talagang nagbigay ito sa akin ng sense of emergency, at saka ano ang ginagawa ni Alexa sa lab? Akala ko ba ay may alitan ang dalawang iyon. Dapat nasa bahay na lang siya binabantayan si mama. Nakalampas ako sa Olingapo Avenue at ibig sabihin nito ay malapit na ako sa lab kung saan ako pupunta ngayon. Pinabilis ko pa ang aking pagmamaneho para makarating na rin ako sa lab sa lalong madaling panahon. Gusto ko rin makita ang maamong mukha ni Emma sa hindi ko maipaliwanag na rason, basta sinasabi lang ito ng aking isipan at hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Nakarating ako sa tapat ng isang mukhang abandonadong bahay at pinark ko naman ang aking kotse sa tapat nito. Maluwag pa naman ang kalsada na dadaanan at saka wala naman masyadong sasakyan na nadaan dito kaya walang magrereklamo sa akin. Agad akong bumaba sa sasakyan at naglakad papasok dito. Sumalubong naman sa akin ang mga kasama ko na payapang kumakain at nagsasalo salo. Napansin naman nila ako at tumingin sila sa akin. “Magandang Umaga Alex,” masayang bati nila sa akin habang sumusubo ng kani kanilang mga almusal. “Magandang Umaga rin sa inyo,” bati ko sa kanila pabalik at binigyan ko naman sila ng isang maamong ngiti at ganun din ang kanilang ginawa pabalik sa akin. “Tara kain,” aya sa akin ni Anton, isa sa mga volunteer na tumutulong sa akin ngayon. “Salamat pero kumain na kasi ako bago pumunta rito,” tanggi ko. “By the way, asaan sila Emma at ang aking kapatid na si Alexa?” tanong ko sa kanila at nagbabaka sakali na nakita nila at alam nila kung asaan ang dalawang babae. Para hindi na rin ako mahirapan sa kakahanap. No time wasted. “Ahhh sabi nila sa amin ay puntahan mo na lang daw sila sa iyong opisina, doon ka raw nila aantayin,” sagot sa akin ni Michelle, isa rin sa mga volunteer na kasama ko ngayon. “Pero, parang may kakaiba kay Emma ngayon Alex,” dagdag pa niya at nagtaka naman ako run. Paanong kakaiba? “Oo nga Alex, parang may kakaiba nga ngayon kay Emma,” gatong ni Jolas, isa rin sa mga volunteer na kasama ko sa research. “Hindi niya kami pinansin at nagdere deretso lang siya sa paglakad, nung mga nakaraan naman hindi siya pumapalya na batiin kami,” paliwanag pa niya. “Si Alexa ang nagbilin sa amin na puntahan mo sila sa opisina mo,” dagdag ni Oliver, isa rin sa mga volunteer na kasama ko ngayon. “Hindi naman na kami magtataka sa pakikitungo sa amin ng kapatid mo dahil natural na sa kaniya ang angas dahil dati naman siyang sundalo,” wika pa niya. “Ganun ba?” tipid na tugon ko sa kanilang lahat, dahil sa totoo lang ay wala akong masabi sa kanilang mga sinabi sa akin. Speechless talaga ako sa ugali ni Emma ngayon at nakaramdam na rin ng kaba at takot. Nangangamba ako na baka ay meton akong nagawang mali sa kaniya. “Maraming salamat sa inyo,” pasalamat ko sa mga impormasyon na binigay nila sa akin. “Pasensya na rin kayo sa ugali ni Emma ngayon baka kapanahunan ng buwan,” biro ko para maibsan naman ang bigat na nararamdaman ko. “Baka nga,” pabirong gatong naman ni Cynthia, isa rin sa aking mga volunteer at nagtawanan naman kaming lahat. “Sige una na ako, enjoy kayo sa pagkain,” pamamaalam ko sa kanila. Nagsimula naman akong maglakad at ikinaway ko naman ang aking kamay sa kanila bilang simbolo ng akig pamamaalam sa kaniya at kumaway din sila sa akin pabalik. Ibinaling ko naman uli ang aking atensyon patungo sa aking opisina. Nakalocate naman ang aking opisina sa underground basement ng aking lab at ako lang ang nakakaalam paano pasukin ito pati na rin si Emma dahil dito kami palagi nag uusap. Originally dinisenyo ito bilang bunker dahil isa ito sa mga bahay noong giyera at dito nagtatago ang mga nakatira dito noon. Kaya nang mabili ko ito sa pamamagitan ng ipon ko sa aking mga proyekto napag desisyunan ko na gawin itong opisina dahil mas safe ito pagtaguan ng mga confidential documents. Kahit sa mga volunteer ay hindi ko nagawang ipaalam sa kanila ito. Hinanap ang malaking parang manibela na nakatago sa likod ng mga cabinet na nag sisilbing door knob sa metal na pintuan nito. Pinihit ko ito ng pinihit hanggang sa maramdaman ko ang paggalaw ng pintuan senyales na nagbukas na ito. Gamit ang aking buong lakas ay itinulak ko ito para tuluyan na itong magbukas. Sumalubong naman sa akin ang mga hagdanan pababa tungo sa aking opisina nang tuluyan ko na itong mabuksan. Agad naman akong pumasok dito at hinila ang pinto pabali para maisara ito. Sinigurado ko naman na nakalock ito ng ayos para maiwasan na rin ang mga taong hindi imbitado sa loob. Nang makuntento na ako ay nagpatuloy naman ako sa aking pakay, ang puntahan sila Emma at Alexa sa aking opisina. Sa totoo lang talaga ay nakakakaba ang pagkakataong ito hindi tulad ng mga nakaraang tawag niya sa akin. Hindi naman ganito ang aking nararamdaman. Dahil ba may nararamdaman akong mali sa mga bagay bagay ngayon? Masyado ata akong nagpapanic at nago-overthink. Kalma lang Alex. Hinga ng malalim. Narating ko naman ang pintuan papasok sa aking opisina at nag aalangan akong buksan ito. Para bang may pumipigil sa akin, kaya humigop na lang ako ng hangin at muli itong ibinuga para mapakalma ko ang aking isipan. Hinawakan ko ang doorknob at pinihit ito. Nang buksan ko ito ay nakita ko naman si Alexa at Emma na nakatingin sa akin tila ba ay kanina pa sila nakatingin sa pintuang ito. Binati naman ako ng seryosong ekspresyon ni Emma at ganun din kay Alexa. Hindi ko alam kung ano ang meron pero masama talaga ang kutob ko rito. Ginantihan ko naman sila ng kinakabahang ngiti at hindi ko alam kung ano ang aking mga sasabihin. Inurungan na kasi ako ng aking dila. “Mabuti ay narito ka na,” malamig na ekspresyon ni Emma. “Emma I tried to reach out pero ayaw naman akong papasukin sa inyong pamamahay,” pagdadahilan ko. Nagdahilan na ako kaagad umaasang ito ang rason ng kaniyang kakaibang kilos ngayon. Umaasang nagtatampo lang siya sa akin. “Hindi ko na iyon bahay,” malamig na pagkakawika niya. Bigla naman akong nagtaka sa kaniyang sinabi. “What do you mean?” tanong ko naman sa kaniya. “Lumayas ako,” tipid na tugon niya. What? Lumayas? Bakit? Sabi ko na nga ba may nangyayaring kung ano rito at may kwento akong dapat marinig mula sa kaniya. “Tell me everything Emma,” mahinahon ko namang paki usap. “I guess, I have to tell you everything,” reklamo niya. “Yes, hindi naman pwedeng nangangapa ako sa sitwasyon ngayon,” paliwanag ko sa kaniya. “Sige,” tipid na sagot niya at kung hangin ang kaniyang mga salita at tono ngayon ay siguradong nagyeyelo na ako dahil sa lamig. “To keep the story short, I found out that my family runs a syndicate and I confronted them and then decided to leave the house,” kwento niya at kahit papaano ay nagkakaroon na rin ako ng kapit sa mga nangyayari. Nalungkot naman ako sa kaniyang mga sinabi dahil sa kaniyang mga nalaman. Sigurado naman akong masakit para sa kaniya na malamang may sindikato ang kaniyang mga magulang at wala siyang kamalay malay rito. Dahil ganun din ang aking mararamdaman kung sa akin mangyayari ito at hindi ako patutulogin ng aking konsensya, kasi ang perang pinapalamon sa akin ay galing sa masama. Hindi ko masisikmura iyon. Never, mas pipiliin ko na lang ang maghirap basta disente ang hanap buhay. “So gusto mong makitira muna sa amin? Sure no problem,” assume ko. “Hindi! Bakit ba ganito ang unang tanong sa akin kapag sinasabi kong lumayas ako sa bahay?” iritang reklamo naman niya at napahiya naman ng kaunti doon si Alexa. “Anong meron?” pahabol na tanong ko sa kaniya. “I need you to help us save Juna,” wika niya. Si Dr. Junnaliza? “Anong nangyari sa kaniya?” tanong ko sa kaniya at yan ang kauna unahang pumasok sa aking isip nung marinig ko ang salitang ‘help’ sa kaniyang bibig. “Nahuli siya nung mga tao nila mom and dad,” amin niya at napanganga naman ako sa kaniyang sinabi. “What do you mean?” tanong ko. Alam kong nakakairita na ang pagtatanong tanong ko pero kailangan ko talaga malaman ang lahat. “We infiltrated their home base to gather something,” tumigil siya at may hinugot naman siyang kung ano sa kaniyang bulsa. May inilabas siyang isang uri ng vial mula rito at ipinatong ito sa aking mesa. “This,” tukoy niya sa vial. “We retrieved that from their hands in hope to learn something crucial and we need you to study it,” paliwanag naman niya. “But, I insisted to gather information from their home base to learn about my parents’ plans in the future and then we were found out,” dagdag niya pa. “We were chased by their subordinates,” malungkot na pagkakawika niya. “Then we were captured,” lalo itong lumungkot. “I was released but Juna was left there injured and helpless,” sa pagkakataong ito ay nakisimpatya na ako sa kaniya. “With your skills Alex I need your help to rescue Juna,” may dedikasyon sa kaniyang boses at ramdam ko iyon. Nakakalungkot naman talagang malaman na naroon si Juna sa mga sindikato at kawawa ang kalagayan. Pero nagtataka ako na paano sila nakarating doon in the first place. Maraming tanong ang nabubuo sa aking isipan at nararamdaman kong marami silang itinatago sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon. Paano sila napunta sa ganung sitwasyon, kasi sa una pa lang ay mga sindikato iyon at kahit sinuman ay talagang iisipin na napakadelikado ng bagay na iyon. Saka ano ang vial na iyan? Para saan yan at saan nila iyon nakuha. Maraming hindi sinasabi sa akin si Emma. Marami rami tayong pag uusapan Emma. “Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko sa kaniya. Dahil handa naman talaga akong tumulong sa kanila basta abot ng aking makakaya at walang kung anumang labag sa aking moral. May hinugot si Emma sa kaniyang likuran at nanlaki naman ang aking mga mata ng makita ko ang isang baril. Isang pistol sa pagliliwanag. Alam kong magaling ako sa mga shooting range dahil si Emma ang palagi kong kasama pag pumupunta ako sa isa. Alam niyang nag eenjoy ako sa mga bagay na ganoon. Pero, ano ang ibig sabihin niyan? Hindi ko maipasok ng aking utak ang mga nangyayari at naghahabol pa ito. Ano ang ibig sabihin mo Emma? “We need this,” wika naman ni Emma. What? “Emma,” tanging pangalan niya lamang ang aking nabanggit. “I know pero hindi natin maiiwasan ang engkwentro Alex,” paliwanag niya. No, no, no, no kahit kailan hindi ko magagawang pumatay ng tao. I enjoy shooting target but never the living ones. Hindi ko alam kung ilang gabi ako hindi patutulogin ng aking konsensya kapag may mapatay man akong tao. Hindi ko kakayanin. “Emma are you sure about that?” tanong ko sa kaniya. “Yes, mukha ba akong nagbibiro Alex?” malamig na pagkakawika niya. Don’t tell me you already did Emma. No... “Buhay ang pinag uusapan natin dito,” protesta ko pa. “Alam ko,” tipid na wika niya ulit. Nagsisimula na akong mainis sa kaniyang pakikitungo at para bang wala lang sa kaniya ang usaping ito. Naiintindihan ko na rin kung bakit kasama niya si Alexa. Hindi tulad ko ay sundalo ang aking kapatid at isang siyentipiko lang ako na gumagawa ng gamot para magligtas ng buhay pero hindi kumitil. “Emma!” sigaw ko. “Alamin mo nga iyang mga sinasabi mo,” reklamo ko ulit. “Papatay tayo ng tao? Are you deaf? Naririnig mo ba iyang mga salitang lumalabas sa bibig mo,” protesta ko at nakakita naman ako ng kaunting reaksyon sa kaniyang mukha. “Tapos pupunta kayo rito para humingi ng tulong sa akin na pumatay na parang wala lang. Ang dali mo na lang sabihin ang mga katagang iyan Emma. Ano bang nangyayari sa iyo?” dagdag ko pa. “They started it first Alex!” galit na ganti ni Emma sa akin. “It doesn’t matter who started it first Emma,” balik ko sa kaniya. “FINE!” sigaw niya at naglakad na ito palayo sa akin at sumunod naman sa kaniya si Alexa at malungkot na tumingin sa akin. “If you don’t want to come then we will do it ourselves,” galit na wika pa niya sa akin. “Hey! Maybe there is another way,” pigil ko sa kanila. “Hindi mo kailangan pumatay Emma!” dagdag ko pa pero hindi siya tumigil sa paglalakad at tumingin naman sa akin si Alexa at umiling sa akin. Sinasabing hindi ko na siya mapipigilan at naka set na ang kaniyang goal. Hindi ko na ba mababago plano niya? Ang mga kasunod na kataga na kaniyang sinabi ang gumulat sa akin. “I’ll kill if I have to.” To be continued... -Into the Apocalypse-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD