"Shea, tingnan mo ito, at dito rin." At itinuro ni Yvette ang likurang bahagi at sa kabila. "Excellency, marami pa sila." "Shea, gisingin mo ang ating mga miyembro," utos ni Orpheus. "Yes, Excellency. Mhai, let's go." "Okay, Superior." "My Queen, halika!" Hinawakan ni Orpheus ang kamay ng asawa at pumunta sila sa rooftop. Upang makita ang buong paligid. Ang hindi nila alam na naroon rin si Cassius at naghihintay lang ng pagkakataon. At hindi rin niya alam ni Cassius na nasa rooftop ang Excellency at ang Monarch, na nagmamasid lang sila sa maaaring mangyari. At maya-maya pa ay umatake ang mga miyembro nila Orpheus at nakita nila kung paano ito lumaban. Nadoon rin si Shea at kinokontrol ang kanilang mga miyembro. Si Mhai, naman ay nasa tabi niya at nagbabantay ito sa paligid. "

