Hanggang sa dumating si Shea, sa pribadong kuwarto. Medyo kinakabahan si Lalah, at napansin ito ni General Geof. Kumatok muna sila sa labas ng pinto. "Come-in!" boses ni Orpheus. "Excellency, Monarch!" boses ni Lalah at yumukod ito. Napatingin na naman sa kaniya si General Geof, at nandoon pa rin pagtataka sa isip niya. "Tumayo ka, Sis Lalah." Inalalayan ni Yvettete ang nakakatandang kapatid. "Ano'ng ibig sabihin nito? Magkapatid kayo? Ano ito Orphe? Isa kayong kulto?" sunod-sunod na tanong ang lumalabas sa bibig ni General Geof. "Nandito ka na rin lang, kaya sasabihin ko sa iyo ang totoo. Mas mabuti nang malaman mo, habang maaga pa. Mga bampira kami, at ako ang pinakamataas na posisyon sa lahat. Kaya Excellency ang tawag nila sa akin." "Huh?! Pinagloloko mo ba ako, dude?" hin

