Pagpindot sa napiling timpla ng kapeng gusto kong inumin galing sa vendo machine ay inilabas ko na ang aking cellphone na ilang beses kong naramdamang mag-vibrate. Tatlong text message ang sunod-sunod na dumating—lahat 'yon ay galing kay Ryu. Ryu Alejandre: Ano nang nangyayari riyan? Hindi pa rin nahahanap sina Mr. C? Si Kylué kumusta na? Sandali akong natutulala sa huli nitong mensahe. Bagama't pareho kaming nasa Palawan, halos hindi rin naman kami nagkikita nitong mga nakalipas na araw. Kasama kasi siya nina Kraige sa search and rescue operation habang naiwan pa rin ako rito sa hospital para bantayan si Nirvana at Persephone. Nang mahagip ng mga mata ko ang pagkapuno ng kape sa paper cup ay tuluyan ko nang ibinalik ang cellphone sa bulsa at hindi na nga nireplyan pa si Ryu. Ga

