Nakalipas na ang ilang minuto ngunit parang patuloy ko pa ring naririnig ang nanginginig na boses ni Kylué. Ang rumaragasang takot at pag-aalalang umagos mula sa kaniyang labi sabay sa mga katagang sinabi nito sa 'kin ay talaga namang binagabag ako. Nang hindi na nakatiis pa. Inilabas ko na ang cellphone at hinanap ang pangalan nito sa 'king contacts. Bago siyang tuluyang tawagan ay sinarado ko muna ang pinto sa may shotgun seat kung saan ko ipinasok ang maletang pinagtaguan ko ng case ng sniper. Habang umiikot papunta sa driver's seat ay itinapat ko na ang cellphone sa 'king tainga. Parang piraso ng manipis na papel na nalukot ang aking mukha nang ni-reject ni Kylué ang aking mga tawag. Habang hawak ang nub ng pinto ng kotse, muli kong idinial ang number niya, sa pagkakataong 'to ay mas

