Chapter 3

1413 Words
"Ako na kasi!" mas lalo pang idiniin ni Ryu ang cold compress sa gilid ng aking labi matapos ko 'tong sigawan. Masama siyang tumingin sa 'kin bago niya halos pabalibag na iniabot ang icebag. Tahimik man, alam ko pa rin na sa loob nito ay sobra na siyang natatawa dahil sa nangyari sa study kanina. Tangingang, Kylué 'yon. The unbreakable silence and peace in every corner of my room flew straight of the drain the same moment I heard creaking sounds made by the door. Aside from that, Ryu and I both heard incoming footsteps and barely audible distinct noises. My eyebrows furrowed and my eyes jump to where these doofus are. Naunang ipinakita ni Pax ang sarili sunod si Noe at panghuli si Lic na dumiretso sa mismong higaan ko. Isinalpak nito ang katawan niya roon na para bang pag-aari niya ang kama at hindi niya alam na handa na akong patamaan siya ng mallet dahil sa kapangahasang ginawa. Malakas na pumalakpak si Noe, si Pax ay tumawa samantalang nangingisi lang si Lic habang pinanunuod ako. "Anong klaseng hangin ang nagdala sa inyo rito?" I dropped the black colored icebag back on a silver basin that Ryu brought here with herself. My hand reaches a stick of cigarette on their own. As I position it in my mouth, I couldn't help but feel a spang of pain. Kylué punched me real hard. Ang laki ng hiwa sa gilid ng labi ko dahil sa kaniya. "Kylué's bravery is commendable. Never in my wildest dream that I thought something like this will happen," Noe spoke. "Napipikon din ako sa kayabangan mo pero hindi pa 'ko nagkaroon ng lakas ng loob na bangasan ang mukha mo. Just wow, I really can't believe this!" si Pax. "Dapat nasa race track ako ngayon. Kikita dapat ako ng milyon kaya lang hindi ko talaga p'wedeng palampasin 'to." Dagdag ni Republic bago siya humalakhak. Triggered and already out of patience. My jaws protruded, beyond that my eyes is already murdering these three. Umahon si Lic mula sa 'king kama. Hindi pinapansin ang pagkabwisit ko dahil nandoon nga s'ya. Lahat ng dumi niya naroon na. Kailangan ko nang tawagin ang house help mamaya para palitan ang bedsheet, unan, kumot—buong kama ko. "Ryu, alam mo ba ang nangyari?" three of them asks her with unity. The woman whom labels herself as my uttermost sincere friend dip her loops at me. She smile balefully, like she really's proud that she'll drop a bomb that will wash out my most treasured dignity. "Shut up, Ryu—" "Tinawag niyang duwag si Kylué and that happened." She pointed my already grimacing face. There goes the last string of my patience. Tumayo ako sa one-seater na sofa. Hindi ko na kinailangan pang magsalita para malaman nilang gusto at pinapalayas ko na talaga silang apat. Ang hawak kong sigarilyo ay naikuyumos ko na lamang kasama ng aking palad. Habang nililisan ang aking silid, sina Pax at Lic ay tuloy pa ring nag-uusap tungkol sa nangyari. The moment I heard the door closed. I sat back on sofa and shut my eyes. Weird it is, but the way Kylué pulled the neckline of my shirt before punching the s**t out of me plays in my head like a scene from my favorite movie. Everything little thing in my head is unfathomable. My mind and the nerves of it is haywire for all of a sudden, I am curious of him. After caging myself in my own little world and pit of hell for the longest time. I finally find someone that interest me to the extent that I'll let him messed up with my mind. Kylué Amorue... Para matanggal siya sa isip ko. Pinili kong abalahin ang sarili ko sa pamamagitan nang pakikipag-sparing kay Noe. Noong una ay ayaw pa nitong pumayag. Iginigiit nitong naghahanap lang daw ako nang mapagbubuntungan ko ng galit dahil sa nangyari. Hindi niya gusto ang ideyang sa kaniya ko maibubuhos ang lahat ng emosyong si Kylué dapat ang sasalo pero dahil sinabi kong babayaran ko s'ya para sa kalahating oras na mag-isparing kaming dalawa. Napapayag ko rin siya kalaunan. Money and the things it pushes people to do in order for them to acquire it. The very same moment the small hands of the wall clock displayed on the wall inside of Rapscallion's gym. Noe told me that our deal is over by pointing it to me. I glance at it. It's really six pm but I didn't mind. I brush off the information and punched him harder for the last time before I step back and move away from him completely. Massive curses both in french and english cannonade my ear. It made me smile. Feeling the warmth brought by sweats all over my body, stress and everything that's bothering is not out of my head. "Putangina ka. Napakadaya mo talaga!" habol nitong sinabi habang bumaba ako mula sa boxing room. Dire-diretso kong nilakad ang bench kung saan ko iniwan ang cellphone bago kami magsimula. Matapos alisin ang gloves na nasa kamay. Dinampot ko na ang phone sa may bench. Gamit 'yon ay itrinansfer ko ang napag-usapan naming halagang babayaran ko kapalit ng oras at effort niyang sabayan ang trip ko. Ilang sandali pa. Nasa tabi ko na rin si Noe. Ginawa niya ang kaparehong bagay. Lumiwanag ang mukha nito. Alam ko na kaagad na alam niya ng nasa bank account niya na ang pera. "Sinulit ko lang naman 'yong bayad ko sa 'yo. Walang personalan." Paalala ko pa rito. Tuluyan ko nang inalis ang isa ko pang boxing gloves at iniwan na lang din 'yon sa ibabaw ng bench. Nilagay ko ang cellphone sa garter ng suot kong shorts saka ako kaswal na lumisan sa gym. Habang naglalakad. Ang kamay ko ay abala naman sa pagsasaayos ng tali sa 'king buhok. My neck-length, sable colored hair is dripping in sweat too. Not just that, it feels uncomfortable as it hugs my neck too  giving me an eerie feeling. Nang magdesisyon akong tumigil sa paghakbang para bigyan nang buong atensyon ang ginagawa ko sa sariling buhok. Naaninag ko ang pares ng babae at lalaking nag-uusap malapit sa 'king daraanan pabalik sa main house. Parang papel na nagusot ang kaninang kalmado ko ng mukha matapos kong makita ang pagyapos ni Valkyrie kay Kylué bago s'ya umalis. I wonder what's really happening? I move my head a bit to shunt away my curiousity. Pakialam ko naman kung si Kylué na ang puntirya niya ngayon pagkatapos niyang makipagrelasyon kay Kreios at buong tapang na inaanunsyong gusto niyang pakasalan si Kraige? I was about to take another step forward when he turned at my way. The friendly smile that's hanging around his face that kinda compliments the sharpness of his jaw. Making him look a little bit friendlier is blown by the same wind that pushes me to take more steps until we're almost close to each other. Our eyes holds each other briefly.  For a fleeting moment, I got lost in the oblivion of his pools but the monster in my head manages to pull me up. It angrily slammed me something that brought me to my usual phase. Bumalik ang blangkong paraan ko nang pagtingin sa kaniya. Lalampasan ko na sana 'to nang, "Ivar," tawag niya sa 'kin sa malambot at parang nanlalambing na tono. Hindi ko alam kung namali ba ako nang rinig o gano'n niya talaga pinakawalan ang pantawag niya sa 'kin. Sa hindi malamang dahilan. Pumalya ang katawan kong sundin ang bagay na iniutos ng aking isip. Imbes na balewalain siya at magpatuloy. Napako ako sa huli kong kinapupwestuhan. "Hindi ko sinasadya 'yong kanina. Sorry," he murmured. Pilit na nagpapanggap na wala pa rin akong pakialam, hindi ko siya nilingon at sa halip siya ang lumapit at humarap sa 'kin. And although it's natural for me to notice every movements of people around me. I wanna ask myself why I f*****g notice his damn way of combing his slid back raven hair with use of his long fingers. "Narinig mo ba ako? Ang sabi ko sorry para sa ginawa ko kanina," ulit nito. I forced myself to remain passive but everything changed suddenly.  The table turns upside down when I saw him pull a band-aid from the pocket of his worn out jeans. He offers it to me like a gift to make up things between us. Unconsciously, a smile breaks out the thin line in my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD