MARIA ALEXANDRA'S P.O.V:
"Master gambler?" takang tanong ko kay Miko.
Sa pagkakaalala ko, numero uno siya sa listahan ng The Last Gamble na nasa system ko sa front desk.
"Isa siyang legendary profession gambler sa mundo ng casino at minsan na rin siyang naging suki ng The Last Gamble," ani ni Edgar.
Mas matagal itong nagtrabaho dito sa Underground Casino kaysa sa amin kaya malamang kilala niya kung sino man ang master gambler na tinutukoy nila.
"Bigla na lang siyang tumigil at walang nakakaalam kung nasaan siya ngunit ngayon gabi ay narito siya upang maghakot ulit ng pera gamit lamang ang paglalaro ng baraha." Pagpapatuloy ni Edgar.
"Sa pagkakaalam ko, matalino at madiskarte si master gambler sa pagsusugal at ni minsan ay hindi pa siya natatalo. Kung matagal na siyang tumigil, bakit bumalik siya ngayon?"
"Yan ang malaking katanungan at isa pang misteryo kung bakit tayo pinaalis ni Vincent."
Kung sino man ang master gambler na yan ay hindi ako interesado sa kanya.
Nang maubos ko ang kape na aking iniinom, lumapit ako sa locker at nang buksan ko yun, tumambad sa akin ang iba't-ibang klase ng damit, mapa-formal hanggang sa kaliit-liitang damit.
Kumuha ako ng isang marangyang pulang damit na gawa sa makintab na tela tulad ng satin o silk. Ang damit ay strapless at may malalim na V-neckline na binabagayan ng detalyadong red beadwork at mga palamuting tumutugma sa kulay.
Mayroon din itong mataas na hiwa sa hita na nagpapakita ng kanyang mahabang binti. Ang pinakamagandang bahagi ng damit ay ang malalaking sleeves o capa na bumabagsak mula sa kanyang mga balikat, na para bang mga pakpak.
Hindi kasi pwedeng pumasok sa loob ng casino na nakasuot ng three-piece suit at kailangang naka ball gown ang babae o kahit anong formal na kasuotan upang hindi mahalata na isa kaming mga empleyado.
"Pupunta ka na sa casino?"
"Oo. Malapit ng mag alas-otso at inaasahan ako ni Vincent doon sa loob."
Bumusangot ang mukha ni Sophia. "Ipinagtabuyan kami ni Vincent samantalang ikaw ay hinihintay niya? Ang unfair ha! Gusto ko ring makita kung sino man yang Master Gambler na yan."
"Gusto mo palit tayo?" wika ko sa kanya lalo pa't ayokong magsuot ng mga magagarang damit ngunit wala akong ibang pagpipilian.
"Ayoko no! Baka sisantehin ako ni Vincent. Sayang ang dalawang daang libong piso na sahod ko rito buwan-buwan."
"Okay, sabi mo eh."
Nilayasan ko na si Sophia at saka ako pumasok sa banyo at nagbihis. Mabuti na lang at malawak ang banyo na kinaroroonan ko st kompleto rin ito sa gamit tulad ng toiletress at gamit pang kolorete sa mukha.
Inilugay ko na lamang ang mahaba kong buhok at naglagay ng kolorete sa aking mukha at nang maging maayos na ang aking itsura lumabas na ako ng banyo at natuon bigla ang atensyon nilang lahat sa akin.
"Kung hindi ko lang kilala si Malex, baka niligawan ko na."
"Dang, ang hot mo dyan te!"
"Para kang naglalakad na apoy."
Samu't-saring reaksyon at papuri ang natanggap ko mula sa kanila ngunit napapairap na lamang ako.
"Ewan ko sa inyong lahat. Mauuna na ako at babalitaan ko na lang kayo kung sino man yang master gambler na binabanggit niyo."
"Good luck girl."
Napapailing na lumabas na lamang ako ng pantry at iniwan silang lahat doon at tinahak ko ang pasilyo patungo sa function hall.
Tulad sa entrance nitong underground casino, may dalawang bantay sa harapan ng malaking pintuan ngunit hindi nila ako hiningian ng I.D at basta na lamang akong pinagbuksan ng pinto.
Bumungad sa akin ang isang malawak na silid na puno ng buhay at tensyon. Hindi ito kasing-liwanag ng mga kilalang casino; sa halip, ang buong espasyo ay binabalot ng malabo at mainit na ilaw na nagmumula sa mga chandeliers na yari sa itim na metal at smoked glass, kasama ang mga spotlight na nakatuon sa bawat mesa.
Ang sahig ay nilalatagan ng makapal, kulay-maroon na alpombra na sumisipsip sa ingay ng mga yapak, ngunit hindi sa tunog ng pagtaya.
Makikita ang sunud-sunod na mga mesa ng Blackjack, kung saan mabilis ang paglipat ng mga baraha at barya; ang mga bilog na mesa ng Roulette, na may hipnotikong tunog ng umiikot na bola; at ang mga seryosong mukha sa mga mesa ng Poker, kung saan ang taya ay hindi lang pera kundi minsan pati kaluluwa.
Ang bawat mesa ay may berdeng velvet na tela, at ang mga dealers ay nakasuot ng pormal na itim na tuxedo o eleganteng cocktail dress, na may mga poker face na halos imposibleng basahin.
"Malex," tawag sa akin ni Vincent nang makita ko siya sa isang sulok na nakatayo kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Vincent, hindi ko alam na masyadong mabigat ang atmospera rito sa loob."
"Mula ngayon ay masanay ka na dahil bukod sa front desk ay mapupunta ka rin rito upang magmasid sa mga kaganapan dito sa loob."
Iginala ko ang aking tingin sa buong paligid at naagaw ang atensyon ng isang lalaki na may nakapaskil na ngisi sa kanyang labi habang nakasandal sa mesa kung saan sila naglalaro ng baraha.
"Four ace," ani ng lalaki at gumuhit sa mukha ng mga kalaro niya ang pagkadismaya.
"Fvck! This is the third time I got lost from you."
"A gambit is not about winning; it's about making your opponent believe you will lose, De Salvo."
"Damn you and your words of riddles. I quit."
Tumayo ang isang may edad na lalaki at isinama ang babae na company yata nito at biglang nagtama ang mata namin ng lalaking kakapanalo pa lamang sa larong sugal.
Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at hindi man lang naputol ang tinginan namin sa isa't-isa hanggang sa tumigil siya sa harapan namin ni Vincent.
"Hey there gorgeous. Mind if I ask you to accompany me for a glass of wine?"
Napalingon ako kay Vincent.
"Go on. It's part of your job." Bulong ni Vincent sa akin ngunit alam kong narinig rin ito ng lalaking nasa harapan namin kaya ibinaling ko ang tingin ko sa kanya at tumango ako.