MARIA ALEXANDRA'S P.O.V:
Agad kong ibinalik sa screen ang logo ng casino upang mawala ang mga pangalan na binabasa ko kanina at hinarap siya.
"Alam mo bang bawal kang pumasok rito at maupo sa tabi ko?" malamig na tono ng boses ang binigay ko.
Aaminin kong gwapo siya at malakas ang dating ngunit hindi ako pumunta rito para makipaglandian sa tulad niya.
"Hey babe, perhaps you've forgotten that this place is a den of illegal activities, so why would you tell me I can't come in here and admire your beauty?"
Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kanya ngunit pinigilan ng kanyang paa ang swivel chair na kinauupuan ko at muling hinila palapit sa kanya at hinawakan ang aking baba at hinarap sa kanya ang aking mukha.
"Miss beautiful, you can't escape from me."
"Bitaw!" wika ko na may halong pagbabanta ngunit ngumiti lang siya sa akin at tumabingi ang kanyang ulo at nagulat ako nang haplusin niya ng marahan ang labi ko.
"It's rare for me to encounter women as brave as you, and this is the first time I've seen you here at The Last Gamble. Have you been working here long?"
"Wala kang pakialam. Sino ka ba sa inaakala mo?"
Tuluyan na siyang natawa at binitawan niya ang aking baba ngunit inilapat niya sa magkabilang arm rest ng kinauupuan ko ang parehong kamay niya at tila ikinukulong niya ako at nilalamon ang aking sistema ng kanyang sistema.
"My name is Yves Lucchesi, mind if I know your name?"
"Malex. Bagong manager nitong casino." Wala sa sariling sagot ko.
"Hmm, bagay sayo ang pangalan mo. Fierce, gorgeous and hot-- woah."
Hinawi ko ang mukha niya palayo sa akin at muling umatras at wala siyang nagawa kundi ang matawa na lamang sa aking ginawa.
"Ano bang kailangan mo?"
Nagkibit-balikat lang ang lalaki sa akin. "Besides looking for someone, I've also taken an interest in a beautiful lady like you. Mind if I ask if you do have a boyfriend?"
"Mukha ba akong naghahanap ng nobyo at isa pa trabaho ang ipinunta ko rito at hindi ang makipaglandian sayo. Hindi rin ako ang taong pwede mong lapitan kung may hinahanap ka man dito sa loob ng underground casino."
"A glimmer is not a promise of dawn, but a stubborn whisper that dawn might still come." Matalinhagang wika niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Ano bang sinasabi mo?"
Muli siyang nagkibit balikat at isinilid ang pareho niyang kamay sa bulsa ng suot niyang pantalon. "Nothing. I'm leaving now, and I'm going to haul in some wealth tonight. See you when I see you, baby."
Umalis na siya mula sa kanyang kinauupuan at sumabay ito sa dagat ng tao na pumapasok papunta sa casino kaya napahawak ako sa dibdib ko at ang bilis ng t***k ng aking puso.
"Sino ba ang lintik na yun? Siya ang kauna-unahang lalaki na lumapit sa akin ng walang pag-aalinlangan."
Ibinaling ko ang atensyon ko sa computer at lumapit doon at muling ginalaw ang mouse at pumunta sa search bar. Sinimulan kong i-type ang pangalan na sinabi niya ngunit nagulat ako sa resulta.
Search: Yves Lucchesi
Result: "NO RECORD FOUND"
"NO RECORD found? Paano nangyari yun?" bulong ko sa aming sarili habang nakatitig sa pangalan ni Lucchesi.
Sa tagal kong nagtatrabaho rito sa casino, hindi ko pa nakaka-encounter ang lalaking yon at mukhang ngayong gabi lamang ito pumunta sa casino.
Inalis ko na lamang sa search bar ang pangalan na yun at muling ibinalik sa screen ng desktop ang computer. Sumandal na lang ako sa aking kinauupuan at nasapo ang aking sintido dahil sumasakit ang aking ulo.
Biglang nagulo ang sistema ko dahil sa lalaking yun at wala akong ideya kung bakit niya ako nilapitan.
Napatingin pa ako sa orasan na nasa screen ng computer at quarter to seven pa lang kaya tumayo muna ako sa aking kinauupuan at lumabas ng front desk at dumiretso ako sa isang pasilyo kung saan naroon ang pantry.
Pumasok ako doon at nadatnan ang ilang servers sa casino kasama ang ilang janitor at ilang mga babaeng nagbibigay ng serbisyo sa oras ng laro.
"Malex, narito ka pala?" ani ni Sophia na isa sa mga babaeng nag aassist sa roleta at napapangiwi ako sa suot niyang gown na halos kita na ang kanyang kaluluwa.
Ang damit niya ay isang eleganteng silver sequined spaghetti-strap dress na may mataas na hiwa sa hita. Mayroon itong deep V-neckline na may manipis at sheer na tela sa gitna ng dibdib, at gawa ito sa tela na nababalutan ng kumikinang na silver sequins.
Ang disenyo nito ay nagpapatingkad sa porma ng katawan at nagbibigay ng glamorosong itsura, na angkop para sa isang pormal na pagtitipon.
"Hindi, litrato ko lang to." Seryosong wika ko at hindi man lang kababakasan ng kahit anong emosyon.
"Ang cold mo masyado. Paano ka magkakaroon ng nobyo kung ganyan kataas ang pader mo?" napapangiwing wika ni Sophia.
Lumapit ako sa isang sulok at kumuha ako ng tasa at kape at saka ako nagtimpla upang hindi ako antukin sa oras ng trabaho.
Ang isa sa pinaka gusto ko rito sa underground casino ay libre ang pagkain namin at hawak namin ang sarili naming oras.
Bahala ka kung anong oras ang gusto mong magkaroon ng break time basta hindi ka pwedeng umuwi kung hindi pa oras ng pagtapos sa aming mga trabaho.
"Anong kinalaman ng paghahanap ng nobyo ang pagiging malamig ko? Mukha ba akong hayok sa lalaki?"
"Fvck with the term of hayok?" maarteng wika ni Sophia.
Nang makapagtimpla ako, sumandal ako sa munting lababo at sumimsim ng kape sa tasa ko.
"Sophia, huwag mo ngang inaano si Malex. Hindi ka pa ba sanay sa ugali niya?" ani ni Edgar na isa sa mga janitor.
"Sanay na, gusto ko lang siyang inisin talaga."
"Angas ng pang iinis mo ah? Bakit nga pala kayo nandito sa pantry? Dapat nasa casino kayo di ba?"
"Gustuhin man naming tumambay sa casino ay hindi namin magawa. Ipinagtabuyan ba naman kami ni Vincent dahil naroon daw ang master gambler."