CHAPTER 8

2108 Words
Pagpasok ko sa aking silid ay naglinis muna ako ng katawan ko bago magpahinga. Pero bago ako pumasok sa banyo ay may tumatawag sa akin sa messenger. Dahil nakaconnect na ako sa wifi at lagi naman nakalog in ang account ko ay pwede akong tawagan. Pero nagulat ako sa taong tumatawag sa kain at hindi ko inaasahan na alam niya ang sss account ko. “Hello good afternoon Sir Kyle.” “What are you doing, what took you so long to answer you g*d d*mn phone!” galit na bungad niya sa akin. Eh malay ko ba na tatawag siya sa akin. At hindi ko naman dala ang phone ko sa malaking bahay dahil kabilin -bilinan nila na bawal magdala ng cellphone habang naglilinis. Napaismid ako sa kaniyang sinabi.” “Kapapasok ko pa lang po dito sa room and hindi ko po dala ang cellphone ko sa bahay ninyo.” “I don’t want to see you talking to any boys in the house. Except me or dad.” “Huh? Why sir? Eh paano kung may kailangan po ako sa mga guard or kay kuya ding or kay ‘tay Isko.” “I don’t want to see flirting with them. You’re always smiling while talking to them as if your flirting with them.” “ay grabe ka naman makabintang sir. I’m not flirting with anyone. I’m just being friendly with them, do think smiling is bad?” “Just what I just told you or I will punish you.” galit parin na saad niya at sobrang dilim parin ng mukha niya sa galit. “yes sir Kyle.” sagot ko na lang sa kaniya para hindi na humaba ang usapan namin. Paano niya kaya nakita na nakikipagflirt ako sa kaniya. Hala may mga cctv ba sa buong paligid dito sa bahay. Hindi ko naisip na possibleng makita niya ang bawat galaw namin. Mamaya itanong ko nga kay ate Rosa kung may cctv sa buong paligid. Hindi narin siya nagsalita at pinatayan na lang ako ng videocall. Haist ang hirap naman spelling ng amo ko. Parang may monthly period siya. Tinignan ko na lang ang mga messeges ko sa messenger at ang dami niyang misscalls sa akin. Halos 50 misscalls ang tawag niya sa akin. May mga natanggap din akong messenges sa mga kapatid ko at kay nanay pati sa mga kaibigan ko at yung dalawang kasama namin na nagpunta dito sa Dubai. Hindi ko muna inopen ang mga messeges nila at gusto ko muna maglinis ng aking katawan para deretso na ako sa pagpapahinga. Pagkatapos ko maglinis ng katawan ko ay inuna kong tawagan ang nanay ko. “Hello nanay kumusta po kayo? Miss ko na po kayong lahat.” umiiyak kong sabi kay nanay. Nahome sick ako bigla. “Ayos lang kami anak. Ikaw kumusta ka diyan? Maayos ka ba diyan na dumating?” “Okay lang naman po ako nanay at maayos po kami nakarating dito sa Dubai at hindi ko pa ho nakikita ang mga amo ko pero yung isang anak nila ang naiwan dito sa bahay nila kasi nagtratrabaho po siya” saad ko sa kaniya. “mabuti kung ganun anak. Mag-iingat ka lagi diyan ah at tawag ka kung may oras ka.” naluluha na din na sabi ni nanay sa akin. “Opo nanay, si tatay at mga kapatid ko nay kumusta po sila?”tanong ko kay nanay. “Maayos kaming lahat dito anak. Huwag mo kami alalahanin dito ikaw ang mag-ingat diyan.” “Opo nanay mbabait po ang mga kasamahan ko po dito.” Hindi nagtagal ang usapan namin ni nanay at may ginagawa daw siya. Kaya nagmessage na lang ako sa mga kaibigan ko. Hindi nagtagal ay tumawag sa akin si Riza sa messenger. “Beshyyyyyyy! Kumusta ka diyan?” bungad sa akin ni Riza halos mabingi ako sa kaniyang tili. “Aray naman beshy ang lakas ng tili mo to the highest level. Anyways ok naman ako dito mababait ang mga kasamahan ko dito pero yung anak ng amo ko masungit. At strikto.” sumbong ko sa kaniya at napangiwi pa ako dahil naalala ko na naman ang itsura niya kaninang tumawag siya sa akin. Bigla na lang may ngpop up na message sa akin ni sir Kyle habang naguusap kami ni Riza. Aba naman demanding itong amo ko ah. “Confirm my friend request, I’ve been calling you but your phone is busy! Who are you talking?” “I’m talking with my friends sir.” reply ko sa kaniya. At seen lang niya ang message ko. “Beshy ikaw kumusta ka diyan?” tanong ko kay Riza. “Maayos naman beshy naku ang bait ng amo ko at matanda narin. Mag-isa na lang siya dito sa bahay. Namatay na yung asawa niya at yung mga anak naman daw niya eh may kaniya-kaniya na silang mga career at yung panganay daw niya eh siya daw ang namamaala ng business nila pero may sarili daw itong bahay kaya mag-isa lang siya dito sa bahay nila pero marami naman kami dito dahil malawak ang lupain nila beshy yung tipong hacienda talaga itong lugar nila ang lawak. Malayo sa kalsada ang bahay at dadaan ka muna sa madaming puno ng dates bago ka makarating dito sa mansiyon nila.” Mahabang kwento ni Riza. “Kahit dito beshy eh malawak din at yun panganay naman na anak pa lang ng amo ko ang nakita ko dahil nakabakasyon ang mga amo namin. Pero may sarili din daw na bahay itong anak ng amo ko.” Siguro kay Alma eh kapareho din natin ang lugar na napuntahan. Grabe talaga parang nasa probinsiya lang ako.” Saad ni Riza. “Nakatawag kana ba sa inyo?” tanong ko sa kaniya. “Oo naman beshy at syempre nagdrama ang lola mo dahil nahomesick ako bigla.” nalungkot na naman siya. “ako din beshy naiyak ako kaninang kausap ko si nanay, nahomesick din ako.” Madami pa kaming napagkwentuhan at sabi ko sa kaniya na mamaya nalang ulit kami mag-uusap dahil magpapahinga lang ako saglit. Wala pang sampung minuto akong nakakaidlip ay may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko. Pinuntahan ko kaagad at baka may gagawin kami. “ Pasensiya kana at naistorbo ko ang pagpapahinga mo. Pero kasi nagagalit si Sir Kyle kanina pa daw tawag ng tawag sa’yo hindi mo daw sinasagot ang tawag niya kaya ako ang tinawagan niya.” bungad sa akin ni ate Rosa. “Naku ganun ba ate. Nakasilent na kasi ang cellphone ko dahil matutulog na sana ako.” nataranta kong sabi sa kaniya at iniwan ko siya at kinuha ang cellphone ko. Sakto naman ang pagkuha ko sa pagtawag ng kurimao kong amo. “Hel-” babatiin ko pa sana siya pero inunahan na ako ng kurimao. “What took you so long to answer you G*d d*mn phone! I’ve been calling you for thirty minutes!” “I’m sorry sir, my cellphone is in silent mode.” “Next time don’t silent you’re cellphone I will personally call you here and don’t use it during working hours with your friends or boyfriends.” “I’m sorry sir pero sabi ni ‘nay Maria it’s our r- rest t - time.”nauutal kong sabi dahil sa itsura niyang galit na galit. “Okay rest I’ll call you after one hour and make sure to answer my call.” sabi niya at pinatayan na ako ng videocall. Haist kainis akala mo naman kung sino siya. Ano ba ang gusto niyang gawin minuminuto ako icheck kung ano ang gingawa ko. Diyos ko isang araw ko pa lang pero kung makaasta eh ang tagal-tagal ko na dito sa kanila. Binalingan ko si ate Rosa na nasa may b****a ng pintuan ng aking kwarto dahil sa inaasta ng aming amo ang nahihiya tuloy ako sa kaniya. “ate sorry naghintay ka pa diyan kukunin ko lang sana itong cellphone ko pero tumawag naman na si sir Kyle.”nakayuko kong hingi ng paumanhin sa kaniya. “Okay lang dhai! Mukhang badshot ka kay sir at bakit naman sa cellphone mo yun tatawag eh alam naman niya na nagpapahinga kami kapag ganitong oras. Hays ewan ko sa batang yan tinamaan yata sa’yo.” “Huh? Anong tinamaan ate? Naku ang sungit nga niya meron bang cctv sa buong paligid ng bahay ate? At sa loob ng bahay?”tanong ko sa kaniya. “Oo meron, sa may kitchen dun sa kainan natin meron dun. Bakit mo natanong?” “Eh kasi tumawag din siya kanina sa akin at sabi huwag daw ako makipagngitian sa mga boys dito sa bahay.nagagalit nga siya sa akin kaninang tumawag siya bale pangalawa na itong tawag niya sa akin.” malungkot kong sumbong kay ate Rosa. “ay ambot sa batang yan, bakit kaya nagkaganyan yan hindi naman ganiyan sa amin. Naku ikaw lang naman kasi ang bukod tanging naging kasamabahay nila na single at batang bata. Oh siya sige magpahinga kana dahil ilang minuto na lang eh tatawag na naman ang instant boyfriend mo.” natatawang sabi sa akin ni ate Rosa at umalis na siya sa harapan ko. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at bumalik nalang din ako sa loob ng kwarto ko. Pinilit kong matulog pero hindi ko makuha ang tulog ko dahil sa dami ng iniisip ko. Napabalikwas ako ng bangon ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa oras dito sa cellphone ko ay alas otso na ng gabi. Dal-dali akong pumunta sa loob ng banyo at naghilamos. Hindi ko na pinansin muna kung sino ang tumawag dahil pagkuha ko sa cellphone ko ay namatay kaagad ito. Hindi pa ako natatapos maghilamos ay may tumatawag na naman sa akin. “Hello good evening sir I’m sorry I just woke up.” “come here and cook me a dinner I want you’re adobong beef and kalderetang manok.” “Okay sir I’m coming right away.” sabi ko at binabaan na naman niya ako. Wala yatang magawa ang amo namin kundi ang inisin lang ako. Nasa kusina si ate Rosa at nagliligpit na ng hapagkainan. Tiyak tapos na silang maggabihan dahil alas otso na. “Ate Rosa sorry po ngayon lang po ako nagising.” sabi ko sa kaniya. “Naku ayos lang sa amin at alam namin na pagod ka din sa biyahe kaya hinayaan ka nalang namin pero ang instant eh tanong ng tanong kung gising kana.” “Ano po sabi nyo? Eh ang dami po pala niyang missed calls sa akin.” nakalabi kong sabi sa kaniya. “Syempre sabi ni ‘nay Maria eh pagod ka sa biyahe kaya hinayaan ka nalang namin na matulog. Nakailang balik na yun dito at gusto daw niya na magpaluto sa’yo.” “yun nga po ang itinawag niya sa akin kaya nagising ako.” “Hala sige magluto kana ano ba ang iluluto mo? At tulungan kitang maggayak para mabilis at makakain kana rin.” “Yung ulam po natin kaninang umaga. Yung po ata ang gusto niya.” “Kalderetang manok? Hindi naman yun naguulam ng ganun yung batang yun ah.” HIndi ko na lang pinansin ang sinabi ni Ate Rosa at kumuha na ako ng mga sangkap sa refrigerator para makapagluto na ako. Tinulungan narin ako ni ate Rosa at ate Dona sa pagprepare para sa iluluto ko. Sinasabihan nila ako na kumain na muna ako pero sabi ko mamaya na kapag nakaluto na lang ako. Nasa kalagitnaaan pa lang ako ng pagluluto ay tumatawag na naman si kurimao. Hindi ko nalang muna sinagot at ipinagpatuloy ko ang paghalo. Ilang beses pang nagring ang cellphone ko. “Sagutin mo na yan at baka magalit na naman ng todo sa’yo.” “Ate Rosa eh basa po ang kamay ko. Pwedeng ikaw na lang po ang sumagot?” sabi ko sa kaniya. At kinuha naman niya ang cellphone ko at itinapat sa aking tenga para makausap ko si Sir Kyle. “Sir Kyle can you please call later? I’m still cooking your, it will be cook after thirty minutes.” inunahan ko na siya sa pagsasalita. At baka magalit na naman sa akin. “Did you read my messages to you?” “not yet, I’m still cooking sir.” “Eat with me later.” sabi niya sa akin pero pagalit naman ang pagkakasabi niya. “Ahm Sir I t-think…” nauutal kong sabi at hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin sa kaniya pero nagsalita na siyang muli. “Just do as I say.” sabi niya at pinatayan na ako ng tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD