CHAPTER 7

1825 Words
Kumatok muna ako sa kwarto ni Sir Kyle. Pero wala pang nagbubukas kaya kinatok ko ulit ang pintuan. “F**k!the door is open. You can come inside.” Pagalit na sigaw ng amo ko kaya binuksan ko na ang pintuan at dahil hindi ako handa sa makikita ko sa loob ay bigla kong nabitawan ang mga dala kong panlinis. Waaah ikaw ba naman ang makakita ng lalaking nakatapis lang ng puting tuwalya at walang pang itaas na damit. “Waaah Oh my G my virgin eyes!” sigaw ko at nagkandahulog hulog ang mga dala ko. Nataranta naman ako sa pagpulot dahil sa sama ng tingin sa akin ng amo ko. “Tsk what a careless woman! Do your job properly” sabi naman niya sa akin. Kasalanan ko ba na ngayon lang ako nakakita ng six pack abs ng lalaki. Virgin pa kaya ako grabe namamawis na ako, kasalanan ko bang ibalandra niya sa akin ang katawan niya. “Yes Sir, I’m sorry I was just shock because I’m not used to see a person that is not wearing anything.” saad ko sa kaniya na hindi ko siya matignan. Hindi na niya ako sinagot at pumasok na siya sa banyo upang maligo. Inumpisahan ko na lang ang paglilinis, inayos ko muna ang kaniyang kama na king size bed ang laki at sobrang gulo ng kobre kama niya. Grabe sobrang likot ba niya matulog at halos magusot na ang kobre kama tapos may unan pa na nasa lapag. Pagtingin ko sa paligid ay parang dinaanan sa bagyo sa sobrang gulo. Ang mga damit niya ay nagkalat. May mga papel pang nakakalat sa sahig at sa table. Meron din isang baso at alak na nasa table. Akala ko pa naman sandali lang ako magliligpit dito pero abutin pa yata ako ng dalawang oras sa pagligpit. Pagkatapos kong ayusin ang kaniyang kama ay pinulot ko narin ang dalawang unan na nasa lapag. Pinagpag ko muna bago inayos sa ibabaw ng kama. Nagpulot narin ako ng mga damit niya at isa-isang pinulot ko rin ang mga papeles na nasa sahig at inayos ko na sa table. Nagpupunas na ko ng table nung lumabas na ang amo ko. Nagulat pa ako dahil nakatapis na naman siya at nagkatitigan pa kami. Pero umiwas na ako dahil nakakatakot siya kung tumingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang pagpupunas. Narinig ko na lang na may nagbukas ng pinto at pagtingin ko doon sa binuksan niya ay isang walk in closet. Pagbukas niya ay umilaw kaagad ang kwarto na binuksan niya. Grabe ang high tech naman ng bahay nila. Ang luwang pa ng walk in closet niya parang kasing laki lang ng bahay namin. Nagvavacuum na ako ng lumabas siya at inaayos na niya ang kaniyang long sleeve polo at nagulat pa ako ng nagsalita siya sa likod ko. Muntik ko ng maihampas pa sa kaniya ang vacuum na hawak ko. “Wooh are you going to hit me?!” sabi niya sa akin na pagalit at napaatras pa siya at isinanggalang pa niya ang mga braso niya sa akin.. “I’m sorry Sir, you startled me.” saad ko sa kaniya na nakayuko. “So are you accusing me? You are too focused in cleaing my room. ” “No sir. I’m just doing my job.” maikling sagot ko sa kaniya. “Can you fix my tie?” tanong niya sa akin na nagpaangat ng mukha ko at napatitig ako sa kaniya. Seryoso sa akin niya talaga ipapaayos ang kaniyang necktie? “Okay Sir, let me wash my hands first” at dali-dali akong pumasok sa kaniyang banyo upang hugasan ang kamay ko dahil nakakahiya naman kung ihahawak ko kaagad sa kaniyang damit ang kamay kong marumi. Hindi ko na nga siya hinintay na magsalita at tumakbo na lang ako papunta sa banyo. Pagbalik ko sa kinatatayuan niya ay walang alinlangan kong kinuha ang kaniyang necktie para ayusin. Halos malagutan na ako ng hininga habang tinatali ko ang necktie niya at sobrang lapit pa ng mukha niya sa akin. “So you will be my maid for 2 years?” “I’m not sure about that Sir, I haven’t talk to your mother yet.” “But I’m sure you’re my maid.” “Okay sir, maybe. It’s done” saad ko sa kaniya at pinagpag pa ang kaniyang balikat para matanggal ang konting alikabok na dumapo kung mayroon man at inayos ko pa ang kaniyang suit na parang close kami. Nagulat pa ako sa ginawa ko kaya mabilis kong inalis ang kamay ko na napahawak sa kwelyo ng kaniyang suit. At mabilis din akong tumalikod sabay kuha sa vacuum at ipinapagpatuloy ko na ang ginawa ko. Gusto ko ng batukan ang ulo ko dahil sa ginawa ko sa kaniya. Habang patuloy ako sa pagbavacuum ay naisip ko ang sinabi niya na ako ang magiging maid niya for 2 years. Sana ay mapagtyagaan ko ang ugali ng first boss kong kupal. Kahit isang araw pa lang kaming nagkakilala o mas magandag sabihin kong di ko pa siya talaga kilala dahil hindi pa siya naipapakilala sa akin. Nabanggit lang siya sa akin nila ‘nay Maria at Ate Rosa ang pangalan niya. Wala pa naman kasi ang kaniyang mga magulang kaya wala pang formal introduction na nagaganap sa amin. Ako pa lang ang nagpakilala sa kaniya. Pagkatapos kong magvacuum ay pumasok na ako sa banyo para umpisahan ng linisan ang kaniyang banyo. Malinis naman ito pero kailangan parin malinisan para mamaintain ang linis ng buong kwarto. Mas maganda at maaliwalas sa mata kapag malinis ang paligid. Kita ko kagabi na maayos ang paligid dito sa bahay. Lakas makasosyal ang mga gamit nila dito at pati ang mga ayos nila mapalabas at loob ng bahay nila. Kahit sa bahay ng mga kasama dito ay ang ganda at kumpleto rin sa gamit. Tapos may sarili pang banyo bawat kwarto at my common cr sa kusina para sa mga bisita daw. Hindi nagtagal ay natapos ko narin malinis ang buong kwarto. Ang linis ng tignan at nasa ayos narin ang mga gamit, yun mga papeles na nasa mesa kanina ay wala na. Siguro kinuha na ng amo ko at umalis na rin. Isa-isa kong nilagay sa cart ang mga dala kong panglinis pati narin ang mga maruruming damit ni Sir Kyle para malabhan narin. At ang baso na ginamit niya sa pag-inom ng alak ay inilagay ko na sa cart pero ang alak na may laman pa ay inilagay ko na lang sa mini bar dito sa kwarto ni Sir Kyle. Parang isang buong bahay rin ang kwarto niya. Mas maluwang pa ang kwarto niya sa kesa sa bahay namin. Pati ang banyo niya ay napakaluwang din. Ganito siguro ang sobrang yaman talagang gusto nila ang maluluwang at very spacious na lugar. Habang tulak-tulak ko ang cart ay napansin kong may kausap ang amo ko sa telepono na nakasandal sa may gilid ng elevator. Yes, may elevator po sila dito sa bahay nila. Talagang mayaman ang mga amo ko. At ito pa halos lahat ng poste dito ay gold ang pintura yayamanin talaga sila. Pinindot ko na ang down para makababa na ako ang wala pang isang minuto ay nagbukas na ang elevator at itinulak ko na ang cart para makapasok na ako. Paglingon ko paharap ay nagulat pa ako dahil nasa harapan ko na ang boss ko. “Ay iba rin, hininty pa ako para pagbuksan siya.” bulong ko pero narinig niya pala. “Saan ka pa maglilinis?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan dahil nagulat ako sa pagsasalita niya ng tagalog pero halatang hindi siya sanay dahil may accent pa siya. Akalain mo nagsasalita ng tagalog ang amo namin. Waah narinig niya kaya ang sinabi ko. “Saa ba-ba na po a-ko sir.” sabi ko sa kaniya sa mababang tono.” nauutal ko pang sabi sa kaniya. “Next time careful with you’re words dahil marunong ako magsalita at makaintindi ng tagalog.” nakasimangot niyang sabi, kahit medyo baluktot at slang ang kaniyang salita ay malinaw parin naman ang pagkakabigkas “Sorry po sir, Wala naman po akong sinasabi ah.” maang-maangan kong sagot sa kaniya at hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Gusto ko ng lumubog dito sa kinatatayuan ko dahil nakakahiya ang ginawa ko. Hindi ko naman kasi naisip na marunong siya magsalita dahil pinay ang kaniyang mommy. Haist gusto ko ng batukan ang ulo ko. Pagbukas ng pintuan ng elevator ay pinauna ko na siyang lumabas dahil baka madumihan ko ang kaniyang suot na three piece suit. Kaagad din naman siyang lumabas habang may tinatawagan. At sumunod nalang din ako sa kaniya. Pagkabalik ko sa mga ginamit kong panlinis sa kwarto ni Sir Kyle at pinuntahan ko si ‘nay Maria at tinulungan ko na rin siya sa paglilinis. Ako narin nagprisinta na magluto ng tanghalian namin para matikman naman nila ang luto ko. Marunong ako magluto dahil kung minsan ay nagtitinda kami ng nanay ng mga lutong ulam. Pandagdag sa baon namin at gastusin sa bahay noon. Masipag ang mga magulang ko kaya nairaraos namin ang pang araw-araw na gastusin sa bahay. Nagluto ako ng adobong baka at kalderetang manok para sa tanghalian namin at ginataang gulay. “Grabe ang dami kong nakain, busog na busog ako, ang sarap mo pala magluto.Dinaig mo pa ako.” saad ni ate Rosa. “Magaling kasi ang nagturo sa akin ate. At minsan eh naglalako ang nanay ko ng mga lutong ulam kaya .” “Talaga, dapat nagtayo na lang kayo ng karendirya tiyak dudumugin ang tinda niyo.” saad din ni ate Donna. “Kapag nakapag-ipon po ako mga ate para may pangpuhunan narin kami at doon nalang ako sa amin para makapagturo narin ako sa school.” “Maganda yan naku madami kayong customer dahil masarap ang luto mo at maganda pa ang tindera.” Biro naman ni kuya Ding. “Hala bilisan na ninyo para makapagpahinga narin kayo. Salamat sa masarap mong luto iha.” sabi naman ni ‘nay Maria. Lahat sila ay nakagaanan ko na ng loob dahil mababait naman sila. Swerte ko dahil mababait ang mga kasamahan ko dito at sana pati ang aking mga amo. Hindi ko pa sila nakikita dahil nakabakasyon daw sila at bukas pa sila dadating. Nagkaniya-kaniya na kaming punta sa aming kwarto. Ang dalawang gwardiya naman ay nagsalitan din sa pagkain. Nagtira na lang kami ng pagkain nila dahil hindi daw sila pwedeng sumabay sa amin. Si kuya Ding ang pumalit sa isang guwardiya para may kasama ang isang gwardiya. Hindi daw pwedeng isang gwardiya lang ang nasa harapan. Malayo ang bahay sa gate kaya kailangan pa ng golf car para makarating dito. May tatlong golf car ang narito at ang isa ay nandoon sa gate para sa service ng dalawang gwardiya. Karelyebo pala nila si kuya Ding sa pagbabantay sa gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD