Pagkatapos kong maglinis sa may hagdan ay inutusan ako ni ‘nay Maria na tulungan ko si ate Rosa sa pagluluto. Marunong din naman ako magluto dahil tinuruan din ako ni nanay sa pagluluto.
Ate Rosa ano po ang maitutulong ko po sa’yo?” tanong ko sa kaniya pagdating ko sa kitchen. Naguumpisa pa lang siya na magbalat ng mga kailanga niya sa pagluluto.
“Magluluto ako ng tortang talong, beef tapa, tapos fried rice at sunny side up eggs tapos beef longganisa.” sabi ni Ate Rosa sa akin.
Dahil sa iba ang relihiyon ng mga amo namin ay yun ang kanilang mga laging inihahanda nila. Ang sabi ni Ate Rosa ay bawal na bawal daw sa pamilya nila ang karne ng baboy kaya ang madalas na niluluto nila ay karne ng baka at karne ng manok.
“Kaya ikaw masanay kana sa karne ng baka at manok kasi yun lang ang pwede dito sa bahay nila. Kaya kapag umuuwi ako ay grabe ang pagkain ko ng karne ng baboy. Halos araw -araw yun ang niluluto namin.” saad ni Ate Rosa.
“Lagi po ba kayo nagbabakasyon?” tanong ko sa kaniya habang binabalatan ko na ang talong na inihaw niya.
“Kada taon pwede kami magbakasyon salitan kaming apat. Magaan lang naman ang trabaho dito sa bahay. At kapag may nagbakasiyon na isa sa amin ay dinadagdagan ni Ma’am ang sahod namin.”
“Ang bait naman po nila.” saad ko sa kaniya.
“Oo talagang mababait sila dahil kahit nakabakasyon ka may sahod ka parin. Forty five days ang bakasyon na binibigay nila sa amin minsan may humihirit ng sixty days.” kwento pa niya.
“Aaah ok po, paano kaya yun ate kasi ang sabi doon sa agency ang magiging amo ko daw yung anak niya. Hindi ko pa naman natatanong si Ma’am dahil wala pa naman siya.”
“Ang alam ko ay kumuha na talaga siya ng magiging kasama ni Sir Kyle sa kaniyang bahay dahil tuwing weekends lang kami nakakapunta doon minsan ay hindi pa dahil minsan may mga party dito sa bahay nila. Mahilig kasi magimbita ang asawa ni Ma’am Amelia ng mga kasosyo niya sa negosyo.”
“Ganun po ba eh di ang dami po ninyo niluluto? Nagluluto din po ba kayo ng mga Filipino food sa kanila?” tanong ko pa.
“Aah oo gustong gusto nila ang bistek tagalog o kaya tapang baka. Kapag may okasiyon ay nagpapaluto sila ng kare-kare at kalderetang baka. Nasasarapan din ang mga bisita nila.”
“Talaga po naku siguro sobrang sarap po ng luto ninyo.” tanong ko sa kaniya.
“Naku hindi kami ang nagluluto. Si Ma’am Amelia ang taga luto dito kapag nandito siya kahit anong pigil namin ay gusto niya siya ang magluluto para sa mag-aama niya. Kaya mahal na mahal siya ni Sir dahil sa magandang ugali ni Ma’am. Naku kung magkikita kayo ni Ma’am ay tiyak magugustuhan ka nun.”
“Ang bait naman niya at siya pa ang taga luto dito. Ano po ba ang trabaho niya.?”
“Dati siyang nagtuturo pero pinagresign na talaga siya ni Sir pero makulit lang si Ma’am dahil ayaw pa niya kaya ngayon lang yan nagresign dahil malalaki naman na daw ang mga anak niya.”
“Aaah ok po, ate ako na po magluluto nito.” saad ko sa kaniya at ipinakita ko pa ang talong sa kaniya. Nasa bente piraso ang itotorta niya kaya ako na ang nagprisinta na magluto.”
Nandito kami ngayon sa likod ng bahay, ito ang dirty kitchen nila dahil ayaw daw ni Sir Hussain na nakakaamoy ng mga niluluto. Meron din naman kitchen sa loob ng bahay pero madalang daw nilang gamitin. Kapag konti lang ang lulutuin doon lang sila magluluto.
“Sige at titignan ko muna kung nagising na si Sir Kyle para matanong ko kung ano ang gusto nyang ulamin.” saad niya at pumasok na siya sa loob ng bahay.
Hindi nagtagal at bumalik din kaagad si ate Risa at sinabing gising na nga si Sir Kyle.
"Tapusin na natin ang pagluluto at baka nagugutom na si Sir. Baka maaga yan papasok sa opisina niya. Kung ano na lang daw ang inuluto ko yun na daw ang kakainin na lang niya. Hindi naman kasi sila mapili sa pagkain, minsan nga puro gulay ang gusto nila pero nagrereklamo ang mga bata kapag puro gulay."
"Sige po ate, isasalang ko na din itong tortang talong." sagot ko naman sa kaniya.
Naging mabilis ang pagluluto namin at naglagay na din kami sa lagayan ng pagkain para mailagay na namin sa dining table ang mga pagkain ni Sir Kyle. Naiwan si ate Rosa kasi nagluluto pa ng agahan din namin.
"Ikaw na nga mag-ayos ng mesa, maglagay ka lang ng isang pinggan at baso tapos tsaka mo ilagay itong mga ulam niya. Konti lang ang ilagay at hindi naman siya kumakain ng marami. Magtimpla ka narin ng kape niya, gusto niya ng black coffee no sugar."
"Okay po ate copy." sabi ko sa kaniya at nagtungo na nga ako sa laoob upang maiayos ko na ang hapag kainan.
Naabutan kong nagbabasa ng news paper ang amo namin at seryoso siya sa kaniyang binabasa. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o hindi pero pinili ko na lang na batiin siya.
"Good morning sir." Nakangiti kong bati sa kaniya. Inilapag ko narin ang ulam na dala ko. Tinignan niya ako at tinanguan. hmmp suplado pa ata ang magiging amo ko. Sabi ko sa isip-isip ko, sana maging mabait naman siya sa akin kagaya ng kwento nila Ate Rosa sa akin.
Habang inaayos ko ang hapag kainan ay nakatingin na siya sa akin. Tinitignan niya ang bawat kilos ko at dahil nahihiya pa ako sa kaniya ay parang nanginginig pa ang mga kamay ko na naglalagay ng kaniyang plato at kutsara.
"Sir do you want coffee?" tanong ko sa kaniya dahil wala pa akong nakikitang kape na iniinom niya.
"Yes, can you make me a black coffee no sugar." saad niya sa akin.
"Okay sir." sagot ko sa kaniya at pumunta na ako sa kitchen para ipagtimpla siya ng kape. Pagbalik ko ay ipinatong ko na sa tabi niya ang kapeng ginawa ko. Halos manginig ang buong katawan ko dahil sa pagtitig niya sa akin.
Umalis na ako ng nasiguro ko ng nailagay ko na lahat ng kakailanganin niya sa pagkain. Pati tubig ay nalagyan ko narin ang baso niya.
Pinuntahan ko muna si Ate Rosa na kasalukuyan parin nagluluto para sa agahan namin. Dito sa dirty kitchen sa likod ng bahay ay may mahabang mesa para dito kami magsasalo-salo sa pagkain ng mga kasama dito sa bahay ng amo namin. Lahat ay libre daw sabi sa akin ni Ate Rosa. Pati mga supplies na mga necessities ay kasama sa budget ng pamilya.
Kaya lahat ng mga utos at gawain dito sa bahay ay ginagawa nila ng maayos dahil mababait ang mga amo namin. Naging mas responsable sila sa mga trabaho na pinapagawa nila at kahit hindi daw nila trabaho ay ginagawa nila. Nagtutulungan silang lahat para maayos ang lahat ng trabaho nila.
"Ate nailagay ko na lahat ng mga kailangan ni Sir Kyle." sabi ko sa kaniya.
Lumingon siya sa akin at mukhang nagtaka pa siya bakit nandito ako ngayon sa likod.
"Ay nilagay mo ba yung alarm sa tabi ni Sir?" tanong niya sa akin.
"Anong alarm ate? Hindi ko naman nakita yun sa kusina." saad ko sa kaniya.
"Yung kulay white na bilog, nasa basket na maliit doon sa kitchen sa loob. Kasi kung may kailangan siya ay pipindutin niya lang yun at maririnig na natin yun."
"Nakita ko pala yun nasa dulo sa counter top sa may kitchen akala ko naman kung ano na yun, ilalagay ko pa ho ba yun sa tabi ni Sir?" tanong ko sa kaniya.
"Oo, para hindi ka na magbantay doon." at umalis na ako pagkasabi niya sa akin noon.
Kinuha ko na ang isang call alarm sa basket ay ilalagay ko na sana sa tabi ni Sir Kyle pero tinignan niya lang ako.
"Excuse me Sir I will just put this call alarm, I forgot to leave this device here." sabi ko sa kaniya pero tinignan lang ako ng masama.
"Okay just leave it here." sabi niya sa akin na mukhang galit pa siya. At inilapag ko na ang maliit na device sa kaniyang tabi tsaka ako umalis. Wala pang isang minuto ay tumunog na ang call alarm. Agad ko naman siyang pinuntahan at tinanong ko kung anong kailangan niya.
"Yes sir, what can I do for you?" tanong ko sa kaniya.
"I want you to clean my room." sabi niya sa akin
"Okay po Sir." sabi ko sa kaniya at umalis na lang ako para puntahan ko si 'nay Maria upang itanong ko sa kaniya kung nasaan banda ang kwarto ng boss namin na masungit. Naku paano na lang kung ako talaga ang ibibigay ni Ma'am Amelia sa kaniya na maging maid niya. Makakatagal kaya ako sa puder niya? Parang hindi ko kaya ang ugali ng anak ni Ma'am Amelia, parang ang layo naman ng mga description ni Ate Rosa na mabait si Sir Kyle.
Naabutan kong naglilinis sa harapan ng bahay si 'nay Maria. Tinanong ko siya kung saan ang kwarto ni Sir Kyle dahil inuutusan niya akong maglinis sa kwarto niya.
"Oh bakit ikaw ang maglilinis doon ay mayroon naman nakatoka sa kwarto niya." saad ni 'nay Maria.
"Sinabihan niya po ako na ako daw nag maglilinis sa kwarto niya."
"Siya kunin mo yung mga panglinis sa stock room malapit sa may banyo sa kusina. Tapos sa ang kwarto niya sa taas ay malapit sa may master's bedroom sa kana na pintuan kapag nakaakyat kana. May nakalagay din na Master 1." saad niya sa akin.
"Aaah sige po puntahan ko na po kasi mukhang badshot ako sa kaniya." saad ko naman kay 'nay Maria.
"Sige iha at kapag natapos kana sa paglilinis ay isama mo narin ang bathroom niya para isahang linis na doon." utos niya sa akin
"Okay po 'nay maria." saad ko sa kaniya at nagtungo na nga ako sa stock room upang kunin ang mga gamit sa paglilinis.