LEA POV
Nakarating kaming lima dito sa Dubai International Aiport at may kaniya kaniyang sundo kami dito na mga employer namin.
Ilang sandali pa ay palabas na kami. Sinabihan ko na sila na huwag matakot sa mga employer at ipakita ang kasipagan.
“Joy at Lyn sana kontakin nyo kami kung may kailangan kayo.” sabi ko sa dalawa pang mga kasabayan namin.
“Oo naman alam ko na ang inadd ko na kayo sa facebook.” saad ni Joy sa amin.
“Ako din inadd ko na kayo sa facebook.” saad din ni Lyn sa amin.
“Sige mamaya tignan ko na lang alam niyo naman na ang mga roaming number namin, magtext kayo ha.” paalala ko din sa kanila
“Oo sis huwag kang mag-alala magkeep in touch kami sa inyo.”
“Kayo din mga beshy ah alam niyo na din ang mga address natin.”
“Oo beshy” sabay na saad ni Riza at Alma.
“Beshy nakita ko na ang mga pangalan natin.” sabi ni Riza at nagyakapan na kaming tatlo dahil dito na kami magkakahiwalay.
“Waaah beshy ito na talaga. Sana kayanin natin ito.” sabi ko sa kanila.
“Beshy sana nga goodluck na talaga sa atin.” sabi naman ni Riza
“Goodluck mga beshy!” umiiyak na din na sabi ni Alma.
Pinuntahan ko na ang lalaking nakahawak ng papel na may nakasulat na pangalan ko. At mukhang kabayan ang nakahawak nito.
“Ineng ikaw ba si Lea?” tanong sa akin ng may edad ng lalaki.
“Opo ako nga po si Lea Dimagiba.” pagpapakilala ko sa aking sarili.
“Ako naman si Isko ang driver ng mga amo natin.” pagpapakilala sa niya sa akin habang naglalakad na kami patungo sa sasakyan. Siya narin ang naghila sa aking maleta.
“Mang Isko matagal ka na po ba sa amo natin?” tanong ko sa kaniya.
“Oo ineng matagal na akong driver sa kanila mga bata pa ang kanilang anak noon siguro dalawang dekada na ako sa kanila o baka higit pa.”
“Wow ganun ka na katagal dito?” gulat kong sabi sa kaniya.
“Oo kasi bukod sa okay ang sahod sa kanila ay mababait pa ang mag-asawa, pati ang kanilang mga anak.” kwento niya sa akin.
“Sana magtagal din po ako sa kanila.”
“Magtatagal ka ineng kung may tiyaga ka. Tsaka pinoy ang amo nating babae.”
“Talaga po, sana nga po makasundo ko sila.”
Ilang sandali pa at narating din namin ang bahay ng magiging amo ko. Napakalawak ng bakuran nila at ang daming halaman sa harapan nila. Nasa gitna ang napakalaking bahay.”
“Ineng nandito na tayo.” saad ni Mang Isko at bumaba na ako.
“Wow ang laki po ng bahay nila.”
“Oo iha at maluwang ang loob niyan madaming kwarto sa loob ng bahay. Pero yung panganay at pangalawa nilang anak ay hindi na rito nakatira.” tsismis ni Mang Isko sa akin.
“Ah malalaki na po pala ang mga anak nila.”
“Oo ineng gusto na nga magkaapo ni madam Amelia eh kaso ayaw pa mag-asawa ni Sir Ahmed.”
Lumakad na kami ni Mang Isko pero dito sa may gilid ng bahay kami dumaan. Madadaan din namin ang swimming pool na mahaba at may bubong siya.
“Baka may gusto pang maabot kaya ayaw pa o kaya eh nageenjoy pa sa pagkabinata.”
“Talagang nageenjoy at kabilat kanan ang kaniyang mga babae. Paano ang gwapo.”
“Naku Mang Isko ganyan talaga ang mga mayayaman.” saad ko sa kaniya.
“Pero mabait naman siya ineng palikero nga lang.” umiiling na saad niya.
Pumasok kami sa bahay na nasa likod ng malaking masiyon. Ang sabi ni Mang Isko ay nakabukod ang bahay ng mga kasambahay, guards, drivers, at hardinero.
Magkakasama ang mga babae sa isang bahay at ang mga lalaki ay hiwalay din sa bahay ng mga babae.
“Ineng dito ang magiging tirahan mo. Bukas mo na makikilala ang mga amo natin at umalis sila ngayon. Si Maria na ang bahala sayo at magpapaliwanag ng gagawin mo.” saad ni Mang Isko.
“Salamat po Mang Isko.” sabi ko sa kaniya at tumango na lang siya bago umalis.
“Dito ang magiging silid mo, Magpahinga ka muna at alam kong napagod ka sa biyahe.” Sabi sa akin ni Aling Maria.
“Salamat po.”
“Ako nga pala si Maria at tawagin mo nalang akong ‘nay Maria dahil yun ang tawag nila sa akin dito.”
“Okay po “nay Maria. Salamat po ulit.”
Binitawan ko na at humiga na muna ako sa higaan. Dinukot ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng aking pantalon at nagmessage ako sa mga kaibigan ko.
Nagreply din naman sila at ang sabi ay nakarating na din sila sa bahay ng kanilang mga amo. Sinabi ko na bukas ko pa makikita ang amo namin dahil wala daw sila ngayon pero silang apat ay nakilala na daw nila ang amo nila.
Sa aming lima ay ako ang pinakamalayo ang napuntahan mahigit dalawang oras ang biyahe papunta dito at malayo talaga sa city. Halos puro buhangin ang nadaanan namin kanina ni Mang Isko.
Nakatulog ako dahil sa pagod sa biyahe at madaling araw na ako nagising. Lumabas ako ng kwarto at tahimik ang paligid paglabas ko.
Nagtungo ako sa kusina dahil kumakalam na ang aking tiyan. Buti na lang at may pagkain na natakpan at may note pa na nilagay si ‘nay Maria.
Lea
Kumain ka na lang kapag nagutom ka. Pwede mo rin ipainit sa microwave ang pagkain kapag gusto mo ng mainit na pagkain.
‘nay Maria
Ang sweet naman ni ‘nay Maria nasabi ko na lang sa aking sarili. Umupo na ako at kumain na lang. Dahil sa gutom ay hindi ko na lang pinainit.
Tinignan ko ang paligid at napakaayos. Malaki rin ito at may limang kwarto.
Lumabas din ako at naglakad lakad sa gilid ng bahay hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa gilid ng swimming pool.
Dahil sa pagkamangha ko sa paligid ay hindi ko namalayan na may isang tao na nakamasid sa akin. At tinitignan ang bawat galaw ko dahil palinga linga ako sa paligid.
“Who are you? What are you doing outside at this time?” tanong sa akin ng isang lalaki na nakaupo pala sa silya malapit sa may swimming pool.
“Aahm good evening Sir. I’m Lea the new maid here po.” magalang kong pakilala sa aking sarili.
“Okay, you’re not allowed to walked outside at this hour without the permission of my mom.”
“huh kailangan pa yun?” bulong ko sa aking sarili.
“What? Are you saying something?”
“N-no sir, I’m sorry. I’ll go inside now Sir.” sabi ko na lang at lakad takbo ang ginawa ko hindi ko na rin pinansin ang kaniyang sinabi.
Sinarado ko na ang pintuan dito sa bahay na tinutuluyan namin. Pumasok na lang ako sa sarili kong kwarto at dahil hindi pa ako makakatulog ay inayos ko na lang ang mga damit ko at isinalansan ko na lang ang mga ito sa cabinet.
May sarili din akong banyo dito sa kwarto. Kaya hindi ko na kailangan na lumabas pa. Kumpleto rin ang mga gamit dito sa kwarto ko.
Ang swete naman ng mga kasama nila dito sa bahay at ang ganda din ng mga tirahan nila. Sana ganito rin ang mga amo ng mga beshy ko.
Pagkatapos kong magligpit ng mga gamit ko ay nagmessage narin ako sa mga magulang ko at kay kuya Zandro at tita Eloiza. May mga messages din si kuya Zandro at kinukumusta kung nakarating na daw ba kami.
Sinabihan ko na lang siya na magmemessage na lang ulit ako sa kaniya sa messenger dahil baka maubos kaagad ang load ko.
Pinilit ko na lang matulog ulit dahil ala una pa lang ng madaling araw. Naninibago ang katawan ko iba ang oras dito at sa Pinas.
Nagising parin ako ng maaga kahit ilang oras lang ang tulog ko. Naghilamos muna ako ng aking mukha at nagpalit narin ng damit na pambahay pero yung desente dahil baka kagalitan ako ng amo ko. Pag labas ko ng aking silid ay wala pang katao-tao dito sa labas at madilim pa. Pagtingin ko sa wall clock na nasa kusina ay 3:30 pa lang ng umaga.
Tumingin na lang ako sa kusina kung pwedeng magpainit ng tubig at gusto ko muna mainitan ang aking sikmura bago umpisahan ang aking trabaho.
Nakita ko ang electric kettle at nagpainit muna ako ng tubig para makapagtimpla narin ako ng aking kape sa umaga.
Habang nagpapainit ay tinignan ko muna kung may walis para makapaglinis muna ako dito sa loob ng bahay namin. May nakita akong mga panlinis dito sa kusina at inilabas ko muna ito pero bago ko umpisahan ang paglilinis ay nagtimpla muna ako ng kape.
“Ang sarap naman nito Alicafe”pagkausap ko sa aking sarili. Natikman ko na ito dahil binigyan kami noon ng ate ni Alma. Tuwing umuuwi kasi siya ay may ibinibigay siya sa amin na kape at mga chocolates.
“Good morning ang aga mo naman nagising.” sambit ng babaeng kalalabas lang sa gitnang kwarto. Ako ang nasa dulo malapit dito sa may kusina.
“Good morning po, hindi na po kasi ako makatulog. Naninibago po siguro ako.” Sambit ko sa kaniya.
“Ako pala si Rosa, anong pangalan mo?”
“Lea po pala ate.” sambit ko sa kaniya.
“Naku sigurado ka bang katulong ang pinasok mong trabaho?” natatawang tanong niya sa akin.
“Opo yun po ang inapplayan naming magkakaibigan.” sagot ko naman sa kaniya na nakangiwi. Madalas kasi pagkamalan akong mayaman dahil sa kutis ko at parang may ibang lahi daw ako. Ang tatay ko ay may lahi din siya pero hindi na siya kinilala ng kaniyang mga kamag-anak dahil lang sa mahirap ang aking lolo.
Itinakwil kasi ang lola ko ng kaniyang pamilya at hanggang ngayon na wala na sila ay hindi ko parin nakikita ang kaniyang mga kamag-anak. Hindi na rin siya hinanap kaya hinayaan na lang namin sila.
“Kay ganda mong bata, siguro kung modelo ang inapplayan mo ay makakapasa ka din.”
“Naku ate ayaw ko po ang pagmomodelo mas gusto ko pang magturo na lang sa mga bata o kaya ibang trabaho huwag lang po ang pagmomodelo wala po akong lakas ng loob na rumampa ng nakabikini lang.” nahihiya kong sambit sa kaniya.
“Oh eh bakit katulong ang inapplayan mo kung gusto mo pala magturo? Nakapagtapos ka ba?” tanong niya habang nagtitimpla siya ng kanyang kape.
“Opo ate, kakagraduate lang namin ng mga kaibigan ko na kasama kong nag-apply bilang DH.”
“Oh sayang naman kung hindi ka nagturo,”
“Mag-iipon lang po ako para sa pag-aaral ng mga kapatid ko.”
“Aah ganiyan talaga. Kapag nalaman ni ma’am Amelia na nakapagtapos ka eh tiyak kagagalitan ka nun. At baka ilipat ka sa School na pagmamay-ari nila.”
“Talagang mayaman po pala ang mga amo natin ate.”
“Oo mayaman talaga sila lalo na ngayon at may sarili ding business ang kanilang panganay na anak pati narin yung pangalawa. Dalawa na lang ang nag-aaral sa kaniyang mga anak. Mababait din yun mga yun.”
“Ilan po ba ang anak nila?”
“Bali apat lang ang anak nila Ma’am Amelia. Naku mababait silang lahat at tiyak magugustuhan ka nila.”
Naging maayos ang umaga namin. Pinakilala na din ako ni ‘nay Maria sa ibang kasamahan namin maliban sa ibang mga guards at driver. May mga bawal din dito sa bahay kagaya ng bawal humawak ng cellphone sa oras ng trabaho at bawal magsuot ng maiksing damit.
May ibinigay din silang mga uniform sa akin dahil gusto daw ni Ma’am Amelia nakauniform na lang kami para daw hindi kung anu-ano ang maisuot namin. Dahil ayaw daw niyang nababastos kami kapag may ibang mga bisita sila. Lalo na kapag mga lalaki, dahil may mga ibang lalaki daw na iba ang takbo ng utak.
Hindi pa nila ako naipapakilala sa aming amo dahil namasyal daw ang mag-anak sa ibang lugar kaya wala pa daw sila. Pero sinabi ko na may lalaki kagabi na nakaupo sa may tabi ng swimming pool at biglang nataranta si ‘nay Maria at tinignan kung sino ang dumating.
Tinignan ni ‘nay Maria kung sino ang tinutukoy ko at ang sabi si Sir Kyle ang dumating. Kaya dapat maghanda daw kami ng agahan. Si Ate Rosa ang nakatoka sa pagluluto kaya nagpunta na siya sa kusina. Pero tinulungan ko narin siya pagprepare ng breakfast Dahil madami din daw siyang lulutuin.