Maaga akong nagising dahil nakasanayan ko ng magising ng maaga kahit puyat pa ako. Dahil isasama ako ni Sir Kyle sa kaniyang opisina ay tutulong muna ako kay kila ‘nay Maria sa paglilinis at kung pwede ako magluto ng baon ko sa opisina dahil hindi ko naman kung saan kami kakain. Dadamihan ko na lang din para kung sakaling magutom ang boss ko ay may maibigay ako sa kanya.
“Good morning ate Rosa and ate Dona.” bati ko sa kanilang dalawa at nadatnan kong nagkakape sila sa kusina dito sa bahay na tinitirhan namin. Meron din small kitchen dito at minsan dito daw sila nagkakape bago sila magumpisa sa pagtatrabaho.
“Good morning baby girl.” bati sa akin ni ate Rosa at iba na naman ang ngiti niya sa akin.
“Good morning din baby girl.” bati din sa akin ni ate Dona.
“Mga ate pwede ba ako magbaon ng pagkain ko sa office mamaya? Isasama daw ako ni sir Kyle sa office.”
Dapat kasi ay dito na lang ako sa bahay nakakahiya naman kung isasama pa niya ako sa office niya kung wala din naman ako gagawin doon.
“Sige ano ba ang gusto mo iluto? Madami naman pwedeng iluto sa ref. Ikaw kung gusto mo magluto ng gulay at magprito ng karne.” sabi ni ate Rosa.
“Sige ate magluto na lang ako ng bistek tagalaog at chopsuey.”
“Sige damihan mo nga konti at gusto kong tikman ang luto mo.” sabi naman ni ate Dona.
Nagkape narin ako at pagkatapos namin magkape ay lumipat na kami sa malaking bahay para umpisahan ang paglilinis. Pero bago kami maglinis ni ate Rosa ay tumingin muna kami ng pwedeng iluto para sa umagahan at para sa pagkain na babaunin ko.
“Ate Rosa nasaan po si ‘nay Maria?” tanong ko sa kaniya kasi kanina ko pa hindi nakikita ang mayordoma.
“Nandoon siya sa kaniyang garden. Tuwing umaga ay yun ang inuuna niya kasama si Ding. May mga tanim silang mga gulay doon. Mahilig kasi siyang magtanim at kung minsan ay tinutulungan namin silang dalawa sa pagtatanim.”
“Talaga ate gusto kong makita ang tanim nila.” excited kong saad sa kaniya.
“Sige tara doon sa dulo kasi nandoon sila.” at lumabas kami sa dirty kitchen at natanaw ko ang garden na malapit sa likod ng bahay na tinutulugan namin. Malawak ang garden na tinamnan nila ng mga gulay.
“Wow ang dami naman ng sari-saring gulay dito.” saad ko at naalala ko tuloy si tatay dahil madami din siyang tanim na gulay sa bukid.
“Oo madami at kung minsan at binebenta din namin ang ibang gulay na tanim namin.”
“Ang galing naman ate ganiyang din ang tatay ko madami din siyang mga tanim na gulay at ito ay binebenta ni nanay sa palengke o sa mga kapitbahay namin.” kwento ko sa kaniya at ng malapit na kami sa gulayan at nakita kami ni ‘nay Maria.
“Oh anong ginagawa ninyo dito.” tanong sa amin ni ‘nay Maria.
“Good morning po ‘nay Maria at kuya Ding” bati ko sa kanila.
“Magandang umaga din iha. May mga napitas kaming gulay. Pwede kayong magluto ng gulay ngayong umaga.” saad niya kay ate Rosa.
“Magandang umaga din Ganda.” bati sa akin ni Kuya Ding at napangiti ako sa kaniya.
Kinuha naman ni Ate Rosa ang isang basket ng gulay na para sa malaking bahay. May mga gulay din na nakalagay sa malaking basket. Tatlong basket ng talong ang naani nila ‘nay Maria at may mga kamatis din at sitaw. Napakarami nilang naani ngayon.
“Saan niyo po dadalhin ang mga gulay?” tanong ko sa kanila.
“Ibebenta yan mamaya ni Ding sa palengke may mga sinusuplayan kami doon.” sabi ni ‘nay Maria.
“Aaah ok po ‘nay.”
“Oh siya sige umuwi na kayo at susunod na kami ni Ding.” sabi ni ‘nay Maria na patuloy parin sa pag-aayos ng mga gulay na napitas nila.
Bumalik na kami ni Ate Rosa sa malaking bahay upang maglinis narin at makapagluto. Nagtulungan kami ni ate Rosa sa paglilinis sa napakalawak na Sala at ang ibang mga silid dito sa loob ng bahay.
“Umpisahan mo ng magluto ng mga iluluto mo, baka mapagod ka pa ng sobra dahil sa pagtulong mo sa akin.” sabi ni ate Rosa.
“Sige po ate. Salamat po.” saad ko sa kaniya. At nakita ko din si ate Dona na naglilinis din sa kitchen dito sa loob ng bahay.
“Ate magluluto lang po ako.” saad ko sa kaniya.
“sige tutulungan ko na lang si Rosa kapag tapos na ako rito.”
Tumango lang ako sa kaniya at pumunta na ako sa likod sa may dirty kitchen para maumpisahan ko na ang pagluluto.
Nagprepare muna ako ng mga kailangan kong mga ingredients para sa mga lulutuin ko. Pagkatapos kong maghiwa ng bawang at sibuyan ay hiniwa ko muna ang karne ng baka para mababad ko saglit habang naghihiwa ako ng lulutuin ko para sa chopsuey pero bago ako maghiwa ng para sa chopsuey ay nagsalang na ako ng bigas para makaluto na ako ng kanin.
Patapos na ako sa pagluluto ng dumating na si ate Rosa at ate Dona. Gulay na lang ang sunod kong isasalang. Magluluto din ako ng pinakbet. May nakita akong isda kanina sa ref na prito at iyon ang isasahog ko para masarap ang pakbet at tiyak magugustuhan nila dahil fresh na fresh pa ang gulay.
“Tapos kana? Parang pati tanghalian namin ay niluto mo na?” nakangiting saad ni ate Rosa.
“Eh nawili po ako sa pagluluto dinamihan ko na po.” sabi ko sa kaniya.
“Ang bango ng mga niluto mo. Patikim nga ako niyang pakbet mo. Marunong ka palang magluto nito?” tanong sa akin ni Ate Dona.
“Natutunan ko sa nanay ko po at talagang mahilig po magluto ang nanay ko.” nakangiting sabi ko.
Tinikman ni ate Dona ang sabaw ng pakbet at napahinto ito habang tinitikman niya. Maya-maya ay kumuha ulit at tinikman.
“Parang hindi ko malasahan.” nakangiti niyang sabi sa akin.
“Hoy Dona tama na yan at baka maubos ang sabaw ng niluto ni Lea.” sabad ni ate Rosa.
“Naglagay na ako ng place mat sa loob para kapag nagutom ang prinsipe eh ready na” sabi sa akin ni Ate Dona.
“Salamat po ate Dona.”
“For you baby girl ayaw kitang masyadong napapagod.” natatawa niyang sabi at hinampas ko siya sa braso dahil sa kaniyang biro.
“Ikaw talaga ate.”
Naglagay narin si Ate Rosa ng mga place mats sa mesa at mga pinggan para makakain narin kami ng agahan bago ipagpatuloy ang mga trabaho namin. Konti na lang naman na ang gagawin dahil malinis naman ang buong paligid.
“Bukas na dadating ang mga amo natin, tiyak matutuwa sa’yo si madam. Talagang magkakasundo kayong dalawa.” sabi ni ate Dona sa akin.
“Sana nga po mabait po sila sa akin.”
“Mababait sila ineng huwag kang mag-alala.” sabi ni ate Dona sa akin.
“Ako na maglalagay ng pagakain doon sa mesa sa loob., maggayak kana at baka tawagin kana ng amo natin.” sabi ni ate Rosa sa akin.
Tapos naman na ako magluto kaya nagpaalam na nga ako sa kanila para makaligo narin ako para ready na ako kung sakaling tawagin niya ako. Nakarating ako dito sa kwarto ko at tumutunog na naman ang cellphone ko.. Syempre siya na naman ang tumatawag.
“Good morning Sir.” bati ko sa kaniya.
“Why you keep me waiting when I’m calling you.” tanong niya sa akin.
“I’m sorry sir but I helped my coworkers in cleaning and cooking in your house.” I said to him
“Okay be ready were going to office at 8 o’clock.”
“okay sir.” Sheesh 7am na pala pagkakita ko sa relo na nakasabit sa dingding.
Nagmadali na akong maligo at mabihis. Dahil kinatok na din ako ni ate para kumain na daw muna kami bago kami aalis ni sir Kyle.
“Sige po ate sunod po ako tapusin ko lang po ang paglalagay ng light make up.” sabi ko sa kanya at pumasok na din siya sa kwarto ko. Hinintay na niya ako para sabay daw kami na bumalik sa malaking bahay.
“Ate Rosa okay lang ba ang ayos ko?” tanong ko sa kaniya kasi baka mamaya eh maover ako sa make-up. Marunong naman ako magmake up dahil mahilig kasi si Riza mag-ayos kaya sa kaniya kami natuto na dalawa ni Alma.
“Oo ang ganda mo nga eh, mas lalo kang gumanda sa light make up mo. Parang wala ka ngang make up parang natural lang.” sabi niya sa akin.
“Si ate mapagbiro, tara na nga.” saad ko sa kaniya at kinuha ko ang bag ko sabay hila ko sa kaniyang kamay para makalabas na kami.
“Naku mag-ingat ka doon ah baka madaming magkagusto sa’yo sa office. Madami pa namang boys dun.” saad niya sa akin.
“Ate wala pa naman sa plano ko ang magboyfriend dahil gusto ko pa makatulong sa magulang ko.” sabi ko sa kaniya habang naglalakad kaming dalawa.
“Ay iba ang ganda, tawag ka ni Sir kanina pa silip ng silip dito. Kain na daw kayong dalawa.” nakangiting sabi akin ni ate Dona
“Huh? Bakit doon na naman ako kakain?” tanong ko sa kaniya.
“Eh yun ang sabi niya dalian mo kanina pa siya sa mesa nagbabasa ng diyaryo.” sabi ni ate Dona.
“Sige po ate, baka magalit na ang parents niya dahil doon ako nakain.” sabi ko sa kaniya.
“Eh wala tayo magagawa boss ang nagtawag sa’yo.”
“Hindi po ako mabubusog doon ate.” saad ko sa kaniya. At natawa na lang sila sa sinabi ko. Iniwan ko na lang silang dalawa.
“good morning po sir.” bati ko sa kaniya.
“Have a seat and let’s eat. I have a lot of things to do in my office right now.” sabi niya sa akin at inilapag na niya ang kaniyang hawak na diyaryo. Pero natigil siya at tinignan ako.
“What did you put on your face?” tanong niya sa akin na nakakunot noo pa siya.
“Huh a-ah a light make-up s-sir.” nauutal kong sabi sa kaniya at napayuko pa ako.
“Okay.” sabi niya at huminga pa siya ng malalim.
Pagkatapos namin mag-agahan ay nagpaalam ako saglit sa kaniya para magtoothbrush din ako at magretouch ng konti. At para mailagay narin ang tanghalian namin. Nagbaon narin ako ng dala kong biscuit para incase na magutom ako ay may madukot ako.
Naghihintay na siya sa akin sa harap ng bahay at napatingin siya sa hawak ko na eco bag na maliit at ito ang pinaglagyan ko ng pagkain namin.
“What is that?” tanong niya sa akin.
“I cooked a food for our lunch sir.” sabi ko sa kaniya at iniwan na lang niya ako at pumasok na siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Sa tabi niya ako umupo at tahimik namin binagtas papuntang opisina niya.
Halos trenta minuto din ang naging biyahe namin at narating na namin ang building kung saan siya siguro ang may-ari. Siguro isa ito sa mga kumpaniya nila. Sabi ni ate Rosa madami daw silang business.
Pagbaba namin sa may entrance ng building ay pumasok na kaming dalawa. Lahat ng empleyado ay bumabati sa kaniya at nakangiti pa ang mga babaeng nasa frontdesk.
Sumakay kami sa elevator at mukhang sarili lang niya ang elevator na sinakyan namin dahil yun iba ay sa kabilang elevator sumasakay. Pinindot niya ang 45th floor siguro ito ang opisina niya.
Habang naglalakad kami sa mahabang hallway ay puro mga salamin ang bawat kwarto na nadadaanan namin. May kaniya-kaniyang mga room ang bawat department.
Pumasok na kami sa pinakadulong room at puro salamin ang dingding ng kwarto niya. Very minimal ang ayos ng kaniyang kwarto.
“You can seat where ever you want to seat” sabi niya sa akin at umupo na lang ako sa sofa na pangapatan ang sakop. Inilapag ko na din sa mesa ang bag ng pagkain na dala ko. Itinabi ko din sa tabi ko ang aking bag.
“Mark, what is my schedule today? Come to my office.” sabi niya sa kaniyang kausap at ibinaba na niya ang aparato ng telepono.
Wala pang isang minuto ay may kumatok na sa glass door ng kaniyang opisina. Sa labas ay hindi mo makikita ang tao dito sa loob.
“Good morning Sir.” bati ng isang lalaki na pumasok. Muntik ko ng hindi mamukhaan dahil sa lumaki ang katawan niya at mas lalong naging gwapo. Napanganga tuloy ako sa nakita ko at hindi ko inexpect na dito siya nagtratrabaho at si Sir Kyle pa ang boss niya.
Hindi pa ako napansin ni kuya Mark. Kung hindi pa nagsalita si sir Kyle ay hindi pa ako mapapansin ni kuya Mark.
“Do you know him Lea?” tanong sa akin ni sir Kyle na ikinabaling ni kuya Mark.
“Lea? Kumusta akala ko sa isa kang DH dito? Hindi ka na nagreply kagabi.” sunud -sunod ang tanong ni kuya Mark sa akin.
“Aah eh kuya pasensiya na napagod kasi ako kagabi tsaka isinama lang ako ng boss ko.” Turo ko kay sir Kyle.
Tumango lang siya sa akin at lumapit na siya kay Sir Kyle sabi niya mamaya na lang daw at tatawag na lang daw siya mamayang gabi sa akin at madaming trabaho daw. Nginitian ko na lang siya.
“Just leave my schedule for today.” masungit na sabi niya kay kuya Mark habang nakatutok siya sa kaniyang latop... Nagtaka naman si kuya Mark at napatingin sa akin.
Tahimik lang siya habang tinitignan ang schedule na inilapag ni kuya Mark sa kaniyang table. Hindi ko alam kung ano na naman ang kaniyang ikinagagalit. Hindi ko na lang siya pinansin. Jusko mapapanisan yata ako ng laway dito at tahimik ang buong paligid maski sa labas ay tahimik din.