CHAPTER 11

2227 Words
Tumunganga ako ng isang oras hanggang sa naisipan kong magfacebook na lang ako kaya inilabas ko ang aking cellphone. Mabuti na lang at wala pang nagmemessage sa akin kaya inilagay ko na lang sa silent mode ang cellphone ko. Nagmessage na lang ako sa nanay ko at kinumusta ko na siya. Malamang ngayon ay nagpapahinga ang nanay kaya pwede siya mareply sa akin. “Hi anak! Eto ok lang kami, ikaw kumusta ka?” “Nanay isinama po ako ng boss ko dito sa opisina niya.” ”Mabuti kung ganun anak, magpakabait ka diyan at dapat magsipag ka para hindi ka kagalitan.” “opo nanay, h-” hindi ko na natapos ang reply ko kay nanay at sinista na ako ng boss ko. “Who are you texting?” “My mother sir.” sabi ko sa kaniya at sinabi niyang lumapit ako sa kaniya dahil may ipapagawa daw siya sa akin. “Come here and sort this.” lumapit ako sa kaniya at tinignan ko yung sinasabi niya sa akin. Pumunta ako sa harap niya pero itinuro niya na sa tabi niya ako pumunta para makuha ko daw yung ituturo niya sa akin. “Get the chair and seat beside me.” utos pa niya a akin at kinuha ko naman ang isang upuan at tumabi ako sa kaniya. Gusto pa niya eh tabing-tabi ako sa kaniya pero lumayo ako ng konti dahil mas lalong hindi ako makakapagwork sa ginagawa niya. May mga documents siyang binabasa at kapag natapos niyang basahin ay pinipirmahan niya. Hanggang sa lunch break na at sinabihan akong initin ang ulam na niluto ko. Paano ko naman iinitin dito eh wala naman kusina dito. “what did you bring for our lunch?” tanong niya sa akin. “I cooked chopsuey and bistek tagalog.” sabi ko sa kaniya at inilabas ko na ang pagkain na niluto ko. Tinawag niya si kuya Mark at siya ang inutusan niyang magpainit ng pagkain na dala ko at sinabi din niyang kuhanan kami ng tubig. Akmang tatayo na sana ako para sana samahan na lang siya pero pinigilan niya ako at sinabing hintayin ko na lang siya dito. Madami namana ng dala ko at tinanong ko siya kung pwede ko bang bigyan si kuya Mark pero pinagbawalan niya ako. Natapos ang buong araw namin na madaming ginawa. Hindi na niya ako pinansin pagkatapos namin kumain. May mga tumatawag din sa kaniya at meron pang tumawag sa kaniya na pumasok siya sa isang kwarto siguro ay para hindi ko marinig ang kanilang usapan. Nagtagal din siya sa pakikipag-usap sa kaniyang telepono. Pauwi na kami at nadaanan namin si kuya Mark sa may hall way at mukhang hinihintay niya kami. At nakasandalpa siya sa glass wall, ng makita nya kami ni sir Kyle ay tumayo siya ng deretso. “Sir.” tawag niya sa boss namin. “Yes what are you waiting.” “I just want to see Lea before I go home sir.” matapang na sagot niya sa boss namin. “You saw her already you can go home now.” matigas na sabi niya kay kuya Mark. “Kuya Mark uwi kana? Ingat ka ah.” sabi ko na lang kay kuya Mark. “Oo ikaw din mag-ingat ka. Bye sir.” paalam niya binalinagn niya din si Sir Kyle at nagpaalam siya. Sumakay siya sa isang elevator at kami naman ni sir Kyle ay sa isang elevator na iba ang kulay my touch of black and gold samantalang sa mga empleyado ay black and silver. “Are you that close that he waited you and bid goodbye to you? Is he courting you?” tanong niya sa akin ng nakapasok na kami sa loob ng elevator. “He is just being nice and he considered me as her sister. Sir I told you already that her sister and I are best friends since our childhood days. And he is like a big brother to me. I don’t think there is a problem with the way he is showing his care to me.” Kahapon pa kasi niya nirereklamo si kuya Mark eh mabait naman talaga siya. “I’m also a man Lea and I think he is showing you his true feelings to you. I can sense that he likes you more than a sister.” “I think your wrong sir, ever since kuya Mark is nice to me. Even when we are in high school and he is in college he always find time to fetch us in school. He always help us in our projects in school.” Pero kahit anong paliwanag ko sa kaniya ay hindi siya naniniwala. Talagang iginigiit niya ang kaniyang nakikita na ibang kabaitan sa akin ni kuya Mark. Eh ganun naman siya ever since. Simula nga noong college namin ay lagi niya kaming prinoprotektahan na magkakaibigan. Ayaw niya ng may umaagrabbiyado sa amin. Tapos bawal din kaming ligawan noon. Nakapuslit lang ang mga manliligaw namin noon nagabroad na siya. Hindi ko din naman inaasahan na dito siya nagtatrabaho at boss din niya ang boss ko. Lagi din naman yan tumatawag sa akin noon pero nahinto lang ng ilang buwan dahil busy daw siya sa trabaho. Nakauwi na kami pero hindi parin siya nagsasalita, siguro ay ganun talaga siya. Nauna siyang bumama sa sasakyan at pumasok na din siya sa loob ng bahay nila. Ako ay dumaan na ako sa gilid para makapunta narin ako sa bahay namin. Hindi ko nakita sila ate Rosa siguro ay nasa loob sila ng malaking bahay. Nagmadali na lang akong magpalit ng damit para kahit papaano ay makatulong ako dito sa bahay. Paglabas ko sa bahay ay nakita ko si Kuya Ding na may bitbit na mga gulay. “Kuya Ding tulungan na po kita, bakit late kana po nagharvest ng gulay?” tanong ko sa kaniya at kinuha ko ang ibang gulay na bitbit niya. “Oh andito kana pala. Naku dumating na kasi ang mga amo natin at gusto daw ni ma’am na mag-ulam ng gulay.” saad niya sa akin. “Ay ganun po ba naku nakakahiya naman po at hindi po ako nakatulong sa inyo dito sa bahay.” “Walang kaso sa amin yun at dinala ka naman ni Sir Kyle sa opisina.” saad niya sa akin. Naabutan namin si ate Rosa na nagpriprito ng mga isda dahil iyon daw ang gusto ni Ma’am Amelia na ulam at gulay daw para partner daw sa isda. “Naku buti dumating kana baby girl. Ikaw na lang kaya magluto ng pakbet kasi yun ang request ni madam A.” sabi sa akin ni ate Rosa at bumeso pa sa akin. Ang bait talaga nila sa akin at talagang kapamilya na ang turing sa akin kahit ilang araw ko pa lang dito. “Sige po ate ako na lang ang magluto. Ano pa ba ang gagawin?” tanong ko sa kaniya. “Naprepare na ni Dona yung mga gulay na iluluto tignan mo nga baby girl kung okay na yan?” Tinuro ni ate Rosa ang mga gulay na nasa lababo at nakababad na sa tubig. “May kamote po ba ate? Para sana masarap kasi yun ang magpapatamis sa gulay.” saad ko sa kaniya. “Oo meron ng kamote yan hinalo na lahat ni Dona.” “Ay sige po ate ako na po bahala dito, may isda na bang isasahog dito para sana ipakulo ko na kasama ang kamatis.” tanong ko sa kaniya ang inilagay ko na sa kaserola ang kamatis, bawang at luya. At nilagyan ko na ng kaunting tubig. “Eto baby girl isa ba ang ilalagay mo?” tanong niya sa akin. “Oo sana ate para malasa.” saad ko sa kaniya at kinuha ko na ang isang isda at hinalo ko na sa tubig na pakukuluan. Malapit ng maluto ang gulay ng dumating si ate Dona. At tinawag niya ako dahil pinapatawag daw ako ni madam A.” “Hello baby girl, andito kana pala. Puntahan mo daw si Madam A sa sala at mag-uusap yata kayo?” “Hi ate Dona.” bati ko din sa kaniya at bumeso din ako sa kaniya. Hinahalo ko na ang gulay at malapit na din matapos. “Puntahan mo na lang siya kapag tapos kana diyan. Patikim nga ako baby girl.” at dumungaw sa niluuto ko si ate Dona. “hmmm, ang sarap talaga ng luto mo ang lasa. Tiyak magugustuhan ni madam A. itong luto mo.” saad niya sa akin. “Sana nga ate D. ayan luto na. Samahan mo na lang muna ako ate D.” sabi ko sa kaniya at kinabahan ako bigla dahil baka ayaw nila ako. “Sige sasamahan kita at ipapakilala kita sa kanila syempre.” saad niya sa akin. “Ate Rosa tawag lang daw ako ni Madam A.” sabi ko sa kaniya. “Sige ako na bahala dito.” saad niya sa akin. Nadatnan namin ni Ate D. ang pamilya sa sala na masaya at nagtatawanan pero ang bunso nila ay inaasar nila. Tinatawanan nila Sir Kyle at at isa pang lalaki at malamang ay kapatid din nila. Ang cute nilang magtagalog. “Ate nagtatagalog pala sila dito?” bulong ko sa kay ate D. “Oo baby girl bawal magenglish dito sa bahay.” natatawang saad sa akin ni ate D. “Magandang gabi po ulit Madam A. andito na po pala si Lea.” sabi ni ate D. “Magandang gabi po sa inyong lahat.” bati ko sa kanilang lahat. “Magandang gabi iha, kumusta ka naman dito? Napagod ka ba sa biyahe papunta dito?” tanong sa akin ni Madam A. “Ayos lang naman po Ma’am.’ sagot ko sa kaniya. “Oh ako pala si Amelia, ito ang asawa ko si Hussain, ito ang panganay ko si Ahmed pero mas gusto niya ang Kyle, ang pangalawa si Rashid, ito ang pangatlo si Alliah at ang bunso si Maira.” “Hi” bati sa akin ni Sir Rashid “hi!” bati sa akin ni Ma’am Alliah at Maira. “Welcome to our house” bati naman ni Sir Hussain. Si sir Kyle ay hindi na ako binati at nakasimangot parin. Alam kong galit parin sya dahil sa nangyari kanina. “Bakit hindi mo binati si Lea Kyle?” tanong ni Ma’am Amelia. “I know her already mom and she’s with me in the office.” saad niya sa kaniyang ina. “Okay anyway let’s talk in the library.” saad sa akin ni Ma’am Amelia. Ito na yata ang interview niya sa akin. “Honey sa library lang kami ni Lea.” paalam ni ma’am Amelia sa kaniyang asawa. “Sige honey, huwag magtagal.” saad naman ng asawa niya. “Okay.” saad niya at binigyan pa niya ng halik sa labi pero dampi lang. Nauna ng naglakad si Ma’am Amelia at sumunod na lang ako sa kaniya. “Huwag kang mahihiya sa amin iha at parang kapamilya narin ang turing ko sa kanila pati narin sa’yo.” “Opo Ma’am salamat po.” nahihiya kong sabi at nakayuko pa ako. Pagpasok namin sa loob ng library ay may isang office table sa may gilid at ang daming mga libro na makikita dito sa loob. Ang lawak ng library nila pero parang kasing lawak yata ng loob ng buong bahay namin. Ang daming shelves ng books. Inilibot ko ang aking paningin dahil namamangha ako sa nakikita ko. “Maupo ka iha.” sabi sa akin ni Madam A. Umupo ako sa isa sa upuan na nasa harapan ng table. “Tell me about yourself iha.” tanong niya sa akin. “Ako po si Lea 22 years old na po ako. Kakagraduate ko lang po ng BS Ed po ang natapos ko ma’am pero mas pinili ko po muna mag DH dahil sa financial problem po namin. Kailangan ko po muna mag-ipon kahit kaunti lang po para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. “Nakatapos ka pala iha pero bakit hindi ka nag-apply bilang isang teaher.” tanong niya sa akin. “Ma’am kasi matagal din po ang line up namin baka abutin po ng isang taon. “O siya sige, actually iha ibibigay kita kay Kyle para may makakasama sana siya sa kaniyang bahay. Pero mas gusto pala nya na kasama ka niya sa opisina niya.” “Pwede din ko naman po gawin ang mga gawain bahay kung gusto po ni Sir Kyle.” “Sige pag-uuspan natin yan bukas at nagugutom na ako. Pero kayo na lang ang bahala ng anak ko ang mag-usap tungkol diyan.” “Sige po Ma’am. Thank you po sa pagaccept sa akin dito.” saad ko sa kaniya. At talagang mababait sila. Madami ang mga natanong pa akin ni Ma’am Amelia at sinagot ko naman siya ng maayos. Ako daw ang magiging kasama ni Sir Kyle sa bahay niya at bahala na daw si Sir Kyle kung ano ang magiging duties ko sa bahay niya. Kami daw mag-uusap sa ibang gagawin ko sa bahay niya. Tinulungan ko na sa paghahanda ng pagkain sa mesa sila Ate Dona. Ng matapos kumain ang pamilya ay tinanong ni Ma’am Amelia kung sino ang nagluto ng pakbet at sinabi ni Ate Rosa na ako ang nagluto at nasarapan daw sila sa luto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD