William's PoV
Umuwi na muna kami sa bahay at ng makarating kami doon ay marami ng pulis ang naroon ininterview nila si ate samantalang ako ay tulala at wala sa sarili. Ng matapos silang interviewhin si ate ay inutusan ako ni ate na maligo at magpalit ng matapos ako ay saktong tapos na rin siya kaya agad kaming nagtungo sa funeral homes kung saan nakaburol si mommy.
"Maupo ka na muna diyan at ako na muna ang bahala sa mga kailangang gawin"-sabi ni ate at iniwan ako roon.
Nakatulala lang ako sa kabaong ni mommy mula pa kanina at nag-iisip kung sino ang maaaring gumawa nito sa kanya. Marami ang lumapit sa akin at nagsabi ng condolence pero ni isa sa kanila ay di ko pinansin at hapon na ng lumapit sa akin si ate.
"Kumain kana ba?"-tanong niya sakin, bakas sa mukha niya ang pagod at mugto ang mga mata niya.
"Take a rest ate, ako na muna ang bahala sa bisita"-sabi ko at tumayo ako upang alalayan si ate na umupo mula sa kinauupuan ko kanina akma na sana akong aalis ngunit pinigilan niya ako.
"Kumain kana ba?"-tanong niya ulit
"Dont worry ate I'll take care myself magpahinga ka na muna diyan"-sabi ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa ulo niya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti na pinagmukha kong natural.
Nagpunta ako sa mga tao at inentertain sila. Paulit-ulit na ganun ang ginawa ko hanggang sa maghating gabi at kumonti nalang ang tao dahil ang iba ay nagsi-uwi na. Kaya na silang asikasuhin ng maids namin kaya naman nilapitan ko na si ate.
"Are you okay ate?"-tanong ko sa kanya ng pagkaupo ko ay nakita kong umiiyak siya na madali niya namang pinunasan.
"You think sino ang may gawa nito?"-tanong niya at tumingin sa akin.
"I dont know"-mahinang sagot ko sa kanya. Muli nanamang pumatak ang mga luha niya ngunit ngayon ay di na siya nag-abalang pinunasan pa ito.
"Paano kapag tayo--"
"Sshhh, dont worry di ko na hahayaang maulit ito"-putol ko sa sasabihin niya at agad siyang niyakap. Di siya umalis sa pagkakayakap ko bagkus ay yumakap siya sakin pabalik at doon umiyak hanggang sa makatulog siya. Inihiga ko siya at ibinalot sa kanya ang jacket ko. Masyado akong naaawa sa ate ko tuwing umiiyak siya.
Wala sa sariling lumabas ako at sumakay sa sasakyan ko, doon ko inilabas ang kanina pang pinipigilan kong pag-iyak. Umiyak ako doon ng umiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako.
~Kinabukasan~
Nagising ako dahil sa tunog ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito at sinagot.
"Nasaan ka?"-boses ni ate ang bumungad
"Why?"
"Kanina pa kita hinahanap ehh di kita makita"
"Pupunta na ako diyan"-sabi ko at pinatay ang tawag. Pagkalabas ko sa sasakyan ay bahagya muna akong akong nag-unat at pumasok sa loob. Agad akong sinalubong ni ate pagkakita niya sakin.
"Saan ka galing"-tanong niya
"Diyan lang sa sasakyan, di ko namalayang nakatulog ako sorry"-ako
"Pumasok kana sa loob may naghahanap sayo doon classmate mo daw"-sabi niya at naunang bumalik sa loob kaya naman sumunod ako.
"Kumain kana ba ate?"-tanong ko ng mahabol ko siya
"Yeah, sige na lapitan mo na siya at kanina pa siya dito andun siya ohh"-turo niya sa pwesto nung naghahanap sakin kaya nilapitan ko na siya.
"Bat ka nandito anong kailangan mo?"-agad kong tanong ng makilala ko kung sino siya
"Condolences, nakikiramay ako"-sabi niya at tumayo
"Have a seat"-sabi ko sa kanya at nauna ng maupo
"What happened?"-she asked
"My mom has been killed by unknown group"-sagot ko
"Saan ang daddy mo?"-tanong niya
"May trabaho siyang pinuntahan sa ibang bansa at siguro ay tatlong buwan ang ilalagi niya roon. Di namin siya ma-contact dahil wala kaming number niya na ginagamit niya tuwing pumupunta siya ng ibang bansa at tanging si mommy lang ang meron ng number niya ang kaso ay nawala ito at tingin ko ay ninakaw ito ng mga pumatay sa kanya"-mahabang paliwanag ko sa kanya
"So you mean hindi pa alam ng daddy niyo na pinatay ang asawa niya"-tanong niya ulit na tinanguan ko nalang. Namutawi ang katahimikan sa paligid namin ng ilang sandali bago siya nagsalita ulit.
"Aalis na ako kung kailangan mo ng makakasama o makakausap ay nandito lang ako okay?"-sabi niya at tumayo na
"Okay"-sagot ako at inihatid siya sa labas
"Wait pwede bang makahingi ng favor"-sabi ko sa kanya ng pasakay na siya sa sasakyan niya.
"Of course ano yun?"
"Can you do me an excuse letter?"
"Dont worry ako na ang bahalang magsabi sa mga teacher kung bakit ka absent"-sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya at pinaharurot ito. Ng di ko na siya matanaw ay bumalik na ako sa loob.
mabilis na lumipas ang mga araw at katatapos lang ilibing ni mommy. Unti-unting umalis ang mga taong nakiramay hanggang sa iilan nalang kaming natira.
"Tara na at umuwi na tayo"-sabi ni tita
"Iuwi niyo na si ate tita, dito na muna po ako susunod nalang po ako"-sabi ko pabalik
Sinunod nila ang sinabi ko na mauna na silang umuwi kasama si ate. Naiwan ako doon at matagal kong tinitigan ang lapida ni mommy na nasa harap habang umiiyak at ng tumigil ako ay tsaka ako nagsalita.
"I'm sorry for not protecting you mom, Sorry kung di ko man lang kayo nasubukang iligtas"-sabi ko at nahiga sa tabi niya at tinitigan ang asul na langit.
"Sorry for everything mom. Im so sorry at pinapangako ko sa inyo mom ipaghihiganti ko kayo ni Sky, mark my word mom. I will surely that they gonna taste my revenge"-seryosong sabi ko sa kanyang lapida bago ko siya tuluyang iwanan at umuwi.
"Nandito na po ako"-sigaw ko ng makapasok ako sa bahay
"Andiyan kana pala. Aalis na kami hinintay kalang namin para may makasama ang ate mo"-sabi ni tita na tumayo pa mula sa pagkaka-upo sa sofa katabi si tito
"Thanks tita"-sabi ko sa kanya
"Sige-sige okay na kayo dito ha? Just call me or your tito if you have problem or something happen okay?"-bilin pa niya
"Yes tita okay na kami dito. Salamat po ulit"-usal ko at hinatid na sila sa labas. Sumakay na sila sa sasakyan nila at kumuway muna sakin bago sila umalis.
Pumasok na ako sa loob at umakyat na. Pagkarating ko sa harapan ng kwarto ni ate ay naririnig kong may humihikbi mula sa loob marahan akong lumapit doon at pinakinggan siya. After 30 mins. ay wala na akong naririnig, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Nakita ko si ate na natutulog at halatang katatapos lang umiyak lumapit ako sa kama niya at naupo sa tabi niya.
"Alam kong nasasaktan ka dahil sa pagkawala ni mommy, sorry dahil wala akong nagawa para protektahan siya pero pangako tutugisin ko ang may kagagawan nito at pagbabayarin ko sila"-sabi ko habang nakitingin sa nakapikit niyang mata. Tumayo na ako at kinumutan siya ng maayos. Pagkatapos ay lumabas na ako mula doon at nagtungo na sa kwarto ko at nagpahinga
Jzekiah21