BAHID ang pagtataka sa mukha ni Matilde nang maggising siya kinabuksan. Sa pagkakaalala niya kasi ay sa sun lounger siya nakatulog. Ngunit bakit nang idinilat niya ang kanyang mga mata ay nasa ibabaw siya ng kama sa loob ng kwarto niya? Did she sleep walk? Naglakad ba siya habang tulog? Pero napakalabo naman yata na mangyari iyon at talagang nakarating siya dito. Kaya papaanong napunta siya dito sa loob ng kwarto? Naihilot niya ang kanyang sintindo. Hindi naman siya lasing at hindi naman siya nag-inom kagabi. Ngunit talagang wala siyang maalala kung papaano siyang sa ibabaw ng kama? Nailing iling si Matilde at pilit na isinawalang bahala ang naiisip niya. Bumangon siya sa kama at agad na nagtungo sa banyo. She took a shower at matapos niyang maligo ay nagbihis siya ng kulay dilaw na

