GALIT na binawi ni Matilde ang daliri niya mula sa pagkakahawak ni Xavier. Pinanlisikan niya ito ng kanyang mga mata. "Bitawan mo ako!" madiin na saad niya saka niya ito itinulak papalayo mula sa pinto. Mabuti at hindi naman nagmatigas ang huli. "Out! Get out!" halos pasigaw nang saad niya dito. Parang dinudurog ang puso ni Matilde at ang baba baba nang pagkatao niya. Malapit nang pumatak ang mga luha niya. Nasasaktan siya sa mga narinig niya kay Xavier- sa mga pang iinsulto nito sa kanya. Oo at ganoon siya ngayon. Ngunit ang lahat ng mga nangyayari sa kanya ay hindi niya ginusto. Dinala siya dito ng kapalaran niya. "We are going to talk! I won't leave!" madiin naman na saad sa kanya ng huli. Pagak na natawa si Matilde. "Are you insane? Matapos mo akong insultuhin ay sa tingin mo m

