ANG original na plano talaga ni Matilde ay si Leandro Jose lamang ang ipagluluto niya ng pananghalian. Pero nang sumagi bigla sa isipan niya si Xavier ay napagdesisyunan niya nang isali na lamang ito. May pakay din kasi siya sa huli. Paano ba naman kasi. Habang nagluluto si Matilde ay laman ng isipan niya ang naging engkwentro nilang dalawa kaninang umaga sa kwarto nito imbis na mag-concentrate sa niluluto niya. Hindi niya iyon makalimutan at tila nag-iinit siya sa haplos ni Xavier sa kanya. Kakaiba iyon at tila hahanapin hanapin ni Matilde kapag hindi iyon pinalasap sa kanya muli. Kaya naman nang matapos niyang magluto ay naligo siya kaagad. She even wears a black sexy dress na halos lumuwa na ang dibdib niya. Ganoon talaga ang mga dress niya. Iyong tipong bakat na bakat ang korte ng

