KANINA pang nag-iisip ng paraan si Matilde kung papaano niya lulusutan si Leandro Jose upang hindi niya ito mapuntahan mamaya. Natutuwa siya at gusto siya nitong muling makasama mamaya sa kwarto nito. Ibig sabihin lamang ay may progress ang misyon na pinagagawa sa kanya ng kapatid nito. Ngunit mas nasasabik si Matilde sa kaisipang pagsasaluhan nila ni Xavier mamaya ang mainit na gabi. She wants the latter more than Leandro Jose. Mas nakakaramdam siya ng init at pananabik kapag si Xavier ang nakakasama niya. Wala pang nangyayari sa kanya. There's still no penetration. Pero kasi iba ang dating ni Xavier. Iyong tipong hahanapin hanapin ni Matilde ang bawat haplos nito sa katawan niya. She heaved a sigh. "Hay! Ang hirap talagang maging sext at maganda!" pagkausap niya sa kanyang sarili h

