PROLOGO
Tik-Tak! Tik-Tak!
Sa sobrang tahimik ng paligid ay tila nabibingi na si Lilly sa paulit ulit na tunog ng maliit na orasan na nakapatong sa ibabaw ng kanyang nightstand. Tantya niya ay malapit nang maghating gabi ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ilang beses na ba siyang nagpaikot-ikot sa kanyang higaan, baling dito, baling doon. Iba-ibang posisyon na rin ang kanyang nagawa; tumagilid, dumapa at tumihaya, ngunit ni isang hikab ay hirap siyang hagilapin.
Kinuha niya ang isang mahabang unan at inilagay sa pagitan ng mga hita. Bumaling siya sa kanan at humarap sa dingding kung saan nasa kabilang kuwarto lamang ang tinitulugan ng asawa. Napabuntong hininga siya kapagkuwan. Hanggang kailan kaya sila magiging ganito ni Axel? Yung magpapanggap na totoong nag-iibigan sa mata ng mga taong nakapaligid sa kanila gayong ang totoo ay heto, pagdating sa loob ng kanilang bahay, ni hindi nga sila nagtatabi sa pagtulog. It’s been exactly a month since they got married, at ni isang beses ay wala pa talagang nangyayari sa pagitan nila.
Hindi sa nagsisisi siya sa napagpasyahan. It's not against her will ang pakasalan ang lalaking hindi naman talaga niya tipo noon pa. Ngunit hindi naman niya akalain na magiging ganito ang pinangarap niyang buhay may asawa. Tila kasi sa mga nagdaang araw ay nag-iiwasan sila. Kapag busy siya sa pag-aaral ay siya namang bakante ang schedule ng lalaki, at vice versa. Ang totoo ay kararating lamang nito mula sa isang business trip at hindi man lang siya nito pinuntahan sa loob ng kanyang kwarto para ipaalam na dumating na ito. Nakumpirma niya lang iyon dahil sa narinig na pagparada ng sasakyan nito, pagbukas at pagsarado ng pintuan at maliit na kaluskos mula sa loob ng kabilang kuwarto. Hindi niya maitatanggi, kahit na ilang beses lang sila nagpapangita at nagkakasama bilang mag-asawa ay nami-miss niya ito. Lately ay hinahanap niya talaga ang presensya ng lalaki.
Kapagkuwan ay tumihaya siya ng pagkakahiga. Napasimangot. Ilang minuto pa ba ang hihintayin niya para makatulog? Lima? Sampu? O baka isang oras na naman? Napakamot na siya sa ulo. Mayamaya ay nakaramdam ng pagkaalinsangan, inalis ang makapal na kumot na tumatabon sa katawan. Sinubukan niyang ipikit ang mga mata ngunit pagkapikit na pagkapikit ng mga iyon ay agad ring napadilat. Paano'y nakita niya sa balintataw ang asawa habang nakatagilid. Nakutukod ang isang braso nito sa kama habang nakatunghay sa kanya. Iyon ang senaryo nang mapag-isa sila sa isla noong pulo't gata nila. Walang ano ano ay ibinalik niya ang pagkakapikit ng mga mata, at tila ipinagpatuloy ang tagpong namuo sa isipan.
Dahan dahang inilapit ni Axel ang mukha sa kanyang mukha at agad na pinuntirya ang kanyang mga labi. Hindi siya nakagalaw at hinayaan lang na dumampi ang mga iyon doon. Hindi naging maganda ang unang karanasan niya tungkol sa bagay na iyon kung kaya hindi siya sigurado kung anong mararamdaman. Bagamat may dalawang beses na siyang nahalikan nito, una, noong araw ng pag-iisang dibdib nila at pangaIawa, nang mapag-isa sila sa pribadong isla noong pulo’t gata nila, ay hindi pa rin siya sigurado kung anong emosyon ang ibibigay niya sa mga tagpong gaya no’n.
Sa kanyang imahinasyon ay ipinikit niya rin ang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang malalambot na mga labi nito na dumadantay sa kanyang upper at lower lip. Banayad ang paggalaw ng mga iyon. It was passionate na tila ba may kalakip na punong puno ng pagmamahal. Ilang sandali pa ay hindi na niya namalayan ang ginagawang pagtugon sa mga halik na iyon ng lalaki. Marahan na ring naglakbay ang kanyang mga kamay na noo'y buong akala ay dumaraan sa matipunong hubad na katawan ng asawa ngunit hindi, ang totoo ay kasalukuyang nang niroromansa ang sarili.
Idinaan niya ang mga daliri sa tiyan at hita. Hindi pa nakuntento at ipinasok ang mga kamay sa suot na kamison at pangloob na kasuotan. Dumiretso ang mga iyon sa pribadong parte ng katawan. Doon ay nagtagal ang mga palad. She caress her private parts gaya ng minsang nabanggit ng binata noong unang beses pa lamang silang lumabas upang magkakilanlan. Hindi nga nagtagal at kakaiba na ang dulot noon sa kanyang katawan. Tila nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Tila buhay na buhay ang mga nerves na matatagpuan sa kanyang dibdib at p********e mula sa paghawak at paghimas niya mula roon. Dahil doon ay naawang niya ang mga labi. Ipinagpatuloy niya ang pagpapayaman sa sarili hanggang sa isang boses ang naulinigan niyang tumawag sa kanyang pangalan. Mabilis niyang nabuksan ang mga mata at laking mangha ng makita ang asawa sa loob ng kanyang kuwarto.