Malakas na kabog sa dibdib ang naramdaman ni Lilly simula pa lang nang pumasok silang dalawa ni Troy sa loob ng condo unit nito. Lalo pang tumindi iyon nang sabihan siya nitong pumwesto na sa may kalakihang higaan katapat ng telebisyon kung saan balak nilang sabay na manood ng pelikulang inaabangan ng lalaki. As soon as magkita sila kanina sa tapat ng mataaas na building kung saan naroon ang tinitirhan nito ay naging clingy na ito sa kanya, bagay na hindi niya inaasahang mangyayari agad agad. This was only their second date, at hindi niya akalain na in a span of a few minutes, while they are inside the elevator going up in the 16th floor, mararanasan na niya ang maakbayan, mahawakan sa kamay, at mayakap ng taong akala niya ay isang ehemplo ng isang maginoong lalaki.
“Which do you prefer? A beer or a wine?” mula sa kusina ay dala ng lalaki ang may kalakihang tray na naglalaman ng makukukot nila at maiinom habang nanonood ng pelikula.
“Um, I'm sorry, Troy, but I don’t drink,” sa kabila ng kaba sa dibdib ay pinilit niyang sagutin ito sa pormal na tono ng boses.
“Really?” sandaling natigilan ang lalaki.
Hindi naman na siguro katakataka na hindi pa nakakasubok uminom ng alak si Lilly. She just turned eighteen. Ang totoo ay doon nga sila unang nagkita ng babae sa kaarawan nito ilang linggo lamang ang nakakaraan. Ito ang isa sa mga eskorte ng dalaga sa ginanap na kutilyon nito at doon sila simulang nagkapalagayan ng loob.
Kapagkuwan ay sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi ni Troy. Tila ba na-excite mula sa narinig. “This might be the best time to try some,” dugtong pa nito.
Hindi naman nakaimik si Lilly, medyo umurong lang siya ng kaonti mula sa pagkakaupo sa bandang ulunan ng may kataasang higaan nang mismong sa harapan niya inilagay ang mga pagkain.
Ilang sandali pa ay binuksan ni Troy ang telebisyon pagkatapos tabihan ang dalaga. Wala siyang idea kung ano ang kanilang papanooring pelikula. Wala na rin naman din siyang pakialam doon. Ang kasalukuyang umookupa sa isipan niya ay kung ano ang maaaring mangyari sa pagitan nila habang nandoon siya sa loob ng kuwarto nito. Iba kasi ang pakiramdam niya, maliban sa kaba ay may takot na lumulukob sa kanyang puso.
Habang nakatuon ang paningin sa telebisyon ay nagsimula nang gumalaw ang kamay ni Troy. Isiniksik nito iyon sa pagitan ng likuran at unan na sinasandalan ni Lilly upang higitin ang bewang niya at mapalapit pa ang katawan niya sa lalaki. Mula sa gilid ng mga mata ay sinilip niya ito habang tungga tungga ng katabi ang isang bote ng beer. Pagkatapos ilapag iyon sa tray ay dinala nito ang mukha sa ibabaw ng kanyang balikat at doon ay tila sinimsim ang kanyang leeg.
“Troy…” sinaway niya ito sa pamamagitan ng paglayo ng kaonti.
“Hmm, you smell good, babe. Ang sarap mong amoy-amuyin,” inilapat nito ang ilong sa balikat ng babae at ikiniskis doon.
Iniiwas niya ang sarili. Oo at naghanda siya sa pagkikita nila ngayon ni Troy dahil may pagtingin rin siya dito. Nagpaganda siya ng kaonti at naglagay ng pabango. Ngunit sa mga ginagawa sa kanya ng lalaki ngayon ay tila nananayo ang mga balahibo niya sa batok sa hindi pagsang-ayon doon. Hindi siya komportable sa mga pagdikit at paghawak na iyon ng binata sa kanyang katawan.
“Bakit ka ba lumalayo?” saway ng lalaki sa dalaga. “Come closer. Isn’t this a good idea na magkaroon tayo ng alone time? Yung walang ibang kasama, yung walang asungot sa paligid?” Saad nito na tila may pinatutungkulan. Nagpatuloy ito sa tila paglalambing sa babae. Ilang beses pa nitong idinampi ang mga labi sa balikat ng katabi. Humigpit na rin ang pagkakahawak nito sa bewang ni Lilly na tila ba pinipigilan itong lumayo.
Halos mag-iisang linggo na rin ang lumipas nang una silang lumabas na magkasama. Sinubukan nila noong manood ng sine ngunit dahil hindi pumayag ang chaperone ng babae na si Luis- ang nakatatandang kapatid ni Lilly- ay napilitan na lang sila na kumain sa labas at agad na umuwi. Si Luis marahil ang tinutukoy nito dahil bantay-sarado ito sa dalaga noong panahong iyon. Ang totoo ay kinagalitan pa ito ng kuya ng babae nang makailang beses nitong pagtangkaang akbayan ang dalaga. Hindi maitatanong, pinalaki ang magkapatid sa loob ng isang konserbatibong pamilya kaya naman ganoon na lamang ang pagprotekta ng lalaki sa bunsong kapatid.
Luis and Lilly are the only children of Manuel and Lucita Soleman, ang mag-asawang negosyante na nagmamay-ari ng ilang malalaking shopping malls sa Maynila kabilang na ang ilang hektahektaryang sakahan at tubuhan sa probinsya ng Negros. Although they are one of the well-off families, hindi rin naman kaila sa kinabibilangang alta sociedad ang pinagdaraanang suliranin ng kanilang sariling pamilya. Ilang taon na ring pinahihirapan ng malubhang sakit sa puso si Mrs. Soleman kung kaya hindi rin ito masisisi sa kasabikang makita ang bunsong anak na lumagay na sa tahimik sa kabila ng kakatuntong pa lamang nito sa pagiging isang ganap na dalaga. Hindi rin naman iyon tinutulan ni Lilly. Para dito, kung ano ang ikasasaya ng mga magulang, especially ang ina ay malugod nitong susundin at pagbibigyan ang kagustuhan nito.
Hindi pa tapos sa pag-aaral ang dalaga. Ngunit sa posisyon nito sa negosyong pinamamahalaan, kaya na nitong tumayo sa sariling mga paa. Isa si Lilly sa kasalukuyang namamahala ng mga negosyo ng pamilya. Malaking pera na ang ipinapasok nito sa kanilang negosyo kung kaya naman malaki rin ang kasalukuyang kinikita. Isa ito sa pinakabatang entrepreneur sa bansa. Ngunit sa kabila ng karangyaang tinatamasa, magmula noong magkaisip ito, lumaki ito na may simpleng pangarap lamang sa buhay. Iyon ang maging isang simpleng may-bahay at ina sa malaking pamilyang minimithi para sa hinaharap.
Bagamat may basbas ang pamilya sa paglagay nito sa tahimik ng maaga, hindi naman nito pababayaan ang mga negosyong iniatang na sa mga balikat, datapwat nakatatak na sa isipan na magiging prayoridad nito ang asawa at mga anak kapag dumating na ang araw na iyon.
“Bunso, hindi naman masamang humindi sa kagustuhan ni Mama. Masyado ka pang bata para mag-asawa. Tandaan mo, buhay at kinabukasan mo ang nakasalalay dito,” isang araw iyon nang kausapin siya ng nakatatandang kapatid pagkatapos nila magkasundo ng mga magulang tungkol sa bagay na iyon.
That is really not a big deal for her. Siguro nga ay hindi pa siya handa physically and mentally sa pag-aasawa ngunit para mapasaya ang ina sa nalalabing araw, buwan o taon ng buhay nito, gagawin niya ang lahat. Isa lang din naman ang gusto ng kanilang mga magulang, ang masiguradong nasa tamang tao siya bago pa man lumisan ang ina sa mundong ibabaw.
“But remember bunso, kilalanin mo muna ang isang lalaki bago ka gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli. Kapag may ginawa ang isang lalaki na hindi mo nagustuhan, speak up, guard yourself. Ang mabuting lalaki ay may malaking respeto sa isang babaeng kagaya mo lalo na at wala ka pang karanasan pagdating sa pakikipagrelasyon,” huli na iyon sa sinabi ng kapatid pagkatapos ng kanilang matagal na pagdidiskusyon noong panahong iyon.
Sa nangyayari ngayon sa kanya ay paulit ulit iyong umaalingawngaw sa kanyang tenga. Hindi niya gusto ang ginagawa ni Troy pero sa kabilang banda ay gusto niya pa rin itong makasama. Malaki ang pagkakagusto niya sa lalaki at kahit na may mga negative traits ito na unti unti niyang nadidiskubre ay pilit niyang iwinawaksi ang mga iyon sa isipan.
Lumipas pa ang ilang sandali nang walang ano ano ay narinig niya ang nakakagulat na sound effect sa tv mula sa nakakatakot na palabas na kanilang pinapanood. Agad siyang napakislot, hindi dahil sa narinig, kung hindi dahil sa naramdaman niya ang kamay ng lalaki na himas na ang kanyang hita pataas sa kanyang singit. Agad niyang inalis ang kamay nito at lumayo ng pagkakaupo.
“Stop it, Troy! Masyado ka naman yatang mabilis, eh, hindi pa nga kita sinasagot!” nilakasan niya ang loob sa pagsasabing iyon. Tila ba sumikdo ang dugo niya at buong tapang na tumutol.
Nagpakawala ng nakakalokong pagtawa ang lalaki. “Oo nga at hindi mo pa ako sinasagot, pero pumayag ka nang pumunta dito ng mag-isa,” anito. “It’s so obvious that you really like me, Lilly, and that’s fine because I like you too. C’mon babe, huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. A kiss will not gonna ruin your virginity, anyway,” dugtong pa nito na walang ano-anu ay hinawakan nito ang dalaga sa braso at hinatak papalapit.
Tila napasubsob naman si Lilly at nailapit ang mukha sa lalaki. Doon ay sinamantala na ni Troy na halikan ang mga labi ng dalaga. Siniil nito iyon ng madiin. Itinikom naman iyon ng babae kasabay ang ginagawang pagpupumiglas ng katawan. Wala sa hinuha niya na gagawin ito ni Troy. Ang buong akala niya’y magkakasya na lamang ito sa pag-akbay akbay, paghawak ng kanyang kamay at bahagyang pagyakap sa kanyang bewang, ay hindi pala. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang tila pagpupumilit na pagpasok ng dila nito sa kanyang bibig. Tila nandidiri na ipinaling-paling niya ang mukha pakaliwat pakanan at sa pagkakataong iyon gamit ang dalawang kamay ay malakas na itinulak palayo sa kanyang katawan ang lalaki. Naramdaman niya ang tila pagbulusok ng dugo mula sa katawan papunta sa kanyang ulo dahil sa galit sa ginawa nito kung kaya pagkahiwalay niya dito ay isang malakas na sampal agad ang pinakawalan niya sa kaliwang pisngi ng binata.
“How dare you! Por que pumayag ako na pumunta mag-isa dito sa pamamahay mo hindi ibig sabihin na binibigyan na rin kita ng karapatan na bastusin ako ng ganyan! Sumusobra ka na, Troy!” pumatayo siya at buong lakas na sininghalan ang lalaki.
Nasapo ng palad ng lalaki ang nasampal na pisngi. Marahan pa nitong iginalaw galaw ang panga na tila ba napuruhan. Sa ilang segundo ay matalim nitong tiningnan ang babae at pagkatapos ay nagpakawala ng sarkastikong pagtawa. “Tanga ka ba? Ano pa ba ang iisipin ng isang lalaki kung ang babae na mismo ang pumunta sa bahay niya? Ano ‘yon, magtititigan lang sila?” sinuklian rin nito ng pagtaas ng tono ng boses ang pagkakasabing iyon. Mayamaya pa ay kumilos ito, malakas na inihawi ng braso ang tray na kinapapalooban ng mga pagkain at inumin dahilan ng pagtumba ng mga iyon at pagkalat sa ibabaw ng higaan. Sumampa ito sa kama at lumapit kay Lilly upang hatakin ulit palapit. Sinubukan ni Lilly na tumakbo palayo ngunit agad itong naharangan ng mga braso ng lalaki. Agad itong hinila ni Troy papunta sa higaan. Gamit ang buong lakas ay inihiga nito doon ang dalaga. At pagkaraan lamang ng ilang saglit ay kinumbabawan na nito ang babae.
“What are you doing, Troy? Let me go!” walang tigil sa paggalaw ang kanyang buong katawan para lang pakawalan siya ng lalaki. Ipinadyak niya ang mga paa, maging ang mga balikat ay iniyugyog ngunit dahil hawak siya nito sa magkabilaang pulso ng braso at buong lakas na idinidiin sa kama ay hindi na niya maiangat ang katawan. Nagsimula siyang paghahalikan ng lalaki sa leeg na tila ba sabik na sabik na sinisimsim iyon. “Troy, please. Don’t do this to me. Please!” malakas ang boses na pagsusumamo niya. Pinaulit ulit niya iyon ng ilang beses ngunit tila bingi ang lalaki sa mga pagmamakaawa niya.
Nagpatuloy si Troy sa paghalik sa leeg ni Lilly na pumababa pa sa collar bone ng babae na na-expose sa suot nitong itim na blouse. Mukhang pursigido na ang lalaki na pagsamantalahan ang dalaga. Dahil doon ay nagsimula nang maglandas ang mga luha mula sa mga mata ni Lilly papunta sa gilid ng mga pisngi. Nagsimula itong magsisisigaw.
“Tulong! Tulungan n’yo ako, please!” nangangalit ang mga litid sa kanyang leeg sa ilang beses na paghingi ng saklolo, ngunit dahil malakas ang volume ng telebisyon ay hindi marinig ang kanyang mga palahaw. “Bitawan mo ako, Troy. Walang hiya ka!” singhal niya pa dito ng buong lakas. Ipiniglas niya ulit ang mga braso pati na ang mga balikat na nagsisimula na ring mapagod.
Tila wala naman pakialam ang lalaki na ipinagpapatuloy lang ang ginagawa. Medyo may kalaliman ang pagkaka-style ng neckline ng suot niyang pang-itaas kaya nang ipalis ni Troy ang blouse niya sa pamamagitan ng pagkagat sa tela nito ay bumalandra dito ang konting bahagi ng kanyang dibdib na sinimulan na ring paghahalikan ng lalaki.
“Tulong! Tulong! Please, parang-awa n’yo na!” patuloy siyang nagsisisigaw.
Nagsimula siyang manginig sa takot, dahil doon ay tila nawalan na ng lakas ang katawan na lumaban pa. Napapikit na lang siya kasabay ng impit na paghagulhol. Mayamaya ay kapwa nila narinig ang malakas na pagkatok sa pintuan. Dahil studio type lamang ang condo unit na iyon ng lalaki ay rinig nila iyon mula sa kanilang kinalalagyan. Kapwa sila napalingon sa pintuan. Nang madinig ulit ni Lilly ang pagkatok doon ng ilang beses ay sinubukan ni Lilly na sumigaw, ngunit agad siyang naagapan ng lalaki at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.
“Don’t you dare scream, Lilly. Masasaktan na talaga kita,” pagbabanta nito.
Tila nahintakutan naman ang dalaga at hindi na umimik pa.
Nagpatuloy ang malakas na pagkatok sa pintuan ng tinutuluyan ni Troy.
“Is anybody okay there?” Iyon ang narinig nila sa labas ng kuwarto. Boses iyon ng isang tila may kaedaran nang lalaki.
Lumakas lalo ang kabog sa dibdib ni Lilly, ngunit kasabay noon ang paglakas ng loob nang ma-realize niya na finally ay may nakarinig sa kanya. Inabangan niya ang pagtayo ni Troy at pagpunta sa pintuan upang sagutin iyon. As soon as buksan ng binata ang pintuan ay mabilis na bumangon ang dalaga, tumakbo at buong lakas na binuksan ng maluwang ang pintuan. Natamaan nito si Troy sa dibdib kung kaya nabuwal ito sa sahig. Nang tuluyang makalabas si Lilly mula sa tinitirhan ng lalaki ay binilisan pa nito ang pagtakbo at hindi na tumigil pa o lumingon sa matandang lalaking siyang naging daan ng kanyang pagtakas. Samantalang tila nahulaan ng matanda kung ano ang nangyari sa pagitan ng mga ito kung kaya noong subukan ni Troy na habulin si Lilly ay hinarangan nito ang binata .
Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung saan pupunta pagkababa na pagkababa sa lobby ng condo building na iyon. Hinihingal siyang naglakad at nagpalingo lingo sa paligid, hanggang sa makalabas mula roon, doon ay napa-iyak siya sa hindi alam na susunod na gagawin.
Nanglulumo siyang napaupo sa harapan ng kalsada. Samo't sari ang pumapasok sa kanyang isipan. Buong pusong pinagsisisihan niya na tumapak siya sa loob ng building na pinanggalingan. Hindi pa nagtatagal nang biglang narinig niya ang pagbusina ng isang sasakyan at pagtawag ng isang lalaki sa kanyang pangalan. At first she was rattled by it, thinking na baka si Troy iyon. Ngunit nang makita ang lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon ay doon na siya napahagulhol sa pag-iyak.
“Axel!” mahinang sambit niya sa pangalan ng lalaki na tila ba nabuhayan ng loob sa pagkakita dito.