“What? That guy tried to rape you?” nangangalit ang mga panga ni Axel nang marinig mismo mula sa bibig ng babae kung ano ang nangyari dito. "How did it happen? Where is Luis?" sunod sunod ang naging tanong nito sa babaeng patuloy pa rin ang paghagulgol sa pag-iyak. Hawak nito si Lilly sa mga kamay at ramdam nito ang panginginig ng dalaga. “Where is that guy? Dalhin mo ako sa kanya!” dugtong pa nito sabay tingin sa mataas na building na nasa likuran ng babae.
“Axel please, let’s just go! I don't wanna see him anymore,” may takot ang mababanaag sa mga mata ng dalaga.
“No! Gusto kong panagutin siya sa ginawa niya sa iyo. Where is he?” malaki ang boses nitong sambit kasunod ang ginawa nitong mabibigat na paghakbang ng mga paa papasok sa loob ng building kung saan nakita nitong lumabas ang babae kanina noong mapadaan lang ito sa lugar na iyon. Nagdirediretso ito sa lobby, sa mga receptionist na nandoon at agad nang hinanap kung nasaan ang kuwarto ng lalaking nagngangalang Troy Montelibano. Ngunit nang tumanggi ang mga ito na ibigay ang numero ng condo unit ng lalaki ay lalo itong nanggalaiti sa galit. Sinimulan nitong pagbubulyawan ang tatlong taong nandoon. “Do you even have security in this area? Hindi n'yo ba alam na muntik nang may ma-rape sa loob ng building na ito!” saad nito habang nasa likod lang nito si Lilly na tahimik na umiiyak.
Sa gitna ng pag-aamok ng binata ay tamang-tamang bumukas ang elevator malapit sa kanilang kinatatayuan. Mula roon ay lumabas ang taong tinutukoy.
Natigilan si Troy sandali nang makita ang dalaga kasama ang isang pamilyar na lalaki. Hindi makakaila na minsan nang nagkakilala ang mga ito dahil kapwa nasa politika ang mga magulang. Agad namang napakapit si Lilly kay Axel na tila nakaramdam ulit ng takot. Nabaling ang paningin ng binata sa kamay ng babae at nakita nito ang mga pasa mula sa mahigpit na pagkakahawak ng mga kamay sa braso ng dalaga.
Dahil doon ay walang pagdadalawang isip na sinugod ni Axel si Troy at agad na sinuntok sa mukha.
“Gago ka!” bulyaw nito. “Bakit mo pinagtangkaan si Lilly?”
Napatakbo agad ang mga receptionist upang awatin si Axel. Samantalang si Lilly ay naiwan sa kinatatayuan nito takip takip ng mga palad ang mukha sa takot at gulong likha niya.
“Anong pinagtangkaan? She is my girlfriend!” sagot naman ni Troy habang bahagyang nakatingala sa matangkad na lalaki at sapo ang nasuntok na kaliwang pisngi.
Napalingon si Axel kay Lilly upang kumpirmahin ang narinig. Ibinaba ng babae ang mga kamay at ilang beses na umiling upang pabulaanan iyon. Dahil doon ay isang malakas na suntok ulit ang dumapo sa mukha nito dahilan ng pagtalsik nito at pagtimbuwang sa sahig.
“Kahit pa girlfriend mo siya, wala ka pa ring karapatan na pilitin siya sa mga bagay na ayaw niya!" singhal ni Axel pagkatapos pang dibdiban ang lalaki.
Nagmukhang kaawa-awa si Troy.
Magmula kung saan ay dumating ang isang security guard at agad na nakiawat na rin sa dalawa. Inilayo nito si Axel mula sa nakaupo pa rin sa sahig na si Troy. Nilapitan na rin naman ng dalaga ang lalaki upang tigilan na nito ang pangbubugbog sa lalaking hindi man lang sinubukang lumaban dahil halatang guilty ito sa ginawa sa babae.
“Axel, let’s go. Let’s get out of here, please,” nagsusumamo na si Lilly habang hawak nito ang braso ng lalaki. Mugto na ang mga mata nito at hindi pa rin natitigil sa panginginig ang mga kamay.
Tila nadurog naman ang puso ni Axel sa pagmamakaawa ng babae kung kaya’y sinunod na nito ang dalaga. Ngunit bago pa sila tumalikod sa mga taong nandoon, sa huling pagkakataon ay hinarap ulit nito si Troy. “Hindi pa tayo tapos, Troy Montelibano!” saad nito sa binata pagkatapos itong duruin. Kapagkuwan ay mahigpit nitong hinawakan ang kamay ni Lilly upang lisanin na ang building na iyon.
“Ano ba talaga ang nangyari? Bakit mag-isa ka lang na nandito?” pagkapasok na pagkapasok nila sa sasakyan ng binata ay tanong agad nito.
Hindi umimik si Lilly.
“Don’t tell me, sumama ka sa condo ng lalaking iyon?”
Nanatiling tikom ang bibig ng dalaga.
Napapikit mula sa frustration si Axel. Sa pagtahimik na iyon ng babae, he assumed that he is right.
“Pumunta ako dito nang mag-isa,” pabalang na sambit ng babae habang nakayuko.
“What?” napaharap ito sa babae. “At pinayagan ka ng mga magulang mo? How about Luis?”
“Tinakasan ko si kuya. Alam nila na ikaw ang kasama ko.”
“What the-!” sa narinig ay napalo nito ng kamay ang manibela. Nagsalubong ang mga kilay nito sa galit. Siguradong ito ang pagbibintangan ng mga magulang ng babae sa oras na malaman ng mga ito ang nangyari sa dalaga. “Lilly!” halos sugurin ng mga matatalim na tingin nito ang babaeng nagsimula na namang humikbi.
“I’m sorry," paumanhin ni Lilly. Aminado naman siya na mali ang ginawa. Hindi niya lang akalain na hahantong sa ganoon ang lahat.
“That’s it? I’m sorry? Pagkatapos mong i-drag ang pangalan ko dito?” singhal nito dito nang hindi sinasadya.
Dahil doon ay nagsimula ulit na umiyak ang babae.
“If you want, you can drop me off somewhere else. Ako na bahala sa sarili ko.”
Kasabay ng pagpikit ulit ng mga mata ay ang pagngangalit ng mga ngipin ng binata. “Don't say that, you know na hindi ko ‘yan kayang gawin sa iyo,” anito na biglang nakunsesnsya sa pagbulyaw sa babae. “In the first place isa ako sa nag-push sa iyo sa lalaking iyon kaya may kasalanan rin ako.”
Hindi na ulit umimik ang dalaga. It’s true, Axel pushed her to continually date Troy. Pero wala naman nang kasalanan ang lalaki sa mga nangyari sa kanya kanina. It’s all her fault.
It was the same night, noong ika-labingwalong kaarawan niya nang makilala niya personally ang pomosong lalaking ito. Pomoso dahil maliban sa anak ito ng Presidente ng Pilipinas ay nakilala rin ito sa pagiging womanizer nito at parang nagpapalit lang ng damit kung magbago ng karelasyon. Her parents was the one who invited the guy, since magkaibigan ang kanilang mga magulang.
Naalala niya pa nang una niya itong makita. It was in an awkward moment habang nakikipaghalikan ang lalaki sa isang babaeng bisita niya rin noong gabing iyon. She grew an ill feelings towards the guy right away, ngunit until unting nagbago iyon nang makausap ito.
“I heard naghahanap ka na raw ng mapapangasawa mo, ah! Sa bata mong iyan?” saad ni Axel habang kasayaw noon si Lilly sa saliw ng mabagal na musika. Hawak nito ang isang kamay ng dalaga habang ang isang kamay ay nasa bewang ng babae.
“Eh, ano naman? Masama ba?” isang panglilibak ang sinagot niya noon sa lalaking matagal nang kinaiinisan dahil sa nakadikit na imahe sa pagkatao nito.
Sandaling natigilan si Axel sa pabalang na pagsagot niya. First time nitong makakilala ng babae na hindi man lang nagpapa-cute dito.
“Isn't it too early for you to get married?” tila may kasamang panghuhusga ang tanong nitong iyon.
“Wala naman siguro sa age iyan, basta kung feeling mo ready ka na, why not, hindi ba?” mababaw niyang sagot just to end the conversation, ngunit hindi iyon nangyari.
“Really?” naitaas ng binata ang ang isang kilay na halatang hindi kumbinsido sa narinig. “Sa tingin mo, ready ka na?” may sarkatiskong tanong nito.
“Bakit? Ano ba sa tingin mo?” ikinibot niya ang gilid ng mga labi.
“I don't think so,” diretsahang saad naman nito.
Mula sa ilang minutong pag-iwas sa mga tingin nito, sa wakas ay pinakatitigan niya ang lalaki sa mga mata noong oras na iyon. Iyon ang unang beses na masilayan ang lalaki ng malapitan. In fairness, totoo nga ang sinasabi ng mga babaeng siyang nahuhumaling dito, may kagwapuhan nga talaga ang lalaki. But that moment she doesn't care kung ito man ang pinakagwapong lalaki sa kanyang kaarawan noong gabing iyon, lalo naman at wala siyang pakialam kung ano ang sasabihin nito sa napagdesisyunan niya. Buhay niya iyon. Basta buo na ang loob niya sa napagdesisyunan. She will get married as soon as makita niya ang tamang lalaki para sa kanya.
“Isn't it funny na ako, iniiwasan ko ang mga babaeng lumalapit sa akin at ikaw eh para kang isang paninda na inilalako para may bumili?”
Sandaling inihinto niya ang mga paa sa pakikipagsayaw dito at pinakatitigan ulit ang mga mata nito. “Watch your word, please,” pagsasaway niya sa lalaki na kung hindi pa siya nakasuot ng mataas na takong ay nangawit na ang leeg sa kakatingala.
“I’m sorry,” paumanhin nito. “But isn't it true?” dugtong pa ni Axel na tila nawalang bisa rin ang paghingi ng tawad tungkol sa sinabi. Totoo naman talaga iyon dahil iyon ang dahilan kung kaya inimbitahan ito ng mga magulang ng babae sa gabing iyon. Ang makilala ang anak ng mga ito at kung may mamuo mang pagkakagusto sa isa't isa ay magkasundo agad.
“But at least, may free will ako kung sino ang pipiliin kong mapangasawa,” pangbabara niya ulit dito na halata na ang pagkayamot sa kausap.
“Hmm.. You have a point," sang-ayon na lang ng lalaki. "So, may napili ka na ba mula sa mga nakapareha mo tonight?” tanong nito.
Kapagkuwan ay ipinagpatuloy nila ang banayad na pag-indak sa malamyos na tugtugin.
Napangiti lang siya noon nang maalala si Troy, ang anak ng Mayor ng Pampangga. Nauna niya kasi itong nakausap at nakilala.
“What if we’ll have a deal. Tutal naman you owe me something from what happened to you earlier. Baka naman matulungan mo rin ako sa kinakaharap ko?” anito na ang tinutukoy ay ang pagsaklolo nito sa babae nang muntik na itong mahulog sa pool nang iwasan nito ang makulit na masugid na manliligaw kanina.
“What do you mean? What kind of deal?” napamaang siya sa sinasabi nito. Wala naman siyang balak na makipagkasundo dito ngunit dahil iniligtas siya nito sa kahihiyan at itinuring iyon na isang utang na loob ay binigyan niya na rin ito ng tyansang sabihin kung ano ang deal na sinasabi.
“I’ve been running away from my family para lang tigilan na nila akong hanapan ng kapareha. And it's tiring. What if tulungan kita na makahanap ng lalaking para sa iyo, kapalit ng pagpapanggap mo bilang isang babae na person of interest ko?”
Napaisip siya sandali sa sinabi nito. “Why not humanap ka na lang ng babaeng totoong liligawan mo? Less hassle pa,” anas niya dito.
“Kailanman ay hindi ako nagpaasa ng isang babae. All of the girls na naka-date ko, alam nila kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay sa kanila.”
Ikinakunot niya iyon ng noo. “And, why is that?”
“Wala sa bokabularyo ko ang matali at magpakasal sa isang babae.”
Natahimik siya sa narinig mula sa kaharap. Buo ang pagkakasabi nito ng mga salitang binitawan na tila ba siguradong sigurado na sa napagpasyahan. Sa pagkakakilala niya dito na mahilig sa babae, wala sa hinuha niyang wala pala itong balak mag-asawa in the future.
“What you’ve heard is right, wala akong balak magkapamilya,” anito. “So, papayag ka ba? I know lots of bachelors who are looking for someone to marry, too. Malay mo ako ang maging daan mo to find the right one for you.”
Hindi niya akalain na makikipagkasundo siya sa lalaking ito noon. But it started a good friendship between the two of them. Nakadalawang beses din silang lumabas noon ni Axel bago siya pinayagan ng mga magulang na lumabas rin kasama si Troy. At hindi nga ito nagustuhan ng kapatid na si Luis kaya noong ayain siya ulit ng lalaki na makipagkita ay nagsinungaling na siya dito at si Axel nga ang ipinagpaalam niyang makakasama niya noong gabing iyon.
Tunog ng police car ang nagpabalik sa kanyang isipan sa kasalukuyan mula sa pag-alala sa mga nakaraang unang pagkakakilala sa lalaking kasakasama sa loob ng sasakyan ngayon. Itinuon niya pa ang paningin sa harapang sasakyan at medyo nasilaw sa patay sinding dalawang magkaibang kulay na ilaw na nasa itaas ng sasakyan. Inilibot niya ang paningin at napag-alaman niyang nasa tapat na sila ng police station. Nag-panic agad siya at nilingon si Axel.
“What are we doing here?” sumikdo ulit ang takot sa dibdib niya ng makita ang establisyementong iyon.
“Kailangan nating ipa-blotter ang lalaking iyon, Lilly, dahil sa ginawa niya sa iyo!” palabas na ito ng sasakyan ng pigilan ng babae ang braso nito.
“No!” naitaas niya ang boses at ilang beses na umiling. “No, Axel. Malalagay sa kahihiyan ang pamilya ko. Ayoko nang lumaki pa ito.”
“What do you mean? Hahayaan mo na lang ang lalaking iyon sa muntik na niyang pangbababoy sa iyo?”
“I don't know, I’m still confused up to now. Pero isa lang ang nakakasigurado akong ayaw kong mangyari. Ang malaman ng pamilya ko ang tungkol dito. Lalo na si Mama. Baka makasama sa kalusugan niya once na malaman niya ang nangyari sa akin ngayong gabi.”
Umiling iling si Axel sa pagkadismaya sa napagdesisyunan ng babae.
“So, what do you want to do, then?” anito.
“I don’t know. Just get me out of here, please.”
“Okay, fine. I’ll bring you home, now. Para makapagpahinga ka na rin,” inayos na nito ang pagkakaupo upang paandarin na ulit ang sasakyan.
“No. I don’t wanna go home yet,” sa pangalawang pagkakataon ay tumutol ulit siya.
Napalingon ulit si Axel sa dalaga. "They might be looking for you right now Lilly, baka nga pinagtatanong na nila tayo kung kani-kanino."
“I'm still confused, Axel. I still don't know what to say kapag tinanong nila ako."
Ang lalaki naman ang natahimik sandali. "So anong plano mo? Where do you wanna go?”
“Bahala ka na, huwag lang sa mga pulis, huwag lang sa bahay,” pagdidiin niya sa mga sinabi.
Napabuntong hininga na lang si Axel at nagsimula na ulit magmaneho. Binantayan niya kung saan siya nito dadalhin. Mayamaya pa ay huminto ito sa parking area ng malaki at sikat na hotel. Napalingon siya dito.
“Listen, we are just gonna stay here for a few hours para makapagpahinga ka hanggang sa ready ka na umuwi,” anito. “Do you trust me?”
Walang pagdadalawang isip na tumango siya dito bilang kasagutan.