Paulit ulit na yugyug sa balikat ni Axel ang bahagyang gumising sa diwa nito kinabukasan ng umaga. Pupungas pungas pa itong gumalaw mula sa pagkakayakap kay Lilly at hinarap ang anino ng isang lalaking nasa gilid ng hinihigaan nila sa hotel room na kanilang kinapapalooban. Mayamaya pa ay isang suntok sa mukha ang nagpagising dito ng tuluyan.
"Walang hiya ka! Pinagkatiwalaan ka ng mga magulang ko!"
Iyon ang narinig niya mula sa lalaking pamilyar ang boses sa kanya. Dahil doon ay nagising rin si Lilly at nagulat nang makita ang kapatid na si Luis na galit na galit na nakatunghay sa kanilang dalawa. Nilingon niya ang binatang si Axel na halatang nagulat rin. Sapo nito ang nasuntok na pisngi.
"Get up, Lilly! Kagabi ka pa hinahanap nila Mama at Papa! Ano ba ang pumasok sa kokote mo at sumama ka dito sa lalaking 'yan? Natulog pa kayo sa isang kuwarto, magkatabi sa isang kama? Nasaan na ang kahihiyan mo?" Nanlilisik ang mga mata ni Luis habang pinagmamasdan ang dalawa. Kagabi pa nito hinahagilap ang kapatid at ngayon ngang umaga kung hindi pa nito nabalitaan sa social media ang pag-check in ng dalawa sa nasabing hotel ay hindi pa nito mahahagilap ang dalaga.
Napabalikwas ng tayo si Lilly at tila nagulat rin sa sinabi ng kanyang kuya. It’s not their plan na mag-stay doon ng matagal ngunit mukhang iyon na nga ang nangyari dahil sa hindi sinasadyang napahimbing ang tulog nilang dalawa. Ang masama pa ay doon din ito mismo nakatulog sa kanyang hinihigaan dahil magpahanggang ngayon ay nandoon pa rin ang lalaki. Mabilis niyang binalikan ang mga tagpo kagabi noong pagkapasok pa lamang nilang dalawa ni Axel sa kwartong iyon.
Sa pagkakatanda niya, pinahiga siya nito sa isang kama, habang ang lalaki ay pumwesto sa kabilang higaan. It was in the middle of the night nang magpasya siyang palipatin muna ang lalaki sa kanyang kama para pakalmahin lang siya sandali sa pamamagitan ng paghawak nito sa kanyang mga kamay dahil sa tuwing pumapasok sa isipan niya ang mga tagpong nangyari between her and Troy, bumabalik ang panginginig ng buong katawan niya. Ayon sa binata ay nakararanas raw siya ng anxiety attack. Ngayon niya lang nalaman ang tungkol doon dahil first time niyang maramdaman ang ganoong feeling.
Pakalit na pinagmasdan niya ang sarili pati na ang lalaki. Wala namang nagbago sa itsura nila. Suot pa rin naman nila ang damit nila kagabi, maliban sa nagusot lang ang mga iyon mula sa pagkakahiga. Ngunit pwera pa sa pagtatabi nila ni Axel, ay wala na siyang naaalalang ginawa nilang masama.
"Kuya, it's not what you think. Nagpahinga lang kami dito. Hindi lang namin namalayan ang paglipas ng oras."
"Nagpahinga? Sa anong kadahilanan at kailangan ninyong magpahinga?" tanong nito. "At bakit yakap ka ni Axel habang natutulog kayo?"
Bigla siyang napalingon sa lalaki. Wala siyang natatandaan na niyakap siya nito. Ni hindi niya nga naramdaman iyon.
Naitaas naman ni Axel ang mga kamay kasabay ng pagkibit balikat tanda nang hindi na rin nito namalayan kung ano na ang position nila kagabi sa pagtulog.
“I saw it pagpasok na pagpasok ko dito. Hindi ganito ang magiging reaksyon ko kung hindi ko nakita na nakayakap ang braso ni Axel sa katawan mo while you are hugging his arms,” malakas ang pagkakasabing iyon ng kapatid.
Bahagya siyang napailing sa hindi malamang magiging reaksyon. "Kuya, it's nothing," saad niya na lang. "Tara, umuwi na tayo," pag-aaya na niya dito upang hindi na lumaki pa ang issue na nakita ng kapatid.
"No! Mama was rushed to the hospital this morning nang makita kayo sa balita na magkasamang nag-check in dito."
Nanlalaki ang mga mata na nagkatinginan silang dalawa ng binata. Malaking pagkadismasya ang naramdaman niya. Una ay nakarating na iyon sa mga magulang, pangalawa nabigyan pa ng ibang kulay ang pagpapalipas lang naman nila ng oras sa lugar na iyon. At dahil nga doon ay inatake sa puso ang ina. Ang bagay na kinakatakutan niyang mangyari kaya nga nagpasya muna siyang huwag munang umuwi at pakalmahin muna ang sarili kagabi. Hindi naman niya akalain na may nakakakita pala sa kanila sa pagpasok nila sa hotel na iyon .
Matinding takot ang sumaklob sa kanyang dibdib. Sinisisi niya ang sarili sa kapabayaang nangyari. And it all happens dahil lang sa pagsama sa maling lalaki na ang buong akala niya ay nirerespeto siya. Nagsimula siyang maging emosyonal. Samantalang si Axel ay nanatiling tahimik lamang. Bagamat sanay na ito sa madalas na pagiging laman ng balita at social media sa mga kalokohang ginagawa ay dismayado din sa narinig. He loves his mother, at kahit na pasaway ito, hindi nito gustong may mangyaring masama sa sinumang Nanay na alam nitong malaki ang sakripisyo sa pamilya gaya ng ina nitong tahimik lang sa kabila ng lahat ng pasakit na ibinibigay nito.
"Bakit kasi hindi n'yo na lang sinabi sa amin na kayo na pala. Hindi ninyo kailangang magtago" anas pa ni Luis. "Ikaw, Lilly. Oo nga't hiniling ni Mama na makapangasawa ka ng maaga, pero hindi mo kailangang gawin ito. Pinalaki tayo ng marangal ng mga magulang natin. Kung mahal n'yo naman ang isa't isa, pwede naman daanin ang lahat sa tamang proseso."
"What? What are you talking about?" sambit na ni Axel na halata ang kaba sa dibdib.
"Kuya! Magkaibigan lang kami ni Axel!" paglilinaw niya sa maling akala ng kapatid.
Napakunot ang noo ni Luis sa sinabi ng dalawa.
"We just slept in. Walang nangyari sa amin. We are not even in a relationship!" dugtong pa ng binata.
"Wala naman pala kayong namumuong relasyon sa isa’t isa pero bakit magkasama kayong nag-check in sa isang hotel?" galit na sambit nito sa dalawa. " We all have a reputation na iniingatan. Kung ikaw, Axel, wala kang pakialam sa reputasyon ng Tatay mo, inisip mo sana ang sa amin. Kailanman hindi nadungisan ang pangalan namin. Matanda ka kay Lilly, you know better. O wala ka lang talagang pakialam at pinagsamantalahan mo lang ang kainosentihan ng kapatid ko?"
Napailing ulit ang lalaki at sa pagkasiphayo ay naisuklay ang isang kamay sa buhok. "Walang nangyari sa amin, Luis," anito na dalawang taon lang ang agwat sa kausap. "I just brought her here to accompany her because of what happened to her last night. Tell him the truth Lilly!" Pinukulan nito ng tingin ang dalaga.
Namilog ang mga mata ng babae sa gustong ipaamin ni Axel sa kanya. Kagabi pa lang ay nakapagpasya na siya na hindi niya ipapaalam ang buong nangyari sa kanyang pamilya. Na ibabaon niya na lamang sa limot ang lahat.
"Lilly, tell him the truth!" pangungulit na nito.
Tila umurong ang dila niya sa biglaang komprontasyong nangyayari.
"What? What's the truth?" tanong ulit ni Luis na naguguluhan na rin.
"Kuya, let's just go home. Hayaan na natin si Axel. Wala naman talaga kaming ginagawang masama," saad niya na tila hindi pinansin si Axel at hindi narinig ang mga pagtatanong ng kapatid.
Naipalo ni Axel ang mga kamay sa kamang inuupuan sa pagkadismaya.
Magsasalita naman na sana ulit si Luis nang tumunog ang telepono nito. Agad nitong sinagot iyon nang makita na galing sa ama ang tawag. Nasaksihan ng dalawa na ilang minuto itong natigilan. Naghalo ang galit sa mga mata nito pati na ang pagiging emosyonal nang putulin nito ang tawag na iyon.
"You will not gonna get out of this mess Axel. Hindi mo masasama ang kapatid ko sa mga koleksyon mo ng mga babaeng isinantabi mo lang pagkatapos galawin." Nanlilisik ang mga mata nitong dinuro-duro ang lalaki. Lumakad ito papunta sa pintuan upang papasukin ang dalawang pulis na all along ay naghihintay lang pala roon at nakikinig. Dumiretso ang mga ito kay Axel at agad na hinawakan ang mga braso ng lalaki. "Let's go, sila na ang bahala sa lalaking 'yan!" hinila nito ang kamay ni Lilly upang makalabas na mula sa kuwartong iyon. Ngunit noong akmang poposasan na ng mga pulis si Axel ay umalma na si Lilly.
"Kuya, walang kasalanan si Axel. Let him go!" Inalis niya ang pagkakahawak sa kanya ng kapatid at pumunta sa tabi ng binata upang pakawalan iyon ng mga pulis.
"Lilly, nag-aagaw buhay na si Mama. Mas pipiliin mo pa ba mag-stay dito kasama ang lalaking 'yan?" namimilog na ang mga mata ni Luis sa galit.
Dahil doon ay tila nataranta si Lilly. Kusa na itong sumama kay Luis. Samantalang hindi na naposasan pa ng mga pulis si Axel dahil nagpasya itong sumunod sa dalawang magkapatid sa pag-aalala rin sa nangyayari sa Nanay ng babae.
"Magpapakasal kayo sa lalong madaling panahon, sa ayaw at sa gusto ninyo!" iyon ang bungad ng ama ni Lilly nang pulungin nito ang dalawa sa labas ng emergency room kung saan naroon pa rin ang asawa. Fortunately, nakaligtas si Mrs. Soleman sa bingit ng kamatayan. Ngunit dahil nag-uumapaw pa rin ang galit sa dibdib nito sa lalaking kasa-kasama ng anak sa buong magdamag ay napagpasyahan nitong ipagkasundo na ang anak para maiwasan pa ang malaking kahihiyan sa pamilya.
"Ho?" iyon lang ang namutawi sa bibig ni Axel na napamaang at napatingin sa dalaga na siyang katabi noong mga oras na iyon.
Samantalang si Lilly, bagamat nagulat rin sa desisyon ng ama ay nanatili pa ring tikom ang bibig sa totoong nangyari noong nakaraan gabi.