Ang sama-sama ng tingin sakin ni Collosus habang nag-aayos ako ng lamesa. Hindi ko siya pinansin kahit panay ang halukipkip niya. Naghanap nalang ako ng baunan sa mga cupboard.
“San yung mga baunan mo dito?”
“Third from the left.”
Binuksan ko ang sinabi niya at kumuha ng tatlong malalaking baunan.
“What are you doing?”
Nilalagay ko kasi sa baunan yung mga pagkaing hindi nagalaw dahil sa dami. “Ibibigay ko ‘to sa mga bata. Kala mo siguro masasayang 'no? Nagluto ako ng madami para mabigyan ko sina Cesar. Sabi mo naman kasi kahit anong gusto ko kaya nilubos-lubos ko na hehe. Ngayon lang to,” I batted my eyelashes.
Lumaki ang mga mata niya.
“Tss. You should've told me. We could've ordered or something.”
“Anong order? Gago ka ba? May pagkain na nga dito, bibili ka pa? Gagasto ka pa eh meron na nga dito. Magluluto nalang ako.”
“Okay. Just saying.”
Saying saying. Dami alam.
“Tara na nga. Anong oras na o?”
Nilagay ko ang mga baunan sa isang bag at inabot ko sa kanya. “Oh hawakan mo. Mabigat.”
“What? Why? I'm your boss, you're supposed to carry things for me, not the other way around," nalukot ang mukha niya and his face was priceless.
Tam nga naman kasi. Ako yung ‘maid', siya ang amo kaya ako magbubuhat pero mabigat kasi madami.
“Para naman may silbi ka. At mabigat nga, mahihirapan ako magbuhat. Bahala ka matatagalan tayo.”
“Tss. Damn it.”
Hinablot niya sakin at nagmamadaling nagmartsa palabas. Pigil na tawa ang pinakawalan ko nang mawala na siya sa paningin ko. Pfftt. Ngayon lang ako may nautusang mayaman. Sobrang yaman pa!
“Huy hindi diyan ang daan," saway ko nang makitang ibang daan ang tinatahak namin.
Hindi siya umimik. “Huy! Sabing hindi diyan, ano ba?”
“Just shut up.” Eh? Okay.
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. We entered a subdivision with simple houses. Yung mga bahay na pang mga middle class ganun, but the houses are still beautiful. Two-story houses with just a single garage.
Tumigil kami sa isang park kung saan nakita ko sina Cesar na naglalaro sa swing. Bumaba agad ako at kumaway sa kanila.
“Ate Hydra!” sinalubong nila ako at niyakap.
“Ate Hydra, ang ganda po dito! Ang babait po ng mga kalaro namin.”
“Oo nga ate Hydra! Masarap din po ang pagkain nila dito.” Sino pa nga ba? Eh di si Ralp.
Nilingon ko ang papalapit na Collosus.
“Their papers are still on process so I brought them here, for the mean time,” paliwanag niya.
“Don't worry. My friend is cool with it. They don't have kids yet so they willingly took them.”
“Why are you doing this?” nag-iwas siya ng tingin.
“I also pity them so…”
“So? Hindi mo nga sila gaanong kilala eh.”
“W-well, we ta-talked. They told me they don't want you to working so hard for them and that they want you to earn too. Cesar said he doesn't want them to burd-“
Niyakap ko siya. Naiiyak kasi ako. Hindi ko akalain na kahit gagong mayaman ito gustong tulungan ang mga bata. Akala ko katulad lang din siya ng iba diyan na walang pakialam dahil hindi naman kamag-anak at mayaman naman. Hindi ko inakala na dahil lang sa kinausap niya ang mga bata ay gagawa na siya ng paraan para matulungan sila.
“Thank you. So much,” pinunasan ko ang gilid ng mata ko bago ako kumalas sa yakap.
Siya, ayun, nakatunganga na naman.
“Hoy!” I snapped my fingers.
“Sabi ko salamat. Maraming salamat talaga.”
Napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya.
“Oy bakit namumula pisngi mo?” he turned his back on me.
“Oy-“
“Ate ano po dala niyo? Pagkain po ba?”
“A-ah? Oo oo pagkain yan. Kumain na ba kayo?”
Inakay ko ang mga bata papunta sa isang bench doon. Ako na ang kumuha ng bag kay Collosus dahil hindi na naman niya ako pinansin. May kinausap siyang lalaki kaya hindi ko na makausap.
Nagkwentuhan kami ng mga bata at ilang sandali pa ay palapit na si Collosus. Tapos na silang mag-usap nung lalaki.
“He's the guy I told you. Pansamantala lang muna sila doon. When their papers are done, we're going to drive them to the orphanage.”
Orphanage? Tiningnan ko ang mga bata.
Masaya sila kahit mahirap ang buhay basta magkakasama sila. Mas maganda na rin sa orphanage para maalagaan sila ng husto at mapag-aral na rin.
“We also offer scholarships for the children so they don't need to tire themselves out picking plastics.”
“Sayo yung orphanage?”
Akala ko sa kakilala niya lang. Hindi naman kasi halatang matulungin ‘to pft.
“Yup. Let's go. I still have some works to do at the office.”
“Ha? Akala ko ba katulong lang ako? Bakit pa ako sasama sa office mo? I'm just going to stay with the boys.”
He glared at me. Nagiging habit na ata niya yan ah.
“No. You're coming with me. There's a mini-kitchen in the office and I need you to cook me lunch or whenever I want to. That is also included in your ‘extra payment services’.”
Napatayo ako agad. Extra payment is now my favorite words hehe.
“Aye aye, Alcazaren!”
“And stop calling me that. I have a name.”
“Ba’t ka ba nangingialam? Eh ako ang nagsasalita. C’mon, you're gonna be late, Alcazaren.”
Wala siyang nagawa kundi ang pag-walk outan nalang ako.
“Babalik ulit kami ha? Wag kayong mag-alala, malapit na kayong lumipat sa mas maraming bata. Mag-aaral na rin kayo at siguradong hindi na kayo mamumulot ng plastik.”
“Talaga po, ate? Pero masaya din po dito at mabait naman po sina kuya.” Si Joey.
“Magkakaroon na din ng anak ang kuya niyo. At syempre hindi din pwede dahil lilipat din sila sa ibang bansa kaya wala na sina kuya.”
Nasabi sakin kanina ni Alcazaren na susunod na daw sila sa parents ni Otis sa ibang bansa dahil wala silang kasama doon. Wala nang matitira dito.
“Sige po ate. Bisitahin nyo din po kami dito bukas, ate ha? Kayo po ni kuya.”
“Oo, Cesar. Ikaw na ang bahala kina Ralp ah? Wag mong hahayaang ubusin ang pagkain nina kuya niyo." Sumimangot si Ralp.
“Opo ate.”
Hindi ko pa nakakausap yung kaibigan ni Alcazaren kaya ibibilin ko nalang sa kanya.
“San na nga yung kaibigan mo?”
“Why?” binuksan niya ang pinto at hinintay ko muna siyang makapasok bago nagsalita.
“Syempre gusto ko magpasalamat sa kanya. Napaka walang manners mo talaga.”
“I already thanked him. No need to talk to him.”
“Eh syempre iba parin kapag ako ang kumausap 'no.”
“Tss. How is that different? You're just making up excuses to meet him.” Suminghap ako.
“Hoy kung makabintang ka ha. Nagtatanong nga lang ako, gusto ko lang namang makilala ang ‘kaibigan’ mong nagpapakain sa mga bata. Inaaway mo na ako.”
Hindi ako makapaniwala nang makita siyang ngumuso. Eh? Alam niya pala mag-pout bukod sa umirap?
“Fine, whatever. I just thought you want to know him that bad.”
“Eh gusto ko nga-hayyy. Nakakagago ka naman kausap. Hmp.”
“Tss. I'm not.”
Pagka-park niya palang sa parking bumaba na ako. Excited akong makita ang workplace niya. Ano kayang trabaho ng gagong to dito sa malaking company? Siguradong mataas ang position kasi mamahalin lahat eh.
Pumasok kami sa elevator at tumitig na naman ako sa mga buttons kahit na nakatingin na naman siya sakin.
“Stop staring. You look stupid.”
“Wow ha. Paki mo ba? Ignorante ako at hindi ako nahihiya.”
Ito talaga hindi makaintindi.
“Because you look like you have seen an alien even if its just the elevator.”
“Bago nga kasi sa paningin ko. Ugh.” Di siya sumagot.
“Good morning, Sir.” Isang babae ang bumungad pagkabukas ng elevator.
Maraming tao ang nag-aabang sa may sofa doon. Pagkakita kay Collosus na papalapit, bigla silang nagtayuan lahat.
So, tama nga ako? This guy is one of the high officers kaya ganyan sila makaasta.
“G-good morning, Mr, Alcazaren.”
“Hello, Sir. Good morning po.” Yumuko yung babae.
“Amitty,” may tinawag siya tapos dali-daling lumapit yung babaeng nasa likod ng secretary's table.
“Sir?”
“Get the documents from them and put them on my table. Cancel my meetings for today too.”
Ohh. Secretary nga niya. “Yes, sir.”
“Uh, sir. S-si Miss A-ash nga pala, galing kanina dito.”
May girlfriend siya? Interesting.
I wonder, sino naman kaya ang magta-tyaga sa kasungitan ng lalaking ‘to?
“Why?” parang walang pakialam niyang sabi.
“She said she wants to talk to you, s-sir.”
“Don't entertain her. Tell her I'm busy when she comes back.”
“O-opo, Sir.”
Bakit ba nauutal ang babaeng ‘to? Maganda naman, matangkad at maputi. Bagay din naman ang glasses niya sa kanya.
I think, Collosus is not that intimidating. Pero baka naman strict itong boss nila kaya ganun. Hindi ko namalayan na pumasok na siya sa opisinang may ‘CEO’ sa taas.
I knew it! That's why this folks are acting like that. Their boss is a hot as hell but not to mention brooding. I saw someone earlier pulling out a press powder and a lipstick.
Well, he's charismatic and the s*x appeal is enigmatic which pulls the girls closer kaya no comment.
“M-miss, may appointment ka ba?”
“Huh? Ako ba? Ah, wala. Sinama lang ako ni Collosus dito kasi daw kailangan niya ng katulong.”
“Katulong? Katulong ka?” nanlalaki ang mga mata nung Amitty habang nakaturo sakin.
“Oo. Bakit?”
“W-wala naman. Ngayon ko lang kasi nakitang may kasama si sir Collosus pumasok at ngayon ko lang din alam na may katulong siya.”
“Talaga? Kaka-hire niya lang kasi sakin kahapon kaya ganun.”
“Pero ngayon lang talaga siya may kasamang b-babae. Matagal nang binibisita ni Mam Ash si sir kaso ayaw niya sa kanya. Lagi niyang pinapaalis.”
“Girlfriend niya ba yun?”
Wala namang sinasabi si Collosus na sumunod ako kaya makiki-chismis muna ako sa secretary. Nilagay na rin ng mga employees ang documents sa table niya at umalis na.
“Hindi din namin alam. Wala ding nagtangkang nagtanong kasi natatakot silang makialam. You saw our boss. He's more scary when mad.”
Diyan ako salungat. Hindi naman siya gaanong nakakatakot para sakin. Laging galit ang mukha pero hindi naman talaga.
“Aah so yung Ash, may gusto sa kanya?”
“Yup. Lagi niyang dinadalhan ng inorder pagkain pero ayaw ni Sir. Pinapakain niya sa amin o pinapauwi niya.”
“Baka kasi ayaw niya ng order?”
Umiling siya. “Lahat naman ng dinadala ayaw niya. Hindi-“
“Amitty.”
Sabay kaming napalingon sa magandang babaeng kalalabas ng elevator. Siniko ako ng secretary.
“Siya yan.”
Eh?
I stared at her flawless face, down to her sexy dress and six inches killer heels. Grabe, trip ba nito mag rampa dito? Pang Miss universe ang aura ah. Ang kapal pa ng make up niya kahit maganda na naman.
“Is Collosus in?”
Tiningnan niya ako pataas pababa. Tumaas ang kilay ko.
“A-ah yes po. Kakararating lang niya kanina pero busy po kasi siya kaya hindi niya kayo makakausap ngayon.”
“Really?”
Habang nag-uusap sila, pasimple akong tumagilid at naglakad paalis. Nang medyo nakalayo na ako kung nasaan sila, nanakbo bo ako papasok ng elevator. Nakapasok na ako pero nakatingin ako sa buttons.
Shet! Hindi nga pala ako marunong nito! Tanginers!
Dahil hindi ako makagalaw, pinindot ng katabi kong lalaki ang isa sa mga numbers. Sumara na ito pero nakatingin parin ako doon.
“Uh excuse me.” At dahil hindi nga ako nahihiyang ignorante, kinapalan ko na mukha ko hehe.
“Paano ba gamitin yan?” muntik na akong maupos sa hiya pero kailangan kong magtanong!
Pati yung lalaki nahiya. “Hehe ganito yan miss. Pindutin mo ito kapag sa 10th floor ka bababa. Ito naman kapag sa groundfloor…”
Nagturuan kami sa loob habang pababa ito. Mabilis lang yun pero hindi siya tumigil kahit nasa floor na kami kung san siya bababa.
“Nakakahiya naman sayo baka pagalitan ka.”
Sabi ko habang papalabas na kami ng lobby. “Hindi, okay lang. Tawagin mo lang ako kapag-“
Nasa kalagitnaan na kami ng lobby nang may sumigaw.
“HYDRA! You-“
Shit! Yung gago!
Galit na galit yung mukha niya habang nagmamartsa palapit sa amin. Namutla ang katabi ko habang tinitingnan ang boss niya.
Shutanginers! Lagot na!
Tatakbo na sana ako paalis nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko.
Ouch ha. Hindi na naawa sa buto ng braso ko.
“Damn it! Where the f**k do you think you're going!? Huh? And you're with a f*****g guy?!”
Lumingon ako sa likod niya. Kalalabas nung Ash at si Amitty sa elevator. Pansin ko ding nakatingin silang lahat sa amin.
Hala! Nakakahiya!
“Hinaan mo nga ang boses mo. Nakakahiya ka. Akala ko kasi pwede na akong umuwi kaya umalis ako hehe” nag peace sign ako.
Mas lalong umusok ang ilong niya. “Did I tell you to go home?! NO! I brought you’re here to serve me, not to sneak behind my back with a guy!”
“Hoy! Ang ingay mo ha. At anong serve? Hindi mo ako alalay, uy. Katulong ako, hindi alalay. Isa pa, hindi ko kasama ito. Nagpatulong lang ako sa may elevator kasi nga hindi ko alam ang pipindutin at siya yung kasama ko.”
“Damn f*****g buttons!” nagmura-mura pa siya habang hila hila ako pabalik.