Six: Momma's boy

2134 Words
“You're not going to leave when I didn't tell you to and don't talk to anyone without my permission. Understand?” “Wow naman, Sir. May katulong bang bawal makipag-usap sa ibang tao dahil lang sa ayaw ng amo niya? Parang wala naman po ata hehe. Paano naman si Manang Ofel niyan? Sina Ralp? Ii-snobin ko ba?” ngumisi ako. “Don't go smart on me now, Hydra. Heed my word or you're not getting your extra payments.” Sa dinami-dami ng tumawag sakin sa pangalan kong Hydra, siya lang ang nakapag-patayo ng balahibo ko dahil lamang sa pagbigkas nito. “Asan na nga pala yung si Ash-“ “Hydra!” “Eto na nga tatahimik na po o.” Hirap pala galitin neto hehe. Shuta! “Si Sir naman di na mabiro hehe. Don’t forget to pay me for coming with you here. Dapat naglilinis ako sa condo mo ngayon at dapat every day ang sweldo ko.” “Yes. I'll give you your salary when I drop you off later. Now, go make me some coffee.” Tinuro niya kung saan banda bago umupo sa swivel chair. Malinis naman ang office niya at malawak. May sarili ding comfort room at coffee maker sa kabilang gilid. Dahil hindi ko alam kung anong timpla niya, yung gusto kong lasa ng kape ang ginawa ko. Creamy. “Your coffee, Sir.” Nilambingan ko ang boses ko para hindi siya magalit kung sakaling ayaw niya ng lasa. To my surprise, hindi naman siya ngumiwi o ano- “It's good.” “Eh? Akala ko ayaw mo kasi creamy? Most guys like you prefer black you know. Yung walang asukal?” “Now you know I'm not one of those ‘guys’.” “Oo nga hehe. Tapos?” “Huh?” his face contorted in a confused look. “Ano na ang gagawin ko?” “Oh. There are books under the glass table and also in the mini-shelf. You can read while waiting.” “Ano? Gago ka ba? Kung yun lang pala ang gagawin ko, aalis muna ako.” Madami pa sana akong gagawin ngayon tapos siya, pagbabasahin lang ako maghapon? Hah! Mukha niya! “I'm paying you right now so you will follow me. At saan ka na naman pupunta? Sa barbershop? Magpapaturo sa elevator? C'mon Hydra, give me a break. You will stay and don't go anywhere.” Hindi naman makaintindi ang isang ‘to. Nakakainis! “Eh marami pa nga akong gagawin! Pupunta pa akong palengke at maghahanap ng trabaho. Dagdag kita din yun ano. Mayaman ka kasi kaya hindi mo alam. Hmp.” “Fine. I'll pay you double. Stay.” “Talaga? Wala nang bawian yan ah?” nagniningning ang mga mata ko. Yes! “Tss.” Ngumiti siya at tumango. Tinuro niya ang table sa may gilid kaya masaya akong nagtungo doon. Naghalungkat ako ng mga novels at nagbasa na. Ilang oras kaming ganun. Sumusulyap sulyap siya sakin at tatanungin kung may gusto ba akong meryenda pero hindi naman ako gutom. Because I was so engrossed with what I was reading, I just shook my head. Hindi na din naman siya nag-usisa. Hanggang sa marinig kong may kumatok. Pinakinggan ko lang ang mga boses nang hindi nag-aangat ng tingin. “Come in.” “Sir, Miss Lashana is here-“ Hindi pa natatapos magsalita si Amitty nang may pumasok ulit na isang babae. Yung seksing babae. “Babe! I missed you! You're avoiding me lately. Akala mo hindi ko napapansin. Nagtatampo na ako. You’re not visiting my condo na. I feel lonely tuloy.” Doon ako napa-angat ng tingin at nakita ko ang nakangusong si Lashana daw. Akmang yayakapin si Collosus pero umiwas ito. Inis na naman ang mukha. Nakatayo na silang dalawa at si Amitty ay napapaiwas ng tingin. “What the f**k are you doing? You are not my girlfriend. Don’t act as if we have something going on.” Sakit nun ah! Gago neto. Sumimangot yung babae. “But I like you, Zaren. Don’t I mean anything to you? I've been waiting for you to like me back for a long time now. You don’t like me ba talaga?” Huwaw. Grabe ang confidence ng babaeng ito. She has the guts. Hindi siya nahihiyang sabihin ang nararamdaman niya kahit pa harap-harapang inayawan. “I don't so get the f**k away from me. Escort her out.” Tatayo na sana ako kasi baka ako yun pero sinamaan niya ako ng tingin. “Not you.” Hehe akala ko ako eh. “Miss Ash, tara na p-po.” “Zaren! I'm not giving up. I know you like me and you l**t over me. You're just denying it!” Nag-walk out siya at sumunod si Amitty. “Oy ang harsh mo naman. Ang ganda ganda nga niya eh, ayaw mo? Tsk tsk. Ilan nalang ang babaeng vocal sa feelings at true pa. Tapos ikaw-“ “I said I don't like her. Period.” “E-eh. Bahala ka.” Bumalik kami sa dating ayos kanina. Wala kaming imikan hanggang sa magtanong siya. “What are you supposed to do in the market?” Humarap ako sa kanya. “Wala, rumaraket ganun. Kargador ng gulay o tinutulungan si mang Eban sa pagtitinda ng isda. I have lots of rackets paying not much and if it's not enough to buy the kids food, I resort to pickpocketing. Nakakahiya man pero anong magagawa ko eh walang wala eh.” “Did you not try to apply in restaurants or malls?” “I did. Pero kung hindi man bastos ang mga kasama ko eh pangit naman ang ugali ng manager. I gave up so I ended in a barbershop.” Umigting ang panga niya. “I won't allow you to go back there.” “Oo na nga. Pwede ba palang mag-advance ng kahit ilang libo lang? Promise! Hindi kita tataguan, rest assured.” He raised his brow. “Why?” “Si mang Eban kasi may sakit yung asawa niya. They are both old so I-“ Tumigil ako ng makitang kinuha niya ang checkbook at nagsulat. “Huy kahit five thousand lang okay na yun. Baka million naman na ang ilagay mo. Wala akong pambayad at ayaw kong may utang akong malaki sayo.” Hindi pa rin siya tumitingala. “Hoy! Sabing wag milyon. Bahala ka hindi ko yan tatanggapin.” “It's just a few thousands. Don’t worry, I know you can pay it," ngumisi siya pero hindi ako makukumbinsi neto. Inabot niya ang cheque pero hindi ko kinuha. “I said, I don’t want to, Collosus.” Wala ng emosyon sa mukha ko. “Hydra, I know you need it. Hindi naman para sayo eh. Its for the old couple you're talking about,” his voice was soft, coaxing me. “Yes, but I'm the one who's gonna pay and I refuse to be indebted to you.” Nag-away pa kami ng ilang sandali. Kalahati ng half million pala ang nilagay niya. Sabi niya kasalanan ko daw kapag hindi napagamot ni mang Eban ang asawa niya at lumala. Lola has heart disease pero dahil kapos ay hanggang sa gamot lang. Kalaunan, nakumbinsi niya akong kunin ang pera. “Bakit mo ba ginagawa ‘to? Kahapon ko pa ito gustong itanong eh. Hindi mo naman ako kilala ah. And we don't even knew each for a month. How could you let me trust me with something like this?” nag-iwas siya ng tingin. I don’t want to misinterpret his actions that's why I need answers. What I'm thinking is not even close to possible. “I just… trust you. I'm trying to help, hindi naman siguro m-masama yon. I can see that you're a good p-person and I found you trustworthy so…” Tumango ako. “Ganun pala yun? Okay. Sabi mo eh hehe. Basta babayaran ko ‘to ah? Unti untiin mo nalang ibawas sa sweldo ko pero wag lahat ah? Baka wala na akong maipon. Thank you din ulit sa pagpasok sa mga bata sa foundation mo. You’re the best philanthropist.” Sumilay ang ngiti sa labi niya. *knock knock* “Ako na magbubukas!” dahil sa tuwa, para akong nanalo sa lotto habang binubuksan ang pinto. “What the f**k?” my smile faded. “What the f**k rin. Ako ba minumura mo?” pinandilatan ko ang lalaking bumungad sa akin. I don’t know him but he looks like he was shocked upon seeing me. “Anong ginagawa mo dito?” “Kilala mo'ko? Feeling cl-“ “Rick! What brought you here?” ‘Rick’ darted to Alcazaren, his eyes still in daze. Problema nito? Weird. “What is this girl doing here, Zaren? Akala ko ba-“ “Why are you here, Rick?” diniinan nito ang tanong while his eyes are warning Rick. He's stopping him from saying something he shouldn't. “Ah? Masama na bang bisitahin ang kaibigan ko? You didn't tell me you have a girl coming over,” from shocked to teasing, tumaas baba ang kilay niya kay Collosus. Thee latter just raised his brows and glared at him. “Huh?” but I was disregarded. Ugh. “Tss. Anong sasabihin mo? Kung wala, you can go.” “Woah. Are you really my friend? May kasama ka lang, pinapaalis mo na ako?” nanunukso parin ang lalaki. “Hindi ka naman ganyan dati ah. What happened to my ‘let's-go-rock-the-club’ buddy?” “Gago! Umalis ka na nga.” “And you even cussed in tagalog?!” the guy tsked. “Out Rick.” “Alright alright. Just call me for the juicy details bud!” tumakbo ito palabas bago pa man siya maabutan ng lalaki. “Tanga lang?” sabi ko nang wala na kaming kasama. “Don't mind him. He's just being a dick.” “Sabi mo eh.” Wala naman akong alam sa pinag-usapan nila kaya wala akong masabi. Mag-gagabi na nang hinatid niya ako sa amin. “Uy, nagugutom ako.” “Why didn't you tell me earlier? Tss. San mo gusto kumain?” Tinuro ko yung karinderya ni ate Mela di kalayuan. “Diyan nalang. Kakain ka din ba? Masarap ang adobo ni ate.” Tinitigan niya lang ang karinderya. “Sasama ka ba o hindi? Pwede namang hintayin mo nalang ako sa loob ng sasakyan mo? Baka allergy ka sa mga ganito?” the flare in his eyes made me laugh. Lahat nalang talaga ng bagay, kinagagalit nito. “Let's go. Try not to vomit though. Pfft.” Inasar ko pa siya kaya nalukot ang mukha niya. Wala siyang imik nang umupo na kami sa may stool. “Ate Mela, isang order nga ng adobong manok tapos tortang talong. Padagdag na din ng red egg kung meron. Salamat.” “You're that hungry huh?” “Oo nga. Ikaw? Hindi ka ba kakain?” “Nah. But do they have some coffee?” “Meron pero yung three in one lang. Gusto mo?” Tumango siya at hindi na nagsalita. He was just observing ate Mela preparing the food until she served them. Kumain na ako habang nagkakape siyang nakatitig sa akin. I was conscious at first pero binalewala ko nalang. Para naman kasing tanga. Kitang kumakain yung tao tapos nakatitig. Jeez. After a few minutes, nakaupo nalang kami don habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan. “Uy, si Alyse yun ah! Kita mo nga naman ang swerte oh.” Sabay kaming lumingon sa gilid ng may nagsalita. “Oh. Ikaw pala, Jeff-the momma’s boy. Tagal mong hindi nagpakita ah?” hindi naman sa mayabang pero alam kong pagsasalitaan na naman ako nito kaya inunahan ko. Napalitan ng masamang tingin ang ngisi niya. Ano ka ngayon? “Tangina mo, Hydra! Hindi ko pa nakakalimutan amg ginawa mo sa amin ng nanay ko! Alam mo bang nagsara ang tindahan namin dahil sayo?” "Hey! Don't you f*****g shout-" "Ako na," pigil ko sa kanya. He just threw me an irritated glance pero hindi na umimik. “Oh? Di maganda. Hindi na maghihirap ang mga tao dahil sa malaking patong ng mga tinda niyo. Kung hindi ba naman kayo ganid eh di sana hindi napasara diba?” tumawa ako. Oo. Ako ang dahilan ng pagpapasara ng mini-grocery nila. Pano ba naman? Halos kalahati ng dating presyo ang pinapatong nila sa bawat produkto kaya ayun, nireport ko. Wala din silang business permit kaya bumagsak. “Gago ka talaga! Mukhang pera! Pinerahan mo na nga ako noon, pati ba naman negosyo namin!?” “Oy oy oy! Mas gago ka. Huwag ka ngang magsasalita ng kung anu ano nang hindi ko masubsob mukha mo sa semento! Wala akong hininging pera sayo ‘no. Kung ang cheap lang na bracelet na binigay mo sakin ang kinagagalit mo, tangina binayaran ko yon sayo! Sobra pa! Kung makapag salita ka akala mo isang libo yun ah! Gago!” Mas lalong namula ang mukha niya. Medyo nahiya din sa dalawang kasama niyang nagpipigil ng tawa. Ang katabi ko naman ay tahimik parin pero ramdam ko ang katawan niya sa gilid ko. “Tandaan mo 'to, Alyse. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo! May araw ka rin sakin!” tumalikod siya at nagmartsa paalis. “Hihintayin kita, momma's boy!” kumaway pa ako habang nakangisi. “What the hell was that?” napatalon ako sa nagsalita. Shuta! Oo nga pala! “Ah hehe. Wala yun. Mga gagong siga siga sa daan," ngumiwi ako. If his eyes can spit fire, I’d be ashes by now. “Naku, Alyse! Nung isang araw pa nag-aabang ang mga yun dito. Laging nagtatanong kung napadaan ka daw ba. Syempre sabi ko, hindi.” And ate Mela being oblivious, she just dug my grave. Fuck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD