Naglakad ako papasok ng street namin. Tumakas lang ako pauwi dahil ayaw akong paalisin ni Alcazaren sa ospital ng hindi siya kasama. I pushed him to go home a while ago tapos saktong bumalik agad si Mam Solen para daw samahan akong magbantay kaya nagpaalam akong uuwi para magpalit saglit.
Aba, ilang araw nakong hindi nagsisipilyo, nahiya naman ako kahit hindi naman nagrereklamo ang mga kasama ko sa silid ni Byron hehe.
“Oh Alyse, kumusta na raw si Byron? Pwede na bang umuwi?” salubong sakin ni Manang.
“Hindi pa Manang. Baka ilang araw pa daw siyang mamamalagi sa ospital bago payagan. Titingnan pa kung okay na ang pakiramdam at bibigyan pa siya ng gamot.”
“Ganun ba. Mas mabuti nga kung sisigiraduhin muna bago pauwiin, baka mamaya hindi pa pala okay.”
Tumango ako. Aakyat na sana ako para magpalit pero nagsalita si Manang.
“Kumusta na nga pala kayo ng kaibigan mo?” oo nga pala! I nearly forgot about Alcazaren’s mom!
“Manang, gusto daw akong makilala ng mama niya.” Napatingin siya sakin ng may nanlalaking mga mata. “Ano? Kayo na ba, Alyse?!”
“Po? Hindi po lola!” nag-panic ako.
“O eh bakit ka ipapakilala?”
“Gu-gusto daw kasi akong makilala ng mama niya. Sinabi yata kasi ni Alcazaren na nililigawan niya ako nang tumawag siya at tinanong si Collosus kung kumusta na raw ang buhay pag-ibig niya tapos… yun.” Yumuko ako.
Nahihiya ako. Hindi kailanman ako nagpakilala kay manang ng mga manliligaw ko noon dahil puro sila gago pero iba ang kay Alcazaren.
“Ahh… May balak ka bang sagutin siya?”
I wanna lie but… “Opo, Manang. Tingin mo po tatanggapin ako ng mama niya?”
Medyo lumungkot ang mga mata niya. “Hydra… masikap ka kahit hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral. Mabait ka din at maalalahanin. Kahit papaano, nakakaya mong tulungan ang mga bata sa lansangan na hindi mo naman kaanu-ano. Nasisiguro kong walang aayaw sayong magulang kung kikilalanin ka nila ng husto. Sa sitwasyon mo, mayaman ang pamilya ni Collosus, at ang karamihan sa kanila ay mapili sa mapapangasawa ng mga anak. Bihira lang ang mga may kayang magulang na tanggap ang hindi kabilang sa estado ng pamilya nila.” Hinawakan ni manang ng mahigpit ang kamay.
“Kung talagang mahal ka ni Collosus, hindi ka niya hahayaang alispustahin at pagsalitaan ng mga kamag-anak niya. Huwag kang mag-aalala, nakikita ko sa mga mata niya na mahal na mahal ka niya kaya maniwala ka sa kaya niyang gawin para sayo. Maniwala ka sa kanya, Alyse…” ani Manang.
Gumaan ang loob ko. I have my own thoughts but coming from someone older is much more persuasive. I still have doubts and I don't think I won't stop doubting soon. My predicament is just so ideal if I let Alcazaren into the picture and expect for a smooth sail.
“Is that Amitty?” tanong ko sa sarili ko nang palabas na ako sa amin.
The girl's back is on me and she walked briskly after coming out of nowhere. Medyo nakita ko ang side ng mukha niya kaninang palabas din siya and she looks like Amitty, but her dress was so short and daring for the secretary Amitty. I've never even seen her wearing a skirt above the knee or a skin tight dress without sleeves.
“Amitty!” sigaw ko pero hindi niya narinig dahil tuluy-tuloy ang lakad ng babae.
Binilisan ko ang paglalakad para sana maabutan siya at makumpirma pero hindi ko na siya mahagilap sa kahit saan paglabas ng highway. My brows furrowed in confusion. Is my eyes playing on me?
Sino kaya ang pinuntahan niya dito? May kamag-anak ba siyang taga rito? Pero ang alam ko, taga dun siya sa kabilang siyudad. Tatawagan ko na sana si Alcazaren pero naunahan niya ako. My phone was already vibrating inside my bag and that's when I noticed several missed calls, all from him. Tss.
“The boss speaking, what can you do for me?”
“You can say yes to me and I can give you lots of babies-“
“Wrong number, bye.” Pinatay ko ang tawag at nangingiting pumara ng taxi at sinabi ko agad ang pangalan ng hospital. Panay ang vibrate ng cellphone ko sa daan hanggang sa makarating kami pero tinaob ko nalang.
“Why the f**k didn't you tell me? Nagsabay na sana tayong umuwi at hindi mo na sana kinailangan pang nag-taxi. And you lied to me!” Ang nagta-tantrums na Alcazaren.
“Chill, Collosus. Bumalik naman ako ‘di ba? Hindi ko lang sinabi sayo kasi alam kong yan ang sasabihin mo. At hindi ako nagsinungaling ah, hindi ko lang kasi inaasahan si mam Solen na bumalik ‘no.”
“You're paying me more than enough so I can now afford my taxi bills. Nakakahiya na kasi sayo, sobra sobra na nga ang sweldo ko dahil daig ko pa ang nag-oopisina tapos pati ba naman sasakyan? Nope. It's okay.” Dagdag ko.
Nang binigay kasi niya sakin ang ATM-oo ATM talaga- ko tas dun nakalagay ang pera, I was shocked with how much he deposited. Tinanong ko pero binigyan lang ako ng isang mahabang listahan ng rason niya.
“You always cook for me and you wash my dirty clothes. You're cleaning the whole condo… bla bla bla”
He wasted our time enumerating all I did for him because I/he wants me to know how the heck did that happen. He forced me to listen to every single thing he said to stop me from questioning, that's what he said.
“So? Manliligaw mo ako Hydra, kaya dapat lang na samahan kita kahit saan. Don't you even know how does courting works? You let me drive you anywhere and buy you anything you want until you got fed up. “ sabi niya na para ba akong batang pinaparangalan kung paano manligaw.
“Yan! Yan na nga ang sinasabi ko sayo, Alcazaren. Pagmumukhain mo akong gold digger niyan ah. Gago ka ba?” Anas ko.
Namutla siya sa sinabi ko. “Isn't that what boyfriends do? Pamper their woman? I-l’m sorry if that upsets you, I thought I'm being a gentleman but- what the f**k…” Tumalikod siya.
I was touched. Alcazaren was really vocal about his feelings and I like that about him. Na-guilty ako. Oo nga naman, he's just a gentleman so it's normal and it's me who's over thinking. Ugh.
Shutanginers!
“Sige na, sige na. Hahayaan na kita sa susunod, wag ka ng magmukmok diyan. Ayaw ko lang kasing sabihan ako ng gold digger eh wala nga akong pake sa business mo 'no. Hindi mo kasi alam ang feeling, kakagago kaya.”
“Hydra…you're with me. Don’t think of other people because they don’t matter. You shouldn't give a s**t because I don’t. Just me and you in this relationship.”
“Shuta naman oh. Oo na nga, babanat pa.” odd but simple words from Alcazaren make me smile.
“Good afternoon, Sir! Pumasok po kayo?” tumaas ang kilay ko sa gulat na expression ni Amitty. She looks worried of something. Kailangan bang sabihin lahat ni Collosus tuwing papasok siya?
Tinulak kami ni Mam Solen na bumisita naman sa company dahil ilang araw narin kaming absent kaya andito kami ngayon sa opisina.
May naalala ako. “Ah, Amitty may kamag-anak ka bang taga-squatter?”
“H-huh? W-wala naman. Bakit?” mas lalong lumikot ang tingin niya.
“Ahh. Akala ko kasi ikaw yung nakita ko kanina sa amin. Hehe pasensya na.”
Mabilis na tumango ang dalaga. Eh?
“Sir, may package nga palang dumating para po sa i-inyo. Kahapon pa po dito.” May inabot siyang box na katamtaman ang laki.
“What? From who?” hindi muna niya ito kinuha, tinitigan lang ng nakakunot-noo. Ako na ang humawak, mukha pang nag-aalangan si Amitty na ibigay sakin.
“Ash?” basa ko sa note. I thought she's in other country?
Alcazaren was about to snatch it from my hold but I was quick to move away. “Ako na magbubukas.”
“No. Give that back to Amitty, Hydra.”
“Bakit? Bibigay mo na naman sa kanya?”
“Yes…” nilahad niya ang kamay sakin kaya mas lalo kong itinago sa likod ko.
“Uh, Sir para daw po sa inyo yon. Pinagawa pa daw po niya sa isang sikat na pâtissier sa California.” Nakangusong sabi niya.
“O, kita mo para daw sayo tapos ibibigay mo sa iba? Ikaw talaga-“
“Hydra, c'mon…I don’t want her to hope again.”
“Sige na Sir, kunin niyo na po. Sabi naman po niya as a friend.”
“Narinig mo? Tara na nga.” Nauna na akong pumasok sa opisina niya para hindi na magreklamo.
“Tss. There's no reason for her to send gifts. I thought she's moving on? Why bother?”
“Syempre magkaibigan na kayo. Why are you so heartless? Parang regalo lang eh.” Binuksan ko ang box sa may table at tumambad ang mini cakes na chocolate.
“Wow. Sosyal talaga ng ex mo-“ nawala ito bigla sa harap ko. Shet!
Turning around, I caught my breath when Alcazaren’s lips met mine. Mabilis akong tumabi.
“Hoy! Namimihasa ka na ah?!” hinawakan ko ang labi ko habang masama ang tingin sa kanya.
“That's why you need to be my girlfriend soon. Ikaw din, baka hindi ko na hintayin ang sagot mo… tayo na.” Abot tenga ang ngisi ng gago. I kept on prying his hands away from me but he's stronger.
“Ah, bango naman ng Hydra ko. She made herself pretty for me, uhm?...”pumula ang pisngi ko nang siniksik niya ang mukha sa leeg ko. I'm not ticklish but I'm not used to someone doing that, reason why my heart was shocked too.
“Hi-hindi mo nga ako babe.” Anas ko nang makabawi.
“What do I call you then? Love? Sweetheart? What?”
Bumigay na naman ako! Tangina!
Inikot ko din ang kamay ko sa likod niya at dahan dahang yumakap. Mainit ang katawan niya, masarap yakapin- tss… malandi!
“Pwede ding laha- I mean ano…tengene. Hydra nalang kasi!” narinig ko ang tawa niya sa tenga ko. It was an amused one, causing me to feel embarrassed a bit.
Hindi kasi ako nasanay na nilalambing o may naglalambing sakin, maliban nalang kay Manang at ang mga bata. My past exes are not that sweet and they often only want to be physical which I don’t like. Kung yun lang pala ang hanap, bakit pa nanligaw diba? Andaming bugaw diyan.
“Asan na yung chocolates? Gusto kong tikman, sige na… ngayon na nga lang ulit makakatikim ng mamahaling chocolate eh.” Ungot ko.
Hinila niya ako paupo sa sofa tapos niyakap ulit ako patagilid.
“Tss. I'll just buy one for you. I don’t want you eating something that it's not from me.”
“Ha? That's not possible, Collosus. Tapos sayang naman kasi yun, walang kakain. Magsasayang ka lang ng pera, nandiyan na nga. Arte mo naman eh.”
“Aren't you jealous?” biglang tanong niya.
“Eh? Bakit sana?”
Hindi naman sila ah? Hindi pa naman kami. “Tsk. I want you to show me you're jealous, that you don't want anyone – any girl- giving me gifts like that. Para kasing wala kang pakialam sakin, pinamimigay mo pa nga ako. Hindi ko tuloy alam kung gusto mo talaga ako.”
“Gago ka ba? Huwag mong hintaying magselos ako dahil baka umuwi kang bugbog sarado, pfft. At baka gumapang ka na pabalik.”
Pero yung totoo, baka hindi ako maka-react pag nakita ko siyang may kasamang iba. Hindi ko pa naranasan magkagusto ng husto, ngayon lang.
“Uhm? I can take that. Para lang makita kitang nagseselos. Hindi mo alam kung paano ako matutuwa pag nakita kong ayaw mo akong napapalapit sa ibang babae.”
This time, I laughed so hard. “You really love me that much huh?”
Tumatawa-tawa pa ako dahil sa kalokohan niya. The sight of him pouting is so damn subtle but cute. Hindi siya madalas ganito, lalo na sa public at natatawa talaga ako pag ganyan siya.
“Don’t be so cocky, tss. But be honest to me Hydra, do you like me?” nailang ako sa titig niya sakin. Marahan niyang inangat ang paa ko at ipinatong sa hita niya. Gusto kong magsalita pero nanghihina ako.
His eyes are beguiling that I couldn't look away. I can't seem to talk with those black orbs looking through my soul, that even my heart can feel what his eyes are telling me.
I feel like crying. I never saw a man this expressive and Alcazaren baring himself to me is melting even my tallest walls. Damn.
I nodded.
“Words, Hydra.” Aniya.
“Yes, I like you. Very much, Alcazaren.” Marahan kong amin. Anong silbi ng pagtanggi di ba? Baka sabihan pa ako netong pakipot dahil nauna siyang umamin.
“Be mine then. I want to have my right as your man, officially.”
Fuck?