“Hydra Alyse? You still with me?”
I didn't notice I spaced out. Wala na talaga akong takas ngayon, akala ko lulusot ako eh.
“Hehe di pwedeng next week na ako sumagot? Pag-isipan ko muna?” he glared at me. Hehe joke lang po.
“You're not hesitating, are you? Iiwasan mo na naman ang tanong ko kapag pumayag akong next week mo ako sagutin, so I want to hear it now. Your answer is not different if you tell me now, anyways.” Hindi ako maka-tanggi sa tono niyang nag-uutos.
“Well…if you promise not to hurt me intentionally, then okay.”
“What okay? I'm not trying hard to court you if I'm just going to hurt you, tss. That's for dorks.” Umangat ang isang kilay ko.
“Sure ka? Ikaw din naman para kang nanggagago ah? Pfft, kung hindi ka lang cute… ugh.”
“Ano na nga? Yes or yes, Hydra? I'm getting really impatient.”
Dahil sa pinag-halu halong emosyon, hinampas ko ang balikat niya. Sheesh.
“Fine…”
“Totoo? Thank you…” paulit ulit siyang nagpasalamat, niyakap niya pa ako ng napakahigpit at sinubukan din akong halikan sa pisngi pero tinulak ko ang mukha niya ng natatawa. Pfft.
“Tigilian mo nga yan. You need to know me first, I'm bipolar sometimes…Basta kapag sinabi kong ayoko na, ayoko na ha?”
He went rigid. Naging seryoso ang mukha niya kaya nabahala ako. Ayaw niya ba? Is he going to back out? But his next words calmed me.
“I won't give you a reason to leave and I won't let you leave, Hydra. Now that you agreed to be mine, I will do everything to stay that way.” Napailing ako.
“Talaga ba? Bahala ka, mabait naman ako eh. From now on, the stage is all yours, Collosus.” Ngumiti ako.
Maybe, one chance. I'll give him one chance so I won't regret. Pagbibigyan ko ang puso ko ngayon tutal meron din naman akong nararamdaman para sa kanya. This is different from my past acquaintances, it's more serious and deep. I can't seem to let this go, I won't.
“Sabihin mo nga sakin, marunong ka bang magselos? I mean- may mga pinagseselosan ka ba?” from serious, naging playful ang tono niya.
“Tsk. Diyan ka magaling, sa selos selos na yan. Wala kang mapapala sakin pag ako nagselos ‘no. I don't talk much when I'm jealous and I love to ignore people. Hindi din naman ako masyadong nagseselos sa mga mabababaw na issues lalo na kapag tungkol sa past. I also respect privacies because I'm not comfortable talking about my past either…”
“B-but I want to know…and my past is not an issue to me. Gusto kong malaman kung ilan ang naging boyfriend mo nung high school- what do you look like in your uniform…How were you as a teenager.”
Shutanes! My friends back then are very girlish and my clothes for them are labeled as tomboyish. Jeans, boyfriend and skinny, converse and denim shorts are my usual outfit samantalang dresses naman sa kanila and sandals. Mas komportable kasi ako sa ganon at malaya akong nakakagalaw.
“Pfft. You wouldn't wanna know. I'm not your typical ideal high school girlfriend, I was really boring.”
“Nope. Gusto ko pa rin malaman.” Mapilit talaga ang isang ‘to.
“Akin na nga yung chocolates, gutom na ako.” Kinuha ko yun sa likod niya pero hindi naman nagsalita.
“Bakit hindi mo agad sinabi? I'll call Amitty.” Aniya habang kinukuha ang latest brand ng iPhone niya.
Hinayaan ko siyang mag-order. Pinira-piraso ko ang cakes para maghanap ng almonds or walnuts pero wala akong nakita kaya sinimulan ko nang kumain.
Nakakalahati ko na ang pangatlo nang kinuha ito ni Alcazaren sakin.
“Mabubusog ka na niyan. Hintayin mo na ang pinabili ko, sasakit ang tiyan mo kapag yan lang ang kinain mo, tss.”
Sumimangot ako. “Hindi naman. Noon nga-“ natigilan ako nang humalukipkip siya at mariin ang tingin sakin.
“Hehehe”
Hinintay namin ang pagkain habang nakasubsob na naman ang mukha niya sa leeg ko. Nilabanan ko ang ilang na naramdaman ko hanggang sa medyo humupa.
Bumalik din kami saa ospital nang hapon na. Nilampasan namin si Amitty na nakanguso sa selpon niya.
“Let's go out tomorrow.” Hindi yon tanong.
Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko habang papalabas kami ng basement, malaki ang ngiti niya, pft.
May nagsara ng pinto kaya sabay kaming napatingin sa may edad na babaeng nakatayo sa tabi ng isang mamahaling sasakyan.
“Mom?”
“Collosus! My son!”
Nagulat ako sa mabilis na lakad ng babae papalapit sa kinatatayuan namin, mas lalo na nang niyakap niya si Collosus ng mahigpit. Napatabi ako at binitawan agad ang kamay niya. Kinakabahan ako, s**t!
Oh my God! This is her mom? For real? Shutanginers!
Maganda parin ang hubog ng katawan ng mama niya, pati ang damit nagmumukha siyang dalaga. Her beauty is natural and even her make-up is a no make-up make-up.
“I missed you so much, Collosus. You said you're going to visit me but you keep on saying you're busy.” Nagtatampong sabi ng ginang.
“Mom, I visited you when I had a conference in New Jersey. I was really busy that time because we had a vacation before that so I had to stay at the office to cope up.”
“I understand, son. I just really missed you, you're all I have now.” Hinaplos ni Collosus ang likod ng mama niya.
“I missed your dad too.” Mrs. Alcazaren has a sad smile on her lips.
Oo nga. Saan yung daddy ni Alcazaren? “Me too. But I know he's happier wherever he is. We just have our memories to cherish, mom. Let's just try to be happy for him. ”
Shit, wala na pala yung daddy niya. Tumango ang mommy niya at kumalas habang pinupunasan ang kaunting luha.
“Oh. Mom, this is Hydra Alyse Dela Riva, my exceptional girlfriend.” Hinapit niya ako sa baywang at pinakilala sa mama niya. Exceptional mo muka mo. Parang may ibang meaning kasi yun eh.
I smiled awkwardly feeling like an interruption of their emotional meeting. Her mom peered at me, brown orbs looking me up from head to toe. Kinakabahan ako sa iniisip niya sakin. Damit palang, halata ng hindi kasali sa group of ‘friends’ ng mga Alcazaren.
“Hello, Hydra. I've been dying to meet you. Collosus here have been so chatty about you and I'm glad I've met you in my first day.” Natulos ako sa kinatatayuan nang halikan niya ako sa magkabilaang pisngi. Her eyes are soft while touching my arm.
“N-nice to meet you too, M-Mrs. Alcazaren.” Nauutal kong sagot.
Whew. Akala ko gigisahin ako. “Oh, sweetheart you can call me tita Yani. I can see my son is really into you. Ang ganda mo pala talaga, I thought Collosus just exaggerated.” Her eyes narrowed when she laughed her heart out.
“Told you.” Singit ni Alcazaren.
“Ah hehe hindi naman po gaano, sakto lang.” sagot ko.
“And she's humble too! I like it.”
Eh? Seryoso siya? I thought she's gonna rise her flag to protest because I'm not someone like Montero or a Mijares. Pero salamat at hindi siya ganun ka-choosy.
“So where are you going? Date?” Mrs. Alcazaren wiggled her eyebrows making me blush. Tumingin ako kay Collosus bago sumagot.
“Uhm, babalik ko kami sa hospital para bantayan si Joey, yung bata po na na-dengue.”
“Ah yes. Zaren told me that. How is he doing now? Nag-alala ako nang sabihin niyang nasa hospital siya, akala ko siya ang nagkasakit.”
“He's fine now, I already settled his meds and you panicked right away, mom kaya hindi ako makasingit.” Ngumisi ang mokong.
“Alright. Sasama sana ako but I still have jet lag so I'll just see you at home. You take care of Hydra, Collosus. We have many things to talk about tomorrow ,thus I need to meet you two often.” Kinindatan niya kami bago nag-beso. We watched her sashayed to her car and drove her way out of the parking lot.
Nagkatinginan kami, pinipigil ko ang hininga ko pero hinampas ko siya dahil nainis ako sa ngisi niya.
“Ugh. Ang pangit mo.”
“What? Wala akong ginagawa. I'm just happy that you met my mom on our first day though I already planned. Are you happy?”
Baliktad ang itsura naming naglalakad. Imbes na ako ang nakakapit sa braso niya, siya ang mahigpit na nakapulupot ang braso sa braso ko. Gets? I found it actually clingy and sweet. A perfect combination.
Collosus don’t actually mind acting like a girl even in a public place. Ang expression niya lang ang hindi nagbabago kaya hindi nawawala ang intimidating aura niya.
“Masaya naman pero grabe, ang ganda pala ng mommy mo, nakakatulala. Mas maganda pa sakin hihi akala ko nga kapatid mo eh. Ang bait pa kaya medyo nailang ako kanina. Her joviality is just so overwhelming.” Sinuklian noya ang ngiti ko bago binuksan ang pinto ng sports car.
“Uhuh, she said she'll meet us often so you'll get used to her. First time kong magpakilala ng babae sa kanya kaya siguradong hindi ka niya tatantanan. Pfft.”
Shutanginers. Lagot na.
“Sheesh, nananakot ka naman eh. Tss, kung mag-break nalang muna kaya tayo- Aray! Bakit ka ba nangangagat?!” sumama ang tingin ko sa kanya pero mas masama ang tingin niya.
Kinagat niya ang kamay ko kaya namumula na ngayon huhu. May print na ng mga ngipin niya ang kamy ko. “Tsk. Isang sabi mo pa ng ganyan, ibabahay na kita.”
“Joke lang naman yun eh.” Dabog ko pero marahan niyang inangat ang kamay ko at hinalikan.
“I'm sorry. Does it hurt?” Nag-iwas ako ng tingin. Hinalik-halikan niya ang namumulang parte na para bang mapapawi non ang sakit.
“Sa tingin mo matutuwa ako? Manlilibre? Tsk.”
Napanguso na naman siya. “I was just pissed that you keep on saying those words, tss… sorry na, mahal.”
Nagpaa-paawa siya kunwari at kung hindi lang 'to gwapo, sheesh…mahal pa daw? ‘Alangan naman mura?’
“Oo na…Alis na tayo.”
“Sabi na eh! Gusto mo ng nilalambing! You're just pretending to be grumpy all the time. I knew it.” Napatanga ako sa sigaw niya. Tuwang tuwa pa ang mga mata niya at ang labi niya, kasya na siguro ang platito dahil sa pagkakangiti.
At ano daw? Saan galing yon?!
“Anong pinagsasabi mo? Gusto mo na naman bang masapak?! Kung saan saan mo pinupulot yang mga yan.”
“Nuh-uh. You , being a sadist won't work on me anymore. Wag kang mag-alala, lalambingin kita kahit ang sungit mo sakin.” Humalakhak siya kaya umirap ako.
Bumalik kami sa ospital para magbantay ulit. Sabi ng doctor ni Byron, pwede na siyang makauwi sa susunod na araw. His vitals are in a stable condition so he's safe, for now.
“Mom wants us to join her tomorrow for breakfast. Nagpa-reserve siya sa Garden City.” Aniya habang kinakalas ang seatbelt.
“Oh my God. What time? Bakit daw? Should I wear a dress? Kailangan ko bang mag-“
“Hey, hey relax. Maghanda ka lang ng maaga, susunduin kita. She just wants us there and you don’t need to dress up. Baka mas lalo kang gumanda at pag-agawan ka pa don, ayoko. Just be you, Hydra.” Tinawanan niya ang pagka-taranta ko. Ang huling salita lang niya ang medyo nagpagaan ng loob ko.
“Kasi naman eh. Bakit ang bilis? Kanina ko lang siya nakilala ah?”
“She probably wants to know you more. Ganun talaga yun kaya masanay ka na. Ngayon lang siya may nakilalang babaeng close sakin so expect a lot of questions tomorrow.”
Bumalik ang kaba ko. Shutanes!
Hindi ako nakapag-salita nang lumabas na kami at hinatid niya ako sa loob.
“O Alyse, jowa mo na ba yan?” tiningnan ko si Kulas. Medyo pumayat siya ng konti at hindi na rin siya mukhang mananakma ng kahit na sinong babae. Seryoso siya, hindi gaya ng dati na lagi siyang may banat na nakakatawa kaya’t medyo nanibago ako.
“Ah hehe, hin-“
“Yes. Why?” sinulyapan ko ang Alcazaren na inis na naman.
“Wala naman.” Tumalikod si Kulas at hinarap na muli ang mga kainuman.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa bahay ni manang Ofel. “Oh, goodnight na. Baka andun na siya sa condo mo.” Sabi ko habang magkaharap kami.
“Tss, we have our house in a nearby village.” Nakahawak parin siya sa kamay ko.
“Ah.” Wala na akong alam idugtong. Nakatingin lang kasi siya sakin ng seryoso.
“I love you.”
“Hehe”
Kumunot ang noo niya sa sagot ko. “What?”
“Pfft. Wala, sabi ko labyu too hehe”
“That's more like it.” Yumuko sya at hinalikan ang noo ko. Kahit kailan talaga ang sweet ng gagong ‘to.
“Will see you tomorrow, okay? Behave.”
“Ano ako? Aso? Tss.”
“Oh, you're my good dog.”
“Siraulo ka ah!” pinirmi niya ang dalawang kamay ko habang tumatawa. Tsk.
“Kidding, babe. I'm your good man, no worries.”
Pinaalis ko na siya dahil panay ang halik niya sa pisngi at labi ko. Kung hindi ko pa siya binantaan na hindi magpapakita, hindi pa yun aalis. Ginising ko si manang Ofel na nakatulog sa lamesa para lumipat na sa kwarto. Magku-kwento sana ako kaya lang pagod na siya, bukas nalang.
Pagkahiga ko ay tumunog ang cellphone ko sa bag. Excited ko itong binuksan sa pag-aakalang si Alcazaren na naman ang nangungulit pero unknown number naman.
Nangunot ang noo ko sa nabasa. What the f**k is this? Ano na namang kabaliwan ito?