Bangag ako kinabukasan. Tinapos ko kasi ang isang Korean movie series kaya medyo late ako nagising. Halos mahulog ang cellphone ko sa kaka-vibrate sa maliit na bedside table.
‘Hey, babe. Goodmorning! Wakey wakey, sleepy baby!’
‘You up?’
‘Hindi ka nagrereply. -_-‘
Eh? Pwede ng alarm clock ‘to ah, kaso naka-vibrate. 43 messages tapos 36 missed calls. Tss. Nireplyan ko muna siya bago pumasok sa banyo.
Ginawa ko ang morning rituals ko bago bumaba. “Hindi ka maaga ngayon?” tanong ni manang.
“Napuyat po kasi ako Manang. Kakain daw po kami sa labas kasama ang mommy ni Collosus kaya susunduin niya po ulit ako.”
Nagulat si manang sa narinig. “Pinakilala ka na niya, Alyse? Ano? Hindi ka ba pinagsalitaan?”
“Mabait nga po manang eh. Sabi po niya gusto daw niya akong makilala pa. Kararating niya lang po kasi dito sa Pilipinas kaninang hapon at pagod pa siya kaya hindi kami masyadong nagkausap.”
Nakahinga si manang ng maluwag. “Mabuti naman kung ganun. Siguradong mas magugustuhan ka niya kapag magkakasama na kayo palagi. Ikaw pa.” kumpiyansang-kumpiyansa talaga si Manang.
“Sana nga po dahil pinakilala na ako ni Collosus bilang kasintahan. Para nga pong ang bilis eh.”
“Sinagot mo na pala? Akala ko gagapang muna ang binatang yon sa putik eh.” Tumawa si Manang sa sinabi niya.
“Kahapon lang din po sa opisina. At tsaka hindi po ako ganun ka-s*****a manang ah.” Umangal ako sa kanya.
Tinukso niya ako hanggang sa dumating si Collosus. Nakakahiya kasi ang dami dami niyang bilin. “Alyse ha, saka na ninyo planuhin ang magkaanak kapag kasal na kayo. Wag muna ngayon.”
Napatakip nalang ako ng mukha sa kahihiyan. Para na kaming mag-asawa kung magbilin siya! Kasasagot ko pa nga lang tapos… eeekk.
Manang saw how Collosus kissed me on my forehead as a good morning kiss.
“Alis na po kami Manang.” Naglakad na agad ako paalis habang kausap niya si Alcazaren. Baka kung anu-ano pang sabihin niya sa amin.
“Hydra!” hinabol niya ako at pinagsiklop ang mga kamay namin. “Why the hell are you always running?”
“Huh? Hindi naman ako tumakbo ah? Nauna lang kasi ako dahil baka kanina pa naghihintay ang mama mo, nakakahiya naman.”
“Tsss, excuses…”
Nilampasan namin sina Kulas at ang mga alipores niya, nag-iinuman na naman. Tulad kagabi, tinitingnan ako ni Kulas ng seryoso.
“Does that guy like you? He's been f*****g staring at you since last night.” Sumimangot siya.
“Yiie, inggit ka? Wag ka mag-alala, ikaw naman gusto ko.” Sinundot ko ang tagiliran niya, halata kasi ang pagpipigil niya ng ngiti.
“Gusto lang?” tumawa ako.
“Tsk tsk. Kaw lang mahal ko gago.”ngumiwi siya. “You're hot when you curse but not when you curse me.” Bago niya sinara ang pinto, humalik muna siya sa pisngi ko.
“Oy! Halik ng halik.”
Nagkulitan lang kami pabalik. I noticed, I don’t swear often anymore, sa isip ko lang. I think I'm learning how to use euphemisms. Natawa ako sa naisip. Tinawagan ko si Mam Solen nang nasa daan na kami at sinabi kong sa tanghali na kami dadalaw. Kinabahan na naman ako habang papalapit kami sa Garden City, isa sa mga five star restaurants dito sa siyudad.
“Do I look okay, Collosus? Baka mukha akong waiter doon? Shit.” I keep on fidgeting. First formal meeting namin ‘to kaya dapat hindi ako pumalpak.
Alcazaren scanned my usual I-don't-care outfit that I tried to make it more presentable. Nag denim skirt ako na shorts sa likod tapos navy blue off-shoulder na mahaba ang kamay. Ginamit ko din ang skin tone flat shoes ko.
“You look…”
“Ano?”
“…pretty- good enough to eat.” Makakahinga na sana ako ng maluwag pero bumanat na naman. “Ang gago mo.” Mangiyak ngiyak na nga ako dito tapos siya natatawa lang huhu.
“What? I'm just honest. Maganda ka naman kahit anong suot mo, pero yang skirt mo maiksi. Medyo ayoko. Dapat hindi mo na suotin yan, kapag tayo lang ang magkasama lang pwede. You should learn how to hide what's mine from the lustful eyes of other men.” His voice is stern and commanding.
Somehow, I am okay with him being possessive. Dati rati ayaw kong may nagsasabi sakin ng gagawin ko, ngayong siya ang ganyan, okay lang sakin. Parang mas gusto ko pa nga iyon eh. The way he selfishly wants me to focus only on him, stare only at him and care only about him is so damn endearing. Hindi lang ang pagmamahal niya ang nararamdaman ko kundi ang kagustuhan niyang siya lang ang mahalin ko.
Men like him are rare this days, given that he's from a wealthy family. Buti nga hindi siya pinangako ng mama niya sa ibang babae eh.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at binigay sa valet ang susi. Ako na ang humawak sa braso niya dahil medyo malamig ang kamay kong hawak niya.
Napatingin siya sakin sa ginawa ko. “Chill, babe. You already met her yesterday, bakit ka pa kakabahan? Hindi pa naman tayo ikakasal para-“
“Alcazaren! Hindi ka nakakatulong.” Inalo alo niya ako hanggang sa iginaya kami ng waiter sa may VIP booths ng resto. It has glass walls as a divider tapos yung mga tables ay glass din na pinatungan ng stylish tablecloth.
Mrs. Alcazaren greeted us with her beaming smile. Kumpara kahapon, mas blooming siya ngayon. Naka summer dress siya at may hat pa sa gilid. “Good morning, mom.” Nag-beso sila tapos hinalikan din niya ako sa pisngi.
“What a good morning, indeed. Nag-order na ako ng pagkain, ang tagal niyo kasi.” Pati ang pagtawa niya, may poise. Eh kung ako, parang balyenang kinikiliti. Shutanes.
Kimi lang akong ngumiti kay tita. “Magandang umaga po, tita. Sorry po natagalan kami.” Dadagdagan ko sanang na-late akong nagising kaya lang baka ayawan niya ako bigla.
“It's okay, hija. Ganyan din kami ng daddy nitong si Zaren noon. Kapag may dinner kami ng parents niya, palagi kaming nale-late dahil naglalambingan pa kami and you know…”
“Mom! Hindi mo kailangan ikwento ang mga ginagawa niyo ni dad noon. And we're not like that, tss.” Ako rin medyo nailang sa kwento ni tita.
Humagikhik siya. “I'm just saying son. Mapusok ang mga kabataan ngayon, hindi na umaabot ng kolehiyo-“
“Mom, Stop it! Baka mamaya hiwalayan ako ni Hydra dahil diyan sa ka-weridohan niyo. Our relationship is at stake here, mom. She just said yes.” Busangot ang mukha niya.
After a while, I relaxed on my seat. Her mother is really jolly. Ang dami dami niyang tinatanong, from my background hanggang sa pagkakakilala namin ng anak niya.
“We met at Jollibee.” Ani Collosus kaya napatingin ako sa kanya. Hindi sa daan? Dinekwatan ko siya nun ah, is he protecting me? Okay lang naman sa akin na sabihin niyang pickpocket ako.
Tumingin din siya sakin ng nakangiti. “She was with the street kids that time. Pinapakain niya ang mga batang kalye at nagta-trabaho siya sa palengke para may pambili. She enthralled me with her beauty and I was enchanted with her kind heart. She didn’t mind being tired of working just so she could provide for them even if they're not related. She's working three jobs everyday and she's amazing.”
Kung hindi ko lang naalala na kasama namin ang mama niya, baka nahampas ko na siya dahil pinapatulo niya ang luha ko. Paano niya nalaman ang mga yun? Hindi ko naman na-kwento sa kanya yun ah.
“Aaww. Come here, my dear.” Naiiyak din si Mrs. Alcazaren habang yakap-yakap ako. I wiped the edge of my eyes while we're hugging.
Nang kumalas siya, hinarap ko si Collosus. “Nakakainis ka. San mo ba nalaman yan?”
“Tss, I'm your boyfriend. Alam ko ang lahat sayo.” I pouted as he kissed me lightly. “Nandiyan ang mama mo, mahiya ka nga.”
“Oh, I don't mind. You two look cute together.” Kinikilig na sabi ng mama niya. I blushed profusely. Geez.
Paminsan-minsan akong sinusubuan ni Alcazaren kahit nanonood ang mama niya, hiyang-hiya tuloy ako.
Nag-kwento siya tungkol sa childhood ng anak niya. Pati ang mga nakakahiyang events noon sa school ni Collosus, tinawanan namin.
“Her grade three teacher called me habang nasa meeting kami ng papa niya noon. Sabi niya ayaw daw magsulat ni Collosus, wala daw papel at lapis. And then I asked why, she said “Hiningi daw po ng classmates niya ang papel pati lapis kaya wala siyang gagamitin. May pagsusulit pa naman po sila.” Turns out, sabi daw kasi ng teacher niya na masama ang maging madamot kaya lahat ng gamit niya ay binigay niya.” Humagalpak kami sa tawa.
Bata palang pala ang gagong ‘to, mapagbigay na. Kaya pala may orphanage at charity siya kahit napaka-yaman na.
Our breakfast is served but her stories kept going. Ang daming kapalpakan ni Collosus ang nasaksihan nilang mag-asawa hanggang sa mag-high school siya. Seryoso na daw siya noon pero may mga rumored flings daw. Nung college naman, sa ibang bansa daw siya nag-aral noon tapos doon na din nag-start ang pagma-manage niya ng business nila.
“How's Lashana na nga pala? I heard she left?”
Natigilan ako. “Yes, ma. She already accepted that we don’t stand a chance and I kept on telling her that.” Sagot ng katabi ko.
“Good ‘cause I also don’t like her for you. Her mother was a braggart, she keeps on saying they bought a ship blah blah blah… and then she notice d my bag sating that it's already an old design of Prada! My God!” marami pa siyang sinabi na ‘kayabangan’ daw ng mama ni Lashana. Hindi pala lahat ng mayaman, nagkakasundo.
Naiihi ako bigla. “Excuse me po, pupunta lang pong washroom.” Paalam ko. Akmang tatayo si Collosus nang pigilan ko. “San ka pupunta?”
“I'm coming with you.” Bumulanghit sa tawa ang mama niya.
My lips twitched. “Wag na, mabilis lang ako. Samahan mo na ang mama mo dito.”
“But-“
Magpo-protesta sana siya pero nilakihan ko ang mga mata ko. “Stay.”
Nginitian ko si tita at lumabas ng booth. Nagtanong ako kung saan ang CR sa waiter at may tinuro siya sa may gilid.
I did my thing inside and while washing my hands, my phone vibrated. Pinatuyo ko muna ang kamay ko bago binasa.
It was the unknown number again!
Unknown:
I'm warning you, b***h. Huwag ka nang makipaglapit kung ayaw mong masaktan! Social climber! Hindi ka nababagay sa kanya!
Nangunot ng husto ang noo niya. Tangina! Kahapon pa ito ah. Hindi niya alam kung pano nito nakuha ang numero niya dahil hindi naman siya mahilig mag-text at wala din naman siyang mga textmates.
Unknown:
Stay away from Zaren. Gold digger!
Yun ang mensahe na natanggap niya kagabi. Akala niya isa lang ito sa mga nagkakagusto sa lalaki pero hindi! Nasundan pa ito ng mga short messages na puno ng panlalait.
‘Dukha!’
‘Mukhang pera! Layuan mo na si Zaren, you s**t!’
Shutangina! Kahit kailan hindi niya pinangarap mapabilang sa mayamang pamilya! Collosus knows that. So why is this girl cursing her?
Nagngingitngit ang kalooban niya. Should I tell Alcazaren?