Lumabas kami ng restaurant na tulala parin ako. I'm still contemplating whether to tell Collosus or not. Kanina pa niya ako tinatapunan ng tingin pero hindi ako makapag-salita.
“Hydra hija, I'll get going now. May ka-meet pa ako sa BGC so I need to hurry. Ingat kayo sa daan.”
Tinanggap ni Collosus ang susi sa valet at pinapasok ako.
“Are you okay? Kanina ka pa tahimik, nag-aalala ako. Did something happen at the washroom? Your mood suddenly changed when you got back.” Sinalat niya ang leeg at noo ko.
Bumuntong-hininga ako sa pahayag niya. “Wala ‘to. Baka malapit na ang menstruation ko kaya biglang sumama ang pakiramdam ko.”
“Oh… What should I do then?” nagulat ako dahil hindi man lang siya naasiwa sa sinabi ko. I thought men are not comfortable talking about women's menstrual issues but I can't see any, kahit awkwardness wala. He looked rather concerned.
Lumamlam ang mga mata ko. “Wala, okay lang ako. Ganito talaga kapag may PMS ang mga babae, minsan wala sa mood.”
Ayaw kong malaman niya muna ngayon ang tungkol sa nagti-text sakin. Aalamin ko muna kung sino yon para alam ko ang sasabihin ko kung sakali. The sender may think I'm easy to scare. Nuh-uh, nagkakamali siya ng pinagbabantaan. Hindi ako tanga.
“Uhm…I love you.” Ngumisi ako. Lambing niya lang, okay na ako! Hanep.
Niyakap ko ang braso niya habang nasa steering wheel and kamay niya. “Love you too.” Ganun ang pwesto namin hanggang sa makarating kami sa ospital. Kinumusta ko sila at kinausap din ni Collosus ang doctor ni Byron.
Hindi matigil ang pasasalamat ni Mam Solen sa kanya dahil siya ang gumastos sa lahat. Nakipag-katuwaan din siya sa mga bata, may dala kasi silang chessboard at snake and ladder. Doon na rin kami nananghalian. Umani kami ng tukso nang malaman nilang sinagot ko na siya. Nagsusubuan kasi kami, pinilit niya lang ako, kaya sinabi na ni Alcazaren.
Hindi na naman kami pumasok sa opisina. Baka kawawa na si Amitty!
“Alyse, boyfriend mo na ba yan?” sigaw ni Kulas sa hindi kalayuan habang naglalakad na kami pauwi. Hindi sila nag-iinuman ngayon kundi nakatambay lang habang naninigarilyo sa gilid.
Sinulyapan ko si Collosus.
“Sasabihin ko ba?” bumalatay ang surpresa sa mukha niya. “Why are you asking me? You damn know I would love the world to know about us but you don’t want to be judged so it's all up to you.” Marahan niyang sabi.
I smiled at his thoughtfulness. “Okay.” Pagkatapos ay lumingon ako kay Kulas at tinanguan. Ngumiti ito ng tipid at bumalik sa usapan nila ng mga kasama niya.
“Tss. I don’t really like that guy. Hindi ako naniniwalang wala siyang gusto sayo. Don’t go near him, alright?” utos niya sakin.
Sinaway ko siya. “Mabait yun, ano ka ba. Matagal ko ng kilala si Kulas. Kahit maraming kabulastugan yon, may respeto naman. You just have to know him better. Uhm?”
He just frowned. Ano ba namang sagot yan. “Huy! Sumagot ka nga ng maayos.”
“What do you want me to say? You’re my boss but make sure you stay away from boys or I'm going to overrule.” Aniya.
“Sus, akala mo naman matatalo mo ako.”
Parang ayaw ko siyang umalis nang magpaalam na siya. Niyakap ko siya ng matagal at hindi ako bumitaw kaya tumawa siya.
“I think, I like you better when you're like this.”
Nagbilin siya ng marami bago umalis. “Magti-text ako kapag nasa condo na. Huwag ka munang matulog ah? Wait for my message or else…” binitin niya ang sasabihin at tumaas-baba ang kilay niya.
“Ugh. Just go. Makakatulog na ako mamaya dahil ang tagal mong makaalis.” Minsan pa siyang humalik bago umuwi.
Ngayon ko lang na-realize, ever since we became friends to lovers, my rock hard heart turned into a feeble and obedient one. Hindi ako naglalambing sa kahit na sino maliban kay Manang Solen, kahit sa mga naging kasintahan ko noong high school at two years sa kolehiyo. Ngayon, kulang nalang magsama kami sa iisang bahay para lagi na kaming magkasama. Hayyy.
The next days were okay. Nakalabas na si Byron at bumalik sa normal ang lahat. Sweet parin ang gago at mas lalong naging malambing. Pumapasok narin kami sa opisina pero naglilinis ako ng mabilisan sa condo niya sa umaga bago kami umalis.
The messenger continued sending me degrading words but I just keep on ignoring it. Isang mensahe lang ang nakakuha ng attention ko.
‘Hindi porke wala ako ay pwede mo na siyang landiin! f**k off, b***h. You’re no one.’
Is it Ash? But she already left? Sabi ni Collosus nagkausap at nagkaliwanagan na sila.
May binabayaran ba siya para ganituhin ako? Mayaman sila and tita she said her mother is arrogant, it is possible that she can't take her daughter's rejection. Tama tama.
Kung ganon, hindi ko hahayaang maapektuhan ako ng text lang. Alam niyang may relasyon kami ni Alcazaren kaya siguradong may mga spy siyang taga-sumbong. I thought she's trying to forget but the messages proved me wrong. Love, really is powerful that it can make you do impossible things for it.
“Alyse, hinihintay ka ni Sir Zaren. Hindi pa nagsisimula ang conference dahil kailangan ka daw don.” Ani Amitty.
Shit, oo nga pala!
Pinauna ko na siya kanina kasi sabi niya may meeting nga daw, yung na-postpone last week. “Ha? Bakit daw?”
“Huh? Akala ko alam mo? Sir Zaren said you are needed inside. Sige na, pumasok ka na sa loob baka mainip na ang mga directors.”
Oh my God. Bakit ba kasi ako kailangan don?
Sabay kaming pumasok sa conference room ni Amitty. Tumingin silang lahat sa amin tsaka sa lalaking nasa gitnang dulo ng long table. Alcazaren has a vacant chair beside him tapos isa sa hilera sa kanan, kay Amitty yata.
Nahihiya ako pero poker face lang ang pinakita ko kahit kay Alcazaren na wala din namang ka- emo emosyon, nakataas lang ang kilay.
“Who is she?”
“Bagong secretary ba ni Mr. Alcazaren?”
“She looks weird.”
I pretended not hearing them. Mukha nga talaga akong weird dahil sa punit punit kong pantalon at plain shirt, dinagdagan pa ng side bag ko, eh di mukha talaga akong weirdo. Malaking company ito ng isang Alcazaren tapos ganito ang suot ko? Pfft.
“Why am I here?” bulong ko pagka-upo. Tinalikod ko ang swivel chair kaya gumaya siya. “Because I want to.” He replied lazily.
“Gago ka ba? Hindi mo sinabi sakin na kasama ako sa meeting niyo. I am not even wearing an appropriate dress for this, ugh.”
“Well…you still look hot though.”
May tumikhim sa likod kaya napaharap kami. All of them are staring at us with their eyebrows raised that's why I fixed myself, nudging Collosus to start the meeting but he looks so lazy.
“Sorry to interrupt your discourse but it's already past nine. We have other things to do Mr. Alcazaren so if we may please…”
Tumango ang katabi ko at nagsimula na sila. It was about their branch in northern Luzon. May pinapatayo silang building doon but the owner of a banana plantation beside the site, which was supposed to be the second swimming pool’s emplacement, refused to sell the land.
“We can dismiss the second pool, we already have a large one at the back overlooking the city. Besides, hindi natin mapilit ang may-ari dahil dun sila kumukuha ng hanap-buhay.” Sabi ng isa.
Nakaupo lang ako, parang hindi gumagalaw habang ang katabi ko naman ay hawak-hawak ang kamay ko sa ilalim ng lamesa. He's drawing lines which I can't make out. Kinokompara din niya ang size ng kamay niya sakin tapos pinagsisiklop.
Tumango ang iba.
“No. We have more than a hundred of guests and if half of them decided to swim, one pool is not enough dahil magiging madumi ito kapag crowded masyado. Children are also an exception so we really need to think about this.” Sumagot ang lalaking hindi tumango kanina.
“But we can offer them an amount they can't resist. I'm sure this guy is not that tough. Human can't say no to gold.” Yung isang mukhang sira-ulo.
“What do you think, Mr. Alcazaren?”
Oo nga, kanina pa ‘to tahimik. “I will have to thoroughly review this matter as well as your suggestions. Will call you for another meeting when I figured this out. For now, meeting adjourned.”
Nagsitayuan ang mga borad members at maingay na lumabas. Wala nang nangahas na nagtanong maliban dun sa jerk-looking na isa.
“Mind introducing me to this beautiful lady, Zaren?”
Collosus snaked his hand around me and stayed there, obviously showing I'm his. “She's my business, Marco. f**k off.” Maanghang niyang sagot. Tinaasan ko din ng kilay yung Marco daw.
Hinayaan ko lang siya dahil ayaw ko din kausapin ang gagong 'to. Halata na nga kasing kilala na siya ni Collosus at hindi nito gusto.
“Oh, can't I know her too? I know you don’t keep girls and it's just one-“ nabigla kaming dalawa nang kinuwelyuhan siya ni Alcazaren at halos sakalin na.
“Hey, calm down Collosus. Huwag mo ng patulan.” Hinila ko ang braso niya pero ayaw bumitaw. Baka anong magawa nito sa lalaki. Napansin ko kasing mabilis uminit ang ulo niya kapag may ibang lalaki sa palagid. He always had this glaring eyes when we're in a crowd and his hands are around my waist.
“f**k you. You don’t f*****g talk about her like that or you'll f*****g find yourself buried. Alive.” Nakakakilabot ang tinig niyang banta making the guy pale and eyes frightened.
“I- I- I'm s-sorry.” Marahas niya itong binitiwan at halos tumakbo ito palabas. Mabuti nalang at kami lang ang natira-
“Uh, Sir okay lang kayo?” si Amitty!
Hindi sumagot si Collosus bagkus, hinila niya ako sa baywang at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Damn, his secretary is here! “Ugh, idjhst ctshtgs” he murmured incoherently.
Lumaki ang mga mata nito at namula ang pisngi. “Ah hehehe” nag peace sign ako at nahihiyang ngumiti. Mabilis itong naglakad palabas kaya nakita ko ang tenga niyang namumula din!
“Alcazaren, ano ka ba naman, nakakahiya kay Amitty! My goodness.” Hinampas ko ng mahina ang braso niya ngunit hindi parin siya bumibitiw.
“I'm still pissed.” He dragged me to the edge of the table and continued to hug me. Naka-upo siya ng bahagya at ako ang nakatayo.
“Ako rin naman. Mukha kasing m******s yun, nakaka-gago.” Sumbong ko.
“Tss. He's an asshole. Almost all of his damn employees slept with him and he even f*****g f****d one of my employees.” Humigpit ang yakap niya.
“What the hell!? Ganun yun ka-gago? Shutanginers.”
“Uhmm…”
After a few minutes, lumabas kami at naabutan namin si Amitty na may kausap na lalaking empleyado. Nahihiya siyang sumulyap sa amin.
“Hehe pasensya na kanina sa nakita mo ha. Wala lang yun.” Kahit na kaninang paglabas namin ay nakahawak pa ng bahagya si Collosus sa akin.
Tumango siya. “Ka-kayo na ba, Alyse?”
“Yes.” Sagot ni Alcazaren. Her jaw literally dropped.
“A-ah, wag mong pagkakalat, Amitty ha?” dinugtungan ko, baka i-chismis niya.
Ilang segundo siyang tulala. “Ha? O-okay. Congratulations.” Tapos ngumiti ito. Ang ganda pala niya kapag malaki ang ngiti.
“Ang ganda mo, Amitty.” Naisatinig ko pero namula ulit siya.
“Thank y-you.”
“You're more beautiful.” Bulong ni Alcazaren sa tenga ko.
“Sus. Bola.”
Papasok na kami sa opisina niya pero nag-vibrate ang cellphone ko.
“Teka lang.”
Nanginig ang kalamnan ko nang isang babae ang tumawag gamit ang cellphone ni Manang Ofel. Pagkarinig ko ng sinabi niya, hinila ko si Collosus papasok ng elevator.
“What's happening? Where are we going? Who called?” natataranta din niyang tanong habang nasa loob kami.
“Si-si Manang Ofel, na-food p-poison daw.” I can't even speak properly because my throat feels so dry.
“What?!” sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at humagulhol.
“Come. Let's go see her. I'm here. Hindi kita pababayaan.”
Pinapatahan niya ako sa sasakyan dahil hindi ako matigil sa pag-iyak. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya. She's my only family here, I can't lose her.
“Sshh, I'm here, babe. I'm here. I love you. I love you, Hydra. I won't leave you, I promise.”
Nanghihina akong inaalalayan ni Collosus sa corridor ng hospital. My legs are wobbly, masyadong mabigat ihakbang.
“It's good that she was brought here immediately. Pati ang mga kasama niyang nakakain ng expired na de-lata at yung pagkaing binili nila na may lason. We’re still studying the sample we got from the leftovers…” I zoned out.
Nakatulala akong nakatingin sa pintuan ng room ni Manang, nagbabadya na namang tumulo ang luha ko nang mag-vibrate ang hawak kong selpon.
Unknown:
That's what you get from being a s**t. Hindi lang yan ang kaya kong gawin kapag hindi mo nilayuan si Zaren! This is just the beginning, b***h.
Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at feeling ko makakapanakit ako ng tao. Gusto kong magwala…ng mabawasan naman ang matinding pagkamuhi sa dibdib ko. Manang Ofel is a very sensitive family to me and her, being harmed because of something she is not even involved is heartbreaking. Tangna. Ito ba ang consequences ng pakikipag-relasyon ko sa isang Alcazaren?