CHAPTER 08

1152 Words
Napalingon siya at agad bumungad sa kanya ang mukha ng lalaki. Niccolo is wearing his usual suit pero tila mas gumwapo ito sa paningin niya. Siguro dahil may mabuti itong ginawa para sa kanya. But hell yeah, he’s oozing with s*x appeal. “Niccolo… Thank you,” simula niya. “Thank you for helping me out.” Ngumiti ang lalaki at saka minuwestra na umupo siya. Sinunod naman niya iyon. Umupo siya sa mahabang sofa sa kanyang tabi. “You’re welcome. You want some wine?” tanong nito habang papalapit sa wine bar. Tumango siya. “I need something to calm my nerves. God, I thought I’m gonna spend the night in jail.” Nagsalin si Niccolo ng wine sa dalawang baso at ibinigay sa kanya ang isa. “You’re fine now.” “I don’t know what to do if you didn’t help me out. s**t! Nakakahiya talaga.” Hindi na niya napigilang makapagsalita ng Filipino. “It’s very humiliating.” Ngumiti si Niccolo. “I understand.” Napatitig siya rito. “You understand Tagalog?” Tumawa ang lalaki. “I mean, I understand how you feel. You’ve never had any experienced dealing with cops. Sure it’s a nightmare.” Kung makapagsalita naman ito ay parang sanay na sanay ito sa mga pulis. Pero baka nga naman sanay ito. He helped her out kanina. Mukhang alam nga nito ang pasikot-sikot tungkol sa mga pulis. “Ah by the way, how did you do it? I mean… you just called them and then poof! They let me go.” Curious talaga siyang malaman ang ginawa nito. “Got some connections inside the system, Abbey.” “Business connections?” Ngumiti muli si Niccolo at saka tumango. “Yes, you may say it’s like that.” “Connections… connections that I don’t have.” Uminom siya mula sa baso ng wine na hawak. Umupo si Niccolo sa kanyang harap. “So… maybe it’s my turn to know the truth?” “What truth?” “Drinking and driving.” “Oh…” naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Mukhang nais nito na makipag-Q and A portion sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilang mapainom mula sa wine na bigay nito. “Don’t tell me it’s about your friend,” patuloy na tanong ni Niccolo. “O-of course not. Also, I wasn’t really drinking. It’s just one martini.” Nagtaas ng kilay ang lalaki. Para bang sinasabi nitong hindi ito naniniwala sa kanya. She rolled her eyes. “Fine, it was about him and I drank that bottle of martini also because of him.” “Okay, I’ll join you.” Napatingin siya sa binata. “What do you mean join me?” “You need company. If you wanna get drunk, I’ll join you.” Napatitig siya sa lalaki. Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Niccolo. “Aren’t you busy? Why would you waste your time on me?” “It’s like you’re saying I should let you sleep inside the cell instead of helping you.” Ay grabe siya! Pero tama rin naman ito. Dapat pa nga ay magpasalamat siya sa mga tulong nito. “Well… I could use a friend now,” pag-aamin niya. If that’s Niccolo for now at least meron. Isa pa, wala pang pinapakitang masama si Niccolo sa kanya. Ang totoo ay napakabait pa nito sa kanya. He just helped her get out of trouble! Itinaas ni Niccolo ang glass wine nito. “So, let’s start the catharsis?” “Catharsis is such a strong word but...” She raised her glass as well. “Hell yeah, I’m in!” MABIGAT ang talukap ng matang napamulat si Abbey. Ginising kasi siya ng sakit ng ulo. Pakiramdam niya ay may isang bloke ng hollowblock ang nakapatong sa ulo niya. Damn it… Nagsisimula na kasing kumulo ang kanyang sikmura. May nakain ba siyang masama? Nang tuluyang mamulat ang mga mata ay bumungad sa kanya ang makinang na chandelier sa kisame. Since when siya nagkaroon ng chandelier sa kwarto niya? Panaginip. Maybe she’s just dreaming. Kaya naman ipinikit niya ang mga mata muli upang magising na. Pero habang nakapikit ay naramdaman ni Abbey ang isang braso na yumakap sa kanya. Kelan pa siya nagkaroon ng bedmate? Ah panaginip nga… Pero nang mas humigpit pa ang yakap ay doon na napamulat muli si Abbey. Nilingon niya ang kamay na nakayakap sa kanya pataas hanggang sa mukha ng lalaki. Yes! Lalaki! Katabi niya ang isang lalaki! At kamukhang-kamukha nito si Niccolo! Fuck… Si NICCOLO MORETTI nga ang lalaking yumayakap sa kanya! But why? Paanong magkatabi sila sa kama? At saka--- Napatingin siya sa ilalim ng kanyang kumot. Gusto niyang mapatili nang mapansing wala siyang damit! “WHAT THE HELL!” HINDI magkanda ugaga si Abbey sa pagbaba mula sa kama. Gamit ang kumot ay tinakpan niya ang kahubdan habang hinahanap ang damit. Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang lingunin ang nakahiga pang sa kama na si Niccolo. Hinablot nga pala niya ang kumot ngayon tuloy ay nakahubad na ito! Hubad na hubad! Hindi na namili pa ng tititigan ang kanyang mga mata. Dumeretso agad iyon sa sentro ng p*********i ni Niccolo. Sa pagkabigla ay napahawak siya sa kanyang p********e na natatabunan ng kumot. Talaga bang nakapasok iyon sa kanya? He’s huge! Tulog pa nga iyon eh. Paano na lang kung nagising? Paano na lang kung galit? Oh my goodness! Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Medyo nanglalagkit lang siya pero wala namang masakit sa kanya. Pero ano nga ba dapat ang pakiramdam ng babaeng na-devirginize? Kung pagbabasehan ang mga nababasa niyang nobela ay medyo masakit daw iyon. Pero mataas ang pain tolerance niya. Paano niya malalaman? Hoy babae! ‘Wag mo nang isipin ‘yan! You have to get the hell out of Niccolo’s room! Tama. Iyong ang dapat niyang gawin. Kasal na nina Monique at Jock mamaya in maybe less than six hours. She should get going! She tried her best to tear her gaze away from Niccolo’s body and continued searching for her clothes. Nang makita niya ang pantalon sa sahig ay agad niya iyong pinulot. Pero habang ginagawa niya iyon ay napansin niya ang isang kumikinang na bagay sa kanyang daliri. Diamond ring? Napasinghap siya sa ganda ng singsing na suot. Bukod sa eleganteng disenyo ay naghuhumiyaw iyon sa laki. Pero saan niya nakuha ang singsing? Wala siyang pagmamay-ari na ganoong mamahaling bagay. Pinilit niyang alalahanin kung saan niya nakuha iyon. She even closed her eyes to remember everything. There were lights. Wine… lots of wine. Music. People dancing. A club, for sure. Then I cried. I was telling Niccolo how I feel about my friend getting married. Then we went to a room. There was someone waiting for us. He was saying some ritual words I couldn’t remember. Then I said… I do. “Oh my god! Oh my god!” bulalas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD